"May problema ba sa taong iyon? Bakit ayaw pumayag ni Felipe na magsama kayong dalawa?" Iniwasan ni Cathy ang nag-aalalang tingin ni Madeline. "Ang taong gusto ko ay may iba nang minamahal. Nag-aalala si Felipe na baka lalo akong malugmok kaya sinabihan niya ako na huwag na siyang gustuhin." Tinignan ni Madeline si Cathy na parang malalim ang iniisip. "Pero mukhang dinadala mo ngayon ang anak niya?" "..." Nagbago ang mukha ni Cathy nang tumingin siya sa paligid nang kinakabahan. Nang makita niya na wala sa pailigid ang mga bodyguard at katulong, hinawakan niya ang kamay ni Madeline at naglakad sa isang tabi. Nagmakaawa siya, "Evie, pakiusap wag mong sabihin kay Felipe. Papatayin niya ako. Pakiusap, di mo pwedeng ipaalam ito sa kanya Evie. Nagmamakaawa ako!" Di inakala ni Madeline na kikibo ang ganito si Cathy. Di rin niya inasahan na matatakot nang sobra si Cathy sa puntong isipin na baka patayin siya ni Felipe. Noon pa man ay isa nang kaaya-aya at matikas na maginoo si Fel
Nilamig ang buong katawan ni Cathy nang marinig niya ito. Pero dinaadan lang siya ng lalaki nang di man lang lumilingon. Ang malapad nitong balikat ay bumangga sa kanyang mahinang katawan at nanginig si Cathy sa pagtama nito. Pero di siya bumagsak dahil dumating ang bodyguard sa tapat ng pinto para dalhin siya palayo. Sa malamig at madilim na basement, nakatali ang kanang braso ni Cathy sa isang mabigat na kadena. May mga sugat na iba't iba ang laki sa kanyang katawan sa ilalim ng manipis niyang damit. Maputla ang kanyang mukha nang sumandal siya sa malamig na pader habang humihinga nang bahagya. Hinawakan niya ang tiyan niya gamit ng kanyang nanginginig at duguang daliri. Nang makaramdam siya ng init dito, isang maliit na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Cathy. Clank. Bumukas ang bakal na pinto ng basement. Isang sinag ng liwanag ang pumasok sa kwarto at tumingala si Cathy para makita ang isang lalaking nakaputi na lumalapit. Nakatalikod siya sa liwanag at mukhang maamo. At
Pumason si Felipe. Nang makita niya si Madeline, lumapit siya dito nang may marahang ngiti. "Eveline." "Bakit ang aga mong nakabalik?" Tanong ni Madeline nang nakangiti. Pero iba na ang tingin niya kay Felipe ngayon. "Nag-aalala ako sa'yo." Puno ng pagmamahal ang mga mata ni Felipe. "Iniwan ka ni Lillian kaya siguro nalulungkot ka, kaya gusto kitang samahan." "Malungkot? Oo, nalulungkot ako." Ngumiti si Madeline. Pagkatapos, tumingin siya nang diretso kay Felipe. "Pwede mo ba akong samahan na maglakad sa malapit?" "Syempre naman." Ngumiti si Felipe at tumango. Pagkatapos, sumunod siya kay Madeline sa kanto na puno ng mga nalagas na dahon ng gingko. Mayroong biglang pagbugso ng hanging ng taglagas at ang dilaw na dahon ng gingko ay lumipad na parang paru-paro bago malaglag sa lapag. Napansin ni Felipe na masama ang timpla ni Madeline pero naunawaan niya kung bakit. Si Lillian ang batang dinala niya sa loob ng siyam na buwan, at ngayon wala na siya. Siguro kakailanganin niy
Hindi natuwa si Felipe sa biglang paglitaw ni Jeremy. Pero di din niya inasahang magpapakita din ito nang may ebidensya. Kakakuha lang ni Jeremy ng report at papunta na siya kay Madeline. Pero bago pa siya makarating sa Montgomery Manor, nakita niya si Madeline at Felipe na naglalakad nang magkasama. Iniabot niya ang report. "Linnie, ito ang resulta ni Felipe sa huling beses na nagpa-check-up siya. Malinaw na sinasabi na ang blood type niya ay O habang ang sa'yo naman ay AB. Kapag ang isa sa mga magulang ay may O na blood type, di sila magkakaroon ng anak na may AB na blood type. Pero AB ang blood type ni Lily." Nagbigay si Jeremy ng isang siyentipikong paliwanag, kaya walang masasabi dito si Felipe. "Linnie, malinaw na kung sino ang tunay na ama ni Lily. Si Felipe ang gumagamit sa kawalan ng memorya mo at nagsisinungaling sa'yo." "Jeremy, nakakatuwa kapag ikaw ang nagsasabi ng salitang 'panggagamit'." Nanghamak si Felipe. Dumapo ang maamo niyang tingin sa mukha ni Madeline
"Felipe, anong sinasabi mo? Nagyayabang ka ba sa akin?" "Hmph." Suminghal si Felipe. "Gusto ko lang sabihin sa'yo ngayong umabot na ang lahat sa ganito, kailangan natin ng solusyon. Hihintayin kita kung saan pinatay si Lillian makalipas ang kalahating oras. Kapag nagpakita ka, ibibigay ko sa'yo ang lahat ng records ni Lillian mula sa sandaling ipinanganak siya. Kung hindi, edi kunwari na lang di kita tinawagan." Ibinaba ni Felipe ang linya bago pa makasagot si Jeremy. Tumayo si Cathy sa tapat ng pader ng study habang ang kanyang katawan ay puno ng pasa at sugat. Nag-isip siya bago tahimik na bumalik sa kanyang kwarto. Matapos mag-isip, kinuha niya ang kanyang cellphone at isinulat ang ilang salita… Di bumalik si Madeline sa Montgomery Manor pagkatapos niyang umalis. Naglakad siya nang walang patutunguhan sa kalsada. Sa kabila ng ingay sa paligid niya, nakaramdam pa din siya ng tagos sa butong lamig sa puso niya. Di niya kailanman inasahan na gagawin ni Felipe ang ganito
Pagkatapos iputok ang baril, naramdaman ni Madeline na parang may humihila sa kayang isipan. Kasabay nito, isang mahinang tunog ng pagbangga ang nasa isipan niya, at isa itong… pagbangga ng kotse. Kasunod nito, maraming mga alaala ang nagsimulang bumaha sa harap at likod ng mata ni Madeline, kasama na kung paanong dati niyang minahal nang sobra si Jeremy Whitman. Kahit na wala itong puso sa kanya, minahal niya pa rin ito nang lubusan. Tapos, isang imahe niya na ginagawa ang lahat nang walang reklami ang lumitaw sa kanyang isipan. Naalala na niya. Naaalala na niya ang lahat. Naalala niya din kung paano niya itinigil na kamuhian si Jeremy bago ang aksidente. Noong araw na iyon, sa harap ng bahay, narinig niya si Jeremy na bukal sa pusong sinasabi kay Jackson kung gaano siya nagsisi. Higit pa rito, ang pagiging taos-puso ng kanyang mukha ang nagpaalis ng poot niya dito. 'Di na ako galit sa kanya.' Naunawaan na ni Madeline sa wakas. Ang poot niya kay Jeremy pagkatapos nito
"Salamat sa pagligtas ng buhay ko Felipe, pero ngayon, ibinabalik ko na ito sa'yo." Nang marinig ito ni Felipe, tuluyan siyang napahinto. Hinawakan ni Jeremy si Madeline na nagdudugo at pumunta sa kotse na nakahinto sa tabi ng kalsada nang walang alinlangan. "Linnie, kumapit ka!" Puno ng luha ang mga mata niya nang tumakbo siya. Idinilat ni Madeline ang kanyang nanlalabong mata at nakita ang pag-aalala at takot sa mga mata ni Jeremy. Ito rin ang itsura niya noong sumuka siya ng dugo sa kalagitnaan ng engagement party ni Meredith. Unti-unting naunawaan ni Madeline. Natatakot si Jeremy, pero anong kinatatakutan niya? Takot ba siya na mamamatay siys?" Sa hospital. Umupo si Jeremy sa labas ng emergency room habang nababahala. Kahit na sa balikat lang ni Madeline tumsms ang bala, isa pa rin itong tama ng baril at di isang normal ba sugat. Makalipas ang mahabang oras, natapos na ang operasyon.Sinabi sa kanya na wala sa panganib ang bubay ni Madeline at naalis na din nil
Pinigilan niya ang paghinga niya at naramdamang tumagos ang basa sa kanyang pantalon. Itinaas niya ang tingin niya at tinignan ang likod ni Felipe. Pagkatapos hinawakan niya ang kanyang damit at tiniis ang sakit bago dahan-dahang maglakad palabas. Wala man lang siyang karapatan na tawagin ang pangalan niya kaya paano niya naiisip na bibigyan siya nito ng kahit katiting na awa sa sandaling ito? Pagkatapos makalabas ni Cathy ng kwarto habang tinitiis ang sakit, hinawakan niya ang pader at naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Si Mrs. Sawyer, ang kasambahay ay katatapis lang sa paglilinis ng kwarto at palabas na. Nang makita niya si Cathy.na naglalakad nang maputla ang mukha, nagulat siya. "Miss, ikaw ba一" "Wag mong sabihin kay Felipe." Buong-lakas na sinabi ni Cathy sa kanya. "Please, Mrs. Sawyer, pakitulungan akong bumalik sa kwarto ko." Di na nagtanong pa si Mrs. Sawyer sa problema ng amo niya kaya dalian niyang tinulungan si Cathy na makabalik sa kanyang kwarto. Kaagad n