Di nagtagal pagkatapos dalhin ni Felipe si Madeline sa bangka, nagising siya. Idinilat niya ang mga nanghihina niyang mata at nakita ang gwapong mukha ni Felipe na puno ng pag-aalala. "Eveline. Eveline, gising ka na ba?" Marahan nitong sinabi. Di pa tuluyang nagigising si Madeline. Tumingin siya sa paligid na parang may hinahanap siya nang nalilito. "Eveline?" "Felipe?" Tinignan ni Madeline nang nagtataka ang lalaking may hawak sa kanya. "Bakit ikaw yan?" "Baliw, sino pa ba?" Hinaplos nito ang pisngi niya. "Alam kong kinuha ka ni Jeremy kaya hinanap kita. Noong makarating ang bangka na sinasakyan ko sa pampang, nakita kitang nahulog sa tubig." Habang nakikinig sa kanya, unti-unting naalala ni Madeline ang nangyari bago ito mawalan ng malay. Nakita niya si Jeremy na tumalikod at naglakad palayo, at nang maglakad ito palayo nang palayo, sa isang dahilan, nakatulala siya. Ang bookmark na hawak niya ay nalaglag na rin mula sa kamay niya. Nababahala siya na kunin ang leaf
"Dad!" Narinig niyang binulabog ng malinaw at matamis na boses ng bata ang katahimikan. Itinaas ni Madeline ang tingin niya at tumingin sa labas ng bakal na gate. Talagang ito ay si Jeremy. Suot niya ang isang simpleng damit at ang puting damit ay may init at kisig sa kanyang malamig at gwapong mukha. Mukhang medyo nagulat si Jeremy nang makita niya si Madeline, pero kaagad siyang ngumiti nang maamo bago lumapit sa mag-ina. Kusang dumapo sa dibdib ni Jeremy ang tingin ni Madeline. Naisip niya iyong araw na pwersahang itinutok ni Jeremy ang kamay niya sa dibdib nito at nataga ito. Di siguro kaagad na naghilom ang sugat. "Daddy." Gamit ang maiikli nitong binti, tumakbo si Jackson patungo kay Jeremy. Yumuko si Jeremy at iniunat ang kanyang braso para salubungin ang bata. "Jack." Niyakap niya ang mainit at malambot na bata at hinalikan nang malambing ang pisngi ni Jack. "Titira na kayo sa ibang lugar kasama ng mom mo bukas. Makikinig ka sa mom mo okay?" Bulong niya ha
Nakita niya si Jeremy at Felipe na nagkasalubong. Mukhang nagkatinginan sila pero di sila nag-usap. Naglakad si Felipe diretso sa kanya habang ang elegante, maamo at gwapong mukha nito ay may ngiti na parang simoy ng hangin sa tagsibol. Ang kanyang papalapit na matangkad na katawan ay humarang sa likuran ni Jeremy. "Hinihintay mo ba ako?" Marahang ngumiti si Felipe. Iniabot niya ang kamay niya sa balikat ni Madeline bago siya italikod. Ngumiti nang bahagya si Madeline at sinundan si Felipe at humarap sa bahay. Tuluyan nang nakalayo si Jeremy. Sa kalayuan, huminto si Jeremy. Tumingin siya sa likod at nakita niya ang sandaling hinawakan ni Felipe si Madeline. Naaninag niya ang katawan nila at parang libu-libong langgam ang gumapang sa kanyang puso at kinagat ito. Unti-unting natunaw ng hangin ang kislap sa kanyang mata. Ang Madeline na dating humabol sa kanya at ang mga sandaling hinahangaan siya nito sa kanyang alaala ay naging buhangin na unti-unting tinatangay ng hangi
Di alam ni Old Master Whitman kung anong gustong gawin ni Felipe sa kanya, pero di maganda ang pangitain niya. Pero tingin niya di gagawa ng malalang bagay si Felipe nang lantaran. Ngumiti lang nang walang pake si Felipe bago ilabas ang isang larawan mula sa kanyang bulsa. Ipinakita niya ang larawan sa matanda at ang itim niyang mata ay puno ng mapanlinlang na ngiti. "Nakikilala mo pa ba ang tao sa larawan? Isa diyan ay ang kapatid mo at ang sister-in-law mo. Sila ay nagmamahalan na mag-asawa na may mabait at maunawaing anak. Sila ay may masagana at matagumpay na career pero anong nangyari?" Galit na sinabi ni Felipe nang idiin niya nang malakas sa mukha ng matanda ang larawan. "Sinira mo lahat!" "Hnghh…" Hirap na nagpumiglas ang matanda at nanlalaki ang mga mata niya. Masiglang ngumiti si Felipe. "Anong problema? Nahihirapan ka ba? Masakit ba? Ang kalagayan mo ngayon ay ang kabayaran sa mga ginawa mo." "Hngh hmph…" "Wag kang mag-alala, wala muna akong gagawin sa'yo, pe
Pumasok siya sa ward ng old master para samahan ito nang tahimik. Pinanood niyang dumilim ang langit mula sa bintana nang nanatiling malamlam at walang liwanag ang puso niya. Paanong di siya magkakaganito kung ang anak niya at ang babaeng mahal niya ay aalis na kasama ang ibang lalaki kinabukasan? Wala siyang magawa para pigilan ito dahil sumumpa na siya sa sarili niya na hindi na niya ito pipilitin ulit sa bagay na di nito gusto. Pakakawalan niya ito kung sa ganitong paraan siya makakahanap ng tunay na kasiyahan. Gayunpaman, sari-saring emosyon ang nagkagulo sa loob niya sa kaalaman na aalis na si Madeline kasama pa si Felipe sa dami ng tao. "Mad…" Sa katahimikan, narinig ni Jeremy ang isang magaspang na boses. Tumingin siya sa taas at natuwa nang malaman na nakakapagsalita na ulit ang old master! "Mad, Mad…" "Grandpa." Sumugod si Jeremy para hawakan ang malamig na kamay ng old master. "Nakakapagsalita ka na ba Grandpa?" Tinitigan ni Old Master Whitman si Jeremy
Sa Glendale Airport. Habang hawak ni Jackson ang kamay niya, naglakad si Madeline papasok ng VIP lounge. Sumunod sa kanila si Eloise at Sean. Nagdala ang isang host ng masarap na almusal para sa kanila pero mukhang walang ganang kumain si Madeline. Namuo ang pagkabahala sa kanya at di alam ang dahilan nito. Bumangon si Eloise at umupo sa tabi ni Madeline bago hawakan ang kamay ni Madeine matapos ang pag-iisip. "Eveline." Tinawag niya ito habang umiinit ang sulok ng kanyang mga mata. "Ingatan mo ang sarili mo Eveline. At bumisita ka sa Glendale kapag may oras ka…" Huminto siya nang tumingin siya kay Sean. "Bisitahin mo ang Mom at Dad mo." Kumuha si Madeline ng isang pirasong tissue para punasan ang luha ni Eloise. "Gagawin ko." Naramdaman ni Eloise na uminit ang ilong niya nang yakapin niya nang marahan si Madeline. "Patawad talaga Eveline… sana di ka na mahirapan ulit." Tinapik ni Madeline ang balikat ni Eloise nang nakangiti, pero naramdaman niyang nanikip ang puso
Inakbay ni Felipe ang kanyang braso sa balikat ni Madeline. "Tara na Eveline. Oras na para sumakay.""Sige." Tumango si Madeline at hinawakan ang kamay ni Jackson. "Sumakay na tayo sa eroplano Jack." "Pero wala pa si Daddy." Sumimangot si Jackson at ayaw umalis. "Di ba natin hihintayim si Dad, Mom?" Umalis si Madeline sa pagkakayakap ni Felipe at pinagaan ang loob nito nang nakangiti. "Di na natin hihintayin ang Dad mo Jack. Busy siya sa work at di siya makakapunta." "Di busy sa trabaho si Jeremy. Sinasamahan niya ang old master sa ospital!" Binanggit ni Winston ang katotohanan. Nagdilim ang mga mata ni Felipe nang lumingon si Madeline kay Winston nang nagtataka at inuudyok ito na magpatuloy. "Nasa ospital ang old master. Sinabi sa amin ng doktor na maging handa sa anumang mangyayari dahil baka kaunti na lang oras niya. Gayunpaman, kagigising lang ng old master at paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan mo. Sinabi sa akin ni Jeremy na wag kang guluhin pero di ko din mapigi
Tumalikod si Madeline at lumabas at iniwan si Jeremy na nakatulala sa likuran niya. Parang hindi ito totoo. "Anong tinatayo-tayo mo diyan?" Pinaalala ni Winston at sinabi, "Kung ayaw mong umalis siya, edi wag kang bumitaw." Pamilyar ang mga salitang ito. Pati siya ay sumumpa noon na di siya bibitaw. Pero ngayon, mukhang wala na siyang ibang magagawa para kay Madeline bukod sa bitiwan ito. Ang simoy ng tag-init ay umihip sa kanyang pisngi nang tahimik na sinundan ni Jeremy sa Madeline sa kalye, habang nakatuon ang titig niya sa likuran nito nang may pangungulila. Huminto sa paglalakad si Madeline bago pa niya makita nang lubusan ang kagandahan nito. Huminto rin ang mga yabag ni Jeremy. Pinanood niya itong lumingon at pinanood niya ang araw na sumikat sa mahinhing mukha nito at binalot siya ng mainit na liwanag. "Anong gusto mong sabihin sa akin, Linnie?" "Napagpasyahan ko na di muna ako aalis." Magalang ang tono ni Madeline ngunit ang mga mata niya ay prangka. "Hihinta