Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 421 - Kabanata 430

2479 Kabanata

Kabanata 421

"Tumingin ka dito." May tinuro si Eloise sa di kalayuan, at biglang nalungkot ang mata niya. "Patay na ang anak ko at alam kong di ako makakabawi sa pagisising ito sa buong buhay ko. Sa ganitong paraan ko lang maiibsan ang pagsisising ito." "Alam naming napakamakasarili ng hiling na ito at medyo malaki. Kung ayaw mo, Ms. Vera, di namin ito ipipilit." Malumanay ang tono ni Sean habang ang mata niya ay puno ng pagmamakaawa. Tinignan ni Madeline ang photo studio sa di kalayuan at ngumiti. Lumalabas na gusto nilang hiramin ang mukha niya para sa isang family portrait. Tama si Felipe. Minsan ang isang patawad ay hindi taos-pusong sinasabi. Gusto lang nila na gumaan ang pakiramdam nila, wala nang iba. Magiging masaya na sila kapag nakuha nila ang family portrait, pero paano naman siya? Tumawa si Madeline. Ipinikit niya ang kanyang mata at nakikita pa rin niya nang malinaw ang mga eksenang ang sama ng trato sa kanya ni Eloise at Sean noon. Tingin na niya sapat na ang naibigay ni
Magbasa pa

Kabanata 422

Nagmadali ding sumugod si Eloise at ang mga mata niya ay puno ng pagkabahala. "Ms. Vera, bakit ka biglang tumakbo sa kalsada? Delikado yun! Ayos ka lang ba?" Nang marinig ito, nahimasmasan na siya nang tuluyan. Umiling siya at sinabi, "May iniisip ako kanina. Salamat, aalis na ako." Pakiramdam ni Eloise at Sean na parang kakaiba ang inaasal ni Madeline at medyo nag-alala sila, pero kaagad na nakasakay ng taxi si Madeline sa may tabi ng kalsada. Bumaba siya ng kotse nang makarating siya sa gusali ng Whitmab Corporation. Habang nasa daan, kanina pa iniisip ni Madeline ang narinig niya kanina. Di kaya? 'Siguradong walang kinalaman sa akin ang libingang ipinakita sa akin ni Jeremy nitong nakaraan. 'Ayaw na ayaw niya sa akin. Bakit niya ako gagawan ng libingan, at mababaliw pa siya sa kakahanap ng abo ko?' Tahimik na inisip ni Madeline habang naglalakad siya patungo sa pinto. Sa sandaling papasok na siya, isang malakas na amoy ng pabango ang bigla niyang naamoy. Tapos tinamaan
Magbasa pa

Kabanata 423

Arogante niyang tinuro si Madeline pagkatapos itong sabihin. Ngunit sa sandaling iabot niya ang kanyang kamay, walang pake siyang dinaanan ni Jeremy at sa halip ay dumiretso ito kay Madeline. "Cousin Jeremy?" Tinitigan ni Yvonne Yalemen si Jeremy na di man lang siya tinignan. Tinignan ni Jeremy ang kape na natapon sa sahig at nag-aalalang tinignan si Madeline. "Ayos ka lang ba? Napaso ka ba?" Ngumiti si Madeline. "Di naman ito masyadong mainit, pero…" Huminto siya at tinignan ang babae na medo nagbago ang mukha. "Nabangga ako ng babaeng ito nang dalawang beses. Medyo masakit ang balikat ko." "..." Siguro hindi inasahan ni Yvonne na sasabihin ito ni Madeline kay Jeremy. Nagmukha siyang nahihiya at sumagot, "Cousin Jeremy, di ko siya nabangga. Siya ang nakabangga sa akin!" Habang sinasabi ito, galit niyang tinitigan si Madeline. "Gusto kong isalba ang dignidad mo sa harap ng pinsan ko pero mukhang ayaw mo na talagang magtrabaho dito. Cousin Jeremy, sisantehin mo dapat siya
Magbasa pa

Kabanata 424

Nakatanggap si Jeremy ng tawag mula kay Mrs. Whitman sa sandaling matapos ang kanyang afternoon meeting. "Jeremy, nagbalik na si Yvonne. Bumalik ka sa bahay para sa welcome reception. Pumunta ka dapat. Siya ang nag-iisa mong pinsan!" Nang hindi binibigyan si Jeremy ng pagkakataong tumanggi, ibinaba ni Mrs. Whitman ang linya. Ayaw ni Jeremy na magsayang ng oras sa pakikisalamuha sa mga walang kwentang tao, pero sinabi ni Madeline na sasamahan niya si Jeremy. Sa sandaling ito, nakaparada ang kotse ni Jeremy habang naglalakad si Madeline sa gate para hintayin si Jeremy. Doon niya biglang narinig ang panungutya ni Mrs. Whitman sa bahay. "Huwag mong isipin na siya si Madeline dahil lang sa kamukha niya yun. Ang babaeng ito ay talagang mas mahirap banggain. Di ko alam kung anong nangyari kay Jeremy, lagi niyang pinapakinggan ang lahat ng sinasabi ng p*kpok na yun!" "Alam ko nang masamang balita anh babaeng ito sa unang pagkakita ko sa kanya. Aunty, sinadya niya akong banggain kanin
Magbasa pa

Kabanata 425

Kalmado ang tono ni Old Master Whitman. Walang-dudang natukoy niya na ang taong nasa harap niya ay si Madeline. Malinaw na sigurado siya. Medyo nagulat si Madeline, pero nanatili siyang kalmado. "Grandpa, mabubuhay ka nang matagal. Atsaka, di talaga ako si Madeline." Ngumiti si Old Master Whitman, ngunit ang kanyang kulay abong kilay ay kumunot nang malungkot. "Madeline, gusto mo ba akong, ang matandang ito, na mamatay nang di mapayapa?" "..." Walang masabi si Madeline. "Sinabi nila sa akin na namatay ka sa engagement ceremony ni Jeremy at Meredith. Ang bagay na ito ay laging nasa isip ko." Bumuntong hininga si Old Master Whitman. "Isa kang mabuting bata na mailap dumating. Si Jeremy ang di alam kung paano ka pahalagahan. Di kita sisisihan na pinili mong bumalik sa ganitong paraan, pero umaasa ako na lalayo ka kay Felipe." Napaalala ng mga salita ni Old Master Whitman ang nakaraan ni Felipe na sinabi nito sa kanya. Seryoso niyang tinignan niya ang matanda sa harao niya
Magbasa pa

Kabanata 426

Pinigilan niya kaagad ang kanyang damdamin at ngumiti. "Jeremy, gustong magpahinga ni Grandpa. Bumalik na tayo." Nakatuon ang titig ni Jeremy nang maigi sa panghahamak sa mga mata ni Madeline. Bahagya siyang tumango. "Okay." Pagbalik nila, naligo si Madeline para pakalmahin ang kanyang sarili. 'Mukhang talagang nabuking ni Grandpa ang tunay kong pagkatao at pinaalalahanan ako na lumayo kay Felipe. 'Di kaya may naimbestigahan na si Grandpa nang palihim? 'Kailangan kong bilisan. 'Kapag pinatagal ko pa, mabubuking na ako nu Jeremy. 'Kahit anong mangyari, di mababa ang IQ niya.' Nitong gabi, dahan-dahang idinilat ni Madeline ang kanyang mata nang makatulog si Jeremy. Nang dahan-dahang inalis ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Jeremy, pumunta siya sa study nito gamit ng liwanag ng buwan. Pagkatapos itong pagmasdan sa loob ng ilang araw, sigurado si Madeline na ang study ni Jeremy ay walang nakalagay na security system. Binuksan niya ang mga ilaw at tinignan ang mga
Magbasa pa

Kabanata 427

Dumiretso su Jeremy sa study at nakita ang liwanag na nanggagaling sa kwarto mula sa malayo. Lumalim bigla ang titig niya nang kusang bumagal ang paglalakad niya. Nang marating niya ang pintuan ng study at papasok na, lumabas si Madeline habang hawak si Jackson. Nagulat si Madeline nang makita niya s Jeremy. "Jeremy, bakit gising ka rin?" Ngumiti siya. "Ihahatid ko na muna si Jack sa kanyang kwarto para matulog." Di nagtanong si Jeremy at tumango na lang. Nang makita si Madeline na tumalikod at dinala si Jackson pabalik, nanatili ang titig niya sandali bago siya tumalikod at pumunta sa study. Nang ihatid ni Madeline si Jackson pabalik ng kwarto nito, bumulong siya, "Jack, maipapangako mo ba kay Mommy na di mo sasabihin kay dad ang nangyari kanina lang?" Kumurap ang malinaw at malaking mata ni Jackson nang dalawang beses at tumango. "Makikinig si Jack kay Mommy at di ko sasabihin kay Dad." "Salamat Jack." Hinaplos ni Madeline ang ulo ng bata at malambing na hinalikan ang
Magbasa pa

Kabanata 428

"Anong problema? Bakit ka kinakabahan?" Ang mahina at malalim na boses ng lalaki ay dumaan sa kanyang tainga na parang red wine. Biglang inalis ni Madeline ang kanyang nasa isip. Sa dilim, isang ngisi ang lumitaw sa sulok ng kanyang labi. "Wala yun. Bilga lang akong may naisip na nakakatawang biro," Walang pake niyang sinabi, pero nag-aalab ang kanyang mga mata. 'Tama, isa itong biro. Isang napakalaking biro. 'Siguro nga pwede niyang mahalin ang kahit na sinong babae sa mundo, pero hindi niya ako kailanman mamahalin.' Sa susunod na araw ay bumangon si Madeline nang maaga para maghanda ng almusal para kay Jackson, tapos hinatid niya ito sa kindergarten kasama si Jeremy. Malinaw na mas mabuti na ang kalagayan ni Jackson ngayon kaysa noon. Di pa nakakita si Madeline ng isang batang naging ms masaya nang wala ang tunay nilang ina. Anong klaseng demonyo si Meredith na nagawa niyang sirain ang kanyang sariling dugo at laman sa puntong maapektuhan na ang isipan nito? Sa Whit
Magbasa pa

Kabanata 429

Biglang lumingon si Yvonne nang marinig niya ang sinabi ni Madeline at nakita niya ang isang surveillance camera. Kaagad na nawala ang kumpiyansa ni Yvonne. Mukhang hiyang-hiya siya. Dumaan ang malamig na mata ni Jeremy sa mukha ni Yvonne. "Wag mong hahayaang makita kitang malapit kay Vera." Nanginig si Yvonne sa takot. "Jez, ako ay…" "Layas." "..." Di masaya dito si Yvonne, pero nakita niya ang mga empleyadong nagbubulungan sa tabi habang nakatingin sa kanya. Bigla niyang naramdamang umiinit ang kanyang pisngi. Tinitigan niya nang masama si Madeline bago galit na tumakbo palayo. Lumapit si Jeremy kay Madeline, ang lamig sa kanyang mata ay kaagad na nawala. "Sinaktan ka ba niya?" Umiling si Madeline at kalmadong ngumiti. "Ayos lang ako." Mukhang napanatag si Jeremy nang marinig ito. Bahagya nitong hinawakan ang kamay niya at naglakad papasok sa elevator. "Napagod ka ba sa kakalakad buong umaga?" "Nawala ang lahat ng pagod ko nang makita kita." Ngumiti si Madeline.
Magbasa pa

Kabanata 430

Binura ni Madeline ang lahat ng bakas niya, tapos ibinalik ang laptop sa dati nitong pwesto. Hawak niya ang magaang USB flash drive, pero pakiramdam niya ang bigat nito sa di malamang dahilan. Kahit na hindi siya naturuan ng kanyang magulang mula pagkabata niya, laging tinuturo sa kanya ng lolo niya na maging isang mabuti at matapat na tao. Laging malinis ang konsensya niya at di siya kailanman gumawa ng bagay na nakakasakit sa iba. Ngunit sa sandaling ito, talagang nag-alinlangan siya. 'Pagiging hindi matapat ba ito? 'Hindi, hindi sa ganon. 'Jeremy Whitman, dati, nakipagtulungan ka kay Meredith na sirain ako nang tuluyan. Kahit sa araw ng 'kamatayan' ko, kailangan ko pa ring pasanin ang malulupit at masasakit na pag-atake niyong dalawa. 'Ang mga di totoong kasalanan, ang sakit mula sa pang-aalipusta mo, ang sakit mula sa tatlong taon ng maling pagkakabilanggo, at ang pagkawalay sa sarili kong dugo't laman ay malinaw sa akin. 'Binigyan mo ako ng ganitong kamalasan, ka
Magbasa pa
PREV
1
...
4142434445
...
248
DMCA.com Protection Status