Nagbago ang mukha ni Madeline nang marinig ito. "Ibaba mo na kaagad si Jack. Nakita mo naman na siguro kung anong ugali ang mayroon ang pinsan mo sa akin kanina. Ayaw kong magkaroon ng isa pang Meredith na ibabaling ang hinanakit niya kay Jack dahil lang sa ayaw niya sa akin." May gustong sabihin si Jeremy pero hindi na lang niya itinuloy. Kaagad siyang umakyat para ibaba si Jackson. Hinabol sila ni Karen sa pinto at tinanong kay Jeremy kung bakit bigla niyang kinukuha si Jackson. Hindi sumagot si Jeremy pero si Yvonne na nakasunod sa kanya ay nagsalita para manira. "Aunty, dahil ito sa gumagawa ng gulo si Madeline! Nakasalubong ko siya sa baba kanina at di lang niya ako inapi, sinabi pa niya kay Jeremy na natatakot siyang sasaktan mo daw si Jack kaya sinabi niya na ibalik kaagad sa kanya si Jack!" Nang marinig ito, nagkaskasan ang ngipin ni Karen sa galit. "Ang p*ta na yan. Wala siyang preno noon, pero mas lalo na ngayon! Kailangan kong ipaalan sa kanya kung gaano ako kagaling
Dinampot ni Maddline ang bagay na nasa palad ni Jeremy. Kumurap ang mata niya nang biglang ibalik siya ng alaala niya sa tag-araw na yun, matagal na panahon na ang nakaraan… Sa edad na sampu, nakilala niya ang isang 12 taong gulang na Jeremy. Sa panahong iyon, binigyan niya ito ng isang makulay na kabibe at sinabi na umaasa siya na lagi itong magiging masaya. Puno ng pag-iingat ang mata ni Jeremy noon pero nginitian pa rin niya si Madeline sa huli. Mangmang at wala pang muwang ang sampung taong gulang na Madeline. Kalaunan napagtanto niya na sa sandaling tinignan siya ni Jeremy, ang pagtibok ng puso niya ang maghuhudyat ng isang love at first sight na aabot ng ilang libong taon. Kalaunan, gumawa si Jeremy ng isang bookmark na gawa sa dahon ay ibinigay ito sa kanya. Maingat niya itong pinapahalagahan at tinatago ito sa kanyang diary at paminsan-minsan ay tinitignan ito. Ngunit nang gusto na niyang basahin ang laman ng dati niyang diary, napansin niya na nawawala ang diar
Nang makita ang taong nakaupo na sa harap niya, ngumisi siya. Lumapit siya at dahan-dahang umupo. "Dumating ka." Walang respeto ang tono niya at mukhang handa na siyang mamatay. "Wag kang magsabi ng kalokohan. May limang milyon ka pa ba sa account mo?" Naiinis na tanong ni Tanner. "Matagal ko nang kasama si Jeremy kaya marami anong nakuhang benepisyo," Mayabang na sinabi ni Meredith nang sumandal siya sa upuan. "Pwede ka na munang pumunta sa isa ko pang account at kumuha ng isang milyon. Pag tapos na ang lahat, sasabihin ko sa'yo ang password sa isa pan account." Kaagad na kumisap ang mga mata ni Tanner, pero may pagdududa pa rin siya. "Wag mo akong niloloko." "Hmph, mamamatay na rin ako sa loob ng kalahating buwan. Ano pang makukuha ko kapag itinago ko ang perang ito?" Sinabi ni Meredith, pero bigla niyang itinikom ang kanyang kamao nang isang bugso ng galit ang lumitaw sa kanyang mga mata. "Pero bago ako mamatay, dapat ko munang masaksihan ang kamatayan ng p*tang Madeline n
Kasabay nito, naniniwala din si Madeline na ang katotohanan sa pagkawala ng kanyang diary ay kagagawan ni Meredith. "Meredith, ikaw ang nagnakaw ng diary ko noon. Nakita mo ang mga nilalaman nito at alam mong may ganito kaming relasyon ni Jeremy noong bata pa kami. Kaya nagpanggap ka bilang ako, nagpano na manloko, at pinaniwala mo si Jeremy na ikaw ang batang babaeng pinangakuan niya noon." Pagkatapos sabihin ang buong katotohanan, kaagad na naningkit ang mga mata ni Meredith. Hindi siya nagpalusot, kaya isa na itong malinaw na pag-amin. Sa pananaw niya, walang kwentang mangatwiran dahil alam na ito ni Jeremy. Itinikom ni Madeline ang kamao niya at isang malamig na liwanag ang namuo sa kanyang magandang mata. "Meredith Crawford, nakaaawa ka." Nang marinig ito, itinaas ni Meredith ang kanyang mabagsik na kumikinang na mga mata at hinampas ang kanyang kamao sa mesa. "Anong sinabi mo? Anong sinabi mo Madeline?! Tinatawag mo akong kawawa?" "Tama yan, kawawa ka." Ngumisi at t
Bago pa niya mahawakan si Madeline, pinigilan siya ng mga guwardiya ng kulungan. Pero di tumigil si Meredith sa pagsigaw. Lalo pa siyang nabaliw at nagwala. "Di ko hahayaang magsama kayong dalawa ni Jeremy! Di ko hahayaang makuha mo ang gusto mo Madeline!" "Akin si Jeremy, akin siya! Madeline, sino ka para agawin ang lalaki ko? Bakit nanatili ang babaeng tulad mo sa puso ni Jeremy sa loob ng 18 taon?! Ang kapal ng mukha mo?!" 18 taon… Biglang napabilis ang tibok ng puso ni Madeline sa mga salitang isinigaw ni Meredith. Bago pa niya ito maisip nang malalim, nagpatuloy sa pagwawala si Meredith. "P*ta! Isa kang p*ta! Kung di dahil sa'yo, ang taong minahal sana ni Jeremy noong una pa lang niya makita sa kolehiyo ay ako! Sinadya mong magpanggap na mabunggo si Jeremy para makuha ang pansin niya! Dahil sa'yo, binalewala ni Jeremy ang mga love letter na isinulat ko para sa kanya!" 'Bago pa magpanggap bilang ako si Meredith, nagsulat siya ng mga love letter para kay Jeremy?' Nag
Biglang nahimasmasan si Meredith nang marinig ito. Doon lang niya napagtanto na naibunyag niya ang katoohanang hindi niya dapat ibinunyag! Lumalabas na ang sinabi niya ay isang malaking regalo kay Madeline at isang malaking panglalait sa kanya! Biglang nagbago ang mukha ni Meredith. Nagsisisi siya at gusto niyang bawiin ang mga salitang ito pero hulit na ang lahat. Nang makitang tumalikod nang elegante si Madeline, sumigaw sa taranta si Meredith, "Madeline, bumalik ka! Bumalik ka dito! Kasinungalingan ang sinabi ko kanina. Di ka mahal n Jeremy! Di ka niya mahal, ako ang mahal niya! Akoooooooo…" Sa dulo ng usapan, gumuho na ang damdamin ni Meredith. Habang lalong pinipilit ni Meredith na pagtakpan ito, lalong nakukumbinsi si Madeline na talagang minahal siya nang lubusan ni Jeremy. Habang pauwi, di mapigilang maglakbay ng isipan ni Madeline. Hindi makapagpahinga ng isipan niya. Paulit-ulit niyang narinig ang mga salitang isinigaw ni Meredith sa tainga niya. Ang di kapani-p
Sayang at napalagpas nila ito. "Daddy, bakit di ako binisita ni Mommy ngayon? Sabi niya makikipaglaro siya sa akin ngaong linggo." Nahimasmasan si Madeline sa boses ni Jackson. Itinaas niya ang kanyang mukha at nakita ang batang lalaking hinihila ang pantalon ni Jeremy, habang nakatingala ito at nagtatanong. Iniabot ni Jeremy ang kanyang kamay at hinaplos ang maliit na ulo nito nang may malambing na ngiti. "Jack, mula ngayong Lunes, pupunta sa Daddy sa isang business trip at di muna makakauwi nang matagal. Kailangan mong makinig sa nanay mo okay?" "Gaano katagal?" Inosenteng tanong ng batang lalaki. Nag-aalinlangang ngumiti si Jeremy. "Mauunawaan mo kapag malaki ka na." Ikinurap ni Jackson ang kanyang malaki, maliwanag at matalinong mga mata. "Edi kailangan kong lumaki nang mabilis para makita ko agad ulit si Daddy." "Baby ko, ang galing mo." Pinuri ni Jeremy. Bigla siyang lumuhod at niyakap si Jackson. "Daddy, anong mayroon sa'yo?" Walang muwang na kumurap si Jackson.
Nagdilim ang mukha ni Jeremy saglit nang makikita ang bagyo sa kanyang mga mata. "Baliw ka na ba? Alam mo ba kung anong sinasabi mo?" Lumiwanag ang mata niya nang may kumikinang na lamig habang ang salita niya ay parang yelo. "Sa mga sinasabi mo, di ka karapat-dapat bilang lola ni Jack!" Kinilabutan si Karen nang mapagtanto niyang nagkamali siya. Kaagad niyang itinama ang kanyang sarili at hininayan ang kanyang boses. "Jeremy, nagkamali lang naman ako ng sinabi kasi sobrang nagagalit ako, pero talagang sinira ng babaeng ito ang pamilya natin sa pakikipagsabwatan kay Felipe." "Wag na nating banggitin ang bagay na ito muna, pero talagang binalak niyang patayin ang lolo mo!" Tinignan nang masama ni Winston si Madeline. "Di ito gagawin ni Linnie." Sinigurado ni Jeremy nang walang alinlangan. Hindi inakala ni Madeline na isang araw ay pagkakatiwalaan siya ni Jeremy nang walang ainlangan, ngunit sa sandaling sinabi niya ito, narinig ni Madeline si Karen na pinagsasalitaan na nama