Paglapag niya ng cellphone niya, lumingon siya para buksan ang pinto. Sumalubong sa kanya ang katawan ni Felipe sa harapan niya. Habang suot ang isang maluwag na damit pantulog, ang kaakit-akit na buto nito sa leeg ay nakikita sa manipis na tela nito. Di maipaliwanag ang pagkailang ni Madeline na makita si Felipe nang ganito kahit na di siya nailang noong tanggalin niya ang damit ni Jeremy noong nakaraan. Ang itaas na bahagi ng katawan nito ay nakalabas pa noong ginamot niya ang sugat nito. "Pumunta ka ba para mag-goodnight, Felipe?" Ngumiti siya habang inaalis ang kanyang nasa isip. Ngumiti nang bahagya si Felipe at pumasok. Walang magawa si Madeline kundi bitawan ang hawakan ng pinto na ginamit ni Felipe para isara ang pinto sa likod niya nang makapasok siya. Lalong nabahala si Madeline nang marinig niyang sumara ang pinto. "May gusto ka bang sabihin sa akin Felipe?" Ngumiti nang bahagya si Madeline habang nakatayo sa tapat ng pinto. Tumalikod si Felipe. Nang makita
Nang mabuksan ang labas ng damit pantulog niya, pumasok ang lamig. Kahit na nakakahumaling ang aura ni Felipe, malinaw na malinaw ang isipan ni Madeline. Hinawakan niya ang dumadaang palad ni Felipe at magalang na tumanggi. "Pasensya na Felipe pero tingin ko hindi pa ako handa." Desididong umalis si Madeline mula sa pagkakahawak ni Felipe. Mas nakahinga na nang maluwag si Madeline ngayong magkalayo na sila. Habang pinipigilan ang inis niya, bumangon si Felipe at humingi ng tawad. "Patawad Eveline. Sumobra ako." Umiling si Madeline. "Di mo kasalanan, ako yun. Patawad at di ko maalala ang mga nangyari at ang damdamin na mayroon ako para sa'yo noon. Kaya…" "Ayos lang." Dinamayan siya ni Felipe nang nakangiti. "Wag mong pilitin ang sarili mo, maaalala mo rin ito balang araw." "Salamat Felipe." "Di mo kailangang magpasalamat sa akin, ikaw talaga. Kahit na di pa tayo rehistrado, naikasal na tayo at sa puso ko, ikaw ang asawa ko." Lumapit si Felipe para yakapin si Madeline
"Bahay ko ito! Bakit ko kailangang magtago sa'yo?" Sumagot si Karen. "Wala akong ginawang mali, kaya bakit ko kailangang magtago?" Sumagot si Madeline. "Ikaw…" "Bahay ito ni Linnie. Pwede siyang pumunta at umalis kung kailan niya gusto. Wag ka nang gumawa ng gulo." Naiinis na pinayuhan ni Jeremy si Karen. Tumangging magpatalo si Karen. "Naghiwalay na kayo kaya di mo na siya asawa. Paanong naging bahay niya ito?" Tumingin si Jeremy sa di natinag na Madeline bago magsalita. "Siya pa rin. Siya pa rin ang asawa ko sa batas." "Ano?" Nabigla si Karen at Yvonne, pati si Madeline at mukhang nagulat. "Ito ba ang pinangyarihan ng krimen?" Dalawang pulis ang biglang lumitaw at sumingit sa nalilitong Madeline. Kaagad na sumugod paharap so Karen. "Tama, officer. Ako ang biktima at itong babaeng ito ang pinaghihinalaan ko!" Tinuro niya si Madeline. "Siya ang nanakit sa akin. Ninakaw niya pa ang pitaka at alahas ko. Arestuhin niyo siya!" Nabalot ng galit ang mukha ni Jeremy. Tumin
Nang maitala ang pahayag niya, umalis si Madeline ng estasyon at nakita niya si Jeremy na naghihintay sa kanya sa tapat ng pinto. Nakatayo ito sa ilalim ng araw nang nakapikit ang mga mata. Mukhang malalim ang iniisip ng lalaki. Ang maayos na kulay ng pisngi nito ay may bakas ng pagkabata. Biglang lumitaw sa isipan ni Madeline ang isang pamilyar na eksena, na tila ba siya rin ay tumitig kay Jeremy mula sa malayo ilang taon ang nakaraan. Sinubukan niyang laliman ang pag-iisip tungkol dito, pero nagdulot lang ito ng sakit ng ulo. Alam niya na malamang ito ang epekto ng aksidente sa kotse. Siguro kapag naalala na niya ang lahat ng memorya niya doon lang maiibsan ang sakit. Lumapit dito si Madeline, at napansin na nakatingin si Jeremy sa wedding ring sa kaliwang palasingsingan nito. Puno ng paghanga ang mga mata ng lalaki nang masigla itong ngumiti. Kanina lang, sinabi ni Jeremy nang may kasiguraduhan na siya ang legal na asawa nito. Habang nagtataka, tanong ni Madeline,
Pagtingin niya nang maigi sa titig ni Jeremy, napansin niya na katulad ito nung dati. Mukha itong galit pero sa katotohanan natatakot siya at nag-aalala. Nagulat si Madeline nang mapagtanto niya ito. "Ayos ka lang ba Linnie?" Marahang tinanong ni Jeremy nang tulungan niyang bumangon si Madeline. "Ayos lang ako." Inayos ni Madeline ang kanyang damit. "Gusto kong bumalik at alagaansi Grandpa." "Ihahatid kita doon." "Okay." Di siya tinanggihan ni Madeline. Habang nasa biyahe pabalik, napuno ang isipan ni Madeline ng natatarantangtitig ni Jeremy na nagmukha itong galit. Dumating ang kotse sa vila at tumunog ang cellphone ni Jeremy. Sinagot niya ito at mukhang may mga bagay siyang kailangang asikasuhin. "Aalis lang ako saglit Linnie. Wag mo lang pansinin kahit anong sabihin ni mom." Pinaalala niya. Tumango si Madeline at lumingon para pumasom sa bahay nang di gaanong sumasagot. Kumunot ang noo ni Jeremy nang panoorin niyang umalis si Madeline, pinaalala sa kanya ang
Lumingon si Madeline at nakita si Jeremy na nakatayo sa pasukan. Kahit na nagulat siya na tumalikod pabalim si Jeremy, siniguro niya na walang niloloko ang mukha niya. Wala siyang pake kung narinig ba ni Jeremy ang mga sinabi niya. "Jeremy! Narinig mo ang sinabi ng babaeng ito diba? Umamin na siya! Umamin siya na sinaktan niya si Aunty Karen! Bakit ganito siya kasama? Kahit pagkatapos gawing ang ganitong klaseng bagay, may tapang pa siya na magpakainosente!" Kinuha ni Yvonne ang pagkakataon na pagmukhaing masama si Madeline. "Di ka naman siguro maniniwala na inosente siya diba, Jeremy? Kailangan lang pala ng panghahamon ko at inamin na niya ang lahat! Bakit ganito siya kasama?" Nag-alab ang apoy ng galit sa mga mata ni Karen. Tumitig si Jeremy sa matikas na Madeline at dahan-dahang naglakad palapit. Nagdilim ang tingin niya sa bawat hakbang, at naging dismayado ang mukha niya. "Di ako makapaniwalang ikaw talaga yun, Linnie." Mukhang naniwala siya dito. Nakangiti nang ma
"Sige." Sumunod si Madeline sa likuran ng mga pulis nang matikas. Paglagpas niya kay Jeremy, huminto siya at nanghahamak na nagtanong, "Ito ba ang di mapapantayang pagtitiwala mo?" Ngumisi siya nang tumawa siya. Nakita sa mga mata ni Jeremy ang malaki niyang ngiti. Napaalala nito sa kanya ang isang namumukadkad na rosas一maganda, simple at masigla. Palihim na lumangoy sa tuwa ang mata ni Yvonne nang panoorin niyang dalhin palayo ng pulis si Madeline sa kanilang kotse. Bumalik ang sigla ni Karen na parang nawala na ang mga maiitim na ulap. Nang lumingon siya at nakita niya si Jeremy na paalis, kaagad siyang tumakbo para pigilan ito. "Ngayon kita mo na ba ang tunay na kulay niya Jeremy? Di mo naman na gugustuhin ang ganyang babae diba? Ano ngayon kung pinagbintangan at sinaktan namin siya dati? Walang atraso sa kanya ang Whitman family. Dapat lang sa kanya yan!" Nagsalubong ang kilay ni Jeremy sa katotohanang talagang naniniwala siya na wala siyang ginawang kahit anong mali.
Huminto ang kamay ni Yvonne sa sandaling bumukas ang ilaw. "Ikaw pala yan." Isang siguradong boses ang narinig mula sa likod."Pero di ko inasahan na maiinip ka at kikilos ka nang ganito kaaga." "..." Di makapaniwala si Yvonne nang makilala niya ang boses. Habang natatarantang tumalikod, pinanood niya si Madeline na maglakad nang elegante palapitsa kanya nang nakangiti. "Madeline Crawford!" Tulala si Yvonne nang dahan-dahang lumapit sa kanya si Madeline. Ang kamay na ginamit niya para hawakan ang unan ay biglang itinulak palayo. Nabigla siya nang akalain niya na nakakagalaw na si Old Master Whitman. Nang lumingon siya para tignan ito, nakita ng mga takot niyang mata ang nakakahumaling na mukha ni Jeremy! Natulala si Yvonne. Di siya makapaniwala na ang dalawang taong ito ang kasama niya sa kwarto. Unti-unti niyang napagtanto na nahuli siya sa isang patibong! Isa itong patibong na pakana ni Madeline at Jeremy. Hinihintay lang siya ng mga ito na kagatin ang pain! Nata
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si