Share

Kabanata 622

"Sigurado akong wala kang kinalaman dito. Naniniwala ako sa'yo," Taos-pusong sinabi ni Winston kay Madeline bago lumingon sa care worker, "Wag kang mag-alala. Kapag dumating ang pulis at nagtanong, sabihin mo lang sa kanila ang totoo at kung anong nakita mo."

Takot na tumingin ang care worker kay Madeline at Jeremy bago ito tumango at umalis.

Naiwan si Jeremy at Madeline sa kwarto.

Maamo at kampante ang titig niya nang alisin niya ang braso niyang nakalapag sa balikat ni Madeline.

"Naniniwala ako sa'yo Linnie."

Ngumiti nang bahagya si Madeline. "Ang daming beses ko nang nalagay sa ganitong sitwasyon diba? Sanay na ako sa ganito."

Sanay na sa ganito.

Tingin ni Jeremy nakakatawa ang katagang ito.

Nasanay na siya na mapagbintangan, ibig-sabihin nito na masyadong maraming paninira at kaso na ang pinagdusahan niya.

Nang makita ang sakit at pagsisisi sa mga mata ni Jeremy, tumalikod si Madeline nang walang pake.

Ayaw siyang guluhin ni Jeremy, at ayaw din nitong kaayawan p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status