All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 541 - Chapter 550

2479 Chapters

Kabanata 541

Nang marinig ang mga salitang ito, di mapigilan ni Madeline na kumunot ang noo. Itutulak na niya ang pinto nang biglang may humawak sa kamay niya. Lumingon si Madeline at nakita ang malambing na ngiti ni Felipe. "Tapos na ang proseso. Tara na." Hinawakan niya ito sa kamay at aalis na nang hawakan siya ni Madeline. "Felipe, may babae sa loob na inaapi ang isang matanda." "Di tayo dapat manigaalam sa problema ng ibang tao." Kumunot ang noo ni Felipe na parang nababahala siya, ngunit ang kanyang titig ay malambing. "Atsaka, di natin alam kung ano talaga ang nangyayari. Tara na." Tinignan ulit ni Madeline ang ward. Ang galit na mukha ni Yvonne at ang miserableng taong nasa wheelchair ay nagpabagabag sa kanya. Sinundan ni Karen si Madeline hanggang sa elevator, ngunit bago pa siya makapaglabas ng galit, sumara ant pinto sa harap niya. Nagmura siya sa galit at nang tatalikod na siya, bumukas ang pinto ng elevator sa gilid. Si Jeremy, na kakabalik lang mula sa police station,
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more

Kabanata 542

Matapos malaman na nakalabas na si Madeline sa ospital kasama ni Felipe, kahit na medyo kinakabahan si Eloise at Sean, di sila masyadong natataranta. Kahit na di nila kilala si Felipe, sigurado silang di sasaktan ni Felipe si Madeline. … Sa kabilang banda, kaagad na dinala ni Felipe pabalik si Madeline sa dati nilang apartment. Malinaw na alam ni Madeline ang apartment na ito. Pumunta siya nang kusa sa kwarto tapos nagpalit siya ng damit pambahay. Pinanood siya ni Felipe nang maigi mula sa isang tabi. Kahit na pakiramdam niyang bihira ang magkaroon ng amnesia, ang gawi ni Madeline ay mukhang nagpapakita na talagang nawalan siya ng bahagi ng alaala niya. Ang mga alaalang ito ay puro may kinalaman kay Jeremy. Tuluyan na niyang nakalimutan si Jeremy. Kahit pagmamahal o hinanakit man ito, hindi niya ito maalala. Para kay Felipe, mabuting bagay ito. Nang makitang biglang inimpake ni Madeline ang kanyang damit, lumapit si Felipe nang nagdududa. "Vera, anong ginagawa mo?"
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more

Kabanata 543

Nakinig si Sean at Eloise sa pagpapakilala ni Felipe nang mukhang umaasa. Nanlaki ang mga mata niyang Madeline sa gulat. "Tunay kong magulang?" Malinaw na nakalimutan niya ang tungkol dito. Ngumiti si Eloise at Sean habang pinipigilan ang sakit. "Eveline, kami talaga ang tunay mong magulang." Nang makita ang malungkot at nababahalang mata ng mag-asawa sa harap niya, unti-unting bumigat ang pakiramdam ni Madeline. Isang kamag-anak lang ang naaalala niya mula noong pagkabata niya at ito ay si Grandpa Len. Mula noong bata pa siya, kinainggitan niya ang ibang mga bata. Hindi niya naranasan ang pagmamahal ng magulang at di niya maisip kung anong itsura ng mga magulang niya. Lumalabas na ito ang itsura nila. "Vera, nakilala mo na noon ang tunay mong magulang bago ang aksidente. Ang tunay mong pangalan ay Eveline Montgomery." Seryosong ipinaliwanag ni Felipe. Unti-unting nahimasmasan si Madeline. Tapos sumimangot siya at sinabi, "Di ko talaga matandaan." Bumulong siya nang
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more

Kabanata 544

Noong una, medyo kinakabahan sila na tawagin si Felipe. Atsaka, pinaalalahanan sila ni Jeremy na si Felipe ay isang delikadong tao. Pero mula sa nakikita nila, mukhang elegante at maginoo si Felipe. "Salamat, Mr. Whitman." Pinasalamatan siya ni Eloise. "Walang anuman. Ang tanging hiling ko lang ay ang kasiyahan ni Vera," Sinabi ni Felipe nang may hiya, "Pero pakiusap wag niyong babanggitin ang pamangkin kong si Jeremy sa harap ni Vera." "Ang sugat na iniwan ni Jeremy kay Vera ay napakalalim. Walang kahit isang minutong masaya si Vera noong kasama niya pa ito. Ngayong pinili na niyang kalimutan si Jeremy, ito ang pinakamalaking patunay na si Jeremy ang pinakanakasakit sa kanya. "Atsaka, noong kami ni Vera ay nasa F Country, nagkaanak kami. Ang pangalan niya ay Lilian at ang palayaw niya ay Lily. "Gusto ko na talagang tapusin ang mga bagay dito at ibalik doon si Vera para iparehistro ang kasal namin, pero dahil nakilala na niya kayo, umaasa ako na siya ang magiging asawa ko b
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more

Kabanata 545

Hinawakan ni Jeremy ang balikat ni Madeline at tinawag niya ito nang may kaba at pag-aalala. Ngunit para bang di siya marinig ni Madeline. Nakatulala lang ito sa dalawang kotse sa harapan niya na naaksidente. "Linnie, ayos ka lang ba? Linnie, anong nangyayari sa'yo?" Lalong nag-alala si Jeremy. Mayroong bakas ng pagkataranta sa kanyang mga mata. "Hiss. Ang sakit!" Kumibo na si Madeline sa wakas pero hawak niya ang kanyang sumasakit na ulo habang tinatapik ito nang marahan. "Ang sakit ng ulo ko…" Nang makita ni Jeremy si Madeline na nakakunot ang noo at nasasaktan, nadurog ang puso niya. Binuhat niya si Madeline mula sa baywang nito, at dumaan siya sa madla na pinapanood ang aksidente, at dinala si Madeline sa kotse bago bumiyahe patungo sa ospital. "Wag kang mag-alala Linnie. Nandito lang lagi ako sa tabi mo para protektahan ka. Magiging ayos ka lang." Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline para pagaanin ang loob nito. Sumandal si Madeline sa upuan ng kotse at bumu
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more

Kabanata 546

Mas lalong nagulat si Madeline nang marinig niya ang mga salitang iyon. Maingat niyang tinitigan ang mukha ni Jeremy na para bang tinatanong niya kung siya nga ba talaga ang taong nasa kanyang harapan. Ngunit base sa sagot ni Madeline ay mas lalong nagsisi si Jeremy. Alam niya na masyadong matindi ang ibinigay niyang sakit at pinsala sa kanya. Inisip niya kung anong kailangan niyang gawin para mapagbayaran ang lahat ng ito. Dinala ni Jeremy si Madeline sa pinakamalapit na ospital mula sa mall. Pagkatapos niyang makita ang doktor, kaagad niyang napansin na ang doktor ay si Adam Brown. Kahit na iisa lang ang paaralan na pinasukan nila Adam at Jeremy noon, mabuti pa rin silang magkaibigan ni Daniel kaya bahagya siyang nababahala sa kanya. "Kailan ka pa naging psychiatrist?" Tanong ni Jeremy. Bahagyang ngumisi si Adam at simpleng naglabas ng isang card mula sa kanyang drawer. Nakasulat sa card na siya si Dr. Adam Brown, isang psychiatrist. "Wala lang akong magawa kaya nag
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more

Kabanata 547

Nagtanong ang hindi makapaniwalang si Madeline ay maingat na tumingin kay Jeremy. Sa kanyang isipan ngayon, iyon ang ang lalaking minahal niya pero hindi siya minahal pabalik. Sa katotohanan, kinaaayawan siya nito. Nakita ni Jeremy ang naguguluhang tingin ni Madeline. Hinawakan niya ang kanyang mga kamay at tiningnan siya nang may pagmamahal. "Linnie, wag kang matakot sa'kin. Hindi na ako muling gagawa ng kahit na ano na magpapalungkot sa'yo." Nakatulalang tinignan ni Madeline si Jeremy, hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumabas sa kanyang mga labi. Kamakailan lang, matindi ang galit niya noong hinawakan siya sa leeg at sinabihan na gusto niyang ipaghiganti si Meredith. Ang kanyang mga malalamig na mata ay tumagos sa kanyang mga buto. Para itong mga ice pick, pero ngayon… "Jeremy, a-ayos ka lang ba?" Nag-aalala si Madeline. Tinignan siya ni Jeremy nang may kirot sa kanyang dibdib. "Linnie, nagkamali ako. Hindi ko dapat pinaniwalaan ang kasinungalingan ni Meredith. Nag
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more

Kabanata 548

Sa puntong iyon, lumitaw ang luha sa mga mata ni Jeremy at nanlabo ang kanya panignin. Sa mga luha, nakita niya na mapula rin ang mga mata ni Madeline. "So, si Meredith ang masamang babae na nagpanggap na ako?" Sinabi ni Madeline ang kanyang hula. Bahagyang tumango si Jeremy nang may pagsisisi. "I'm sorry, Linnie. Nagdusa ka nang dahil sa'kin." Niyakap niya siya nang may katapatan, pagmamahal, at paghingi ng tawad. Umiyak na si Madeline at sumubsob sa dibdib ni Jeremy. Tumulo ang maiinit na luha sa kanyang mga pisngi. "Ang dahilan pala kung bakit mabuti ang trato mo kay Meredith ay dahil akala mo siya ako…" Diniin niya ang kanyang labi na basa ng mga luha. "Kahit na isa lang iyong mababaw na bagay na sinabi ko, sineryoso mo iyon at tinupad mo ang pangako mo. Ang saya-saya ko, sa totoo lang." Hindi siya sinisi ni Madeline sa kanyang mga nagawa at mas lalo lang sumama ang pakiramdam ni Jeremy. Dapat niya siyang sisihin. Kahit na nagkamali siya nang piniling tao, hindi siy
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more

Kabanata 549

Nang tinawag niya ang kanyang pangalan, kaagad na naglaho ang lambing sa mga magagandang mata ni Madeline at napalitan ng isang matalim na kinang. "Ikaw?" Tinignan niya si Jeremy nang may seryosong ekspresyon at pagkalito sa kanyang mga mata. "Saan ang lugar na to? Bakit mo ko dinala rito?" Nang marinig ni Jeremy ang sinabi niya, kaagad niyang naintindihan na nagpalit ng pagkatao si Madeline––ang pagkatao na wala siya sa kanyang alaala. Malinaw na ang pagkataong ito ay walang alaala ng pagkatao kanina. Kung hindi ay hindi sana siya titignan nang ganito kalamig. Kung naaalala niya ang mga iyon, maaalala niya na magkasundo sila sa nagdaang dalawang araw. Ang saglit na saya ni Jeremy ay parang mga paputok sa langit. Pagkatapos ng pagsabog, tanging nagyeyelong lamig lang ang natitira. Sa kanyang pagkatulala, bumitaw si Madeline sa kanyang mga kamay, tumalikod, at naglakad papalayo. Nahimasmasan si Jeremy at nagmadali na habulin siya. "Linnie, saan ka pupunta?" "Wag mo kong
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more

Kabanata 550

Dalawang araw na ba siyang nawawala? Bakit hindi niya maalala na nawawala siya nitong nagdaang dalawang araw? Naalala niya lang na pilit siyang hinila papalayo ni Jeremy sa tapat ng mall at nakita niya ang isang aksidente. Tapos bigla na lang, nandito na siya. Nanatiling nakatayo si Jeremy sa kanyang posisyon nang hindi gumagalaw habang pinapanood niya si Felipe na unti-unting naglaho kasama ni Madeline papunta sa dulo ng mataong daan. Tahimik na umapaw ang kaba at nakakabaliw na selos sa kanyang malulungkot na mga mata. 'Linnie, hindi na kita hahayaang mawala sa'king muli. 'Hindi pwede.'…Sinundan ni Madeline si Felipe pabalik sa apartment. Pagbalik nila, hawak pa rin ni Madeline ang bookmark. Umalingawngaw ang mga salita ni Jeremy sa utak niya, "Linnie, kung na sa'yo pa rin ang bookmark, ibig sabihin may pakialam ka pa rin sa'kin sa kailaliman ng puso mo." 'Ano ba ang bookmark na to?' Pagpasok niya sa lugar, tinanong ni Madeline si Felipe ng isang diretsong tanon
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
PREV
1
...
5354555657
...
248
DMCA.com Protection Status