"Linnie." "Siguro kasuklam-suklam lang talaga ako. Halatang ginagawa yun ng pinsan mo para mawala ako. Sa tingin ko… gustong-gusto ka ng pinsan mo.""Ikaw talaga, walang makakapagpaalis sayo at walang makakaagaw ng posisyon mo sa puso ko." Hinawakan niya ang kamay ni Madeline at tumingin siya sa kanya. "Linnie, maipapangako mo ba 'to sakin?" Napasimangot si Madeline. "Ano yun?" Binukha ni Jeremy ang kanyang mga labi. Pagkatapos, ngumiti siya at hindi nagsalita. "Ayos lang. Sa susunod ko na sasabihin sayo." Hindi na nag-usisa pa si Madeline, ngunit may bakas ng tuwa sa kanyang magagandang mata. Pagkatapos arestuhin ng mga pulis si Yvonne, naging mas payapa ang bahay nila. Wala nang kapangyarihan si Karen na gumawa ng kahit ano ngayong mag-isa na lang siya. Bukod dun, pakiramdam niya ay kakaiba ang mga kinikilos ni Madeline nitong mga nakaraang araw. Mukhang mahina at madaling apihin si Madeline. Subalit, kapag sinubukan nilang apihin si Madeline, bumabalik lang sa kanila
Pagkatapos niyang Marinig iyon, malungkot na hinawakan ni Madeline ang hawakan ng kanyang tasa. Habang pinagmamasdan niya ang laman ng tasa, hindi niya mapigilang alalahanin ang mahinahong mga titig sa kanya ni Jeremy noong isang araw. Base sa mga mata ni Jeremy, iniisip ni Madeline na hindi siya nagpapanggap lang. Sa di malamang dahilan, nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Vera, anong iniisip mo?" "Wala lang." Natauhan si Madeline at uminom siya ng tsaa. "Hindi ko maalala ang mga nangyari. Pero, sinaktan nga ako ni Jeremy noon. Hinayaan niya ang kabit niya at ang pamilya niya na ipahiya at insultuhin ako. Alam ko ang lahat tungkol dun. Sisiguraduhin ko na maghihiganti ako." Noong sinabi niya yun, makikita ang galit at pagkamuhi sa mga mata ni Madeline. Tahimik na pinagmasdan ni Felipe ang ekspresyon ni Madeline, napangisi siya dahil dito. "Vera, gawin mo kung anong kailangan mong gawin. Susuportahan kita at maghihintay ako sayo." "Salamat, Felipe. Alam ko
…Pagkalipas ng ilang sandali, inutusan ni Felipe ang isa sa mga tauhan niya na ihatid pauwi si Madeline. Habang pauwi siya, pinaglaruan ni Madeline ang phone niya at napansin niya na nagmessage sa kanya si Jeremy kanina pa. Subalit, nakalagay dito na nakita na niya ang message na ito. Tumingin siya sa labas ng bintana at nag-isip ng malalim. Kasabay nito, pababa dinadaanan ng kotse ng sinasakyan niya. Nabigla siya sa pagbilis ng kotse at lumitaw sa kanyang isipan ang isang pamilyar na pangyayari. Noong matauhan siya, nakahinto na ang kotse sa tapat ng bahay niya. Nakauwi na din si Jeremy noong bumaba ng kotse si Madeline. Noong makita niya si Madeline na nakatayo sa tapat ng pinto at nakatulala, nagmadaling bumaba ng kotse niya si Jeremy at tumakbo siya papunta kay Madeline. "Linnie?" Natauhan si Madeline nang marinig niya na may tumatawag sa pangalan niya. Lumingon siya at nakita niya ang nag-aalalang tingin sa kanya ni Jeremy. Mahinahon siyang ngumiti. "Tinawagan ak
Pinagmasdang maigi ni Madeline si Eloise habang kinukuha ni Eloise ang isang pitaka mula sa kanyang bag at inabot ito sa kanya. "Panahon na para ibalik ko 'to sa tunay nitong may-ari." Tinitigan ni Eloise si Madeline. "Eveline, alam ko nawala ang mga alaala mo at hindi mo natatandaan ang mga nangyari noon. Pero, hindi ko gagamitin ang pagkakataong ito para magsinungaling sayo dahil balang araw, gagaling ka at maaalala mo ang lahat." Ang sabi ni Eloise at nagsimula siyang maluha. Hinawakan ni Madeline ang pitaka at nakapa niya ang isang pendant sa loob nito. Sa sandaling ito, tumawag si Jeremy at nagtanong kung nasaan si Madeline. Sinabi niya na kasama niya si Eloise at sinabihan niya si Jeremy na hintayin siya sa kotse. Sinunod ni Jeremy ang sinabi ni Madeline. Pagkalipas ng isang oras, bumalik sa kotse si Madeline. Lumabas ng sasakyan si Jeremy upang tulungan si Madeline sa kanyang mga bitbit at binuksan niya ang pinto. Pagkatapos, hinatid niya pauwi si Madeline. Habang pa
Suot ng babaeng yun ang mamahaling puting gown na nakita ni Yvonne sa shop kaninang umaga habang papasok siya sa hotel. Yung host na nakasuot ng isang suit ay yumuko at binati ang babae na para bang isa siyang reyna. Napakagalang niya sa babae. Humanga si Yvonne habang pinagmamasdan niya ang babae. Nangangarap siya na sana ay may magtrato rin ng ganun sa kanya. Natauhan lamang si Yvonne noong tinawag ni Karen ang pangalan niya. Dahil wala silang imbitasyon, dumaan sila sa pinto sa gilid ng hotel. Noong makarating sila sa party, kumislap ang mga mata ni Yvonne. Nakita na niya ang mga ganitong party sa mga palabas sa telebisyon noon, ngunit hindi pa niya ito personal na naranasan. Marami siyang nakitang nakapostura at naggagwapuhang lalaki. Kaya naman, naghahanap na siya ng target niya. Pagkalipas ng ilang segundo, napako ang tingin niya sa isang gwapong binata. Noong susubukan niyang lumapit at magkunwari na di niya sinasadyang bumangga sa lalaki, hinablot siya ni Kare
Hindi niya inasahan na ang Ms. Vera na pinupuri nila ay si Madeline Crawford!Pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito, Vera din ang tawag ng iba kay Madeline at ang taong pinupuri nila ay ang head jewelry designer ng Miss L.ady, si Vera Quinn. Si Vera Quinn si Madeline Crawford!Pakiramdam ni Yvonne na isa siyang malaking tanga. Noong una, balak niyang sumipsip sa dalawang lalaking ito, pero ngayon, naghahanap na lang siya ng gulo at kahihiyan. Noong makita ni Madeline ang nakangiwing mukha ni Yvonne, nagulat si Madeline. "Bakit ka nandito? Kailan ka nila pinalaya?" “...”Noong marinig ng lahat ang sinabi ni Madeline, nagsimula silang magsuspetya kay Yvonne. "Pinalaya? Ms. Vera, kilala mo ba ang taong 'to?" "Oo, paanong hindi ko siya makikilala?" Tumingin sa kanila si Madeline at mahinahon siyang ngumiti. May matalim na liwanag sa kanyang kaakit-akit na mga mata. "Siya yung gumawa ng trending na article tungkol sa pananakit ko daw sa isang matandang lalaki," ang sina
"Ikaw ba si Ms. Montgomery? Isang karangalan ang makilala ka ngayong gabi." "Eveline, siya si Sir Calver. Siya yung dating chairman ng charity natin. Malapit rin siyang kaibigan ng tatay mo." Pinakilala siya ni Eloise. Ngumiti si Madeline at nakipagkamay siya kay Sir Calver. "Hello, Tito Calver." "Hello, hello. Ms. Eveine, napakaganda mo. Magiging napakaganda ng dinner ngayong gabi dahil sayo. Pwede ba kitang maimbitahan na tumugtog ng isang kanta para samin bilang opening act sa charity dinner?" "Tumugtog ng isang kanta" Tumingin si Madeline sa isang itim na piano sa harap niya. Ngumisi si Karen. Nasasabik siya na mapahiya su Madeline. "Hmph, pinapahiya mo ako kanina lang. Sa wakas, ikaw naman ngayon." Lumapit si Yvonne. "Tita Karen, alam ba ni Madeline kung paano tumugtog ng piano?" "Wala siyang alam! Para siyang maid noong nakatira siya kasama ng mga Crawford. Sa tingin mo ba nakakahawak siya ng mga mamahaling bagay na gaya ng isang piano? Wala siyang kwenta kung wala
"Bakit?" May kakaibang ngiti sa mukha ni Felipe. "Kung nagawa kong iligtas ang buhay ni Madeline noon, magagawa ko ring mahalin niya o ayawan niya ang kahit sino kung kailan ko gusto." Tumingin si Jeremy sa babaeng nasa mga kamay niya ng may mahinahong ngiti sa kanyang mukha. Noong muli siyang tumingin kay Felipe, nagmistulang mga icepick ang kanyang mga mata na bumabaon kay Felipe. "Walang sinuman ang pwedeng magmanipula sa mga emosyon at isipan ni Linnie. Felipe, makikita din ni Linnie ang tunay mong pagkatao balang araw." Tumawa si Felipe. "Hindi mangyayari yun," ang sabi niya habang palapit siya kay Jeremy. Salungat sa liwanag mula sa kotse, natakpan ng anino ang gwapo niyang mukha. "Jeremy, pahalagahan mo ang huling dalawang araw na kasama mo si Maddie dahil hindi magtatagal, tuluyan na siyang mawawala sayo." Humalakhak si Felipe pagkatapos niyang magsalita. Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad papunta sa gilid ng kalsada. Binuksan ng driver ang pinto ng sasakyan par