Sa Glendale Airport. Habang hawak ni Jackson ang kamay niya, naglakad si Madeline papasok ng VIP lounge. Sumunod sa kanila si Eloise at Sean. Nagdala ang isang host ng masarap na almusal para sa kanila pero mukhang walang ganang kumain si Madeline. Namuo ang pagkabahala sa kanya at di alam ang dahilan nito. Bumangon si Eloise at umupo sa tabi ni Madeline bago hawakan ang kamay ni Madeine matapos ang pag-iisip. "Eveline." Tinawag niya ito habang umiinit ang sulok ng kanyang mga mata. "Ingatan mo ang sarili mo Eveline. At bumisita ka sa Glendale kapag may oras ka…" Huminto siya nang tumingin siya kay Sean. "Bisitahin mo ang Mom at Dad mo." Kumuha si Madeline ng isang pirasong tissue para punasan ang luha ni Eloise. "Gagawin ko." Naramdaman ni Eloise na uminit ang ilong niya nang yakapin niya nang marahan si Madeline. "Patawad talaga Eveline… sana di ka na mahirapan ulit." Tinapik ni Madeline ang balikat ni Eloise nang nakangiti, pero naramdaman niyang nanikip ang puso
Inakbay ni Felipe ang kanyang braso sa balikat ni Madeline. "Tara na Eveline. Oras na para sumakay.""Sige." Tumango si Madeline at hinawakan ang kamay ni Jackson. "Sumakay na tayo sa eroplano Jack." "Pero wala pa si Daddy." Sumimangot si Jackson at ayaw umalis. "Di ba natin hihintayim si Dad, Mom?" Umalis si Madeline sa pagkakayakap ni Felipe at pinagaan ang loob nito nang nakangiti. "Di na natin hihintayin ang Dad mo Jack. Busy siya sa work at di siya makakapunta." "Di busy sa trabaho si Jeremy. Sinasamahan niya ang old master sa ospital!" Binanggit ni Winston ang katotohanan. Nagdilim ang mga mata ni Felipe nang lumingon si Madeline kay Winston nang nagtataka at inuudyok ito na magpatuloy. "Nasa ospital ang old master. Sinabi sa amin ng doktor na maging handa sa anumang mangyayari dahil baka kaunti na lang oras niya. Gayunpaman, kagigising lang ng old master at paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan mo. Sinabi sa akin ni Jeremy na wag kang guluhin pero di ko din mapigi
Tumalikod si Madeline at lumabas at iniwan si Jeremy na nakatulala sa likuran niya. Parang hindi ito totoo. "Anong tinatayo-tayo mo diyan?" Pinaalala ni Winston at sinabi, "Kung ayaw mong umalis siya, edi wag kang bumitaw." Pamilyar ang mga salitang ito. Pati siya ay sumumpa noon na di siya bibitaw. Pero ngayon, mukhang wala na siyang ibang magagawa para kay Madeline bukod sa bitiwan ito. Ang simoy ng tag-init ay umihip sa kanyang pisngi nang tahimik na sinundan ni Jeremy sa Madeline sa kalye, habang nakatuon ang titig niya sa likuran nito nang may pangungulila. Huminto sa paglalakad si Madeline bago pa niya makita nang lubusan ang kagandahan nito. Huminto rin ang mga yabag ni Jeremy. Pinanood niya itong lumingon at pinanood niya ang araw na sumikat sa mahinhing mukha nito at binalot siya ng mainit na liwanag. "Anong gusto mong sabihin sa akin, Linnie?" "Napagpasyahan ko na di muna ako aalis." Magalang ang tono ni Madeline ngunit ang mga mata niya ay prangka. "Hihinta
Pinayuhan ni Winston si Karen na wag makikipag-usap kay Yvonne matapos mabunyag ang katotohanang binugbog niya ang old master. Subalit, di lang sa binalewala niya ang hiling ng asawa niya at nanatiling nakikipag-usap kay Yvonne, nagbalak pa sila na saktan si Madeline. Hindi inakala ni Winston na may isasahol pa pala sila. Tumayo si Karen sa tapat ng pinto nang panoorin niya si Jeremy at Winston na tulungan ang matanda na humiga. Nang alisin ang iniisip niya, napagpasyahan niya na kausapin pa rin sila. "Jeremy, Win, pagod ka siguro sa pagiging abala mo nitong nakaraan. Ako na ang mag-aalaga sa old master." Nagkusa siya, mukhang sinusubukan niyang bumawi. Habang di siya pinapansin, tumalikod siya at umalis. Tinawag siya ni Karen, "Jeremy, Jeremy, nanay mo pa rin ako. Paano一" "Sinasabi mo na alam mo lumugar, kaya bakit mo pa rin ginawa yun? Bakit ka nakipagsabwatan sa pamangkin mo para saktan ang manugang mo?" Galit na bintang ni Winston. Napahikbi si Karen sa lungkot. Nang ma
Kalalagpas pa lang ni Madeline sa pinto nang ibinuhos ni Karen ang galit niya. Tumingin siya nang kalmado. "Anong sinasabi mo?" "Wag ka nang umarte Madeline!" Hinawakan ni Karen ang nagdurugong sugat sa kanyang noo. "Ikaw ang nanghampas sa akin kanina lang!" Tumingin si Madeline sa noo ni Karen at bahagyang sumimangot nang makita niya ang nagdudugong sugat. Sumagot siya, "Mabuti pa pumunta ka sa ospital kaagad dahil may problema ka sa utak. Wag kang basta naninisi ng tao magkabilaan." Ihinawi niya palayo ang kamay ni Karen at naglakad patungo sa old master na lumabas ng kwarto nito. "Ikaw…" Namutla ang mukha ni Karen. Nang abutin niya si Madeline, naramdaman niyang nahihilo siya. "Nandito ako Aunty Karen!" Tumakbo papasok si Yvonne, nagpapanggap na kararating lang. Nang makita ang kalagayan ni Karen, kaagad siyang tumakbo palapit nang mukhang natataranta para tulungan ito. "Anong nangyari sa ulo mo, Aunty Karen? Bakit dumudugo ka?" "Anong sinasabi mong dumudugo? Ah… dugo!
"Made...line…" Ngumiti si Madeline. "Kung gusto niyo, pwede niyo akong tawaging 'Madeline' tulad noon, Grandpa." Huminahin ang kilay ng old master nang mabalot ng ginhawa ang mukha nito. Pinanood ni Jeremy ang eksena mula sa malayo, at napangiti siya. Pero nang titigan niya si Madeline, ang nakikita lang sa mata niya ay sakit. 'Hindi, Linnie. 'Ayaw ko nang maging Madeline Crawford ka pa ulit. 'Ikaw si Eveline Montgomery, ang perlas at puso ng Montgomery family. Di ka na ang Madeline na ginamit ng Crawford family.' Tumulo ang tuwa mula sa kanyang mapulang mata nang isipin niya ito. … Paglipas ng dalawang oras, bumalik si Karen nang may nakabendang sugat at kasama ang isang maasikasong Yvonne. Nang mapansin na wala si Madeline sa bahay, naglakad siya paakyat para magpalit ng damit. Pagpasok niya sa kwarto, napansin ni Karen na ang pitaka niya at alahas na inilagay niya sa lamesa ay nawawala一pati ang jewelry box! "Madeline Crawfors!" Nanggigil si Karen at ibinagsak
Dahil dito, natuon ang titig ng lahat sa babaeng care worker. Kumabog ang puso ni Yvonne nang maalala ang eksena kung saan niya ninakaw ang jewelry box at pitaka bago tumakbo pababa ng hagdan. Nagkataong nadaanan niya si Old Master Whitman na tinutulak palabas ng guest room sa unang palapag. Nagkatinginan sila. Sobrang natataranta siya sa sandaling iyon para mapansin na may care worker sa likuran ni Old Master Whitman. Nang maisip na nakita siya, nanginig si Yvonne at napaatras. "Alam mo kung sinong nanakit sa akin?" Tanong ni Karen habang nakaturo kay Madeline, "Siya ba?" Nang naiinis sa paraan ng pagtatanong ni Karen, magsasalita na si Jeremy nang makita niya ang care worker na nakatingin kay Madeline habang tumatango. "Opo, siya po." Parehong si Madeline at Jeremy ay nagulat sa sagot nito. Nagulat si Winston at tinuro si Madeline. "Sigurado ka ba na siya yun?" Tumingin nang maigi ang care worker sa mukha ni Madeline at sumagot nang walang duda, "Siya yun. Ang bab
"Sigurado akong wala kang kinalaman dito. Naniniwala ako sa'yo," Taos-pusong sinabi ni Winston kay Madeline bago lumingon sa care worker, "Wag kang mag-alala. Kapag dumating ang pulis at nagtanong, sabihin mo lang sa kanila ang totoo at kung anong nakita mo." Takot na tumingin ang care worker kay Madeline at Jeremy bago ito tumango at umalis. Naiwan si Jeremy at Madeline sa kwarto. Maamo at kampante ang titig niya nang alisin niya ang braso niyang nakalapag sa balikat ni Madeline. "Naniniwala ako sa'yo Linnie." Ngumiti nang bahagya si Madeline. "Ang daming beses ko nang nalagay sa ganitong sitwasyon diba? Sanay na ako sa ganito." Sanay na sa ganito. Tingin ni Jeremy nakakatawa ang katagang ito. Nasanay na siya na mapagbintangan, ibig-sabihin nito na masyadong maraming paninira at kaso na ang pinagdusahan niya. Nang makita ang sakit at pagsisisi sa mga mata ni Jeremy, tumalikod si Madeline nang walang pake. Ayaw siyang guluhin ni Jeremy, at ayaw din nitong kaayawan p