Paanong matitiis ni Jeremy ang isang lalaki na gumagamit nang bastos na salita tungkol sa katawan ni Madeline? Nagdilim ang kanyang mga mata at ang kanyang mga salita ay parang yelo. "Kahit na simple lang kayong mag-isip at simple lang ang mga braso niyo, matalas ang paningin ninyo. Asawa ko nga siya." Narinig ang kanyang boses, at gamit ng kanyang matalas na pansinin, pinatumba niya ang tatlong siraulo nang may malakas na pwersa. "Atay, aray!" Sumigaw ang siraulong nagngangalang Nate. Tumulo ang dugo mula sa gilid ng kanyang bibig. Binawi ni Jeremy ang kanyang kamay at niyakap muli si Madeline, kumalat ang kaligtasan sa kanya. Unti-unting lumakas ang ulan, pero naramdaman ni Madeline ang isang mainit na kuryente na lumipat mula sa katawan ni Jeremy papunta sa kanya. Gumaan ang kanyang pakiramdam sa init na iyon. Kahit na wala siyang makita, matalim ang mga mata ni Jeremy at nakakapigil-hininga. "Kung gusto niyo pang mabuhay, humingi kayo kaagad ng tawad sa asawa ko."
Sa atakeng iyon, initsa ng lalaki ang kutsilyo sa sakit at gumulong sa lapag nang may namumutlang mukha. "Lumayas kayo!" Agresibong sabi ni Madeline. Sobrang natakot ang dalawa na nakakita sa pangyayari na tumalikod sila at tumakbo. Kaagad na nagtawag ng pulis si Madeline, pero pagkatapos makita ang dugo na tumutulo pa rin mula sa braso ni Jeremy at kung paanong umuulan pa rin, hindi na siya naghintay sa pagdating ng pulis. Dahil dito, dinala niya si Jeremy sa kotse. "Dadalhin kita sa malapit na health center para balutin ang sugat mo." "Paano mo nalaman na may health center sa malapit?" Nagulat rin si Madeline nang biglang tinanong ito ni Jeremy. Oo nga, paano niya nalaman? Ngunit totoo ito sa kanyang alaala. Kaagad niyang dinala si Jeremy sa health center base sa kanyang naaalala. Nang lumabas sila pagkatapos gamutin ang sugat ay malakas na ang buhos ng ulan. Sa sandaling iyon, nakatanggap si Madeline ng tawag mula kay Felipe, tinanong siya nito kung nasaan si
Mukhang nag-aalala si Jeremy pero hinahanap pa rin niya ang anyo ni Madeline sa gitna ng kadiliman. Kahit hindi na mahina si Madeline, nagulat pa rin siya nang biglang may biglang gumapang na butiki sa kanyang gilid. Hindi niya rin inaasahan si Jeremy na bigla na lang papasok nang natataranta. "Linnie? Anong nangyari sa'yo? Asan ka?" Kumapa-kapa si Jeremy sa kung saan-saan. May matinding pag-aalala sa kanyang tono. Nakatayo si Madeline sa gilid at nakita niya kung paano siya hinahanap ni Jeremy sa pagkalito habang lihim na nanginig ang kanyang puso. "Linnie, sagutin mo ko kaagad. Asan ka?" tanong niyang muli nang kinakabahan. Hindi na kayang manahimik ni Madeline. "Nandito ako." Sa sandaling marinig niya ang boses ni Madeline, sinundan ni Jeremy ang direksyon ng pinagmulan nito. Sa sandaling nahawakan niya ang katawan ni Madeline, niyakap niya ito nang mahigpit habang hinihiling na matunay siya papunta sa kanyang dugo. "Ayos ka lang ba?" Nanginginig ang kanyang mababang
Iniunat ni Jeremy ang kanyang kamay para kunin ito pero hindi niya nahawakan ang baso nang ilang saglit. Nang makita niya siya na nahihirapan, hindi mapakali ang puso ni Madeline sa kung anong dahilan. Hinawakan niya ang kamay ni Jeremy at nilagay ang tasa sa kanyang palad. Ang pagdikit ng kanilang balat sa maikling sandali na ito ay nagpatulala kay Jeremy. Naramdaman niya ang mainit at malambot na palad ni Madeline sa likod ng kanyang kamay nang ilang sandali. Ang ginger tea na dumaloy sa kanyang lalamunan ay naging matamis. Inabot ni Madeline ang kanilang basang damit sa proprietress at nang makabalik siya ay naubos na ni Jeremy ang kanyang ginger tea. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana. Naglakad siya papunta sa kanya, at nang magsasalita sana siya ay biglang kumati ang kanyang ilong. Lumihis siya para bumahing. Lumingon ang ulo ni Jeremy ay tinignan siya nang nakakunot ang noo. "Ms. Montgomery, kung hindi maganda ang pakiramdam mo, mauna ka nang magpahinga. Wag kan
Naningkit ang malalamig na mga mata ni Felipe sa kanya. "Anong ginagawa mo?" tanong niya pabalik nang may malamig na boses at madilim na ekspresyon. "Sa akin na si Eveline. Wala na siyang kinalaman sa'yo, Jeremy. Isipin mo ang ginawa mo kay Eveline noon. Kung hindi dahil sa'kin, abo na lang ngayon si Eveline." Mabigat na tumama sa puso ni Jeremy ang mga salita ni Felipe. Kung hindi siya niligtas ni Felipe, baka sumakabilang-buhay na siya… Si Felipe ang nagbigay kay Madeline ng pagkakataon na mabuhay muli. Para bang biglang nahigop ang lahat ng lakas ni Jeremy. Binitawan niya si Felipe. "Jeremy, tandaan mo ang sinabi mo. Wag mo nang guluhin si Eveline." Nag-iwan ng huling paalala si Felipe bago tumalikod habang dala-dala si Madeline sa kanyang mga braso. Habang pinapakinggan ang papalayong mga yabag, pakiramdam ni Jeremy ay para bang alon sa dagat si Madeline na unti-unting nawawala sa labas ng bintana. Naging nakaraan na lang niya ito at hindi na niya ito maaabot kahit ka
Nang mahahawakan na niya ang balat ni Madeline ay inatras niya ang kanyang kamay. "Madeline, kung kaya mong palitan ng pangalan mo at mabuhay muli, ako rin." Tumawa si Felicity nang mahina, ang kanyang mga mata ay mas lalong naging madilim. "Madeline, hindi talaga ako papayag na magkaroon kayo ni Jeremy ng pagakakataon na magkasamang muli… Maghintay ka lang. Balang araw, papatunayan ko sa'yo na ako ang mananalo sa huli!" Mabangis siyang nangako kay Madeline na mahimbing na natutulog bago palihim na umalis ng kwarto. …Pagkatapos magpahinga ng dalawang araw, nakabalik na ang isipan ni Madeline. Nang maalala niya kung anong nangyari sa hotel sa gabing iyon, tinawagan niya si Jeremy. Walang sumagot ng tawag pagkatapos ng mahabang oras. Sinubukan niyang tumawag muli, pero pareho lang ang naging resulta. Habang naisip niya na direktang puntahan para linawin ito ay lumitaw si Felipe sa kanyang harapan. Malambing ang kanyang mga kilay habang mahina siyang nagtanong, "Eveline,
Nakita ni Madeline ang likod ni Felipe na nakaharap sa kanya. Matangkad at balingkinitan ang kanyang katawan, pero isang nakakapangilabot na aura ang lumalabas sa kanyang katawan. Sa kabilang banda, kalmadong nakaupo si Jeremy sa upuan. Mukhang malumanay at tahimik ang kanyang mukha mula sa gilid. Ilang saglit lang, binuksan ni Jeremy ang kanyang bibig at nagsalita, "Alaala namin yun ni Linnie. Wala kang kinalaman dun." "Walang kinalaman?" Aroganteng tumawa si Felipe. "Asawa ko na si Eveline ngayon." Ang salitang 'asawa' ay tumusok sa puso ni Jeremy. Tinikom niya nang maigi ang manipis niyang labi at tahimik na tumingin sa harapan, hindi siya nagsalita nang kahit na ano. Nang makita niya na tahimik si Jeremy, tinaas ni Felipe ang gilid ng kanyang labi at ngumisi. "Jeremy, ikaw ang hindi nagpahalaga sa kanya sa simula pa lang, kaya wag ka nang umasa na mababawi mo pa si Eveline ngayon. Hindi ka nararapat para kay Eveline. "Wag ka nang umasa para kay Eveline. Hindi na ikaw an
Nabigla si Jeremy, hindi niya talaga napansin ang taong papalapit sa kanya. Higit pa roon, ang taong iyon ay ang kanyang pinakamamahal. "Jeremy, tinatanong kita. Bakit di mo sinasagot ang tawag ko?" Nagtanong muli si Madeline gamit ng kanyang walang emosyon na tono. Ilang segundo ang nagdaan bago sumagot si Jeremy, "Hindi ko alam na ikaw ang tinatawag, Ms. Montgomery. At mukhang wala naman nang kailangan sabihin sa pagitan nating dalawa." Nang makita niya ang malamig niyang pag-uugali na lumitaw na para bang gusto niyang putulin ang lahat ng relasyon sa pagitan nilang dalawa, napuno ang isipan ni Madeline nang mga salitang sinabi niya kanina. Kahit na malinaw na siya lang ang pumupuno sa kanyang puso at mga mata, sa sandaling ito ay hindi nabanggit ang mga bahay na iyon. Tumawa si Madeline, pero mainit ang kanyang mga mata habang nagsabing, "Jeremy, sigurado ka ba na wala lang sasabihin sa'kin?" Tahimik siyang umiling. "Wala ni-isa." "Sige, Jeremy. Kung yan ang sabi mo…"