Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 631 - Kabanata 640

2479 Kabanata

Kabanata 631

Huminto ang kamay ni Yvonne sa sandaling bumukas ang ilaw. "Ikaw pala yan." Isang siguradong boses ang narinig mula sa likod."Pero di ko inasahan na maiinip ka at kikilos ka nang ganito kaaga." "..." Di makapaniwala si Yvonne nang makilala niya ang boses. Habang natatarantang tumalikod, pinanood niya si Madeline na maglakad nang elegante palapitsa kanya nang nakangiti. "Madeline Crawford!" Tulala si Yvonne nang dahan-dahang lumapit sa kanya si Madeline. Ang kamay na ginamit niya para hawakan ang unan ay biglang itinulak palayo. Nabigla siya nang akalain niya na nakakagalaw na si Old Master Whitman. Nang lumingon siya para tignan ito, nakita ng mga takot niyang mata ang nakakahumaling na mukha ni Jeremy! Natulala si Yvonne. Di siya makapaniwala na ang dalawang taong ito ang kasama niya sa kwarto. Unti-unti niyang napagtanto na nahuli siya sa isang patibong! Isa itong patibong na pakana ni Madeline at Jeremy. Hinihintay lang siya ng mga ito na kagatin ang pain! Nata
Magbasa pa

Kabanata 632

"Walang kinalaman dito si Linnie. Ang babaeng ito ang tunay na salarin." Pinadaan ni Jeremy ang malamig niyang titig kay Yvonne na nanginginig sa sulok. "Pwede kang manatiling nagtatago diyan, pero maipapangako ko sa'yo na di mo mababago ang katotohanan. Tingin mo ba maipagtatanggol mo pa ang sarili mo?" "..." Naguluhan si Karen. "Anong nangyayari? Sino itong babaeng ito?" Lumapit si Winston at pinunit ang maskara ni Yvon.e bago ito itulak patungo kay Karen. "Tignan mo nang maigi. Ito ang babaeng humampas sa'yo at nagnakaw ng pitaka at alahas mo!" Pagtingin niya sa tao sa harapan niya, natulala si Karen. "Yvonne!" "Di ako yun, Aunty Karen!" Natatarantang sumagot si Yvonne. "Si Madeline ang nagsagawa ng patibong para mapagbintangan ako! Di talaga ano yun. Wala akong ginawa! Ikaw ang aunt ko, ang tanging pamilya na mayroon ano sa Glendale. Bakit kita sasaktan at nanakawin ang mga gamit mo? Di talaga ako yun!" "Nahuli ka na, kaya bakit mo pa rin pinapasa ang bintang kay Linn
Magbasa pa

Kabanata 633

Lumingon din si Karen para tumingin at nagulat. "Old… Old Master?" Itinulak ng care worker si Old Master Whitman papasok ng kwarto. Kumirot ang labi ni Yvonne nang lamigin ang katawan niya. Maaaring wala sa pinakamaayos na kalagayan nito ang old master, pero matalas at mulat ang mga mata nito. Tinitigan niya nang masama si Yvonne at binitiwan ang mga salita nang mabagal ngunit malinaw. "Ikaw… noong araw na yun… ikaw yun, nakita ko. Tumakbo ka pababa dala ang isang jewelry box. May dugo sa kahon! Ikaw… gusto mong tumakbo… pero di mo inakalang nandoon si Mad-Madeline. Wala kang magawa, kaya nagtago ka sa flowerbed. Pagpasok ni Madeline… siya ang napagbintangan!" "..." Kahit na hirap na binanggit ang mga salita, malinaw ito at wala nang paraan si Yvonne na itanggi ito. "Ikaw! Narinig mo siya Yvonne! Paano mo pa naitatanggi na ikaw yun?" Habang nanggigigil, sinapal ulit ni Karen si Yvonne. Sumigaw si Yvonne at tumigil sa pagtutol nang hawakan niya ang kanyang pisngi. "P
Magbasa pa

Kabanata 634

Itinikom niya ang kanyang kamao nang nanlulumo bago niya biglang itulak palayo si Karen. Tapos tumakbo siya patungo sa gate. "Aray!" Nang mabigla, nabunggo ni Karen si Winston. "Bantayan mo si Grandpa, Linnie. Huhulihin ko siya." Kaagad itong hinabol ni Jeremy. "Ang p*ta na yan! Di dapat ako nag-alaga ng ganitong hayop!" Sumigaw si Karen. Tumingin ang care worker nang nahihiya kay Madeline mula sa likod ng wheelchair ng old master. "Paumanhin, Ms. Crawford. Nagkamali ako ng intindi sa'yo." "Ang pangalan ko ay Eveline Montgomery. Pwede mo akong tawaging Ms. Montgomery." Marahang sinabi ni Madeline. "Di kita sisisihin sa pagsabi ng katotohanan." Lumapit siya kay Old Master Whitman at ngumiti. "Ang tapang mo dun Grandpa. Di ko alam na nakakapagsalita ka na nang ganon katatas." Sumagot si Old Master Whitman nang may malalim na tingin. "Napagbintangan ka na naman, anak ko." Umiling si Madeline nang nakangiti. "Di magtatagal, maaayos din ang mga di pagkakaunawaan. Ayos lang s
Magbasa pa

Kabanata 635

Lumingon siya at nakatagpo ang masayang titig ni Madeline gamit ang kanyang gwapong ngiti. "Yun din ang masasabi ko sa'yo Linnie." "Sa kabila ng dismayado mong mukha sa entrance kaninang umaga, alam mo nang sinadya kong sabihin yun?" Tanong ni Madeline. Tumango si Jeremy at lumingon para maglakad palapit kay Madeline. Mukhang mas malambot sa liwanag ng buwan ang mata niya. "Bakit kita di paniniwalaan? Nagawa ko na ang malaking pagkakamaling ito noon. Di ko na ito uulitin pa." Ngumiti siya at bukal sa loob niya ang titig niya. "Sinabi ko na sa'yo noon, Linnie. Maniniwala ako sa'yo kahit na magsinungaling ka pa sa akin. Kahit impyerno o kawalan pa ito, basta nandoon ka, tatalon ako nang walang alinlangan." "Ganon ba?" Ngumiti si Madeline."Bakit mo pala ako tinalikuran at iniwan noong nahulog ako sa tubig nung araw na yun?" Nahulog sa tubig noong araw na iyon? Nagulantang si Jeremy. Tumalon siya nang walang alinlangan at hinila ito pabalik sa pampang. Sumakit nang sobra an
Magbasa pa

Kabanata 636

Umalog ang cellphone niya. Isa itong tawag mula kay Felipe. Pagpunta sa balkonahe, sinagot ni Madeline ang tawag at sinabi niya dito na ipaparehistro na niya ang divorce nila ni Jeremy kinabukasan. Natuwa si Felipe sa balita pero nabanggit niya ang panghihinayang niya na di niya masundo si Madeline dahil may kailangan siyang gawin bukas. Tinapos nila ang tawag at ipinikit ni Madeline ang mga mata niya habang nag-iisip nang hayaan niyang umihip sa mukha niya ang hangin. Mukhang ang mukha lang ni Jeremy ang tanging malinaw sa bawat alaala niya. … Maagand nagising si Madeline sa susunod na araw. Pagpunta sa kusina, nagluto si Madeline ng almusal para kay Jackson at sa mag-asawang Montgomery. Isa itong pambihirang pangyayari na lubos na ipinagpapasalamat ni Sean at Eloise. Mabuting balita para sa kanila na di natuloy si Madeline aa F Country. Sa ngayon, makikita pa nila nang madalas ang kanilang anak. Pagkatapos ng almusal, sinabi ni Madeline na makikipagkita siya kay Jer
Magbasa pa

Kabanata 637

Tumingala si Madeline para tignan ang pangit na ngiting ito. Di niya kilala ang lalaki, pero pakiramdam niya na nagkita na sila noon. Sigurado siya na isa siguro itong kaaway niya noong bago pa siya mawalan ng alaala, kung hindi di ito gagawa ng ganito kalala, lalo na ang magsabi ng mga katagang 'nagkita ulit tayo'. Umupo si Tanner para hilahin ang makinis na baba ni Madeline nang titigan niya ito nang may matulis at mapanuring titig. "Tsk. Ano? Di mo naaalala itong mabuting kaibigan mong ito?" Inilingon niya ang mukha niya para labanan ang pagkakahawak ni Tanner nang mukhang matikas. "Mabuting kaibigan? Sino ka para tawagin ang sarili mo na ganyan?" Nainis si Tanner. "Anong pinagyayabang mo, Madeline Crawford? Sasabihin ko sa'yo. Ngayong nasa kamay na naman kita, di na kita pakakawalan!" Tumayo siya at tinignan si Madeline nang natatakam mula sa taas. Kahit saang anggulo niya ito tignan, nakakabighani pa rin si Madeline. Hindi. Mas mabuting sabihin na mas gumanda pa siya
Magbasa pa

Kabanata 638

Ang kasamahan na yun ay malamang kalaban niya din. Sa sandaling mahulaan ni Madeline kung sino ang babaeng iyon, ibinaba ni Tanner ang linya at bumalik. Kumuha siya ng isang lubid para itali ang binti ni Madeline habang nagpatuloy siya sa pagsasabi ng masasamang bagay. "Maghintay ka lang diyan hanggang sa makabalik ako, Madeline. Pagkatapos, ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling!" Tapos tinakpan ni Tanner ang mata ni Madeline gamit ng isang tela bago umalis nang masaya sa pabrika at isinara ang pinto sa likuran niya. Sinubukang magpumiglas ni Madeline pero wala siyang napala. … Lumipas ang oras at alas nueve na. Sa town office, tahimik na naghintay si Jeremy. Habang pinapanood ang mga magkasintahan na masayang pumapasok nang magkahawak-kamay at lumalabas nang may matatamis na ngiti sa kanilang mga mukha, di mapigilang maisip ni Jeremy ang sandali noong nagparehistro sila ni Madeline. Tulad siya ng mga babaeng ito, puno ng pag-asa ang mga mata niya nang hangaan si
Magbasa pa

Kabanata 639

Inalis ni Jeremy ang telang nakatakip sa mga mata ni Madeline sa sandaling tinanong siya nito. Nang maramdaman niya ang liwanag, nakita din ang nag-aalalang mukha ni Jeremy sa mga mata ni Madeline. 'Talagang siya nga ito.' Tahimik na ibinulong ni Madeline sa loob niya, at nakaramdam siya ng kapanatagan sa kanyang puso. "Linnie, kumusta ka? Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Jeremy nang kaagad niyang tanggalin ang lubid na nakagapos sa braso at binti nito. Umiling si Madeline. Magsasalita na sana siya nang makita niyang puno ng dugo ang likod ng kanang kamay ni Jeremy. Tinignan niya ang bubog ng bintana at bigla niyang napansin na talagang sinuntok nito ang bintana. Nang makitang di siya sinagot ni Madeline, nagtanong ulit si Jeremy nang lalong nag-aalala. "Linnie, sinong nagdala sa'yo dito? Sinaktan ka ba ng taong yun?" Nahimasmasan si Madeline. "Isa itong lalaki. Tingin ko nakita ko na siya noon pero di ko na maalala ngayon." Tatayo na siya nang sabihin niya i
Magbasa pa

Kabanata 640

Kaagad na sinubukan ni Tanner na mag-isip nang natataranta nang tahimik siyang pumasok sa bakal na gate. Narinig niya ang mga boses ni Madeline at Jeremy na nag-uusap sa loob. Alam na ni Jeremy na siya ang dumakip kay Madeline. "MD alam ko talagang ginawa ko yun!" Pinigil ni Tanner ang inis niya. Tinignan niya ang mga bariles ng gasolina sa gate, nagkaskasan ang mga ngipin niya at umiling siya. Nakita ni Jeremy ang gamit para mabuksan ang pinto at kikilos na nangbiglang maamoy ni Madeline ang isang kakaibang amoy gamit ng matalas niyang pang-amoy. "Amoy gasolina." Lumingon si Jeremy. "Gasolina?" "Tumatapang ito nang tumatapang." Tumango si Madeline at bigla niyang nakita ang isang mapulang liwanag sa paligid. "May nagsimula ng apoy." Sa sandaling marinig ang boses ni Madeline, sinundan ng apoy ang daan ng gasolina at sa isang iglap, kumalat ito sa buong abandonadong pabrika! Di nila inasahang makakatagpo nila ang ganitong sitwasyon ulit. Kalmadong dinampot ni Jeremy a
Magbasa pa
PREV
1
...
6263646566
...
248
DMCA.com Protection Status