Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 521 - Kabanata 530

2479 Kabanata

Kabanata 521

Samantala, biglang natulala si Madeline. Nang makita ang pirma ni Jeremy sa divorce agreement, di lang sa di siya mapakali o mapanatag. Sa katotohanan, nakaramdam siya ng kirot. Ang mga masasayang alaala mula sa kanyang pagkabata, ang lihim na pag-ibig niya mula noong bata pa siya, at ang pumalyang kasal na magtatapos na sa sandaling ito. Paglabas sa pinto ng law firm, tumingin si Jeremy kay Madeline nang may naaalala. "Linnie, pwede ba kitang mahawakan sa huling pagkakataon?" Tatanggi sana si Madeline, ngunit tumango siya na parang sinapian siya. Ngumiti nang bahagya si Jeremy tapos iniunat ang kanyang braso para yakapin siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nilasap ang huling sandaling ito. Nang idilat niya ulit ang mga mata niya, nanlabo na ang paningin niya. Naging masaya sana ang mga bagay. Kaso, sinira niya mismo ang kaligayahan niya. Sinaktan niya ito nang lubos pero sinubukan niya pa ring hingiin ang patawad nitl. Talagang kasuklam-suklam siya. "Pwede ko
Magbasa pa

Kabanata 522

"Di mo kailangang magpasalamat sa akin. Dahil sa'yo kaya nabawi ko ang mga bagay na talagang pagmamay-ari ng magulang ko." Nang marating ng mga salita ang tainga niya, bigla g naramdaman ni Madeline na parang nagkasala siya nang matindi. Nang mabuhay muli, ang layunin niya ay makapaghiganti. Natuwa siya na makitang miserable si Jeremy, at walang natira sa kanya sa huli. Ngunit ayaw niyang makita na maapektuhan ng apoy ng paghihiganti niya si Old Master Whitman. Pag-alis ni Felipe, tinawagan ni Madeline si Jeremy. Nagulat si Jeremy nang matanggap niya ang tawag nito, ngunit nagpakita pa rin siya sa lugar kung saan siya gustong kitain ni Madeline. Nang magkia sila, pinaandar niya ang kotse at nakarating sa isang nursing home. "Dito ba nanunuluyan si Grandpa?" Pakiramdam ni Madeline di ito katanggap-tanggap. "Maganda ang paligid at mga pasilidad dito." Itinuro ni Jeremy ang daan. Alam ni Madeline na para sa isang matanda, di mahalaga kung gaano kaganda ang tirahan nito o
Magbasa pa

Kabanata 523

Seryoso ang titig ni Old Master Whitman. Kumabog ang puso ni Madeline nang nagtataka niyang itanong, "Ang katotohanan sa insidenteng ito? Grandpa, anong insidente ang tinutukoy mo?" Ngumiti nang malambing si Old Master Whitman. "Anak, ang katotohanan ay, di ako ang nagdesisyon ng kasal niyong dalawa ni Jeremy." "..." Natulala si Madeline. "Grandpa, anong sinasabi mo? Diba ikaw ang pangunahing dahilan kung bakit ikinasal ako kay Jeremy noon…" "Hindi." Sumingit si Old Master Whitman sa pagtataka ni Madeline. "Ibang tao yun. Yun ang taong nagkusa na hanapin ako at pinakiusapan ako na pangunahan ang kasal niyong dalawa ni Jeremy." Nang marinig ito, lalong naguluhan si Madeline. "Sino ito? Grandpa, sino ang taong ito?" "Ito ay si Jeremy." "..." Nanlaki ang mata ni Madeline dahil di siya makapaniwala. "Si Jeremy? Paano nangyari yun? Paanong siya ang magkukusa na pakasalan ako?" "Dahil gusto ka ng gag*ng yun, pero mayabang siya at ayaw niyang aminin." "..." Pakiramdam ni M
Magbasa pa

Kabanata 524

'Gusto niya ako?' Iniisip pa rin ni Madeline na di kapani-paniwala ito. Kahit na sinabi nitong mahal siya nito mula pa noon, ang pang-aalipusta na bumalot sa kanya sa kadiliman noon ay malinas pa rin. "Ihahatid kita pauwi." Bigla niyang narinig ang boses ni Jeremy nang mahimasmasan si Madeline. Tinignan niya ang lalaki sa tabi niya at puno ng pagdududa ang titig niya. 'Hindi, Eveline Montgomery. Wag kang maniwala sa lalaking ito. 'Kung may hatid anong bahid ng pagmamahal siya sa'yo, di ka magkakaroon ng ganito kalalim na hinanakit ngayon.' Napansin ni Jeremy na nakatingin sa kanya si Madeline nang nagtataka. Hiniling niya na sana may nararamdaman pa din ito para sa kanya. Sayang at ang isang pantasya ay isa lamang pantasya kahit anong mangyari. Tumawag ng isang cab si Madeline sa tabi ng kalsada at umuwi nang mag-isa. Umalis lang si Jeremy nang malungkot nang panoorin niyang lumayo si Madeline. Di nagtagal pag-alis niya, isang tao ang palihim na pumasok sa nursing h
Magbasa pa

Kabanata 525

Naalala ni Madeline si Meredith sa biglang pagbabago ng ugali ni Yvonne. Bigla siyang may napansin tapos narinig niya ang isang pamilyar na yabag mula sa likuran niya. "Cousin Jeremy, sakto ang dating mo. Nagkataong nakabangga ko si Vera kanina lang pero bigla niya akong inaway at tinulak pa ako. Ang sakit, huhu…" Tsk. Malamang kaya biglang nagbago ang ugali ni Yvonne dahil sa nandito si Jeremy. Katulad nito ang mapagpanggap na pag-arte na sariwa pa sa alaala ni Madeline. Dating gumagamit ng ganitong paraan si Meredith nang paulit-ulit sa harap ni Jeremy. Ang nagpalungkot sa kanya ay ang piniling paniwalaan ni Jeremy si Meredith nang paulit-ulit. Sa sandaling ito wala nang pake si Madeline sa magiging opinyon ni Jeremy. Di na mahalaga kung paniwalaan niya ito o hindi. "Cousin Jeremy, napilayan ata ako. Ang sakit at di ako makatayo. Pwede mo ba akong tulungang tumayo?" Iniabot niya ang kamay niya kay Jeremy nang may kawawa at umaasang mga mata. Kung kailan iniisip na
Magbasa pa

Kabanata 526

Nagbago ang mukha ni Madeline nang marinig ito. "Ibaba mo na kaagad si Jack. Nakita mo naman na siguro kung anong ugali ang mayroon ang pinsan mo sa akin kanina. Ayaw kong magkaroon ng isa pang Meredith na ibabaling ang hinanakit niya kay Jack dahil lang sa ayaw niya sa akin." May gustong sabihin si Jeremy pero hindi na lang niya itinuloy. Kaagad siyang umakyat para ibaba si Jackson. Hinabol sila ni Karen sa pinto at tinanong kay Jeremy kung bakit bigla niyang kinukuha si Jackson. Hindi sumagot si Jeremy pero si Yvonne na nakasunod sa kanya ay nagsalita para manira. "Aunty, dahil ito sa gumagawa ng gulo si Madeline! Nakasalubong ko siya sa baba kanina at di lang niya ako inapi, sinabi pa niya kay Jeremy na natatakot siyang sasaktan mo daw si Jack kaya sinabi niya na ibalik kaagad sa kanya si Jack!" Nang marinig ito, nagkaskasan ang ngipin ni Karen sa galit. "Ang p*ta na yan. Wala siyang preno noon, pero mas lalo na ngayon! Kailangan kong ipaalan sa kanya kung gaano ako kagaling
Magbasa pa

Kabanata 527

Dinampot ni Maddline ang bagay na nasa palad ni Jeremy. Kumurap ang mata niya nang biglang ibalik siya ng alaala niya sa tag-araw na yun, matagal na panahon na ang nakaraan… Sa edad na sampu, nakilala niya ang isang 12 taong gulang na Jeremy. Sa panahong iyon, binigyan niya ito ng isang makulay na kabibe at sinabi na umaasa siya na lagi itong magiging masaya. Puno ng pag-iingat ang mata ni Jeremy noon pero nginitian pa rin niya si Madeline sa huli. Mangmang at wala pang muwang ang sampung taong gulang na Madeline. Kalaunan napagtanto niya na sa sandaling tinignan siya ni Jeremy, ang pagtibok ng puso niya ang maghuhudyat ng isang love at first sight na aabot ng ilang libong taon. Kalaunan, gumawa si Jeremy ng isang bookmark na gawa sa dahon ay ibinigay ito sa kanya. Maingat niya itong pinapahalagahan at tinatago ito sa kanyang diary at paminsan-minsan ay tinitignan ito. Ngunit nang gusto na niyang basahin ang laman ng dati niyang diary, napansin niya na nawawala ang diar
Magbasa pa

Kabanata 528

Nang makita ang taong nakaupo na sa harap niya, ngumisi siya. Lumapit siya at dahan-dahang umupo. "Dumating ka." Walang respeto ang tono niya at mukhang handa na siyang mamatay. "Wag kang magsabi ng kalokohan. May limang milyon ka pa ba sa account mo?" Naiinis na tanong ni Tanner. "Matagal ko nang kasama si Jeremy kaya marami anong nakuhang benepisyo," Mayabang na sinabi ni Meredith nang sumandal siya sa upuan. "Pwede ka na munang pumunta sa isa ko pang account at kumuha ng isang milyon. Pag tapos na ang lahat, sasabihin ko sa'yo ang password sa isa pan account." Kaagad na kumisap ang mga mata ni Tanner, pero may pagdududa pa rin siya. "Wag mo akong niloloko." "Hmph, mamamatay na rin ako sa loob ng kalahating buwan. Ano pang makukuha ko kapag itinago ko ang perang ito?" Sinabi ni Meredith, pero bigla niyang itinikom ang kanyang kamao nang isang bugso ng galit ang lumitaw sa kanyang mga mata. "Pero bago ako mamatay, dapat ko munang masaksihan ang kamatayan ng p*tang Madeline n
Magbasa pa

Kabanata 529

Kasabay nito, naniniwala din si Madeline na ang katotohanan sa pagkawala ng kanyang diary ay kagagawan ni Meredith. "Meredith, ikaw ang nagnakaw ng diary ko noon. Nakita mo ang mga nilalaman nito at alam mong may ganito kaming relasyon ni Jeremy noong bata pa kami. Kaya nagpanggap ka bilang ako, nagpano na manloko, at pinaniwala mo si Jeremy na ikaw ang batang babaeng pinangakuan niya noon." Pagkatapos sabihin ang buong katotohanan, kaagad na naningkit ang mga mata ni Meredith. Hindi siya nagpalusot, kaya isa na itong malinaw na pag-amin. Sa pananaw niya, walang kwentang mangatwiran dahil alam na ito ni Jeremy. Itinikom ni Madeline ang kamao niya at isang malamig na liwanag ang namuo sa kanyang magandang mata. "Meredith Crawford, nakaaawa ka." Nang marinig ito, itinaas ni Meredith ang kanyang mabagsik na kumikinang na mga mata at hinampas ang kanyang kamao sa mesa. "Anong sinabi mo? Anong sinabi mo Madeline?! Tinatawag mo akong kawawa?" "Tama yan, kawawa ka." Ngumisi at t
Magbasa pa

Kabanata 530

Bago pa niya mahawakan si Madeline, pinigilan siya ng mga guwardiya ng kulungan. Pero di tumigil si Meredith sa pagsigaw. Lalo pa siyang nabaliw at nagwala. "Di ko hahayaang magsama kayong dalawa ni Jeremy! Di ko hahayaang makuha mo ang gusto mo Madeline!" "Akin si Jeremy, akin siya! Madeline, sino ka para agawin ang lalaki ko? Bakit nanatili ang babaeng tulad mo sa puso ni Jeremy sa loob ng 18 taon?! Ang kapal ng mukha mo?!" 18 taon… Biglang napabilis ang tibok ng puso ni Madeline sa mga salitang isinigaw ni Meredith. Bago pa niya ito maisip nang malalim, nagpatuloy sa pagwawala si Meredith. "P*ta! Isa kang p*ta! Kung di dahil sa'yo, ang taong minahal sana ni Jeremy noong una pa lang niya makita sa kolehiyo ay ako! Sinadya mong magpanggap na mabunggo si Jeremy para makuha ang pansin niya! Dahil sa'yo, binalewala ni Jeremy ang mga love letter na isinulat ko para sa kanya!" 'Bago pa magpanggap bilang ako si Meredith, nagsulat siya ng mga love letter para kay Jeremy?' Nag
Magbasa pa
PREV
1
...
5152535455
...
248
DMCA.com Protection Status