"Sige." Sumunod si Madeline sa likuran ng mga pulis nang matikas. Paglagpas niya kay Jeremy, huminto siya at nanghahamak na nagtanong, "Ito ba ang di mapapantayang pagtitiwala mo?" Ngumisi siya nang tumawa siya. Nakita sa mga mata ni Jeremy ang malaki niyang ngiti. Napaalala nito sa kanya ang isang namumukadkad na rosas一maganda, simple at masigla. Palihim na lumangoy sa tuwa ang mata ni Yvonne nang panoorin niyang dalhin palayo ng pulis si Madeline sa kanilang kotse. Bumalik ang sigla ni Karen na parang nawala na ang mga maiitim na ulap. Nang lumingon siya at nakita niya si Jeremy na paalis, kaagad siyang tumakbo para pigilan ito. "Ngayon kita mo na ba ang tunay na kulay niya Jeremy? Di mo naman na gugustuhin ang ganyang babae diba? Ano ngayon kung pinagbintangan at sinaktan namin siya dati? Walang atraso sa kanya ang Whitman family. Dapat lang sa kanya yan!" Nagsalubong ang kilay ni Jeremy sa katotohanang talagang naniniwala siya na wala siyang ginawang kahit anong mali.
Huminto ang kamay ni Yvonne sa sandaling bumukas ang ilaw. "Ikaw pala yan." Isang siguradong boses ang narinig mula sa likod."Pero di ko inasahan na maiinip ka at kikilos ka nang ganito kaaga." "..." Di makapaniwala si Yvonne nang makilala niya ang boses. Habang natatarantang tumalikod, pinanood niya si Madeline na maglakad nang elegante palapitsa kanya nang nakangiti. "Madeline Crawford!" Tulala si Yvonne nang dahan-dahang lumapit sa kanya si Madeline. Ang kamay na ginamit niya para hawakan ang unan ay biglang itinulak palayo. Nabigla siya nang akalain niya na nakakagalaw na si Old Master Whitman. Nang lumingon siya para tignan ito, nakita ng mga takot niyang mata ang nakakahumaling na mukha ni Jeremy! Natulala si Yvonne. Di siya makapaniwala na ang dalawang taong ito ang kasama niya sa kwarto. Unti-unti niyang napagtanto na nahuli siya sa isang patibong! Isa itong patibong na pakana ni Madeline at Jeremy. Hinihintay lang siya ng mga ito na kagatin ang pain! Nata
"Walang kinalaman dito si Linnie. Ang babaeng ito ang tunay na salarin." Pinadaan ni Jeremy ang malamig niyang titig kay Yvonne na nanginginig sa sulok. "Pwede kang manatiling nagtatago diyan, pero maipapangako ko sa'yo na di mo mababago ang katotohanan. Tingin mo ba maipagtatanggol mo pa ang sarili mo?" "..." Naguluhan si Karen. "Anong nangyayari? Sino itong babaeng ito?" Lumapit si Winston at pinunit ang maskara ni Yvon.e bago ito itulak patungo kay Karen. "Tignan mo nang maigi. Ito ang babaeng humampas sa'yo at nagnakaw ng pitaka at alahas mo!" Pagtingin niya sa tao sa harapan niya, natulala si Karen. "Yvonne!" "Di ako yun, Aunty Karen!" Natatarantang sumagot si Yvonne. "Si Madeline ang nagsagawa ng patibong para mapagbintangan ako! Di talaga ano yun. Wala akong ginawa! Ikaw ang aunt ko, ang tanging pamilya na mayroon ano sa Glendale. Bakit kita sasaktan at nanakawin ang mga gamit mo? Di talaga ako yun!" "Nahuli ka na, kaya bakit mo pa rin pinapasa ang bintang kay Linn
Lumingon din si Karen para tumingin at nagulat. "Old… Old Master?" Itinulak ng care worker si Old Master Whitman papasok ng kwarto. Kumirot ang labi ni Yvonne nang lamigin ang katawan niya. Maaaring wala sa pinakamaayos na kalagayan nito ang old master, pero matalas at mulat ang mga mata nito. Tinitigan niya nang masama si Yvonne at binitiwan ang mga salita nang mabagal ngunit malinaw. "Ikaw… noong araw na yun… ikaw yun, nakita ko. Tumakbo ka pababa dala ang isang jewelry box. May dugo sa kahon! Ikaw… gusto mong tumakbo… pero di mo inakalang nandoon si Mad-Madeline. Wala kang magawa, kaya nagtago ka sa flowerbed. Pagpasok ni Madeline… siya ang napagbintangan!" "..." Kahit na hirap na binanggit ang mga salita, malinaw ito at wala nang paraan si Yvonne na itanggi ito. "Ikaw! Narinig mo siya Yvonne! Paano mo pa naitatanggi na ikaw yun?" Habang nanggigigil, sinapal ulit ni Karen si Yvonne. Sumigaw si Yvonne at tumigil sa pagtutol nang hawakan niya ang kanyang pisngi. "P
Itinikom niya ang kanyang kamao nang nanlulumo bago niya biglang itulak palayo si Karen. Tapos tumakbo siya patungo sa gate. "Aray!" Nang mabigla, nabunggo ni Karen si Winston. "Bantayan mo si Grandpa, Linnie. Huhulihin ko siya." Kaagad itong hinabol ni Jeremy. "Ang p*ta na yan! Di dapat ako nag-alaga ng ganitong hayop!" Sumigaw si Karen. Tumingin ang care worker nang nahihiya kay Madeline mula sa likod ng wheelchair ng old master. "Paumanhin, Ms. Crawford. Nagkamali ako ng intindi sa'yo." "Ang pangalan ko ay Eveline Montgomery. Pwede mo akong tawaging Ms. Montgomery." Marahang sinabi ni Madeline. "Di kita sisisihin sa pagsabi ng katotohanan." Lumapit siya kay Old Master Whitman at ngumiti. "Ang tapang mo dun Grandpa. Di ko alam na nakakapagsalita ka na nang ganon katatas." Sumagot si Old Master Whitman nang may malalim na tingin. "Napagbintangan ka na naman, anak ko." Umiling si Madeline nang nakangiti. "Di magtatagal, maaayos din ang mga di pagkakaunawaan. Ayos lang s
Lumingon siya at nakatagpo ang masayang titig ni Madeline gamit ang kanyang gwapong ngiti. "Yun din ang masasabi ko sa'yo Linnie." "Sa kabila ng dismayado mong mukha sa entrance kaninang umaga, alam mo nang sinadya kong sabihin yun?" Tanong ni Madeline. Tumango si Jeremy at lumingon para maglakad palapit kay Madeline. Mukhang mas malambot sa liwanag ng buwan ang mata niya. "Bakit kita di paniniwalaan? Nagawa ko na ang malaking pagkakamaling ito noon. Di ko na ito uulitin pa." Ngumiti siya at bukal sa loob niya ang titig niya. "Sinabi ko na sa'yo noon, Linnie. Maniniwala ako sa'yo kahit na magsinungaling ka pa sa akin. Kahit impyerno o kawalan pa ito, basta nandoon ka, tatalon ako nang walang alinlangan." "Ganon ba?" Ngumiti si Madeline."Bakit mo pala ako tinalikuran at iniwan noong nahulog ako sa tubig nung araw na yun?" Nahulog sa tubig noong araw na iyon? Nagulantang si Jeremy. Tumalon siya nang walang alinlangan at hinila ito pabalik sa pampang. Sumakit nang sobra an
Umalog ang cellphone niya. Isa itong tawag mula kay Felipe. Pagpunta sa balkonahe, sinagot ni Madeline ang tawag at sinabi niya dito na ipaparehistro na niya ang divorce nila ni Jeremy kinabukasan. Natuwa si Felipe sa balita pero nabanggit niya ang panghihinayang niya na di niya masundo si Madeline dahil may kailangan siyang gawin bukas. Tinapos nila ang tawag at ipinikit ni Madeline ang mga mata niya habang nag-iisip nang hayaan niyang umihip sa mukha niya ang hangin. Mukhang ang mukha lang ni Jeremy ang tanging malinaw sa bawat alaala niya. … Maagand nagising si Madeline sa susunod na araw. Pagpunta sa kusina, nagluto si Madeline ng almusal para kay Jackson at sa mag-asawang Montgomery. Isa itong pambihirang pangyayari na lubos na ipinagpapasalamat ni Sean at Eloise. Mabuting balita para sa kanila na di natuloy si Madeline aa F Country. Sa ngayon, makikita pa nila nang madalas ang kanilang anak. Pagkatapos ng almusal, sinabi ni Madeline na makikipagkita siya kay Jer
Tumingala si Madeline para tignan ang pangit na ngiting ito. Di niya kilala ang lalaki, pero pakiramdam niya na nagkita na sila noon. Sigurado siya na isa siguro itong kaaway niya noong bago pa siya mawalan ng alaala, kung hindi di ito gagawa ng ganito kalala, lalo na ang magsabi ng mga katagang 'nagkita ulit tayo'. Umupo si Tanner para hilahin ang makinis na baba ni Madeline nang titigan niya ito nang may matulis at mapanuring titig. "Tsk. Ano? Di mo naaalala itong mabuting kaibigan mong ito?" Inilingon niya ang mukha niya para labanan ang pagkakahawak ni Tanner nang mukhang matikas. "Mabuting kaibigan? Sino ka para tawagin ang sarili mo na ganyan?" Nainis si Tanner. "Anong pinagyayabang mo, Madeline Crawford? Sasabihin ko sa'yo. Ngayong nasa kamay na naman kita, di na kita pakakawalan!" Tumayo siya at tinignan si Madeline nang natatakam mula sa taas. Kahit saang anggulo niya ito tignan, nakakabighani pa rin si Madeline. Hindi. Mas mabuting sabihin na mas gumanda pa siya