Share

Kabanata 625

Nang mabuksan ang labas ng damit pantulog niya, pumasok ang lamig.

Kahit na nakakahumaling ang aura ni Felipe, malinaw na malinaw ang isipan ni Madeline.

Hinawakan niya ang dumadaang palad ni Felipe at magalang na tumanggi. "Pasensya na Felipe pero tingin ko hindi pa ako handa."

Desididong umalis si Madeline mula sa pagkakahawak ni Felipe.

Mas nakahinga na nang maluwag si Madeline ngayong magkalayo na sila.

Habang pinipigilan ang inis niya, bumangon si Felipe at humingi ng tawad. "Patawad Eveline. Sumobra ako."

Umiling si Madeline. "Di mo kasalanan, ako yun. Patawad at di ko maalala ang mga nangyari at ang damdamin na mayroon ako para sa'yo noon. Kaya…"

"Ayos lang." Dinamayan siya ni Felipe nang nakangiti. "Wag mong pilitin ang sarili mo, maaalala mo rin ito balang araw."

"Salamat Felipe."

"Di mo kailangang magpasalamat sa akin, ikaw talaga. Kahit na di pa tayo rehistrado, naikasal na tayo at sa puso ko, ikaw ang asawa ko."

Lumapit si Felipe para yakapin si Madeline
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status