”Jeremy, wala akong pakialam kung gusto mong mamatay, pero huwag mong dungisan ang kamay ko.” Tinitigan ni Madeline si Jeremy, at bigla na lang, bumilis ang tibok ng kanyang puso. Akala ni Madeline ay matutuwa siya kapag narinig niya na gusto nang mamatay ng taong kinamumuhian niya, pero sa mga sandaling yun, hindi siya komportable sa nangyayari. Nang mapansin niya na lumalaki na ang bakas ng dugo sa puting t-shirt ni Jeremy, biglang napuno ng luha ang mga mata ni Madeline. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya at itnulak palayo si Jeremy. “Umalis ka na, Jeremy! Kahit na mamatay ka pa sa harapan ko, hindi kita mapapatawad!” Buong lakas niyang itinulak palayo si Jeremy, pero hindi man lang ito natinag. Hindi nagawa ni Madeline na maitulak ito kahit ano pang gawin niya. “Umalis ka na, Jeremy! Kung hindi ka aalis, ako ang aalis!”Mabilis na tinungo ni Madeline ang pintuan, at pagkalagpas niya kay Jeremy, niyakap siya nito ng maghigpit mula sa likod. “Huwag kang umalis, Li
Umirap si Madeline at malamig na sinabi, “Bitawan mo ako kung hindi ay iiwanan kita dito ngayon mismo.”Mabilis na binitawan ni Jeremy ang mga kamay ni Madeline. Nanatiling tahimik si Madeline at inilabas ang panlinis ng sugat at mga bendahe mula sa first aid kit. Pagkatapos ay tinanggal niya sa pagkakabotones ang damit ni Jeremy. Lumantad kay Madeline ang matipunong dibdib ni Jeremy. Hindi tulad ng ibang lalake na tanned, pantay ang kay Jeremy.Gumawa rin tuloy ito ng malaking pagkakaiba sa kulay ng balat at dugo na nasa dibdib nito, kaya lalo tuloy nakakabiglang tignan.Kahit na hindi naman malalim ang sugat, nakakapag-alala pa rin ito. Nilinis ni Madeline ang sugat gamit ang bulak na binabad sa disinfectant. Pagkatapos, kumuha siya ng sterile gauze at idiniin ito sa sugat. At sa huli, idinikit niya ito gamit ng sticky tape. Tahimik lang si Jeremy at nakatitig lang kay Madeline. Malapit lang siya sa kanya. Ang kanyang maamo at magandang mukha ay nakaukit na sa bintana ng
"Salamat." Huminto si Madeline nang marinig niya ito. Tapos naglakad siya palayo. Malambing ang mga mata ni Jeremy nang tignan niya si Madeline nang umalis ito. Kinain niya ang noodles nang puno ng ligaya ang kanyang puso. Pareho silang di pa nakakakain buong araw. Sa sandaling iyon, sobrang saya niyang kinakain ang mangkok ng noodles na inihanda nito para sa kanya. … Nag-aalala nang sobra si Eloise at Sean nang malaman nilang sumakay ng kotse si Madeline kasama ni Jeremy. Huling nakita si Madeline sa may pasukan ng kindergarten. Di nila makausap si Jeremy o si Madeline. Di rin nila malaman kung saan dinala ni Jeremy si Madeline. Masunuring umupo si Jack sa sofa. Tinignan niya sila gamit ng kanyang naguguluhan at inosenteng mata at nagtanong, "Grandpa, Granny, sinabi ni Daddy na dadalhin niya ako sa playground kasama ni Mommy. Nasaan sila?" Dalian siyang sinuyo ni Eloise nang nakangiti. "Jack, may kailangang gawin ang mga magulang mo. Babalik sila sa loob ng dalawang
Nadismaya siya at unti-unting lamapit. Ang magandang araw ay kasalungat ng kulay asul na tubig. Napaganda din nito ang makinis niyang mukha. Nakapaa si Madeline at nakaupo sa baybayin. Mayroon siyang hawak. Tumingin siya sa baba nang isang ngiti ang lumitaw sa mukha niya. Mang marinig niya ang mga yabag nito, ang matamis na ngiti sa mukha ni Madeline ay naglaho nang makita niya si Jeremy. "Linnie." Di siya pinansin ni Madeline, tumayo at umalis. Nalungkot si Jeremy at tahimik na sumunod sa kanya. Nasa harapan lang niya ito, ngunit parang ang layo niya. "Sa loob ng kalahating oras, may dadating na bangka. Pwede ka nang umalis sa mga oras na yun." Narinig ni Madeline ang boses ni Jeremy mula sa likod, tapos sumagot siya nang mahina," Alam ko. Lumabas ako para tignan ito." Alam ni Jeremy na di niya mapapapayag si Madeline na manatili, kaya tumawa siya nang malungkot. "Pupunta ka ng F Country kasama ni Felipe diba?" "Wala ka nang pakialam doon." Huminto si Madelin
'Di ako nararapat sa'yo. Paalam, mahal kong Linnie, ang nag-iisa kong Linnie.' Tinignan ulit ni Jeremy si Madeline sa huling pagkakataon at tahimik na tumalikod. Umapaw ang luha mula sa loob at tumulo sa kanyang mga pisngi. Alam niya na kagagawan niya ang lahat ng ito. Wala siyang ibang masisisi kundi ang kanyang sarili. 'Sobrang sakit ng puso ko. Parang di ako makahinga.' Nang makalapit ang barko, lumakas ang simoy ng hangin. Nagulo ng hangin ang buhok ni Madeline. Sinubukan niyang ayusin ang kanyang buhok at nakita niya si Jeremy na palayo. Pakiramdam ni Madeline na parang sinaksak ang puso niya nang makita niya ito. Habang nakatulala, nalaglag ang hawak ni Madeline. Yumuko siya para damputin ito. Sa kasamaang palad, natumba siya at nawalan ng balanse. Ah! Si Jeremy, na di pa nakakalayo, ay narinig ang sigaw ni Madeline. Tapos, narinig niya na parang may nalaglag sa tubig. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya. Paglingon niya, di niya nakita ang katawan ni
Tuluyang gumuho ang loob niya. Yumuko siya sa gipit at idinikit ito sa noo ni Madeline. Marahang hinaplos ng nanginginig niyang kamay ang malalambot na pisngi nito nang tumulo ang mga luhang di niya mapigilan. "Bakit gusto mo akong pahirapan nang ganito? Bakit ko ba ginawa ang mga katangahan na yun kahit mahal na mahal mukha ako? Linnie, pakiusap wag mo akong iwan. Pakiusap…" Niyakap ni Jeremy ang maputlang mukha ni Madeline, at nadurog ang puso niya kasabay ng kanyang mga tumutulong luha nang isang matinding sakit ang bumalot sa katawan niya. "Linnie, kung gusto mo talagang pumunta sa ibang mundo, sasamahan kita." Hinawakan ng mga mainit na daliri niya ang mukha nito habang nababalot ng dilim ang mga mata niya. "Pupunta ako kahit saan ka pumunta sa hinaharap." Ngumiti siya, habang dumikit ang labi niya kay Madeline nang halikan niya ito. Sa sandaling ito, umubo si Madeline. Ang halos mamatay na puso ni Jeremy ay biglang umayos ulit. "Linnie?" Nagulat siya nang
Di nagtagal pagkatapos dalhin ni Felipe si Madeline sa bangka, nagising siya. Idinilat niya ang mga nanghihina niyang mata at nakita ang gwapong mukha ni Felipe na puno ng pag-aalala. "Eveline. Eveline, gising ka na ba?" Marahan nitong sinabi. Di pa tuluyang nagigising si Madeline. Tumingin siya sa paligid na parang may hinahanap siya nang nalilito. "Eveline?" "Felipe?" Tinignan ni Madeline nang nagtataka ang lalaking may hawak sa kanya. "Bakit ikaw yan?" "Baliw, sino pa ba?" Hinaplos nito ang pisngi niya. "Alam kong kinuha ka ni Jeremy kaya hinanap kita. Noong makarating ang bangka na sinasakyan ko sa pampang, nakita kitang nahulog sa tubig." Habang nakikinig sa kanya, unti-unting naalala ni Madeline ang nangyari bago ito mawalan ng malay. Nakita niya si Jeremy na tumalikod at naglakad palayo, at nang maglakad ito palayo nang palayo, sa isang dahilan, nakatulala siya. Ang bookmark na hawak niya ay nalaglag na rin mula sa kamay niya. Nababahala siya na kunin ang leaf
"Dad!" Narinig niyang binulabog ng malinaw at matamis na boses ng bata ang katahimikan. Itinaas ni Madeline ang tingin niya at tumingin sa labas ng bakal na gate. Talagang ito ay si Jeremy. Suot niya ang isang simpleng damit at ang puting damit ay may init at kisig sa kanyang malamig at gwapong mukha. Mukhang medyo nagulat si Jeremy nang makita niya si Madeline, pero kaagad siyang ngumiti nang maamo bago lumapit sa mag-ina. Kusang dumapo sa dibdib ni Jeremy ang tingin ni Madeline. Naisip niya iyong araw na pwersahang itinutok ni Jeremy ang kamay niya sa dibdib nito at nataga ito. Di siguro kaagad na naghilom ang sugat. "Daddy." Gamit ang maiikli nitong binti, tumakbo si Jackson patungo kay Jeremy. Yumuko si Jeremy at iniunat ang kanyang braso para salubungin ang bata. "Jack." Niyakap niya ang mainit at malambot na bata at hinalikan nang malambing ang pisngi ni Jack. "Titira na kayo sa ibang lugar kasama ng mom mo bukas. Makikinig ka sa mom mo okay?" Bulong niya ha