Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 551 - Kabanata 560

2479 Kabanata

Kabanata 551

Kaagad na nanlaban si Madeline at siniko ang lalaki sa kanyang likuran. Hindi sinalag ng lalaki ang atake niya pero niyakap siya nito. "Linnie, ako to." Pumasok sa kanyang tainga ang malalim at makapal na boses ng lalaki. Saglit na nabigla si Madeline habang naamoy niya ang pamilyar na amoy ng cedarwood. "Linnie, wag kang matakot. Hindi kita sasaktan. Ayaw ko lang na magdesisyon ka na pagsisisihan mo sa buong buhay mo," mahinang sabi ni Jeremy nang may bakas ng pakikiusap sa kanyang tono. "Maaari ka bang sumama sa'kin?" Nagsalubong ang magagandang kilay ni Madeline. "Bitiwan mo muna ako." Nang marinig ni Jeremy ang sinabi niya, binitawan niya ito kahit na nag-aalangan siya. Lumingon si Madeline at nakita niya ang gwapong mukha na napakalapit sa kanya. Kaagad na nagliyab ang apoy sa kanyang mga mata. Sa hindi inaasahan, nakita niya ang apoy ng poot sa mga mata ni Madeline at bahagya siyang nagulat. Ayaw lang sa kanya at iniiwasan siya ng pagkatao na may kontrol sa kany
Magbasa pa

Kabanata 552

Pakiramdam ni Jeremy ay para siyang mababaliw, at ang kanyang pagiging kalmado kanina ay tuluyan nang nawala. Niyakap niya si Madeline na para bang isang baliw at nagpumilit na nagsabing, "Hindi, Linnie! Hindi mo mahal si Felipe, ako ang mahal mo! Sa unang beses tayong nagkita noong mga bata tayo, ako lang ang lalaki na nagmamay-ari ng puso mo!" Malakas siyang tinulak ni Madeline. "Bitiwan mo ko, Jeremy! Hindi ako magmamahal ng isang walang pusong kagaya mo! Zip!Biglang bumukas ang kurtina ng fitting room. Nang marinig nina Ava at Eloise ang mga tunog ay nagmadali silang pumasok. Nang makita nila si Jeremy na yakap si Madeline sa pagbukas nila ng kurtina, nagmadaling lumapit si Ava para hilahin siya papalayo. "Jeremy, walang hiya ka! Anong ginagawa mo rito? Bitiwan mo si Maddie ngayon rin! Bitiwan mo siya!" Pinagalitan siya ni Ava at pwersahang hinila si Jeremy papalayo. "Walang hiya ka! Kailan ka ba titigil na pahirapan si Maddie?!" Napahinto si Jeremy sa mga sinabi
Magbasa pa

Kabanata 553

And gabi na walang liwanag ng buwan ay kasing dilim ng isang nakataob na lalagyan ng tinta. Sa loob ng bar, dumuyan ang maliliwanag na mga ilaw habang binalotbng romantikong ere sa paligidang lahat ng mga pumapasok. Sa sandaling iyon, hindi pinansin ng dalawang lalaki na nakaupo sa harapan ng bar counter ang mga babaeng lumapit sa kanila para kausapin sila at pinatunog lang ang kanilang mga baso. Pagkatalos malaman ni Daniel ang tungkol sa kondisyon ni Madeline mula kay Adam, nagmadali siyang nagmaneho para pigilan si Jeremy. Inisip niya na magkakaroon ng giyera sa pagitan nilang dalawa pero nauwi lang sila sa bar at nagsimulang maging sarkastiko sa isa't-isa. "Buti nga sa'yo, Jeremy." Pasaring ni Daniel. Bihira siyang uminom ng alak, pero sa araw na iyon, tahimik siyang uminom ng ilang baso. "May iba nang nagmamay-ari kay Munting Madeline sa wakas. Hindi siya kailanman napunta sa'kin." Mapait na tumawa si Daniel at uminom ng isa pang baso. Dumaan sa kanyang lalamunan ang mala
Magbasa pa

Kabanata 554

Lumipas ang isang gabi at hindi siya makatulog. Ang kanyang malalim na mga mata ay namumula habang nakikita ang mga ugat rito. Gwapo pa rin ang kanyang mukha, pero mayroong senyales ng kawalan ng buhay na makikita rin sa mukhang ito. Nagpatuloy na bumuhos ang ulan habang bumagsak sa lapag ang patak ng ulan. Bandang alas nueve ng umaga, dumating ang mga wedding car ni Felipe. Hindi nagtagal, nakita niya si Madeline na lumabas ng bahay. Nakasuot siya ng isang napakagandang puting wedding gown. May makeup sa kanyang mukha, nagmukha siyang isang obra maestra habang ang kanyang kamay ay may hawak na bouquet ng mga bulaklak. Bigla siyang malumanay na ngumiti, ang imahe ng kanyang magandang mukha ay nanatili sa mga mata ni Jeremy. Hinawakan niya ang manibela habang bumayo ang selos sa kanyang mga mata. 'Linnie, akin ka. Maliban sa akin, hindi kita hahayaang mapunta sa ibang lalaki." Mariin na nakatikim ang kanyang maninipis na labi at sumunod siya sa likod ng mga wedding ca
Magbasa pa

Kabanata 555

Lumitaw si Jeremy nang may dominanteng boses. Kakaunting tao lang ang nasa hall at lahat sila at lumingon sa kanya. Nakasuot ng itim si Jeremy at ang kanyang mukha ay mayroong dominanteng aura. Mabilis siyang naglakad, elegante na para bang isang bugso ng hangin. Kasunod nito ay katabi na niya si Madeline. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline habang nakatulala ang lahat. "Linnie, wag mo siyang pakasalan. Ikaw ang asawa ko. Sa akin ka lang." Nagulat si Madeline. Bahagya niyang binuksan ang kanyang maliit na bibig. Nang magsasalita na sana siya ay biglang lumitaw si Felipe sa kanyang harapan. Hinila niya si Madeline sa kanyang tabi. Hinarap niya si Jeremy ay nagpakita ng isang seryosong ekspresyon sa kanyang gwapo at malumanay na mukha. "Jeremy, dahil pamangkin kita, pababayaan ko ang bagay na to kung aalis ka na." "Pababayaan?" Ngumisi si Jeremy, "Felipe Whitman, sa tingin mo hindi ko alam kung anong ginawa mo? Nagulat siguro kita kasi lumitaw pa rin ako rito nang bu
Magbasa pa

Kabanata 556

Napakaganda niya sa kanyang wedding dress. Pero, makasarili niyang hiniling na siya lang ang tanging magmamay-ari ng kanyang magandang bahagi. Sinubukang alalahanin ni Madeline kung bakit siya nauwing magsuot ng wedding gown pero wala siyang napala. Alam ni Jeremy na ang kasalukuyang alaala at ugali ni Madeline ay bumalik sa panahong mahal na mahal pa siya nito. Nagpapasalamat siya at nasasaktan nang magkasabay. Dinala niya ito sa kama at umupo. Ang kanyang kamay ay marahang lumapag sa kanyang magagandang kilay habang siya'y nagsabing, "Linnie, wag mo nang pag-isipan yan. Hindi mo iyon maalala dahil nawalan ka ng alaala.""Ako? Nawalan ako ng alaala?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline sa pagkalito. Tinignan siya ni Jeremy at tumango, nakaramdam siya ng kurot sa kanyang puso. "Linnie, kinasal tayo anim na taon na ang nakakalipas. Nagkaroon lang ng problema sa mga alaala mo at marami kang nakalimutan. Napagaling na nila ang tumor sa loob ng katawan mo. Nakuha na ni Meredith at ng k
Magbasa pa

Kabanata 557

Nakasuot pa rin ng damit pangkasal si Felipe na espesyal na pinagawa para sa araw na iyon. Hawak niya ang isang payong habang mas lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan. Mukha pa rin siyang elegante, pero wala na ang lambing sa kanyang mga mata. Tinitigan ni Madeline si Felipe na nakatayo sa kanyang harapan habang lumilitaw sa kanyang isipan ang mga alaala, sinasabi nito na kilala niya ang lalaking ito. Lumipas ang oras habang nagpatuloy na lumakas ang buhos ng ulam at nakahawak pa rin si Felipe sa payong habang nakasuot ng itim na tux. Naglakad siya papalapit sa kanya. "Felipe, bakit ka nandito?" Nawala sa pagkakatulala si Madeline nang marinig niya ang boses ni Jeremy. Tinaas niya ang kanyang tingin at nagkataon ay nakita niya na ngumiti si Felipe. "Hindi ako nagpunta rito para sa'yo." Lumipat ang tingin ni Felipe sa mukha ni Madeline at naging malumanay ito. "Madeline, nalilito ka siguro kung bakit mo ko papakasalan kanina sa wedding ceremony. Ang dahilan––" "Felipe Whitm
Magbasa pa

Kabanata 558

Nagpunta sila rito para malaman kung nasaan si Madeline, pero nakasalubong nila si Jeremy. "Jeremy, walang hiya ka. Saan mo tinago si Madeline?" Sumugod si Ava sa harapan ni Jeremy, kinakabahan siya at natataranta.Ilang segundo lang ang nakakaraan, nasa hall pa rin si Madeline, pero nagkataon, pumunta siya sa likod bahay kasama ni Jackson. Magpapaliwanag sana si Jeremy pero tinaas ng galit na si Ava ang kanyang kamay sa ere at balak sampalin si Jeremy. "Ava!" Kaagad siyang pinigilan at pinakalma ni Daniel, "Kalma ka lang, Ava. Hindi mapapahamak si Maddie." "Paano ako kakalma? Tiyak na mapapahamak si Maddie pag nagpatuloy siyang sumama sa kanya! Bitiwan mo ko, Dan. Bubugbugin ko ang walang hiyang to!" Sabi ni Ava habang nagngingitngit ang kanyang ngipin at nakatingin sa kanya nang may mapupulang mga mata. "Basura ka Jeremy. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang binabalak mo? Pinaplano mo na ipaghiganti si Meredith! Ang kapal ng mukha mo na lokohin si Madeline, tapos sasabihin mo
Magbasa pa

Kabanata 559

Lumuhod si Jeremy at tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Puno ng katapatan ang kanyang mga mata at nagbigay ng malakas na pakiramdam nang pag-ibig. Nakangiting tumango si Madeline. "Oo, magsisimula tayong muli." Bumalik si Ava sa realidad pagkatapos marinig ang sagot ni Madeline. Hindi siya makapaniwala na natulala siya nang makita niya ang ginawa ni Jeremy. Pero, hindi pa rin niya matanggap ang katotohanan na bumalik na si Madeline sa tabi ni Jeremy. Lalo na't malinaw pa rin sa kanyang isipan ang madugong nakaraan. Lalo na ang katotohanan na kinamumuhian ni Madeline si Jeremy noong hindi pa nawawala ang kanyang alaala. Nagmamasid lang si Daniel sa isang sulok. Hindi niya maipaliwanag ang ginhawang kanyang naramdaman nang marinig niya ang sagot ni Madeline kay Jeremy. Naiintindihan na niya na ang taong kayang manakit nang sobra kay Madeline ay ang taong kanyang tunay na minamahal. Sinubukan ni Ava na pigilan si Madeline pero pinigilan siya ni Eloise at Sean.
Magbasa pa

Kabanata 560

Kasunod ng sinabi ng doktor, nagdilim ang ekspresyon ni Jeremy dahil ayaw niyang sumugal sa paraang ito. Natatakot siya na hindi lang sa hindi gagaling si Madeline, tuluyan niya ring makakalimutan ang kanyang presensya.Mas gusto na niyang kamuhian siya kaysa mawala ang kanyang mga alaala habang buhay. Sa kanilang daan pauwi, nakatanggap si Jeremy ng isang mensahe galing kay Adam. Mayroong mga bagay na hindi magandang sabihin sa opisina. Maliban roon, mas maganda na kung hindi nila ipapaalam ang bagay na ito kay Madeline. Ang sabi ng mensahe ni Adam kay Jeremy ay mayroong dalawang pagkatao si Madeline sa kasalukuyan. Isa sa kanila ay mahal si Jeremy habang ang isa ay may sama ng loob sa kanya. Pareho silang hindi magkasundo at maaaring sumobra. Tanging tuwing may tiyak na pangyayari lamang lilitaw ang bawat pagkatao. Nalaman na ni Jeremy kung ano ang tiyak na pangyayari na sinasabi ni Adam. Ito ay tuwing mayroong mabigat na pwersa o kung mayroong biglaang tunog ng malakas na
Magbasa pa
PREV
1
...
5455565758
...
248
DMCA.com Protection Status