Pinagmasdang maigi ni Madeline si Eloise habang kinukuha ni Eloise ang isang pitaka mula sa kanyang bag at inabot ito sa kanya. "Panahon na para ibalik ko 'to sa tunay nitong may-ari." Tinitigan ni Eloise si Madeline. "Eveline, alam ko nawala ang mga alaala mo at hindi mo natatandaan ang mga nangyari noon. Pero, hindi ko gagamitin ang pagkakataong ito para magsinungaling sayo dahil balang araw, gagaling ka at maaalala mo ang lahat." Ang sabi ni Eloise at nagsimula siyang maluha. Hinawakan ni Madeline ang pitaka at nakapa niya ang isang pendant sa loob nito. Sa sandaling ito, tumawag si Jeremy at nagtanong kung nasaan si Madeline. Sinabi niya na kasama niya si Eloise at sinabihan niya si Jeremy na hintayin siya sa kotse. Sinunod ni Jeremy ang sinabi ni Madeline. Pagkalipas ng isang oras, bumalik sa kotse si Madeline. Lumabas ng sasakyan si Jeremy upang tulungan si Madeline sa kanyang mga bitbit at binuksan niya ang pinto. Pagkatapos, hinatid niya pauwi si Madeline. Habang pa
Suot ng babaeng yun ang mamahaling puting gown na nakita ni Yvonne sa shop kaninang umaga habang papasok siya sa hotel. Yung host na nakasuot ng isang suit ay yumuko at binati ang babae na para bang isa siyang reyna. Napakagalang niya sa babae. Humanga si Yvonne habang pinagmamasdan niya ang babae. Nangangarap siya na sana ay may magtrato rin ng ganun sa kanya. Natauhan lamang si Yvonne noong tinawag ni Karen ang pangalan niya. Dahil wala silang imbitasyon, dumaan sila sa pinto sa gilid ng hotel. Noong makarating sila sa party, kumislap ang mga mata ni Yvonne. Nakita na niya ang mga ganitong party sa mga palabas sa telebisyon noon, ngunit hindi pa niya ito personal na naranasan. Marami siyang nakitang nakapostura at naggagwapuhang lalaki. Kaya naman, naghahanap na siya ng target niya. Pagkalipas ng ilang segundo, napako ang tingin niya sa isang gwapong binata. Noong susubukan niyang lumapit at magkunwari na di niya sinasadyang bumangga sa lalaki, hinablot siya ni Kare
Hindi niya inasahan na ang Ms. Vera na pinupuri nila ay si Madeline Crawford!Pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito, Vera din ang tawag ng iba kay Madeline at ang taong pinupuri nila ay ang head jewelry designer ng Miss L.ady, si Vera Quinn. Si Vera Quinn si Madeline Crawford!Pakiramdam ni Yvonne na isa siyang malaking tanga. Noong una, balak niyang sumipsip sa dalawang lalaking ito, pero ngayon, naghahanap na lang siya ng gulo at kahihiyan. Noong makita ni Madeline ang nakangiwing mukha ni Yvonne, nagulat si Madeline. "Bakit ka nandito? Kailan ka nila pinalaya?" “...”Noong marinig ng lahat ang sinabi ni Madeline, nagsimula silang magsuspetya kay Yvonne. "Pinalaya? Ms. Vera, kilala mo ba ang taong 'to?" "Oo, paanong hindi ko siya makikilala?" Tumingin sa kanila si Madeline at mahinahon siyang ngumiti. May matalim na liwanag sa kanyang kaakit-akit na mga mata. "Siya yung gumawa ng trending na article tungkol sa pananakit ko daw sa isang matandang lalaki," ang sina
"Ikaw ba si Ms. Montgomery? Isang karangalan ang makilala ka ngayong gabi." "Eveline, siya si Sir Calver. Siya yung dating chairman ng charity natin. Malapit rin siyang kaibigan ng tatay mo." Pinakilala siya ni Eloise. Ngumiti si Madeline at nakipagkamay siya kay Sir Calver. "Hello, Tito Calver." "Hello, hello. Ms. Eveine, napakaganda mo. Magiging napakaganda ng dinner ngayong gabi dahil sayo. Pwede ba kitang maimbitahan na tumugtog ng isang kanta para samin bilang opening act sa charity dinner?" "Tumugtog ng isang kanta" Tumingin si Madeline sa isang itim na piano sa harap niya. Ngumisi si Karen. Nasasabik siya na mapahiya su Madeline. "Hmph, pinapahiya mo ako kanina lang. Sa wakas, ikaw naman ngayon." Lumapit si Yvonne. "Tita Karen, alam ba ni Madeline kung paano tumugtog ng piano?" "Wala siyang alam! Para siyang maid noong nakatira siya kasama ng mga Crawford. Sa tingin mo ba nakakahawak siya ng mga mamahaling bagay na gaya ng isang piano? Wala siyang kwenta kung wala
"Bakit?" May kakaibang ngiti sa mukha ni Felipe. "Kung nagawa kong iligtas ang buhay ni Madeline noon, magagawa ko ring mahalin niya o ayawan niya ang kahit sino kung kailan ko gusto." Tumingin si Jeremy sa babaeng nasa mga kamay niya ng may mahinahong ngiti sa kanyang mukha. Noong muli siyang tumingin kay Felipe, nagmistulang mga icepick ang kanyang mga mata na bumabaon kay Felipe. "Walang sinuman ang pwedeng magmanipula sa mga emosyon at isipan ni Linnie. Felipe, makikita din ni Linnie ang tunay mong pagkatao balang araw." Tumawa si Felipe. "Hindi mangyayari yun," ang sabi niya habang palapit siya kay Jeremy. Salungat sa liwanag mula sa kotse, natakpan ng anino ang gwapo niyang mukha. "Jeremy, pahalagahan mo ang huling dalawang araw na kasama mo si Maddie dahil hindi magtatagal, tuluyan na siyang mawawala sayo." Humalakhak si Felipe pagkatapos niyang magsalita. Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad papunta sa gilid ng kalsada. Binuksan ng driver ang pinto ng sasakyan par
”Asawa kita kaya natural lang na mag-alala ako sayo.”Lalong tumamis ang ngiti ni Madeline nang marinig niya ang sinabi ni Jeremy.Pagkatapos nun, tinawag ni Jeremy si Adam. Pagkatapos siguraduhin na walang masamang nangyari kay Madeline, inuwi na siya ni Jeremy.Habang nasa daan, iniisip pa rin niya ang sinabi ni Felipe sa kanya kagabi.Dalawang araw?Anong gagawin ni Felipe pagkatapos ng dalawang araw?Pero, kahit anong mangyari, hindi niya pa rin bibtawan si Madeline. Pagkatapos nilang makauwi, marahang sinabihan ni Jeremy si Madeline na kailangan nitong manatili sa bahay sa loob ng dalawang araw. Hindi siya pwedeng lumabas kahit anong mangyari.Sumang-ayon naman si Madeline.Pero, dahil sa kailangang ihatid ni Jeremy si Jackson sa eskwelahan, wala siyang ibang magagawa kung hindi iwanan si Madeline nang mag-isa nang panandalian. Sa umaga, inilabas ni Madeline ang matanda para makapagpaaraw ito tutal naman maaliwalas ang panahon. Umupo siya sa tabi ng old master dala a
Umalingawngaw sa tenga ni Madeline ang mga hiyaw ni Meredith.Naramdaman ni Madeline na parang may kumirot sa kanyang dibdib, pero hindi siya tumigil sa paglalakad.Biglang namula ang paningin ni Meredith nang makita niyang hindi man lang ininda ni Madeline ang kanyang mga sinabi. Pagkatapos, lalo pa siyang naghihiyaw, “Madeline, mali ka nang lalakeng pinagbubuhusan ng emosyon! Akala mo nagkatuluyan kayo ng binatang nakilala mo noon, pero ang totoo, hindi si Jeremy ang binatang iyon! Hindi siya yun!“Wala siyang maalala na nagbitiw siya ng pangako dahil hindi siya ang binatang yon! Kaya ka niya pinahirapan at dinungisan ng lubusan! Sa tingin mo ba ay trinato ka niya ng maayos noon dahil lang sa inakala niya na ikaw ay ako? Hahaha! Hindi! Dahil yung sa mahala niya talaga ako! Mabait lang siya ngayon sayo para lang maipaghiganti niya ako!“Madeline, hinahanap mo parin ang binatang iyon ng ilang taon na at sa bandang huli, maling tao pa rin ang nahanap mo! Binigo mo pa ang binatang pi
Kaagad na tumitig si Jeremy ng malamig. ang malamig niyang mga titig ay nagpanigas sa puso ni Meredith na puno ng emosyon at umaasa. “Isang babae lamang ang minahal ko sa buong buhay ko at ang babaeng iyon ay si Linnie. At ikaw, sa tingin mo ba ay may lalakeng magmamahal nang isang walang puso at mapanlinlang na babae na gaya mo?” “Heh!” Mapait na tumawa si Meredith. Pagkatapos, itinikom niya ang kanyang mga kamay. Napuno ng matinding galit at pagseselos ang kanyang mga mata. “Ayos, ang pranka ng sagot mo. Sa sobrang pranka, mamatay na lang ako na puno ng kalungkutan!”Kinagat ni Meredith ang kanyang labi hanggang sa magkasugat ito. Hindi niya ito tinigilan kahit na dumugo na ito. Walang interes si Jeremy na makita si Meredith sa ganitong miserableng sitwasyon, kaya kaagad niya itong tinanong, “Ayokong mag-aksaya ng oras. Sabihin mo na sa akin kung ano ang bagay na yun.”Mapait na tinawanan ni Meredith ang kanyang sarili dahil sa ayaw siyang tignan ni Jeremy. “Jeremy, mamatay n