Lumitaw si Jeremy nang may dominanteng boses. Kakaunting tao lang ang nasa hall at lahat sila at lumingon sa kanya. Nakasuot ng itim si Jeremy at ang kanyang mukha ay mayroong dominanteng aura. Mabilis siyang naglakad, elegante na para bang isang bugso ng hangin. Kasunod nito ay katabi na niya si Madeline. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline habang nakatulala ang lahat. "Linnie, wag mo siyang pakasalan. Ikaw ang asawa ko. Sa akin ka lang." Nagulat si Madeline. Bahagya niyang binuksan ang kanyang maliit na bibig. Nang magsasalita na sana siya ay biglang lumitaw si Felipe sa kanyang harapan. Hinila niya si Madeline sa kanyang tabi. Hinarap niya si Jeremy ay nagpakita ng isang seryosong ekspresyon sa kanyang gwapo at malumanay na mukha. "Jeremy, dahil pamangkin kita, pababayaan ko ang bagay na to kung aalis ka na." "Pababayaan?" Ngumisi si Jeremy, "Felipe Whitman, sa tingin mo hindi ko alam kung anong ginawa mo? Nagulat siguro kita kasi lumitaw pa rin ako rito nang bu
Napakaganda niya sa kanyang wedding dress. Pero, makasarili niyang hiniling na siya lang ang tanging magmamay-ari ng kanyang magandang bahagi. Sinubukang alalahanin ni Madeline kung bakit siya nauwing magsuot ng wedding gown pero wala siyang napala. Alam ni Jeremy na ang kasalukuyang alaala at ugali ni Madeline ay bumalik sa panahong mahal na mahal pa siya nito. Nagpapasalamat siya at nasasaktan nang magkasabay. Dinala niya ito sa kama at umupo. Ang kanyang kamay ay marahang lumapag sa kanyang magagandang kilay habang siya'y nagsabing, "Linnie, wag mo nang pag-isipan yan. Hindi mo iyon maalala dahil nawalan ka ng alaala.""Ako? Nawalan ako ng alaala?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline sa pagkalito. Tinignan siya ni Jeremy at tumango, nakaramdam siya ng kurot sa kanyang puso. "Linnie, kinasal tayo anim na taon na ang nakakalipas. Nagkaroon lang ng problema sa mga alaala mo at marami kang nakalimutan. Napagaling na nila ang tumor sa loob ng katawan mo. Nakuha na ni Meredith at ng k
Nakasuot pa rin ng damit pangkasal si Felipe na espesyal na pinagawa para sa araw na iyon. Hawak niya ang isang payong habang mas lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan. Mukha pa rin siyang elegante, pero wala na ang lambing sa kanyang mga mata. Tinitigan ni Madeline si Felipe na nakatayo sa kanyang harapan habang lumilitaw sa kanyang isipan ang mga alaala, sinasabi nito na kilala niya ang lalaking ito. Lumipas ang oras habang nagpatuloy na lumakas ang buhos ng ulam at nakahawak pa rin si Felipe sa payong habang nakasuot ng itim na tux. Naglakad siya papalapit sa kanya. "Felipe, bakit ka nandito?" Nawala sa pagkakatulala si Madeline nang marinig niya ang boses ni Jeremy. Tinaas niya ang kanyang tingin at nagkataon ay nakita niya na ngumiti si Felipe. "Hindi ako nagpunta rito para sa'yo." Lumipat ang tingin ni Felipe sa mukha ni Madeline at naging malumanay ito. "Madeline, nalilito ka siguro kung bakit mo ko papakasalan kanina sa wedding ceremony. Ang dahilan––" "Felipe Whitm
Nagpunta sila rito para malaman kung nasaan si Madeline, pero nakasalubong nila si Jeremy. "Jeremy, walang hiya ka. Saan mo tinago si Madeline?" Sumugod si Ava sa harapan ni Jeremy, kinakabahan siya at natataranta.Ilang segundo lang ang nakakaraan, nasa hall pa rin si Madeline, pero nagkataon, pumunta siya sa likod bahay kasama ni Jackson. Magpapaliwanag sana si Jeremy pero tinaas ng galit na si Ava ang kanyang kamay sa ere at balak sampalin si Jeremy. "Ava!" Kaagad siyang pinigilan at pinakalma ni Daniel, "Kalma ka lang, Ava. Hindi mapapahamak si Maddie." "Paano ako kakalma? Tiyak na mapapahamak si Maddie pag nagpatuloy siyang sumama sa kanya! Bitiwan mo ko, Dan. Bubugbugin ko ang walang hiyang to!" Sabi ni Ava habang nagngingitngit ang kanyang ngipin at nakatingin sa kanya nang may mapupulang mga mata. "Basura ka Jeremy. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang binabalak mo? Pinaplano mo na ipaghiganti si Meredith! Ang kapal ng mukha mo na lokohin si Madeline, tapos sasabihin mo
Lumuhod si Jeremy at tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Puno ng katapatan ang kanyang mga mata at nagbigay ng malakas na pakiramdam nang pag-ibig. Nakangiting tumango si Madeline. "Oo, magsisimula tayong muli." Bumalik si Ava sa realidad pagkatapos marinig ang sagot ni Madeline. Hindi siya makapaniwala na natulala siya nang makita niya ang ginawa ni Jeremy. Pero, hindi pa rin niya matanggap ang katotohanan na bumalik na si Madeline sa tabi ni Jeremy. Lalo na't malinaw pa rin sa kanyang isipan ang madugong nakaraan. Lalo na ang katotohanan na kinamumuhian ni Madeline si Jeremy noong hindi pa nawawala ang kanyang alaala. Nagmamasid lang si Daniel sa isang sulok. Hindi niya maipaliwanag ang ginhawang kanyang naramdaman nang marinig niya ang sagot ni Madeline kay Jeremy. Naiintindihan na niya na ang taong kayang manakit nang sobra kay Madeline ay ang taong kanyang tunay na minamahal. Sinubukan ni Ava na pigilan si Madeline pero pinigilan siya ni Eloise at Sean.
Kasunod ng sinabi ng doktor, nagdilim ang ekspresyon ni Jeremy dahil ayaw niyang sumugal sa paraang ito. Natatakot siya na hindi lang sa hindi gagaling si Madeline, tuluyan niya ring makakalimutan ang kanyang presensya.Mas gusto na niyang kamuhian siya kaysa mawala ang kanyang mga alaala habang buhay. Sa kanilang daan pauwi, nakatanggap si Jeremy ng isang mensahe galing kay Adam. Mayroong mga bagay na hindi magandang sabihin sa opisina. Maliban roon, mas maganda na kung hindi nila ipapaalam ang bagay na ito kay Madeline. Ang sabi ng mensahe ni Adam kay Jeremy ay mayroong dalawang pagkatao si Madeline sa kasalukuyan. Isa sa kanila ay mahal si Jeremy habang ang isa ay may sama ng loob sa kanya. Pareho silang hindi magkasundo at maaaring sumobra. Tanging tuwing may tiyak na pangyayari lamang lilitaw ang bawat pagkatao. Nalaman na ni Jeremy kung ano ang tiyak na pangyayari na sinasabi ni Adam. Ito ay tuwing mayroong mabigat na pwersa o kung mayroong biglaang tunog ng malakas na
Hindi nilang lahat inaasahan na magsasalita ang old master sa sandaling ito. Napanganga si Yvonne habang namutla ang kanyang mukha. 'Hindi ba sabi nila paralisado na ang matandang to at hindi na siya magsasalita or maglalakad hanggang sa mamatay siya? Bakit siya biglang kikilos sa ganitong pagkakataon?'Palagi ko siyang minumura at iniinsulto. Hindi ba mabubunyag na ang lahat?' "Lolo." Sobrang natuwa si Jeremy habang tumalikod siya at bumalik sa tabi ng old master. "Lolo, nakakagalaw na ba kayo? Anong gusto niyong sasabihin?" Nanlaki ang mga mata ng old master habang binuhos niya ang lahat ng kanyang boses, pero walang lumabas na mga salita sa huli. Ngunit nang may pagtitiyaga, iniunat niya ang kanyang nanginginig na kanang hintuturo at tumuro. Kaagad na umatras si Yvonne nang makita niya ang eksenang ito at ngumisi, "Tignan mo, Jeremy, tinuturo ni Lolo ang babaeng ito. Sinasabi ni Lolo na ang babaeng ito ang dahilan kung bakit siya nauwi sa ganitong kondisyon!" Kasunod
Hinabol ni Yvonne si Karen at nagpanggap na nag-aalala. Sa katotohanan, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng isang mala-demonyong ngisi. Inisip niya na bibigyan ni Karen si Madeline ng problema. Ngunit pumunta siya sa ospital. Gamit ang mga dating koneksyon ni Karen, nalaman niya ang tungkol sa sakit ni Madeline. Pagkatapos niyang malaman ang mga detalye tungkol sa kanyang kondisyon ay natawa siya. "Haha, mukhang nawalan nga ng alaala ang p*tang iyon. Kaya pala kanina tinawag niya ako na 'Ma' nang sobrang galang. Iyon pala bumalik siya sa kanyang pagkatanga!" Pakiramdam ni Karen ay dumating na ang kanyang pagakakataon kaya nagmadali siyang bumalik para mag-impake. Umalis siya ng bahay ay hinila ang kanyang maleta papunta sa wedding villa nina Jeremy at Madeline. Nang makababa siya ng taxi, napansin niya si Jeremy na pinaandar ang kanyang kotse at umalis ng villa. Masusing nililinis ni Madeline ang katawan ni Old Master Whitman at kinumutan siya para makatulog. Narinig niya