Share

Kabanata 604

”Jeremy, wala akong pakialam kung gusto mong mamatay, pero huwag mong dungisan ang kamay ko.” Tinitigan ni Madeline si Jeremy, at bigla na lang, bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Akala ni Madeline ay matutuwa siya kapag narinig niya na gusto nang mamatay ng taong kinamumuhian niya, pero sa mga sandaling yun, hindi siya komportable sa nangyayari.

Nang mapansin niya na lumalaki na ang bakas ng dugo sa puting t-shirt ni Jeremy, biglang napuno ng luha ang mga mata ni Madeline. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya at itnulak palayo si Jeremy. “Umalis ka na, Jeremy! Kahit na mamatay ka pa sa harapan ko, hindi kita mapapatawad!”

Buong lakas niyang itinulak palayo si Jeremy, pero hindi man lang ito natinag. Hindi nagawa ni Madeline na maitulak ito kahit ano pang gawin niya.

“Umalis ka na, Jeremy! Kung hindi ka aalis, ako ang aalis!”

Mabilis na tinungo ni Madeline ang pintuan, at pagkalagpas niya kay Jeremy, niyakap siya nito ng maghigpit mula sa likod.

“Huwag kang umalis, Li
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status