Naningkit ang malalamig na mga mata ni Felipe sa kanya. "Anong ginagawa mo?" tanong niya pabalik nang may malamig na boses at madilim na ekspresyon. "Sa akin na si Eveline. Wala na siyang kinalaman sa'yo, Jeremy. Isipin mo ang ginawa mo kay Eveline noon. Kung hindi dahil sa'kin, abo na lang ngayon si Eveline." Mabigat na tumama sa puso ni Jeremy ang mga salita ni Felipe. Kung hindi siya niligtas ni Felipe, baka sumakabilang-buhay na siya… Si Felipe ang nagbigay kay Madeline ng pagkakataon na mabuhay muli. Para bang biglang nahigop ang lahat ng lakas ni Jeremy. Binitawan niya si Felipe. "Jeremy, tandaan mo ang sinabi mo. Wag mo nang guluhin si Eveline." Nag-iwan ng huling paalala si Felipe bago tumalikod habang dala-dala si Madeline sa kanyang mga braso. Habang pinapakinggan ang papalayong mga yabag, pakiramdam ni Jeremy ay para bang alon sa dagat si Madeline na unti-unting nawawala sa labas ng bintana. Naging nakaraan na lang niya ito at hindi na niya ito maaabot kahit ka
Nang mahahawakan na niya ang balat ni Madeline ay inatras niya ang kanyang kamay. "Madeline, kung kaya mong palitan ng pangalan mo at mabuhay muli, ako rin." Tumawa si Felicity nang mahina, ang kanyang mga mata ay mas lalong naging madilim. "Madeline, hindi talaga ako papayag na magkaroon kayo ni Jeremy ng pagakakataon na magkasamang muli… Maghintay ka lang. Balang araw, papatunayan ko sa'yo na ako ang mananalo sa huli!" Mabangis siyang nangako kay Madeline na mahimbing na natutulog bago palihim na umalis ng kwarto. …Pagkatapos magpahinga ng dalawang araw, nakabalik na ang isipan ni Madeline. Nang maalala niya kung anong nangyari sa hotel sa gabing iyon, tinawagan niya si Jeremy. Walang sumagot ng tawag pagkatapos ng mahabang oras. Sinubukan niyang tumawag muli, pero pareho lang ang naging resulta. Habang naisip niya na direktang puntahan para linawin ito ay lumitaw si Felipe sa kanyang harapan. Malambing ang kanyang mga kilay habang mahina siyang nagtanong, "Eveline,
Nakita ni Madeline ang likod ni Felipe na nakaharap sa kanya. Matangkad at balingkinitan ang kanyang katawan, pero isang nakakapangilabot na aura ang lumalabas sa kanyang katawan. Sa kabilang banda, kalmadong nakaupo si Jeremy sa upuan. Mukhang malumanay at tahimik ang kanyang mukha mula sa gilid. Ilang saglit lang, binuksan ni Jeremy ang kanyang bibig at nagsalita, "Alaala namin yun ni Linnie. Wala kang kinalaman dun." "Walang kinalaman?" Aroganteng tumawa si Felipe. "Asawa ko na si Eveline ngayon." Ang salitang 'asawa' ay tumusok sa puso ni Jeremy. Tinikom niya nang maigi ang manipis niyang labi at tahimik na tumingin sa harapan, hindi siya nagsalita nang kahit na ano. Nang makita niya na tahimik si Jeremy, tinaas ni Felipe ang gilid ng kanyang labi at ngumisi. "Jeremy, ikaw ang hindi nagpahalaga sa kanya sa simula pa lang, kaya wag ka nang umasa na mababawi mo pa si Eveline ngayon. Hindi ka nararapat para kay Eveline. "Wag ka nang umasa para kay Eveline. Hindi na ikaw an
Nabigla si Jeremy, hindi niya talaga napansin ang taong papalapit sa kanya. Higit pa roon, ang taong iyon ay ang kanyang pinakamamahal. "Jeremy, tinatanong kita. Bakit di mo sinasagot ang tawag ko?" Nagtanong muli si Madeline gamit ng kanyang walang emosyon na tono. Ilang segundo ang nagdaan bago sumagot si Jeremy, "Hindi ko alam na ikaw ang tinatawag, Ms. Montgomery. At mukhang wala naman nang kailangan sabihin sa pagitan nating dalawa." Nang makita niya ang malamig niyang pag-uugali na lumitaw na para bang gusto niyang putulin ang lahat ng relasyon sa pagitan nilang dalawa, napuno ang isipan ni Madeline nang mga salitang sinabi niya kanina. Kahit na malinaw na siya lang ang pumupuno sa kanyang puso at mga mata, sa sandaling ito ay hindi nabanggit ang mga bahay na iyon. Tumawa si Madeline, pero mainit ang kanyang mga mata habang nagsabing, "Jeremy, sigurado ka ba na wala lang sasabihin sa'kin?" Tahimik siyang umiling. "Wala ni-isa." "Sige, Jeremy. Kung yan ang sabi mo…"
Nagmaneho si Madeline papunta sa cafe kung saan siya makikipagkita kay Daniel. Pagkatapos mukha ang importanteng impormasyon ay parang naligaw si Madeline. Ang kotseng minamaneho ni Felicity ay pagmamay-ari ni Felipe. Magkakakilala sina Felicity at Felipe. Ang babaeng kamukhang-kamukha niya ay naging nobya ni Jeremy ngayon? Parang hindi nagkataon lang ang relasyon na ito. Tinignan muli ni Daniel si Madeline, pero ang pangungulila niya at nawala na kumpara dati. Ang kanyang pag-aalala ngayon ay nagmula na lang sa tunay na pagkakaibigan. Nang makita ang kanyang seryosong itsura ay nag-aalala siyang nagtanong, "Madeline, may nangyari ba a kotse ni Felipe kaya pinatignan mo to?" Inalis ni Madeline ang kanyang sarili sa kanyang isipan, pero hindi niya alam kung paano ito ipahayag. Nakita na niya ang isa pang mukha ni Felipe, ang lalaking kanyang pinagkakatiwalaan. Samantala, si Jeremy, ang lalaking kanyang pinagdududahan, tinatrato nang malamig at pinagdasal pa ng kalungkuta
Bahagyang tumaas ang magagandang mata ni Madeline habang tinignan niya si Felicity na nakangiti. "Ikaw si Ms. Walker, di ba? Palagi akong ganito magsalita. Kung hindi mo gusto ang pananalita ko, siguro wag ka nalang makinig. At saka ikaw na mismo ang nagsabi na ako ang ex-wife ni Jeremy. Dahil ako ang ex-wife niya, bakit ako magiging mabait sa ex-in-law ko?" "..." Hindi inasahan ni Felicity na ganito katuso si Madeline at nanahimik siya sandali. Nakatingin lang siya sa kanya nang may nasaktan na ekspresyon at walang magawa. Hindi gustong mapahiya ni Karen sa harapan ni Felicity at tknaas and kanyang kamay para turuan ng leksyon si Madeline. Ngunit nang tinaas iniunat niya ang kanyang kamay ay nagsalita si Jeremy, "Anong binabalak momg gawin?" Inaasahan ni Felicity na masasampal si Madeline at hindi niya inaasahan ang biglaang paglitaw ni Jeremy. "Ms. Montgomery, nandito ka ba para makita ako?" tanong niya kay Madeline. Tiningnan siya ni Madeline. "Oo." Napahinto si Jeremy
Habang tumatakbo si Madeline, lumitaw ang hindi mapipigilang alaala sa kanyang isipan. Ilang taon na ang nakalipas noong naglalakad siya sa daan, tahimik na nakasunod sa likuran ni Jeremy habang masayang nilalakbay ang daan na kanyang dinadaanan. Sa taong rin iyon nang pumasok siya sa main entrance ng Glendale University at nakabunggo ang isang matalino, gwapo, at malumanay na lalaki. Nahihiya siyang humingi ng paumanhin at sumagot siya na ayos lang daw ito. Ang kanyang nakangiti at malumanay na mga mata sa sandaling iyon ay malinaw sa kanyang isipan. Ang lalaking iyon ay si Jeremy. Sigurado si Madeline na isa ito sa kanyang mga alaala, pero hindi siya sigurado kung bakit bigla niya itong naalala sa sandaling iyon. Natataranta siyang tumakbo, ang mga salitang narinig niya ay umalingawngaw sa kanyang isipan. Nabundol ng kotse ang isang bulag na lalaki. Duguan ngayon ang lalaki at baka hindi makaligtas. Ang puso niya ay para bang iniipit nang mahigpit ng kung ano. Tumit
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jeremy noong marinig niya iyon. Alam niya na si Felicity ang tinutukoy ni Madeline, pero hindi niya alam kung anong itsura ni Felicity at nagulat din siya na kamukha ni Felicity si Madeline. 'Nagsasabi ba siya ng totoo?' Sa kabila ng mga pagdududa niya, ngumiti lamang si Jeremy. "Nakilala ko lang si Fel pagkatapos 'kong mabulag. Hindi ko nga alam kung anong itsura niya." "Fel? Palayaw niya ba yun? Mukhang napakaganda ng relasyon mo sa kanya, tama ba?" "..." Tinikom ni Jeremy ang kanyang mga labi. Hindi niya malaman kung anong ibig sabihin ni Madeline, pero ngumiti pa rin siya at tumango. "Oo, maganda ang relasyon namin ni Felicity. Nagkasundo kami agad noong una kaming magkakilala. Siya ang naging liwanag sa madilim kong mundo. Siya ang nagturo sakin kung paano magmahal ng tunay." Sinabi niya ang isang bagay na hindi niya pinaniniwalaan at pinilit niyang ngumiti. "Ms. Montgomery, kung pinapunta mo lang ako dito para tanungin