Kaagad na sinubukan ni Tanner na mag-isip nang natataranta nang tahimik siyang pumasok sa bakal na gate. Narinig niya ang mga boses ni Madeline at Jeremy na nag-uusap sa loob. Alam na ni Jeremy na siya ang dumakip kay Madeline. "MD alam ko talagang ginawa ko yun!" Pinigil ni Tanner ang inis niya. Tinignan niya ang mga bariles ng gasolina sa gate, nagkaskasan ang mga ngipin niya at umiling siya. Nakita ni Jeremy ang gamit para mabuksan ang pinto at kikilos na nangbiglang maamoy ni Madeline ang isang kakaibang amoy gamit ng matalas niyang pang-amoy. "Amoy gasolina." Lumingon si Jeremy. "Gasolina?" "Tumatapang ito nang tumatapang." Tumango si Madeline at bigla niyang nakita ang isang mapulang liwanag sa paligid. "May nagsimula ng apoy." Sa sandaling marinig ang boses ni Madeline, sinundan ng apoy ang daan ng gasolina at sa isang iglap, kumalat ito sa buong abandonadong pabrika! Di nila inasahang makakatagpo nila ang ganitong sitwasyon ulit. Kalmadong dinampot ni Jeremy a
Sa sandaling bumitaw si Jeremy, nilamig ang kamay ni Madeline habang tila ba nahulog sa isang malamig na kawalan ang puso niya. Tinawag niya ang pangalan ni Jeremy ngunit wala siyang natanggap na sagot. Nang itulak siya ni Jeremy para makaligtas, nakarinig siya ng mahinang pagbagsak. Di niya alam kung ano ito pero naramdaman niya na nasaktan si Jeremy. Gumulong si Madeline mula sa kahoy na kahon sa sahig. Umubo siya nang nahihirapan. Nang di pinapansin ang napilayan niyang paa, kaagad siyang tumayo at tumakbo patungo sa pintong naharangan ng kahoy na kahon. "Jeremy, naririnig mo ba ako? Jeremy? Sagutin mo ako dali!" Natataranta niyang tinawag ang pangalan ni Jeremy, pero di siya makatanggap ng sagot bukod sa tunog ng nagbabagang apoy. Biglang nanlabo ang paningin ni Madeline. Sinubukan niyang itulak ang kahoy na kahon, pero walang nangyari. Natakpan ng itim na usok sa harap niya ang paningin niya at natabunan din nito ang paghinga niya at ang tibok ng puso niya. Nang maki
Hinawakan ni Madeline ang kamay ni Eloise, habang mukhang natataranta ang mga mata niya. "Nasaan si Jeremy? Talaga bang… talaga bang patay na siya?" Nagulantang saglit si Eloise nang makita niya ang mukha ni Madeline na natataranta at ang mga mata nito ay puno ng luha. "Eveline, binangungot ka ba?" Pinagaan ni Eloise ang loob niya at sinabi, "Nasaktan nang malubha si Jeremy, pero di naman nanganganib ang buhay niya." Matapos marinig ang sagot ni Eloise, biglang umayos ang tibok ngpuso ni Madeline. "Di siya patay?" "Hindi," Kinumpirma ni Eloise, "Pero ang binti at kamay niya ay sugatan. Tulad mo, nakalanghap din siya ng maraming usok kaya di pa siya nagigising." Lumalabas na isa lang pala itong bangungot. Lumalabas na wala pala sa panganib ang buhay niya. Biglang naramdaman ni Madeline na di na magulo ang tibok ng puso niya at ang sakit na sumusulasok sa kanyang puso ay kaagad na nawala. Pinagmasdan ni Eloise ang pagbabago sa mukha ni Madeline at tahimik itong naunawaa
Boses ito ni Winston. Kaagad na lumingon sa gilid si Madeline at tumayo sa likod ng pader. Habang mababa ang tingin niya, nakita niya si Jackson na kumukurap sa tabi niya habang nagtatakang nakatingin sa kanya gamit ng malaki at malinis na mata nito. Biglang naramdaman ni Madeline na parang may nagawa siyang mali at unti-unting uminit ang pisngi niya. "Mommy, anong ginagawa mo? Bakit di ka pumasok para makita si Daddy?" Inosenteng tanong ng bata. Namula ang makinis na pisngi ni Madeline. "Mukhang nagising na ang dad mo, kaya di na ako papasok." "Bakit?" Ikinurap ni Jackson ang malalaki niyang mata at di ito maunawaan. Yumuko si Madeline at hinawakan ang ulo ni Jackson habang nakangiti nang bahagya. "Jack, bata ka pa at di mo pa nauunawaan ang maraming bagay. Medyo pagod si Mommy at gusto pa niyang matulog. Pwede mong puntahan ang tatay mo pero pakiusap wag mong sabihin sa kanya na nanggaling ako dito." Lalong naguluhan ang bata ngunit masunurin itong tumango. Bumalik si
"Diba napuruhan ang binti niya? Paano siya nakalabas nang ganito kaaga?" Naalala ni Madeline na napuruhan ang kamay at binti ni Jeremy. Iniwasan ni Eloise ang titig ni Madeline nang lumapit siya para tulungan ito. Sinabi niya nang dahan-dahan, "Dahil sabi ng doktor na makakalabas na siya ng ospital, tingin ko wala na masyadong problema." "Ayos lang siya. Ayaw kong magkaroon ng atraso sa kanya," Walang bahalang sinabi ni Madeline, pinajita ang kagustuhan niyang maging malinaw ang ugnayan nila ni Jeremy. Ngumiti si Eloise at tumango, at di naglakas-loob na sabihin kay Madeline na malubha ang mga natamo ni Jeremy. Napuruhan ang kalamnan at buti nito sa binti at nahihirapan na siyang maglakad ngayon. Nawalan pa siya ng paningin at wala na siyang makita ngayon. … Pagbalik ni Felipe galing sa ospital, ang unang ginawa niya ay utusan ang kanyang mga tauhan na imbestigahan ang pagkadakip kay Madeline. Nang sundan ang daan kung saan nadakip si Madeline, nakita niya si Tanner na
Walang gana si Eloise na makipagtalo kay Karen. Itinaas niya ang tingin niya at tumingin sa maganda ngunit wala sa pokus na mata ni Jeremy. Bumuntong hininga siya at sinabi, "Jeremy, pwede ba kitang tanungin? Mahal mo ba ang anak ko?" Medyo nagulat si Jeremy sa tanong na ito. "Sagutin mo ako, mahal mo ba si Eveline o hindi?" Tanong ni Eloise habang nagamamadali ang tono niya. Lumambot ang mata ni Jeremy. "Oo naman, mahal ko siya." "Kung ganon, dahil mahal mo siya, sasabihin ko sa'yo. Babalik na si Eveline sa F Country bukas kasama niya. Felipe at baka di na siya bumalik." Pagkatapos nito ay nabalot ang mga mata ni Jeremy ng lungkot. "Alam ko." "Ganon na lang?" Gulat na tumingin si Eloise sa lalaking kalmado na sumagot. Ngumiti si Jeremy. "Ang di siya guluhin at di siya makasama ang pinakahuling bagay na magagawa ko para kay Linnie." Nagulat si Eloise nang marinig niya ito. Nang makita na hawak ni Jeremy ang hawakan ng hagdan at tumalikod para umakyat, humakbang siya
Iba pang bagay? Bago pa ito mapag-isipan ni Jeremy ay lumitaw si Madeline sa kanyang isipan. 'Linnie, tatlong buwan na ang nagdaan. Kumusta ka na kaya?' Sa sandaling ito ay may nagmamadaling naglakad sa tabi ni Jeremy. Bumangga ang taong ito sa kanyang balikat at nabitawan niya ang medical record card pati na ang examination report. "Sorry, nagmamadali ako." Humingi ng tawad ang lalaki at tumakbo papalayo. Hindi natuwa si Jeremy na biglang naputol ang kanyang mga iniisip. Yumuko siya para pulutin ang mga nalaglag na mga bagay. "Sir, sa'yo to?" Isang malumanay na boses ng isang babae ang narinig sa kanyang harapan. Pagkatapos, inabot niya ang medical record cars na nabitawan ni Jeremy. Tinaas ni Jeremy ang kanyang mga mata at papasalamat niya sana ito nang bigla siyang hinila ng babae sa braso at pinaatras siya. "Mag-ingat ka, may sasakyan," mabait niyang payo. Pagkatapos makatayo nang maayos ni Jeremy ay kaagad niyang binawi ang kanyang braso. "Salamat." "Walang a
Biglang napahinto ang paghahanap ni Jeremy sa narinig niyang tunog. Bahagya siyang nagulat habang marahan niyang tinaas ang kanyang mga mata na hindi na nakakasagap ng kahit na anong ilaw at kulay. "Ikaw? Kailan ka bumalik ng Glendale?" "Kahapon." Biglang nagkaroon ng liwanag sa mga malamlam na mata ni Jeremy pagkatapos niyang matanggap ang sagot na iyon.Mabagal siyang tumayo at hinarap ang lalaki sa kanyang harapan. "Kasama mo bang bumalik si Linnie?" Tinignan ni Felipe ang bulag na si Jeremy, sabay tumingin sa wedding ring na kanyang pinulot kanina. Pinaglaruan niya ito sa kanyang mga daliri at ngumiti. "Oo, kasama ko si Eveline." Pagkasalita niya, nakita ni Felipe ang tuwa sa mga mata ni Jeremy. Ngumiti siya at nagsabing, "Narito kami ni Eveline para isama si Jack sa F Country." Simpleng nabasag ang tuwa sa mukha ni Jeremy sa kanyang sagot. "Hindi ka na gustong makita ni Eveline, kaya mas maganda kung hindi ka na lilitaw sa harapan niya, lalo na sa kondisyon mo ngayon."