Share

Kabanata 595

Ang reaksyon ng mga manonood ay taliwas sa reaksyon ng mga hurado habang nakatingin na para bang nabighani sa disenyo.

Nang makita niya ang reaksyon ng mga taong nanunuod at ng mga hurado dahil sa disenyo, napangiti tuloy ng malaki si Yvonne.

'Mukhang napukaw ng disenyong to ang atensyon ng lahat. Tignan mo na lang ang mga tao dito! Lahat sila'y nakanganga habang nakatingin dito!'

Si Karen, na nakaupo kasama ng iba pang manunuod, ay natuwa rin nang marinig niya ang mga papuri na ibinigay ng mga manonood.

Nagkatinginan sila Karen at Yvonne, pagkatapos ay tinignan niya si Madeline na nakaupo sa lugar ng mga kalahok.

Parehong natuwa sila Yvonne at Karen nang makitang nagulat si Madeline.

‘Hmph, hindi mo inasahan na mangyayari to ano, tama ba, Madeline?

‘Sa akin na ang gawa mo!’

“Ika-anim na designer, sigurado ka ba na ito ang disenyong ipinasa mo para sa kompetisyon na ito?” tanong ni Mr. Lewinski, na dati nang nakilala at sinamahan ni Yvonne sa isang charity banquet.

Napa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status