Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 561 - Kabanata 570

2479 Kabanata

Kabanata 561

Hindi nilang lahat inaasahan na magsasalita ang old master sa sandaling ito. Napanganga si Yvonne habang namutla ang kanyang mukha. 'Hindi ba sabi nila paralisado na ang matandang to at hindi na siya magsasalita or maglalakad hanggang sa mamatay siya? Bakit siya biglang kikilos sa ganitong pagkakataon?'Palagi ko siyang minumura at iniinsulto. Hindi ba mabubunyag na ang lahat?' "Lolo." Sobrang natuwa si Jeremy habang tumalikod siya at bumalik sa tabi ng old master. "Lolo, nakakagalaw na ba kayo? Anong gusto niyong sasabihin?" Nanlaki ang mga mata ng old master habang binuhos niya ang lahat ng kanyang boses, pero walang lumabas na mga salita sa huli. Ngunit nang may pagtitiyaga, iniunat niya ang kanyang nanginginig na kanang hintuturo at tumuro. Kaagad na umatras si Yvonne nang makita niya ang eksenang ito at ngumisi, "Tignan mo, Jeremy, tinuturo ni Lolo ang babaeng ito. Sinasabi ni Lolo na ang babaeng ito ang dahilan kung bakit siya nauwi sa ganitong kondisyon!" Kasunod
Magbasa pa

Kabanata 562

Hinabol ni Yvonne si Karen at nagpanggap na nag-aalala. Sa katotohanan, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng isang mala-demonyong ngisi. Inisip niya na bibigyan ni Karen si Madeline ng problema. Ngunit pumunta siya sa ospital. Gamit ang mga dating koneksyon ni Karen, nalaman niya ang tungkol sa sakit ni Madeline. Pagkatapos niyang malaman ang mga detalye tungkol sa kanyang kondisyon ay natawa siya. "Haha, mukhang nawalan nga ng alaala ang p*tang iyon. Kaya pala kanina tinawag niya ako na 'Ma' nang sobrang galang. Iyon pala bumalik siya sa kanyang pagkatanga!" Pakiramdam ni Karen ay dumating na ang kanyang pagakakataon kaya nagmadali siyang bumalik para mag-impake. Umalis siya ng bahay ay hinila ang kanyang maleta papunta sa wedding villa nina Jeremy at Madeline. Nang makababa siya ng taxi, napansin niya si Jeremy na pinaandar ang kanyang kotse at umalis ng villa. Masusing nililinis ni Madeline ang katawan ni Old Master Whitman at kinumutan siya para makatulog. Narinig niya
Magbasa pa

Kabanata 563

Parang nakuryente sina Karen at Yvonne sa biglaang pagdating ni Jeremy. Pareho silang nabilaukan sa mga prutas at umubo hanggang sa mamula ang kanilang mga mukha. Tinaas ni Madeline ang kanyang tingin at nakita niya ang madilim na ekspresyon ni Jeremy. Ang kanyang matalas na titig ay nakatingin sa kanya. Ngunit, sa sandaling magkita ang kanilang mga mata, nagbago ang kanyang ekspresyon at naging mas kalmado. "Linnie." Nilapag niya ang mga binili niya sa supermarket sa lapag. Sa kanyang lungkot, kinuha niya ang walis mula sa kanyang kamay. "Anong ginagawa mo?" "Naglilinis ako. Sabi ni Mama titira siya rito kasama ni Yvonne. Nilinis ko na ang mga guest room." Paliwanag ni Madeline nang nakangiti. Kumunot ang noo ni Jeremy at nilipat ang kanyang seryosong titig sa dalawang babae. "Lumayas kayo ngayon rin!" Pinalayas niya sila nang hindi nagdadalawang-isip. Nagmukhang kawawa si Karen nang makita niyang nagalit si Jeremy. "Jeremy, nanay mo ko. Nangibang bansa na naman ang ta
Magbasa pa

Kabanata 564

"Mas mabuti na hindi natin galitin si Jeremy ngayon. Linisin mo ang lugar na to at pag-uusapan natin to bukas." Umalis si Karen nang hindi lumilingon pabalik. "..." Nilunok na lang ni Yvonne ang kanyang galit at nilinis ang mesa bago hinugasan ang mga hugasin. Pagkatapos patulugin ni Madeline ang old master at ang bata, nakita niya si Jeremy na naghihintay sa kanya sa may pintuan pagkaalis niya sa kwarto ni Jackson. Sa sandaling sinara niya ang pinto, bigla siyang binuhat ng lalaki. Napahigop ng hangin si Madeline sa gulat at napayakap sa leeg ni Jeremy. Nang maamoy niya ang kanyang amoy ay namula ang kanyang mukha. Pagkatapos, pinikit niya ang kanyang mga mata sa hiya. "Jeremy, kaya kong maglakad mag-isa. Ibaba mo ko." "Hindi pwede." Umiling si Jeremy. Pagkatapos, tinitigan siya nito nang malalim sa kanyang mga mata. "Linnie, hindi na kita bibitawan hanggang sa buhay ako." Napakalambing ng kanyang mga salita at matamis itong bumalot sa kanyang puso. Ngumiti si Madel
Magbasa pa

Kabanata 565

Tinignan niya siya, ang kanyang mga mata ay puno ng kaba at pag-aalala. Pero umiling lang si Madeline. Ang kanyang mga nakakaakit na mga mata ay bahagyang nakababa. Naintindihan ni Jeremy ang reaksyon ni Madeline. Ang kanyang brutal na trato sa kanya noon ay nag-iwan ng marka sa kanyang puso, kaya sa sandaling ito, hindi nagbabago ang kanyang pagkatao kundi natatakot talaga siya. Nang maisip niya ito, mahigpit na niyakap ni Jeremy si Madeline habang nagsisisi. "Patawarin mo ko, Linnie. I'm so sorry…'Marahan siyang dumikit sa kanya at humingi ng tawad sa kanyang puso. "Busy tayo buong araw na to kaya baka pagod ka na, Linnie. Maaga tayong matulog." Pinigilan ni Jeremy ang init sa kanyang katawan at natulog nang yakap si Madeline. Sa wakas, payapa siya muling nakatulog habang yakap siya. Pakiramdam ni Jeremy ay nananaginip siya. Pero, umaasa siya na tumagal ang kanyang panaginip at manatili si panaginip na ito. Kung maaari, hindi na niya gustong magising. …Sumunod n
Magbasa pa

Kabanata 566

Bahagyang tumango si Madeline at pumunta sa kusina. Nagkatinginan sina Karen at Yvonne bago ngumisi nang masama. "Tita Karen, tignan mo siya. Napakahina niya. Kung hindi lang siya pinoprotektahan ni Jeremy, isa lang siyang basura!" "Hmph, kung hindi lang para kay Jeremy, hingi ko siya hahayaang pumasok sa bahay na to!" Arognteng sumginhal si Karen. "Manood ka lang. May mangyayaring maganda mamaya." Sabi ni Karen at naglakad papunta sa kusina. Nang makita niya na aligaga si Madeline sa pagluluto ay naiinip siyang nag-utos. "Dalian mo. Gusto mo ba akong mamatay sa gutom? Ganito ka ba bilang manugang? Ang bagal mo. Bakit ba gustong pakasalan ni Jeremy ang isang basura na kagaya mo?!" "Dahil mayroong isang p*ta na ginamit ang lahat ng klase ng masasamang plano para lang gumapang sa kama ni Jeremy. Kung hingi, sa quality niya, kahit mga pulubi ay hindi siya magugustuhan," sarkastikong sumingit si Yvonne. Pero parang hindi sila naririnig ni Madeline. Nagpatuloy lang siya sa ginag
Magbasa pa

Kabanata 567

"..." Nagulat si Yvonne nang marinig niya iyon. Natakot si Karen sa nakita niya. Nahimasmasan lang siya pagkatapos ng mahabang sandali. "Yvonne!" Gusto niyang tulungan si Yvonne pero nakaharang si Madeline sa kanyang daanan. Sumigaw siya sa galit. "Ikaw basura ka, lumayas ka!" "Basura?" Malamig siyang tinignan ni Madeline. Nabigla si Karen. Bigla na lang, nakita niya ang isang matalim na kinang sa mga mata ni Madeline. Ang kinang na iyon ay kapareho noong binunyag ni Madeline ang kanyang tunay na pagkatao. "Madeline, i-ikaw…" "Bakit? Binabantaan mo ba ako ngayon na wala si Jeremy dito? Sa tingin mo ba na ako ang dating Madeline na hahayaan kang gawin ang lahat sa kanya?" Ano? Nanlaki ang mga mata ni Karen sa gulat. Kasunod nito, nakatulala siyang tumingin sa mukha ni Madeline. Bigla na lang siyang kinabahan. Malamig siyang tinignan ni Madeline habang pinulot niya ang kutsilyo at tinidor. Pagkatapos, pinagsama-sama niya ang pira-pirasong itlog sa plato ni Karen bago ito
Magbasa pa

Kabanata 568

Ngunit tumango si Madeline. "Sige, sasama ako sa inyo." "Ugh ugh ugh!" Mas naging emosyonal ang old master. Tumalikod si Madeline at lumapit sa kanya. Naging malumanay ang matalim na tingin sa kanyang mga mata. "Babalik rin ako. Wag kang mag-aalala, hindi na ako ang dating Madeline."Kahit na pinatahan niya ito, umaangal pa rin ang old master gamit ng buo niyang lakas. Gusto niyang pigilan si Madeline. Pero sumama pa rin si Madeline sa kanila. Nakarating ang kotse sa villa na binili ni Felipe sa labas ng siyudad. Hinanda na niya ang paborito ni Madeline na black tea. Nang makita niya si Madeline, nilagyan niya ng tsaa ang kanyang tasa. Kagaya ng dati, mayroon siyang malumanay at eleganteng ngiti. "Maddie, umupo ka at magtsaa. Ipapaliwanag ko sa'yo kung anong nangyari kamakailan." Ngumiti si Madeline. "Hindi na kailangan. Hindi rin ako iinom ng tsaa."Napahinto si Felipe habang hawak niya ang tasa. Pagkatapos, malamig niya siyang tinignan. Sa kabilang banda, kalmadong
Magbasa pa

Kabanata 569

Naramdaman ni Jeremy na mayroong kakaiba. Alam niya na hindi pababalikin ni Felipe si Madeline nang ganoon kadali. Nag-aalala siya kung binantaan ba si Madeline. Pagkapasok niya sa bahay, nagpunta siya sa kwarto ng old master para hanapin si Madeline. Nang makita niya na sumara ang pinto, nagdalawang-isip siya nang dalawang segundo bago binuksan ang pinto at pumasok. Pagkabukas niya ng pinto, nakita niya si Madeline na inaayos ang kama para sa old master. Nang makita siya nito ay ngumiti ito. "Jeremy, sakto ang dating mo. Oras na para magpahinga si Lolo. Tulungan mo siya na mahiga sa kama."Ginawa ni Jeremy ang inutos niya. Tinulungan niya ang old master na ilipat sa kama at kinumutan ito. "Lolo, magpahinga ka nang maayos. Aalagaan ka namin ni Linnie kaya di magtatagal ay gagaling ka rin." Mayroong pambihirang malumanay na ngiti sa kanyang mukha. Hindi makagalaw ang old master kaya kumurap na lang siya bilang sagot. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at umalis a k
Magbasa pa

Kabanata 570

Natuwa si Karen sa 'report card' na ito. Pakiramdam niya ay kaya niyang durugin ang kaluluwa ni Madeline gamit nito. Pero hindi nabahala si Madeline rito. Tahimik lang niyang pinagtrabahuhan ang kanyang mga draft. Simple lang ang kanyang gawain sa araw-araw. Guguhit siya sa umaga at aalagaan ang old master. Sa gabi, sasamahan niya si Jackson. Magbabasa siya para sa bata at tuturuan siya kung paano magbasa. Minsan ay gumagawa rin sila ng sining. Napakasaya nila. Hindi nagsayang ng oras si Jeremy. Kahit na hindi kumikilos si Felipe nitong mga nakaraan, alam niya na may binabalak siyang masama sa sandaling ito. Nangako siya na kung nawala sa kanya ang Whitman Corporation ay tiyak na babawiin niya ito. Hindi ito isang biro at kumilos na siya para rito. At saka alam niya na gusto pa rin ni Felipe si Madeline. Kung gusto niya na manatili sa kanyang tabi ang kanyang pinakamamahal, kailangan niyang maunahan si Felipe. …Ilang araw ang nagdaan ay kumpirmado na ang araw ng kompeti
Magbasa pa
PREV
1
...
5556575859
...
248
DMCA.com Protection Status