Nagsimulang sumigaw si Yvonne. Hindi nagtagal ay tinawag niya ang lahat ng tao sa bahay. Ngunit, nagulat si Madeline sa salitang sinigaw ni Yvonne ngayon lang. Inaabuso?Hindi nagtagal ay dumating sa eksena sina Winston at Karen. Nang makita nila ang mga pasa at sugat sa braso ng old master ay nanlaki ang kanilang mga mata. "A-Anong nangyari?" Tanong ni Winston. Pagkatapos, sumugod siya para tignan ang kondisyon ng old master. Lumapit rin si Karen nang may nag-aalalang mukha. Nang makalapit siya ay tinulak niya papalayo si Madeline. "Oh, Old Master, anong nangyari sa'yo? Nahulog ka ba sa kama?" "Tita Karen, mukhang hindi siya nahulog. Halata na mayroong nananadya na saktan si Lolo!" Sinadya ni Yvonne na ibunton kay Madeline ang sisi. "Madeline, ikaw ang nag-aalaga kay Lolo pagkatapos njyang mapunta rito. Ang mga sugat ba ni Lolo…" "Mahinay ka sa mga sinasabi mo." Narinig ang malamig na boses ni Jeremy sa laban ng kwarto. Nanginig si Yvonne. Marahan niyang tinaas ang ka
Binalot na ang mga sugat ng old master. Nang makita niya si Yvonne, nanlaki ang kanyang mahal mata at nagsimulang umungol. Gusto niyang magsalita, pero walang lumabas mula sa kanyang bibig. Nang makita ni Yvonne ang reaksyon ng old master, nagsimula siyang magsinungaling at ibunton ang lahat ng sisi kay Madeline na nakatayo sa isang tabi. "Tito Winston, Tita Karen, tingnan niyo! Napakaemosyonal ni Lolo tuwing nakikita niya si Madeline. Siya siguro ang umabuso sa kanya! Kawawa naman si Lolo!" Kaagad na kumibo si Winston. "Madeline, hahanapin ko ang ebidensya at ako mismo ang magdadala sa'yo sa police station!" Ngumiti lang si Madeline. "Sa tingin ko mas mabilis kong mahahanap ang ebidensya para mapatunayan na hindi ako ang gumawa nito." "Papatunayan ko rin na insosente ang asawa ko." Pinahinto ni Jeremy ang kotse at lumapit. Sinusuportahan pa rin niya si Madeline. Jeremy, kung magpapatuloy ka na magpaloko sa babaeng ito, masisira ang pamilya natin!" Sumigaw si Winston habang
Sobrang natuwa si Yvonne habang naghihintay na kunin ng mga pulis si Madeline. Ngunit hindi niya inaasahan na bumalik si Jeremy sa sandaling ito. Habang nag-aalala siya na baka masira ang kanyang plano kapag pinatagal pa nila ito, hindi mapigilan ni Yvonne ang kanyang sarili at nagsabing, "Jeremy, sakto ang dating mo. Inabuso ulit ni Madeline si Lolo! Tingnan mo! Ang dami niyang bagong sugat sa kanyang braso!" "Tinawag ko na ang mga pulis. Napakasama ng babaeng ito. Kailangan niyang maparusahan ng batas!" Namumula ang mukha ni Winston sa galit. Mayroon ring apoy ng galit sa kanyang mga mata. Nagpanggap si Karen na nalulungkot. "Madeline, nakaraan na iyon, kaya bakit pursigido ka pa rin na maghiganti sa amin? Si Meredith ang nanakit at nagparatang sa'yo. Anong kinalaman naming mga Whitman dito? Nawala na ang lahat kay Jeremy nang dahil sa'yo. Titigil ka lang ba kapag namatay na ang old master?" Pinilit niyang kumuha habang naglagay ng napakalungkot na ekspresyon sa kanyang mukha
'Ano?' Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Yvonne noong marinig niya iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata. Pagkatapos, tumingin siya ng masama kay Madeline. 'Paano nangyari yun? 'Naglagay siya ng camera sa kwarto? Ibig sabihin ba nun alam niya yung ginawa ko? 'Kung alam niya, bakit hindi niya ako binisto? 'Siguradong peke yun! Malamang pinapainan niya lang!' Sinusubukan ni Yvonne na pakalmahin ang kanyang sarili. "Ano? Isang camera? Paano mo nagawang maglagay ng camera sa kwarto ng old master? Madeline, ganito ka ba talaga kalaswa?" Sinamantala ni Karen ang pagkakataon na 'to para insultuhin si Madeline. Subalit, hindi nagpatinag si Madeline. "Hindi makapagsalita o makakilos si Lolo. Nilagay ko 'to para mabantayan ko ang kalagayan ni Lolo. Huwag mong ipasa sakin yung marumi at malaswang pag-iisip mo." "S-sinasabi mo bang marumi at malaswa ako? Ikaw…" Namula ang mukha ni Karen. Gusto sana niyang sumagot nang mapansin niya ang nanlilisik na mga mata ni Madeline.Sam
Matapos marinig ni Jeremy ang sinabi niya, naging malamig ang kanyang mga titig, "May matibay kaming ebidensya, pero nagagawa mo pa ring sabihin na frinameup ka ni Linnie?" Nanginig si Yvonne. Hindi siya nangahas na tumingin sa mga mata ni Jeremy. "H-Hindi. Tinatrato kong parang sarili kong lolo ang old master mula pa nung umpisa. Paano ko magagawa yun…" Galit na galit si Winston. Hinampas niya ng malakas ang mga kamay niya sa mesa. "Ikaw pala ang nanakit sa tatay ko!" "Hindi, hindi ako. Hindi ko siya sinaktan! Tito Winston, maniwala ka sakin—" "Nasa harap na namin ang katotohanan pero nagagawa mo pa ring magsinungaling!" Namula ng husto ang mukha ni Winston sa sobrang galit. Pagkatapos na mahimasmasan ni Karen sa kanyang pagkagulat, nakaramdam siya ng kaba. Bago pa siya madamay sa ginawa ni Yvonne, nagdesisyon siya na unahan si Yvonne upang ma iligtas niya ang kanyang sarili. Kaya naman, sinampal niya ng malakas si Yvonne sa mukha. "Yvonne, nakakahiya ka! Sinira mo ang r
"Linnie." "Siguro kasuklam-suklam lang talaga ako. Halatang ginagawa yun ng pinsan mo para mawala ako. Sa tingin ko… gustong-gusto ka ng pinsan mo.""Ikaw talaga, walang makakapagpaalis sayo at walang makakaagaw ng posisyon mo sa puso ko." Hinawakan niya ang kamay ni Madeline at tumingin siya sa kanya. "Linnie, maipapangako mo ba 'to sakin?" Napasimangot si Madeline. "Ano yun?" Binukha ni Jeremy ang kanyang mga labi. Pagkatapos, ngumiti siya at hindi nagsalita. "Ayos lang. Sa susunod ko na sasabihin sayo." Hindi na nag-usisa pa si Madeline, ngunit may bakas ng tuwa sa kanyang magagandang mata. Pagkatapos arestuhin ng mga pulis si Yvonne, naging mas payapa ang bahay nila. Wala nang kapangyarihan si Karen na gumawa ng kahit ano ngayong mag-isa na lang siya. Bukod dun, pakiramdam niya ay kakaiba ang mga kinikilos ni Madeline nitong mga nakaraang araw. Mukhang mahina at madaling apihin si Madeline. Subalit, kapag sinubukan nilang apihin si Madeline, bumabalik lang sa kanila
Pagkatapos niyang Marinig iyon, malungkot na hinawakan ni Madeline ang hawakan ng kanyang tasa. Habang pinagmamasdan niya ang laman ng tasa, hindi niya mapigilang alalahanin ang mahinahong mga titig sa kanya ni Jeremy noong isang araw. Base sa mga mata ni Jeremy, iniisip ni Madeline na hindi siya nagpapanggap lang. Sa di malamang dahilan, nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Vera, anong iniisip mo?" "Wala lang." Natauhan si Madeline at uminom siya ng tsaa. "Hindi ko maalala ang mga nangyari. Pero, sinaktan nga ako ni Jeremy noon. Hinayaan niya ang kabit niya at ang pamilya niya na ipahiya at insultuhin ako. Alam ko ang lahat tungkol dun. Sisiguraduhin ko na maghihiganti ako." Noong sinabi niya yun, makikita ang galit at pagkamuhi sa mga mata ni Madeline. Tahimik na pinagmasdan ni Felipe ang ekspresyon ni Madeline, napangisi siya dahil dito. "Vera, gawin mo kung anong kailangan mong gawin. Susuportahan kita at maghihintay ako sayo." "Salamat, Felipe. Alam ko
…Pagkalipas ng ilang sandali, inutusan ni Felipe ang isa sa mga tauhan niya na ihatid pauwi si Madeline. Habang pauwi siya, pinaglaruan ni Madeline ang phone niya at napansin niya na nagmessage sa kanya si Jeremy kanina pa. Subalit, nakalagay dito na nakita na niya ang message na ito. Tumingin siya sa labas ng bintana at nag-isip ng malalim. Kasabay nito, pababa dinadaanan ng kotse ng sinasakyan niya. Nabigla siya sa pagbilis ng kotse at lumitaw sa kanyang isipan ang isang pamilyar na pangyayari. Noong matauhan siya, nakahinto na ang kotse sa tapat ng bahay niya. Nakauwi na din si Jeremy noong bumaba ng kotse si Madeline. Noong makita niya si Madeline na nakatayo sa tapat ng pinto at nakatulala, nagmadaling bumaba ng kotse niya si Jeremy at tumakbo siya papunta kay Madeline. "Linnie?" Natauhan si Madeline nang marinig niya na may tumatawag sa pangalan niya. Lumingon siya at nakita niya ang nag-aalalang tingin sa kanya ni Jeremy. Mahinahon siyang ngumiti. "Tinawagan ak