Kaagad na tumitig si Jeremy ng malamig. ang malamig niyang mga titig ay nagpanigas sa puso ni Meredith na puno ng emosyon at umaasa. “Isang babae lamang ang minahal ko sa buong buhay ko at ang babaeng iyon ay si Linnie. At ikaw, sa tingin mo ba ay may lalakeng magmamahal nang isang walang puso at mapanlinlang na babae na gaya mo?” “Heh!” Mapait na tumawa si Meredith. Pagkatapos, itinikom niya ang kanyang mga kamay. Napuno ng matinding galit at pagseselos ang kanyang mga mata. “Ayos, ang pranka ng sagot mo. Sa sobrang pranka, mamatay na lang ako na puno ng kalungkutan!”Kinagat ni Meredith ang kanyang labi hanggang sa magkasugat ito. Hindi niya ito tinigilan kahit na dumugo na ito. Walang interes si Jeremy na makita si Meredith sa ganitong miserableng sitwasyon, kaya kaagad niya itong tinanong, “Ayokong mag-aksaya ng oras. Sabihin mo na sa akin kung ano ang bagay na yun.”Mapait na tinawanan ni Meredith ang kanyang sarili dahil sa ayaw siyang tignan ni Jeremy. “Jeremy, mamatay n
Kaagad na lumuhod si Madeline para pulutin ang bagay na nahulog sa lapag. Mas mabilis pa siya kay Felipe. “Bakit nasa sayo ang bagay na to?” Napasimangot si Madeline habang bakas sa mga mata nito ang pagtataka at pagkabigla. Inabot ni Felipe ang makulay na kabibe mula kay Madeline ng dahan-dahan at hinawakan ito ng maigi. “Higit sa sampung taon na rin ang lumipas sa beach sa may April Hill, may isang batang babae ang nagbigay sa akin ng makulay na kabibe na ito. Sinabi pa nito na sana’y lagi akong maging masaya at hiniling na sana ay maging magkasama kami habang buhay.”Sabi ni Felipe habang tinitigan si Madeline sa mga mata, na bakas ang kalungkutan at pangungulila. “Pero, pagkalipas ng humigit sa sampung taon, nahulog na pala ang loob nito sa ibang lalake.”“Ano bang sinasabi mo?” Nanlaki ang mga mata ni Madeline pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Felipe. Tinignan niya ang mukha ni Felipe na nasa kanyang harapan, gulat na gulat. Bigla niyang naalala ang imahe ni Meredith
“Tumigil… Tumigil ka na sa kasasalita. Ang sakit ng ulo ko! Jeremy, Jeremy…”"Linnie!"Si Jeremy, na kakabalik lang galing sa kulungan, ay dumating sa villa at nakita ang buong pangyayari. Desperadong sinigaw ni Madeline ang pangalan niya habang hawak-hawak ni Felipe ang mga kamay ni Madeline. Kaagad niyang ipinarada ang kanyang kotse, mabilis na tumakbo sa gitna ng ulan, at niyakap si Madeline na hanggang ngayon ay sinasambit ang kanyang pangalan. “Andito na ako, Linnie. Huwag ka nang matakot.” Sabay niyakap nang mahigpit si Madeline. Pakiramdam niya tuloy ay parang sinasaksak ang kanyang puso habang nakikitang nahihirapan si Madeline. Binalot siya ng galit at nilingon si Felipe habang tinititigan ito ng masama at nagbitiw ng masasakit na mga salita mula sa kanyang maninipis na labi, “Umalis ka na. Huwag mo nang guluhin ang asawa ko. Umalis ka na sa harapan namin ngayon mismo.”Hindi nagalit si Felipe at ngumiti lang. Ang mga malamig niyang mga titg ay nabaling mula sa na
Kaagad na nagising at nagsilabasan ang mga kasambahay at guwardiya, pero wala ni isa sa kanila ang nakapigil kay Jeremy na mukhang handang pumatay. “Sabihin niyo kay Felipe na magpakita sa akin.” naglakad siya papunta sa gitna ng bulwagan at tinitigan ng masama ang mga guwardiya na humaharang sa kaniya. “Bakit ang daming tao dito kung gusto lang naman akong makita ng pamangkin ko?” Nagmula sa itaas na palapag ng villa ang boses ni Felipe.Kaagad nabaling ang malamig na titig ni Jeremy sa kinaroroonan ni Felipe na pababa sa may hagdan.Nakasuot ng maluwag na bathrobe si Felipe at kalmado. “Magpahinga na kayong lahat. Iwanan niyo na kami ng pamangkin ko at huwag niyo kaming gagambalain.” At pinaalis na niya ang kanyang mga katulong at mga guwardiya.Di nagtagal, silang dalawa na lang ang naiwan sa bulwagan.“Felipe Whitman, ito ba ang paraan mo para manakaw ang asawa ng iba? Sa pamamagitan ng paulit-ulit na panggugulo at pinapahirapan kay Linnie? Masaya ka na ba?” Bakas ang galit
Binagsak ni Jeremy ang mga chopsticks sa lamesa. Kaagad na tumahimik si Karen. Iniangat niya ang kanyang tingin para makita na pati ang Old Master ay tinitignan siya ng masama, at halatang hindi nasiyahan sa ginawa niya.Si Madeline, sa kabilang banda, ay pinunasan ang bibig ng Old Master bago tinitigan si Karen. Ngumiti siya at sinabi, “Mukhang ang kasabihan tungkol sa kung paano hindi magbabago ang isang tao ay patungkol sayo, tama?”…“alam mo naman na hindi masisiyahan ang lahat sa mga sinasabi mo, pero, sinabi mo pa rin. hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung isa ka bang hangal o sadyang mababa ang iyong EQ?”Namula ang mukha ni Karen. “Ikaw…”“Tumigil ka! Kumain ka na!” Singit ni winston, at hindi siya hinayaan na matapos ang sasabihin.Subalit, ayaw sumuko ni Karen. Habang nakatitig sa nakangiting Madeline, pakiramdam niya ay ginagawa siyang katatawanan ni Madeline.Sa sobrang inis, pinulot ni KAren ang kanyang pitaka at lumbas para doon tapusin ang kanyang almusal
Kaagad na bumalik si Karen pagkatapos ng masinsinan nilang pagpaplano ni Yvonne sa kondo. Napansin ni Karen na pababa si Madeline sa hagdan nang pumasok siya sa villa. Ngumiti siya at binati si Madeline para hindi siya pagdudahan nito. "Aking daughter-in-law," tinawag ni Karen si Madeline. "Pasensya ka na sa nangyari kaninang umaga. Tama ka nga, ako nga ay isang tao na may mababang EQ. Hindi ako magaling magsalita, kaya huwag mo sanang damdamin ang mga nasabi ko." Ngumiti si Madeline at sumagot, "Hindi ko mamasamain ang mga kahangalan na sinabi mo." Hindi kayang tiisin ni karen ang parankang sagot ni Madeline. Nanigas ang ngiti ni Karen nang dahil sa galit, "Madeline, nagpaumanhin ako sayo ng maayos, pero ganito ang ipapakita mo sa aking pag-uugali? Ikaw---" "May nangyayari sigurong kaduda-duda kung may kakaibang nangyayari ngayon. Hindi mo ba alam yun?" Pinutol kaagad ni Madeline ang sasabihin nito, habang tinitignan niya si Karen ng bakas ang pag mapagmataas sa kanyang mata
Alam ni Karen na ito na ang pagkakataon para nakawin ang disenyo ni Madeline. Napansin din niya ang laptop na nasa lamesa na kung saan makikita ang kopya ng disenyo. Kaagad nilog-in ni Karen ang kanyang email at ipinadala ang electronic manuscript ng disenyo kay Yvonne. Binura rin niya ang archive sa laptop para walang maiwan na bakas. Pagkatapos ng lahat, kumuha ng isang basong tubig si Karen at ibinuhos sa mga papel. Pagkatapos, inilagay niya ang baso sa may kanto ng lamesa nang sa gayon ay magmukhang may nakatabig ng baso kaya nabasa ang mga papel. Sa kabilang banda, tuwang tuwa naman si Yvonne nang makuha niya disenyo na ipinadala ni Karen. Kaagad niyang tinawagan ni Yvonne si Karen para siguraduhin na ito ang gagamitin ni Madelien sa kompetisyon.Kuntentong tinitigan ni Yvonne ang disenyo. “Madeline, kinikilala ko ang talento mo. Sa kasamaang palad, kahit gaano ka pa kagaling gumuhit, magiging produkto ko pa rin ito! Haha!”Tumawa si Yvonne ng malakas na parang baliw haba
Ang reaksyon ng mga manonood ay taliwas sa reaksyon ng mga hurado habang nakatingin na para bang nabighani sa disenyo.Nang makita niya ang reaksyon ng mga taong nanunuod at ng mga hurado dahil sa disenyo, napangiti tuloy ng malaki si Yvonne. 'Mukhang napukaw ng disenyong to ang atensyon ng lahat. Tignan mo na lang ang mga tao dito! Lahat sila'y nakanganga habang nakatingin dito!' Si Karen, na nakaupo kasama ng iba pang manunuod, ay natuwa rin nang marinig niya ang mga papuri na ibinigay ng mga manonood. Nagkatinginan sila Karen at Yvonne, pagkatapos ay tinignan niya si Madeline na nakaupo sa lugar ng mga kalahok. Parehong natuwa sila Yvonne at Karen nang makitang nagulat si Madeline. ‘Hmph, hindi mo inasahan na mangyayari to ano, tama ba, Madeline?‘Sa akin na ang gawa mo!’“Ika-anim na designer, sigurado ka ba na ito ang disenyong ipinasa mo para sa kompetisyon na ito?” tanong ni Mr. Lewinski, na dati nang nakilala at sinamahan ni Yvonne sa isang charity banquet. Napa