Alam ni Karen na ito na ang pagkakataon para nakawin ang disenyo ni Madeline. Napansin din niya ang laptop na nasa lamesa na kung saan makikita ang kopya ng disenyo. Kaagad nilog-in ni Karen ang kanyang email at ipinadala ang electronic manuscript ng disenyo kay Yvonne. Binura rin niya ang archive sa laptop para walang maiwan na bakas. Pagkatapos ng lahat, kumuha ng isang basong tubig si Karen at ibinuhos sa mga papel. Pagkatapos, inilagay niya ang baso sa may kanto ng lamesa nang sa gayon ay magmukhang may nakatabig ng baso kaya nabasa ang mga papel. Sa kabilang banda, tuwang tuwa naman si Yvonne nang makuha niya disenyo na ipinadala ni Karen. Kaagad niyang tinawagan ni Yvonne si Karen para siguraduhin na ito ang gagamitin ni Madelien sa kompetisyon.Kuntentong tinitigan ni Yvonne ang disenyo. “Madeline, kinikilala ko ang talento mo. Sa kasamaang palad, kahit gaano ka pa kagaling gumuhit, magiging produkto ko pa rin ito! Haha!”Tumawa si Yvonne ng malakas na parang baliw haba
Ang reaksyon ng mga manonood ay taliwas sa reaksyon ng mga hurado habang nakatingin na para bang nabighani sa disenyo.Nang makita niya ang reaksyon ng mga taong nanunuod at ng mga hurado dahil sa disenyo, napangiti tuloy ng malaki si Yvonne. 'Mukhang napukaw ng disenyong to ang atensyon ng lahat. Tignan mo na lang ang mga tao dito! Lahat sila'y nakanganga habang nakatingin dito!' Si Karen, na nakaupo kasama ng iba pang manunuod, ay natuwa rin nang marinig niya ang mga papuri na ibinigay ng mga manonood. Nagkatinginan sila Karen at Yvonne, pagkatapos ay tinignan niya si Madeline na nakaupo sa lugar ng mga kalahok. Parehong natuwa sila Yvonne at Karen nang makitang nagulat si Madeline. ‘Hmph, hindi mo inasahan na mangyayari to ano, tama ba, Madeline?‘Sa akin na ang gawa mo!’“Ika-anim na designer, sigurado ka ba na ito ang disenyong ipinasa mo para sa kompetisyon na ito?” tanong ni Mr. Lewinski, na dati nang nakilala at sinamahan ni Yvonne sa isang charity banquet. Napa
???Nang marinig niya ang mga sinabi ng mga hurado, mas lumala ang ekspresyon ni Yvonne. Tinitigan niya ang disenyo na nakapaskil sa malaking screen, at hindi makapaniwala. hindi siya kumibi sa loob ng ilang segundo.‘Ito… Ito ay gawa ng isang sikat na jewelry designer? ‘Paano nauwi ang lahat ng to sa ganito?‘Buwisit!‘Malamang ay ginaya ni Madeline ang gawa ng designer na yun, at plinano niyang gamitin ito sa contest!‘Hindi ba ibigsabihin nito ay naging panakipbutas siya ni Madeline?’Iyon ang mga gumugulo sa isipan ni Yvonne sa mga oras na yun. Sa inis, tinitigan niya ng masama si Madeline. Nakaupo lang ng tahimik at elegante si Madeline sa ilalim ng mga ilaw. Hindi man lang natitinag ang mukha nito. Hindi mapigilan ni Madeline na mapaarko ang kanyang mapulang, magagandang labi hanggang sa nakangiti na siya nang makita niya na nanlilisik na nakatingin si Yvonne sa kanya hang nagkakaskasan ang mga ngipin nito. “Yvonne, ang kapal ng mukha mong sabihin na produkto n
’Ano?!’Hindi inaasahan ni Karen na tatawagin siyang hangal ni Madeline sa ganitong okasyon. Kahit na ang estado niya ay hindi katulad ng dati, alam halos lahat ng tao sa Glendale na asawa ni Jeremy si Madeline. At kaya, alam din nila na ang tinutukoy ni Madeline na mother-in-law ay walang iba kung hindi si Karen!Kagaad na nagkagulo ang lahat nang biglang nagusapo ang lahat ng mga manonood. Nakaupo si Jeremy sa malayo. Pero makikita ang malayelo niyang ekspresyon kahit hindi siya nagsasalita. Sila eloise at Sean anamn, na nakaupo sa harapan ni Karen, ay lumingon. “Karen, may ginawa ka nanaman ba para saktan ang anak ko? Ano ang mga kalokohan na pinagsasasabi ng pamangkin mo?!” Tanong ni Eloise. Dahil sa sinabi ni Eloise, napagtanto tuloy ng lahat na si Karen ang hangal na mother-in-law na tinutukoy ni Madeline. dahil sa maraming taong nakatingin ng may pagdududa sa kanya, kaagda na tumayo si Karen. “Madeline, ano ba yang mga pinagsasasabi mo sa sitwasyon na to? Gusto ko p
”Kaya naman pala nalugi ang negosyo ni Young Master Whitman. Dahil siguro sa may ganyan siyang nanay!”“Pero, merong maabilidad na asawa si Young Master Whitman. Sigurado ako na magiging madali para sa kanila na magsimula muli.”Nang marinig ang mga komento ng mga tao sa paligid, Binitbit ni Karen ang kanyang pitaka at mabilis na nilisan ang lugar sa sobrang hiya. Wala na siyang pagpipilian kung hindi ang tumakas sa lugar na yun para hindi na siya mapahiya pa. “Security, pakisamahan palabas ang walang kwentang tao na to. Ipagpatuloy na natin ang kontest.” Tinitigan ng masama ng mga hurado si Yvonne. Itinikom ni Yvonne ang magkabilang palad niya, at hindi kuntento sa sa nangyari. “Huwag niyo kong hawakan. Kaya kong lumabas ng mag-isa!”Nagdabog siya at pinagtulakan ang mga security sa tabi. Nilisan lang niya ang lugar pagkatapos niyang titigan ng masama si Madeline. Ibinaba ni Jeremy ang kanyang tingin sa mga kamay ni Madeline. “Linnie, bakit hindi mo sinabi sa akin na ma
’Maghihiwalay na ng landas?’Ang pamilyar na salitang yun ay parang isang nagyeyelong sibat na tumusok sa puso ni Jeremy. Naalala niya ang masklap na araw na yun tatlong taon na ang nakakalipas. Nawala ang kanyang paningin at pumunta sa kasal nila ni Meredith.At sa sandaling yun, may malubha siyang sakit at nasa bingit na ng kamatayan.Subalit, inipon niya ang lahat ng nalalabi niyang lakas para suportahan ang kanyang sarili at sinabi kay Jeremy, “Jeremy, maraming salamat at dumating ka sa buhay ko. Salamat sa lahat ng magagandang alaala na ibinigay mo sa akin noon. Pero, ibinabalik ko na sayo ang lahat, pati na ang aking abo. Simula sa araw na to. wala na tayong pananagutan sa isa’t isa. Sana ay hindi na tayo muling magkita sa susunod nating buhay…”Ngayon, sinabi na niya ang kaparehong kataga na sinabi sa kanya ni Jeremy noon. Nakaramdam si Jeremy ng kirot sa kanyang puso. Itinuon ni Jeremy ang kanyang titig sa magandang mukha ni Madeline, habang walang masabi. ‘Linnie,
Kaagad na sinunggaban ni Madeline ang pagkakataon na itulak si Jeremy palayo at dagdag pa niya ng malamig ang kanyang tono, “Wala akong maalala bago nangyari ang aksidente, at wala akong balak na maalala ang mga bagay na yun. Ngayon, ang meron lang ako ay galit para sayo, naiintindihan mo ba? Huwag mo na akong hanapin. Ayoko nang makita ka pang muli.”Malamig ang kanyang mga mata habang walang awang lumingon paalis. “Umalis na tayo, Felipe.”“Sige.” Nagpakamaginoo si Felipe at pinagbuksan ng pinto si Madeline. Bago pumasok ng kotse, sinilip ni Felipe si Jeremy na nanatiling tahimik sa gitna ng malakas na ihip ng hangin. Nagningning ang mga mata ni Felipe na para bang nanalo na siya sa wakas. Boom!Lumapag ang unang bagyo sa unang gabi ng tag-init. Nagsipagtakbuhan ang lahat ng mga taong walang payong para hindi maabutan ng ulan, bukod kay Jeremy na ang kaluluwa ay iniwan na ang kanyang katawan. Nakatayo parin siya sa gitna ng ulan. Nabasa ang kanyang mga mata habang nababasa
"Linnie! Linnie!"Sa gitna ng kaguluhan, may narinig si Madeline na nag-aalalang tumatawag sa kanya. Sinubukan niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit hindi niya magawa. Pagkatapos niyang mawalan ng malay, nagsimula nang managinip si Madeline. Sa isang lugar na nababalot ng niyebe, nanaginip siya na nalulunod isya sa isang nagyeyelong ilog. Hindi siya makalangoy at nagpupumilit na makaahon. Nandoon si Jeremy, nakatayo sa may dulo ng ilog. Matikas at marangal na nakatayo si Jeremy doon. May ignoranteng ngiti na nakapaskil sa napakakisig na mukha nito. Sumigaw si Madeline, “Tulungan mo ko, Jeremy!”Hindi gumalaw si Jeremy at tinignan pa siya ng masama nito. Unti-unting nawala ang pag-asa ni Madeline habang papalubog siya sa nagyeyelong ilog. Habang nahaharap sa isang delikadong sitwasyon, nakita ni Madeline na nakayakap si Meredith kay Jeremy. Parehas silang mukhang masaya sa piling ng isa’t isa.Pakiramdam tuloy ni Madeline na lumubog na sa ilog ang kanyang puso. Sa s
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si