”Kaya naman pala nalugi ang negosyo ni Young Master Whitman. Dahil siguro sa may ganyan siyang nanay!”“Pero, merong maabilidad na asawa si Young Master Whitman. Sigurado ako na magiging madali para sa kanila na magsimula muli.”Nang marinig ang mga komento ng mga tao sa paligid, Binitbit ni Karen ang kanyang pitaka at mabilis na nilisan ang lugar sa sobrang hiya. Wala na siyang pagpipilian kung hindi ang tumakas sa lugar na yun para hindi na siya mapahiya pa. “Security, pakisamahan palabas ang walang kwentang tao na to. Ipagpatuloy na natin ang kontest.” Tinitigan ng masama ng mga hurado si Yvonne. Itinikom ni Yvonne ang magkabilang palad niya, at hindi kuntento sa sa nangyari. “Huwag niyo kong hawakan. Kaya kong lumabas ng mag-isa!”Nagdabog siya at pinagtulakan ang mga security sa tabi. Nilisan lang niya ang lugar pagkatapos niyang titigan ng masama si Madeline. Ibinaba ni Jeremy ang kanyang tingin sa mga kamay ni Madeline. “Linnie, bakit hindi mo sinabi sa akin na ma
’Maghihiwalay na ng landas?’Ang pamilyar na salitang yun ay parang isang nagyeyelong sibat na tumusok sa puso ni Jeremy. Naalala niya ang masklap na araw na yun tatlong taon na ang nakakalipas. Nawala ang kanyang paningin at pumunta sa kasal nila ni Meredith.At sa sandaling yun, may malubha siyang sakit at nasa bingit na ng kamatayan.Subalit, inipon niya ang lahat ng nalalabi niyang lakas para suportahan ang kanyang sarili at sinabi kay Jeremy, “Jeremy, maraming salamat at dumating ka sa buhay ko. Salamat sa lahat ng magagandang alaala na ibinigay mo sa akin noon. Pero, ibinabalik ko na sayo ang lahat, pati na ang aking abo. Simula sa araw na to. wala na tayong pananagutan sa isa’t isa. Sana ay hindi na tayo muling magkita sa susunod nating buhay…”Ngayon, sinabi na niya ang kaparehong kataga na sinabi sa kanya ni Jeremy noon. Nakaramdam si Jeremy ng kirot sa kanyang puso. Itinuon ni Jeremy ang kanyang titig sa magandang mukha ni Madeline, habang walang masabi. ‘Linnie,
Kaagad na sinunggaban ni Madeline ang pagkakataon na itulak si Jeremy palayo at dagdag pa niya ng malamig ang kanyang tono, “Wala akong maalala bago nangyari ang aksidente, at wala akong balak na maalala ang mga bagay na yun. Ngayon, ang meron lang ako ay galit para sayo, naiintindihan mo ba? Huwag mo na akong hanapin. Ayoko nang makita ka pang muli.”Malamig ang kanyang mga mata habang walang awang lumingon paalis. “Umalis na tayo, Felipe.”“Sige.” Nagpakamaginoo si Felipe at pinagbuksan ng pinto si Madeline. Bago pumasok ng kotse, sinilip ni Felipe si Jeremy na nanatiling tahimik sa gitna ng malakas na ihip ng hangin. Nagningning ang mga mata ni Felipe na para bang nanalo na siya sa wakas. Boom!Lumapag ang unang bagyo sa unang gabi ng tag-init. Nagsipagtakbuhan ang lahat ng mga taong walang payong para hindi maabutan ng ulan, bukod kay Jeremy na ang kaluluwa ay iniwan na ang kanyang katawan. Nakatayo parin siya sa gitna ng ulan. Nabasa ang kanyang mga mata habang nababasa
"Linnie! Linnie!"Sa gitna ng kaguluhan, may narinig si Madeline na nag-aalalang tumatawag sa kanya. Sinubukan niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit hindi niya magawa. Pagkatapos niyang mawalan ng malay, nagsimula nang managinip si Madeline. Sa isang lugar na nababalot ng niyebe, nanaginip siya na nalulunod isya sa isang nagyeyelong ilog. Hindi siya makalangoy at nagpupumilit na makaahon. Nandoon si Jeremy, nakatayo sa may dulo ng ilog. Matikas at marangal na nakatayo si Jeremy doon. May ignoranteng ngiti na nakapaskil sa napakakisig na mukha nito. Sumigaw si Madeline, “Tulungan mo ko, Jeremy!”Hindi gumalaw si Jeremy at tinignan pa siya ng masama nito. Unti-unting nawala ang pag-asa ni Madeline habang papalubog siya sa nagyeyelong ilog. Habang nahaharap sa isang delikadong sitwasyon, nakita ni Madeline na nakayakap si Meredith kay Jeremy. Parehas silang mukhang masaya sa piling ng isa’t isa.Pakiramdam tuloy ni Madeline na lumubog na sa ilog ang kanyang puso. Sa s
Binuksan ni Madeline ang bintana at sinalubong siya ng malamig na hangin, at tinangay ang kanyang mahabang buhok. Tinignan niya ang malawak na karagatan at ang gintong araw na kumikinam sa ibabaw ng dagat. Pagkaihip ng hangin, ngakaroon ng mga alon ang dagat. Bigla ring nagsigalaw ang mga dahon ng mga palm tree. ‘Ang ganda naman ng tanawin.‘Pero saan ang lugar na to?’Nag-isip ng maigi si Madeline, sinusubukan na maalala kung nakapunta na ba siya sa lugar na to, pero wala siyang maalala.PAgkatapos, bumalik na si Jeremy. May hawak siyang mangkok ng seafood noodles at isang baso ng maligamgam na tubig. Nakangiti pa rin siya. Nagsalita siya ng makita niyang hindi gumagalaw si Madeline sa balkonahe, “Kain ka muna, Linnie.”Nanatili si Madeline sa kanyang pwesto ng ilang oras pagkatapos ay lumingon at tumitig ng matalim.“Anong binabalak mo, Jeremy? Gusto mo ba akong ikulong dito at pahirapan hanggang sa mamatay?” Noon, hindi alam ni Jeremy kung gaano kasakit na tignan ka n
Isang matalim at makintab na kutsilyo ang nakatutok sa dibdib ni Jeremy.Tumingin si Jeremy sa ibaba, pagkatapos ay nagpakita ng isang mahiwagang ngiti pagka-angat niya ng kanyang tingin. Tinitigan niya sa mata si Madeline na nagpapakita ng kakaibang tapang. Mukhang seryoso si Madeline at hindi lang niya tinatakot si Jeremy. Pero, seryoso din si Jeremy. “Linnie,” malambing niyang tinawag si Madeline. Hindi umatras si Jeremy at sa halip ay lumapit pa nga ito. Ang matalim na dulo ng kutsilyo ay nakabaon na sa damit ni Jeremy. Nabigla si Madeline dahil hindi niya inaasahan na lalapit si Jeremy sa kutsilyo. At nakangiti pa ito sa mga oras na yun. “Linnie, alam kong nakalimutan mo na ang lahat ng nangyari noon, pero hindi na mahalaga yun dahil naaalala ko pa ang lahat ng yun,” sabi ni Jeremy habang nakangiti, at nakatingin lang kay Madeline. “Noong taon na yun na malakas ang buhos ng niyebe, may ginawa akong napakasama. Pinahukay ko ang puntod ng iyong lolo at pinagbantaan
”Jeremy, wala akong pakialam kung gusto mong mamatay, pero huwag mong dungisan ang kamay ko.” Tinitigan ni Madeline si Jeremy, at bigla na lang, bumilis ang tibok ng kanyang puso. Akala ni Madeline ay matutuwa siya kapag narinig niya na gusto nang mamatay ng taong kinamumuhian niya, pero sa mga sandaling yun, hindi siya komportable sa nangyayari. Nang mapansin niya na lumalaki na ang bakas ng dugo sa puting t-shirt ni Jeremy, biglang napuno ng luha ang mga mata ni Madeline. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya at itnulak palayo si Jeremy. “Umalis ka na, Jeremy! Kahit na mamatay ka pa sa harapan ko, hindi kita mapapatawad!” Buong lakas niyang itinulak palayo si Jeremy, pero hindi man lang ito natinag. Hindi nagawa ni Madeline na maitulak ito kahit ano pang gawin niya. “Umalis ka na, Jeremy! Kung hindi ka aalis, ako ang aalis!”Mabilis na tinungo ni Madeline ang pintuan, at pagkalagpas niya kay Jeremy, niyakap siya nito ng maghigpit mula sa likod. “Huwag kang umalis, Li
Umirap si Madeline at malamig na sinabi, “Bitawan mo ako kung hindi ay iiwanan kita dito ngayon mismo.”Mabilis na binitawan ni Jeremy ang mga kamay ni Madeline. Nanatiling tahimik si Madeline at inilabas ang panlinis ng sugat at mga bendahe mula sa first aid kit. Pagkatapos ay tinanggal niya sa pagkakabotones ang damit ni Jeremy. Lumantad kay Madeline ang matipunong dibdib ni Jeremy. Hindi tulad ng ibang lalake na tanned, pantay ang kay Jeremy.Gumawa rin tuloy ito ng malaking pagkakaiba sa kulay ng balat at dugo na nasa dibdib nito, kaya lalo tuloy nakakabiglang tignan.Kahit na hindi naman malalim ang sugat, nakakapag-alala pa rin ito. Nilinis ni Madeline ang sugat gamit ang bulak na binabad sa disinfectant. Pagkatapos, kumuha siya ng sterile gauze at idiniin ito sa sugat. At sa huli, idinikit niya ito gamit ng sticky tape. Tahimik lang si Jeremy at nakatitig lang kay Madeline. Malapit lang siya sa kanya. Ang kanyang maamo at magandang mukha ay nakaukit na sa bintana ng