Naramdaman ni Jeremy na mayroong kakaiba. Alam niya na hindi pababalikin ni Felipe si Madeline nang ganoon kadali. Nag-aalala siya kung binantaan ba si Madeline. Pagkapasok niya sa bahay, nagpunta siya sa kwarto ng old master para hanapin si Madeline. Nang makita niya na sumara ang pinto, nagdalawang-isip siya nang dalawang segundo bago binuksan ang pinto at pumasok. Pagkabukas niya ng pinto, nakita niya si Madeline na inaayos ang kama para sa old master. Nang makita siya nito ay ngumiti ito. "Jeremy, sakto ang dating mo. Oras na para magpahinga si Lolo. Tulungan mo siya na mahiga sa kama."Ginawa ni Jeremy ang inutos niya. Tinulungan niya ang old master na ilipat sa kama at kinumutan ito. "Lolo, magpahinga ka nang maayos. Aalagaan ka namin ni Linnie kaya di magtatagal ay gagaling ka rin." Mayroong pambihirang malumanay na ngiti sa kanyang mukha. Hindi makagalaw ang old master kaya kumurap na lang siya bilang sagot. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at umalis a k
Natuwa si Karen sa 'report card' na ito. Pakiramdam niya ay kaya niyang durugin ang kaluluwa ni Madeline gamit nito. Pero hindi nabahala si Madeline rito. Tahimik lang niyang pinagtrabahuhan ang kanyang mga draft. Simple lang ang kanyang gawain sa araw-araw. Guguhit siya sa umaga at aalagaan ang old master. Sa gabi, sasamahan niya si Jackson. Magbabasa siya para sa bata at tuturuan siya kung paano magbasa. Minsan ay gumagawa rin sila ng sining. Napakasaya nila. Hindi nagsayang ng oras si Jeremy. Kahit na hindi kumikilos si Felipe nitong mga nakaraan, alam niya na may binabalak siyang masama sa sandaling ito. Nangako siya na kung nawala sa kanya ang Whitman Corporation ay tiyak na babawiin niya ito. Hindi ito isang biro at kumilos na siya para rito. At saka alam niya na gusto pa rin ni Felipe si Madeline. Kung gusto niya na manatili sa kanyang tabi ang kanyang pinakamamahal, kailangan niyang maunahan si Felipe. …Ilang araw ang nagdaan ay kumpirmado na ang araw ng kompeti
Sa sandaling makabalik si Winston ah tinawag niya si Madeline. Nagtaka rito sina Karen at Yvonne. Pero naisip ni Yvonne na isa itong magandang pagkakataon para nakawin ang mga draft! Gamit ng pagkakataon na ito, kinuhanan ni Yvonne ng larawan ang draft gamit ng kanyang phone. Nang makita ito ni Karen ay nagtataka siyang lumapit. "Yvonne, anong ginagawa mo?" Mabilis na gumana ang utak ni Yvonne pagkatapos siyang mahuli na kinuhanan ng larawan ang draft. "Tita Karen, may naisip akong paraan para mapahiya nang sobra si Madeline! Hindi magtatagal ay hindi na siya magyayabang!" "Oh?” Nagliwanag ang mga mata ni Karen. "Ano yun?" Ngumisi nang masama si Yvonne at lumapit sa tainga ni Karen bago bumulong. Nang marinig ito ni Karen ay lumitaw rin sa kanyang mukha ng masamang ngisi na iyon. Pagkatapos tawagin ni Winston si Madeline sa isang tabi, sinabihan siya nito na sumuko bago niya maitanong kung anong nangyayari. "Sumuko?" Tanong ni Madeline. Pagkatapos ay kalmado siyang
"Oo nga, Tito Winston. Baka inosente talaga si Madeline. Masama kung nagkataon na mali ang paratang natin sa kanya." Nagpanggap rin na kumampi Yvonne kay Madeline. Alam na alam ni Madeline na nagpapanggap lang ang dalawang ito. Ginagawa lang nila ito dahil nandito si Jeremy. Tumayo si Winston nang may masamang ekspresyon sa kanyang mukha. "Wala na kong gana." "Win, Win!" Hinabol siya ni Karen habang nagpapanggap na nag-aalala. Dahil dito, nakahanap rin si Yvonne ng dahilan para umalis. Pagkatapos nilang umalis na tatlo ay gumanda ang pakiramdam ni Jeremy. Naaawa niyang tinignan si Madeline habang nagpatuloy siyang pakainin ang old master. "Linnie, kumain ka muna. Ako nang gagawa niyan." "Hindi na kailangan. Hindi ako gutom." "Linnie, wag mong pansinin ang sinabi nila kanina. Papaniwalaan kita kahit anong mangyari." Malumanay ang tingin ni Jeremy. "Dahil kumakain at natutulog nang maayos si Lolo nitong mga nakaraan, tiyak ako na hindi ikaw ang salarin." Tinignan ni Madel
Nagsimulang sumigaw si Yvonne. Hindi nagtagal ay tinawag niya ang lahat ng tao sa bahay. Ngunit, nagulat si Madeline sa salitang sinigaw ni Yvonne ngayon lang. Inaabuso?Hindi nagtagal ay dumating sa eksena sina Winston at Karen. Nang makita nila ang mga pasa at sugat sa braso ng old master ay nanlaki ang kanilang mga mata. "A-Anong nangyari?" Tanong ni Winston. Pagkatapos, sumugod siya para tignan ang kondisyon ng old master. Lumapit rin si Karen nang may nag-aalalang mukha. Nang makalapit siya ay tinulak niya papalayo si Madeline. "Oh, Old Master, anong nangyari sa'yo? Nahulog ka ba sa kama?" "Tita Karen, mukhang hindi siya nahulog. Halata na mayroong nananadya na saktan si Lolo!" Sinadya ni Yvonne na ibunton kay Madeline ang sisi. "Madeline, ikaw ang nag-aalaga kay Lolo pagkatapos njyang mapunta rito. Ang mga sugat ba ni Lolo…" "Mahinay ka sa mga sinasabi mo." Narinig ang malamig na boses ni Jeremy sa laban ng kwarto. Nanginig si Yvonne. Marahan niyang tinaas ang ka
Binalot na ang mga sugat ng old master. Nang makita niya si Yvonne, nanlaki ang kanyang mahal mata at nagsimulang umungol. Gusto niyang magsalita, pero walang lumabas mula sa kanyang bibig. Nang makita ni Yvonne ang reaksyon ng old master, nagsimula siyang magsinungaling at ibunton ang lahat ng sisi kay Madeline na nakatayo sa isang tabi. "Tito Winston, Tita Karen, tingnan niyo! Napakaemosyonal ni Lolo tuwing nakikita niya si Madeline. Siya siguro ang umabuso sa kanya! Kawawa naman si Lolo!" Kaagad na kumibo si Winston. "Madeline, hahanapin ko ang ebidensya at ako mismo ang magdadala sa'yo sa police station!" Ngumiti lang si Madeline. "Sa tingin ko mas mabilis kong mahahanap ang ebidensya para mapatunayan na hindi ako ang gumawa nito." "Papatunayan ko rin na insosente ang asawa ko." Pinahinto ni Jeremy ang kotse at lumapit. Sinusuportahan pa rin niya si Madeline. Jeremy, kung magpapatuloy ka na magpaloko sa babaeng ito, masisira ang pamilya natin!" Sumigaw si Winston habang
Sobrang natuwa si Yvonne habang naghihintay na kunin ng mga pulis si Madeline. Ngunit hindi niya inaasahan na bumalik si Jeremy sa sandaling ito. Habang nag-aalala siya na baka masira ang kanyang plano kapag pinatagal pa nila ito, hindi mapigilan ni Yvonne ang kanyang sarili at nagsabing, "Jeremy, sakto ang dating mo. Inabuso ulit ni Madeline si Lolo! Tingnan mo! Ang dami niyang bagong sugat sa kanyang braso!" "Tinawag ko na ang mga pulis. Napakasama ng babaeng ito. Kailangan niyang maparusahan ng batas!" Namumula ang mukha ni Winston sa galit. Mayroon ring apoy ng galit sa kanyang mga mata. Nagpanggap si Karen na nalulungkot. "Madeline, nakaraan na iyon, kaya bakit pursigido ka pa rin na maghiganti sa amin? Si Meredith ang nanakit at nagparatang sa'yo. Anong kinalaman naming mga Whitman dito? Nawala na ang lahat kay Jeremy nang dahil sa'yo. Titigil ka lang ba kapag namatay na ang old master?" Pinilit niyang kumuha habang naglagay ng napakalungkot na ekspresyon sa kanyang mukha
'Ano?' Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Yvonne noong marinig niya iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata. Pagkatapos, tumingin siya ng masama kay Madeline. 'Paano nangyari yun? 'Naglagay siya ng camera sa kwarto? Ibig sabihin ba nun alam niya yung ginawa ko? 'Kung alam niya, bakit hindi niya ako binisto? 'Siguradong peke yun! Malamang pinapainan niya lang!' Sinusubukan ni Yvonne na pakalmahin ang kanyang sarili. "Ano? Isang camera? Paano mo nagawang maglagay ng camera sa kwarto ng old master? Madeline, ganito ka ba talaga kalaswa?" Sinamantala ni Karen ang pagkakataon na 'to para insultuhin si Madeline. Subalit, hindi nagpatinag si Madeline. "Hindi makapagsalita o makakilos si Lolo. Nilagay ko 'to para mabantayan ko ang kalagayan ni Lolo. Huwag mong ipasa sakin yung marumi at malaswang pag-iisip mo." "S-sinasabi mo bang marumi at malaswa ako? Ikaw…" Namula ang mukha ni Karen. Gusto sana niyang sumagot nang mapansin niya ang nanlilisik na mga mata ni Madeline.Sam
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si