Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 621 - Kabanata 630

2479 Kabanata

Kabanata 621

Dahil dito, natuon ang titig ng lahat sa babaeng care worker. Kumabog ang puso ni Yvonne nang maalala ang eksena kung saan niya ninakaw ang jewelry box at pitaka bago tumakbo pababa ng hagdan. Nagkataong nadaanan niya si Old Master Whitman na tinutulak palabas ng guest room sa unang palapag. Nagkatinginan sila. Sobrang natataranta siya sa sandaling iyon para mapansin na may care worker sa likuran ni Old Master Whitman. Nang maisip na nakita siya, nanginig si Yvonne at napaatras. "Alam mo kung sinong nanakit sa akin?" Tanong ni Karen habang nakaturo kay Madeline, "Siya ba?" Nang naiinis sa paraan ng pagtatanong ni Karen, magsasalita na si Jeremy nang makita niya ang care worker na nakatingin kay Madeline habang tumatango. "Opo, siya po." Parehong si Madeline at Jeremy ay nagulat sa sagot nito. Nagulat si Winston at tinuro si Madeline. "Sigurado ka ba na siya yun?" Tumingin nang maigi ang care worker sa mukha ni Madeline at sumagot nang walang duda, "Siya yun. Ang bab
Magbasa pa

Kabanata 622

"Sigurado akong wala kang kinalaman dito. Naniniwala ako sa'yo," Taos-pusong sinabi ni Winston kay Madeline bago lumingon sa care worker, "Wag kang mag-alala. Kapag dumating ang pulis at nagtanong, sabihin mo lang sa kanila ang totoo at kung anong nakita mo." Takot na tumingin ang care worker kay Madeline at Jeremy bago ito tumango at umalis. Naiwan si Jeremy at Madeline sa kwarto. Maamo at kampante ang titig niya nang alisin niya ang braso niyang nakalapag sa balikat ni Madeline. "Naniniwala ako sa'yo Linnie." Ngumiti nang bahagya si Madeline. "Ang daming beses ko nang nalagay sa ganitong sitwasyon diba? Sanay na ako sa ganito." Sanay na sa ganito. Tingin ni Jeremy nakakatawa ang katagang ito. Nasanay na siya na mapagbintangan, ibig-sabihin nito na masyadong maraming paninira at kaso na ang pinagdusahan niya. Nang makita ang sakit at pagsisisi sa mga mata ni Jeremy, tumalikod si Madeline nang walang pake. Ayaw siyang guluhin ni Jeremy, at ayaw din nitong kaayawan p
Magbasa pa

Kabanata 623

Biglaan ang halik ni Felipe, at sa gulat ni Madeline, di niya mapigilan na maalalang nasa likuran nila si Jeremy. May nagsabi sa kanya na hinalikan lang siya ni Felipe para makita ni Jeremy, pero tahimik siyang sumakay ng kotse nang di nagsasalita tungkol dito. Sinulyapan ni Felipe ang nanlalamig ang mukha na si Jeremy habang nakangiti nang nanghahamak. Pinailaw niya ang kotse at pinaandar ito. Sa may passenger seat, di mapigilan ni Madeline na tumitig sa tao mula sa rear-view mirror. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, malinaw ang matinding kalungkutan at pagdadalamhati sa mukha nito. Makikitang di siya masaya pero pinipigilan niya din ito. Akala ni Madeline na ihahatid siya ni Felipe sa Montgomery Manor pero sa halip huminto ang kotse sa isang villa sa labas ng bayan. Sa pagkakaalala niya, di pa siya nakakapunta dito. Dinala ni Felipe si Madeline sa kwarto nito at pinagdala ang mga katulong ng mga gamit at damit pantulog. "Siguro napagod ka matapos asikasuhin ang old m
Magbasa pa

Kabanata 624

Paglapag niya ng cellphone niya, lumingon siya para buksan ang pinto. Sumalubong sa kanya ang katawan ni Felipe sa harapan niya. Habang suot ang isang maluwag na damit pantulog, ang kaakit-akit na buto nito sa leeg ay nakikita sa manipis na tela nito. Di maipaliwanag ang pagkailang ni Madeline na makita si Felipe nang ganito kahit na di siya nailang noong tanggalin niya ang damit ni Jeremy noong nakaraan. Ang itaas na bahagi ng katawan nito ay nakalabas pa noong ginamot niya ang sugat nito. "Pumunta ka ba para mag-goodnight, Felipe?" Ngumiti siya habang inaalis ang kanyang nasa isip. Ngumiti nang bahagya si Felipe at pumasok. Walang magawa si Madeline kundi bitawan ang hawakan ng pinto na ginamit ni Felipe para isara ang pinto sa likod niya nang makapasok siya. Lalong nabahala si Madeline nang marinig niyang sumara ang pinto. "May gusto ka bang sabihin sa akin Felipe?" Ngumiti nang bahagya si Madeline habang nakatayo sa tapat ng pinto. Tumalikod si Felipe. Nang makita
Magbasa pa

Kabanata 625

Nang mabuksan ang labas ng damit pantulog niya, pumasok ang lamig. Kahit na nakakahumaling ang aura ni Felipe, malinaw na malinaw ang isipan ni Madeline. Hinawakan niya ang dumadaang palad ni Felipe at magalang na tumanggi. "Pasensya na Felipe pero tingin ko hindi pa ako handa." Desididong umalis si Madeline mula sa pagkakahawak ni Felipe. Mas nakahinga na nang maluwag si Madeline ngayong magkalayo na sila. Habang pinipigilan ang inis niya, bumangon si Felipe at humingi ng tawad. "Patawad Eveline. Sumobra ako." Umiling si Madeline. "Di mo kasalanan, ako yun. Patawad at di ko maalala ang mga nangyari at ang damdamin na mayroon ako para sa'yo noon. Kaya…" "Ayos lang." Dinamayan siya ni Felipe nang nakangiti. "Wag mong pilitin ang sarili mo, maaalala mo rin ito balang araw." "Salamat Felipe." "Di mo kailangang magpasalamat sa akin, ikaw talaga. Kahit na di pa tayo rehistrado, naikasal na tayo at sa puso ko, ikaw ang asawa ko." Lumapit si Felipe para yakapin si Madeline
Magbasa pa

Kabanata 626

"Bahay ko ito! Bakit ko kailangang magtago sa'yo?" Sumagot si Karen. "Wala akong ginawang mali, kaya bakit ko kailangang magtago?" Sumagot si Madeline. "Ikaw…" "Bahay ito ni Linnie. Pwede siyang pumunta at umalis kung kailan niya gusto. Wag ka nang gumawa ng gulo." Naiinis na pinayuhan ni Jeremy si Karen. Tumangging magpatalo si Karen. "Naghiwalay na kayo kaya di mo na siya asawa. Paanong naging bahay niya ito?" Tumingin si Jeremy sa di natinag na Madeline bago magsalita. "Siya pa rin. Siya pa rin ang asawa ko sa batas." "Ano?" Nabigla si Karen at Yvonne, pati si Madeline at mukhang nagulat. "Ito ba ang pinangyarihan ng krimen?" Dalawang pulis ang biglang lumitaw at sumingit sa nalilitong Madeline. Kaagad na sumugod paharap so Karen. "Tama, officer. Ako ang biktima at itong babaeng ito ang pinaghihinalaan ko!" Tinuro niya si Madeline. "Siya ang nanakit sa akin. Ninakaw niya pa ang pitaka at alahas ko. Arestuhin niyo siya!" Nabalot ng galit ang mukha ni Jeremy. Tumin
Magbasa pa

Kabanata 627

Nang maitala ang pahayag niya, umalis si Madeline ng estasyon at nakita niya si Jeremy na naghihintay sa kanya sa tapat ng pinto. Nakatayo ito sa ilalim ng araw nang nakapikit ang mga mata. Mukhang malalim ang iniisip ng lalaki. Ang maayos na kulay ng pisngi nito ay may bakas ng pagkabata. Biglang lumitaw sa isipan ni Madeline ang isang pamilyar na eksena, na tila ba siya rin ay tumitig kay Jeremy mula sa malayo ilang taon ang nakaraan. Sinubukan niyang laliman ang pag-iisip tungkol dito, pero nagdulot lang ito ng sakit ng ulo. Alam niya na malamang ito ang epekto ng aksidente sa kotse. Siguro kapag naalala na niya ang lahat ng memorya niya doon lang maiibsan ang sakit. Lumapit dito si Madeline, at napansin na nakatingin si Jeremy sa wedding ring sa kaliwang palasingsingan nito. Puno ng paghanga ang mga mata ng lalaki nang masigla itong ngumiti. Kanina lang, sinabi ni Jeremy nang may kasiguraduhan na siya ang legal na asawa nito. Habang nagtataka, tanong ni Madeline,
Magbasa pa

Kabanata 628

Pagtingin niya nang maigi sa titig ni Jeremy, napansin niya na katulad ito nung dati. Mukha itong galit pero sa katotohanan natatakot siya at nag-aalala. Nagulat si Madeline nang mapagtanto niya ito. "Ayos ka lang ba Linnie?" Marahang tinanong ni Jeremy nang tulungan niyang bumangon si Madeline. "Ayos lang ako." Inayos ni Madeline ang kanyang damit. "Gusto kong bumalik at alagaansi Grandpa." "Ihahatid kita doon." "Okay." Di siya tinanggihan ni Madeline. Habang nasa biyahe pabalik, napuno ang isipan ni Madeline ng natatarantangtitig ni Jeremy na nagmukha itong galit. Dumating ang kotse sa vila at tumunog ang cellphone ni Jeremy. Sinagot niya ito at mukhang may mga bagay siyang kailangang asikasuhin. "Aalis lang ako saglit Linnie. Wag mo lang pansinin kahit anong sabihin ni mom." Pinaalala niya. Tumango si Madeline at lumingon para pumasom sa bahay nang di gaanong sumasagot. Kumunot ang noo ni Jeremy nang panoorin niyang umalis si Madeline, pinaalala sa kanya ang
Magbasa pa

Kabanata 629

Lumingon si Madeline at nakita si Jeremy na nakatayo sa pasukan. Kahit na nagulat siya na tumalikod pabalim si Jeremy, siniguro niya na walang niloloko ang mukha niya. Wala siyang pake kung narinig ba ni Jeremy ang mga sinabi niya. "Jeremy! Narinig mo ang sinabi ng babaeng ito diba? Umamin na siya! Umamin siya na sinaktan niya si Aunty Karen! Bakit ganito siya kasama? Kahit pagkatapos gawing ang ganitong klaseng bagay, may tapang pa siya na magpakainosente!" Kinuha ni Yvonne ang pagkakataon na pagmukhaing masama si Madeline. "Di ka naman siguro maniniwala na inosente siya diba, Jeremy? Kailangan lang pala ng panghahamon ko at inamin na niya ang lahat! Bakit ganito siya kasama?" Nag-alab ang apoy ng galit sa mga mata ni Karen. Tumitig si Jeremy sa matikas na Madeline at dahan-dahang naglakad palapit. Nagdilim ang tingin niya sa bawat hakbang, at naging dismayado ang mukha niya. "Di ako makapaniwalang ikaw talaga yun, Linnie." Mukhang naniwala siya dito. Nakangiti nang ma
Magbasa pa

Kabanata 630

"Sige." Sumunod si Madeline sa likuran ng mga pulis nang matikas. Paglagpas niya kay Jeremy, huminto siya at nanghahamak na nagtanong, "Ito ba ang di mapapantayang pagtitiwala mo?" Ngumisi siya nang tumawa siya. Nakita sa mga mata ni Jeremy ang malaki niyang ngiti. Napaalala nito sa kanya ang isang namumukadkad na rosas一maganda, simple at masigla. Palihim na lumangoy sa tuwa ang mata ni Yvonne nang panoorin niyang dalhin palayo ng pulis si Madeline sa kanilang kotse. Bumalik ang sigla ni Karen na parang nawala na ang mga maiitim na ulap. Nang lumingon siya at nakita niya si Jeremy na paalis, kaagad siyang tumakbo para pigilan ito. "Ngayon kita mo na ba ang tunay na kulay niya Jeremy? Di mo naman na gugustuhin ang ganyang babae diba? Ano ngayon kung pinagbintangan at sinaktan namin siya dati? Walang atraso sa kanya ang Whitman family. Dapat lang sa kanya yan!" Nagsalubong ang kilay ni Jeremy sa katotohanang talagang naniniwala siya na wala siyang ginawang kahit anong mali.
Magbasa pa
PREV
1
...
6162636465
...
248
DMCA.com Protection Status