All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 441 - Chapter 450

2479 Chapters

Kabanata 441

Pagkatapos sabihin ni Karen ang kanyang mga utos nang mukhang nagpapataw, nanahimik ang buong kwarto. Lahat sila ay nakatulalang nakatingin sa kanilang dalawa ni Yvonne. Natuwa si Yvonne dahil gusto niya ang pakiramdam na napapagtuunan ng pansin. Tumawa nang malakas si Madeline nang makita niya ang kanyang tita at pamangkin sa harap niya. "Ikaw na ang papalit? Ano naman gagawin mo? Magiging payaso?" Nanlumo ang mukha ni Karen. "Vera, sino ka ba sa tingin mo? Asawa ka lang ni Jeremy, kaya anong karapatan mo na mamahala sa Whitman Corporation?" Sinabi niya bago niya tignan si Yvonne, "Yvonne, simula ng araw na ito, dito ka na uupo. Pagbalik ni Jeremy, sasabihin ko sa kanya na ikaw ang sekretarya niya." Nagalak si Yvonne nang marinig niya ito. "Salamat Aunt Karen!" Ngumiti siya at umupo sa pwesto ni Madeline. "Ano pang ginagawa mo dito? Labas! Asikasuhin mo na ang Miss L.ady mo. Wala kang karapatan dito sa Whitman Corporation." Pinalayas ni Karen si Madeline. Tapis, umupo siya
Read more

Kabanata 442

Paano matutuwa si Karen dito? Pero wala siyang magagawa, kaya aalis na lang siya nang nanggigigil. Lumobo ang pisngi ni Yvonne at nagkaskasan ang ngipin niya sa galit. Pero wala siyang magawa kundi sundan si Karen palabas ng meeting room. "Aunt Karen, napakasama ni Vera! Ayos lang kung di niya ako respetuhin, pero di man lang niya gustong respetuhin ka sa harap ng lahat ng mga head of department!" Nanlumo si Yvonne at sinimulan niyang sulsulan si Karen. "Aunt Karen, dahil wala si Jeremy, dapat sirain mo ang loob ni Vera at turuan siya ng leksyon! Kung hindi, iisipin niya na siya ang boss." Ngumisi si Karen. "Tama yan. Mamayang gabi, ipapaalam ko sa kanya kung sino ang tunay ja boss." Sandali lang nang matapos ang meeting, nakatanggap si Madeline ng tawag mula sa Whitman Manor. Sinabi ng tumawag sa kanya na gusto ni Old Master Whitman na dumalaw siya ngayong gabi. Kung nitong nakaraang anim na taon pa ito, maniniwala si Madeline na ang old master ang gustong makipagkita sa
Read more

Kabanata 443

Pagkatapos itong sabihin ni Madeline, namuti ang mukha ni Karen. Nanlaki ang mata niya sa gulat nang tignan niya ang maganda ngunit malamig na mukha sa harap niya nang di makapaniwala. Nang makita ni Yvonne ang maputla at tulalang mukha ni Karen, nagtaka siya. Lalo siyang nagtaka sa sinabi ni Madeline kanina. "Aunt Karen, ikaw…" "A-Anong sinabi mo?" Di pinansin ni Karen si Yvonne. Inabot niya ang kanyang kamay at itinuro si Madeline at sinabi, "Sabihin mo ulit. S-Sino ka?" Sumandal si Madeline sa kanyang upuan nang makita niya si Karen na nauutal sa takot. Itinaas niya ang kanyang kilay at tinitigan ito nang diretso. "Dito yun nangyari noong araw na yun. Sinabi mo na magiging kasapi lang ako ng mga Whitman at ikakasal ako kay Jeremy kapag nabubuhay na ang mga patay. Ngayon, bilang isang 'patay na tao', nakatayo ako sa harapan mo. Kumusta? Nasurpresa ka ba?" "..." Pakiramdam ni Karen na lumaktaw ang tibok ng puso niya. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan sa takot. "D-D-Di
Read more

Kabanata 444

Masayang ngumiti si Madeline nang makita niya si Karen na iniiwasan siya. "Kung tama ang pagkakaalala ko, sinabi mo na magiging masaya ang lahat kung mamatay ako. Kaso, kung titignan ngayon, mukhang mahirap nang sumaya ka ngayon." "..." Walang masabi si Karen. Lalo siyang nagmukhang talunan. Tinignan ni Yvonne si Karen na nasa likod niya, tapos sinigawan niya si Madeline nang mukhang arogante, "Ikaw pala ang yumaong dating asawa ni Jeremy na si Madeline. Kung di ka pa patay, bakit ka nagpanggap na patay para takutin ang tita ko? Binabalaan kita, kapag naglakas-loob kang magwala, ako-" "Ito ay sa pagitan namin. Mas mabuti kung di ka mangingialam." Dominanteng sumingit si Madeline nang may malamig na titig. "Wag mong sabihing di kita binalaan. Kung ayaw mong masunog, mabuting tumabi ka." "..." Gustong ipaglaban ni Yvonne si Karen, pero nabigla siya nang makita niya ang nakakatakot na si Madeline. Nang makita niyang naglalakad palapit si Madeline, tumahimik si Yvonne sa takot
Read more

Kabanata 445

Bago pa ito, alam na ni Maddie kung paano harapin ang lahat. Subalit, nang tignan niya ang Old Master Whitman sa harapan niya, nakaramdam siya ng sakit sa kanyang puso. Ngunit kalmado pa rin siyang tumingin sa mga mata nito. "Grandpa, tama ka. Ako si Maddie." Inamin na niya sa wakas sa old master. Naramdaman niyang kumikirot ang luha sa sulok ng kanyang mata. "Grandpa, salamat sa pagtitiwala at pagsuporta sa akin sa lahat ng taong iyon. Ikaw ang natatanging taong mabait sa akin sa pamilyang ito. Tatandaan ko ito habang buhay." Naglakad si Old Master Whitman sa harap ni Madeline nang mabagal nang may suporta ng kanyang tungkod. Ang kanyang matanda at malabong mata ay tumingin sa kanya nang maalaga at mapang-unawa. "Anak, inamin mo na sa wakas. Ang saya ko." Nang tignan ang mapagmahal na titig ng old master, biglang nakonsensya si Madeline. "Patawad Grandpa. Ikinalulungkot ko na madidismaya ka sa akin." "Hindi. Masaya akong makita ang bagong ikaw." Itinaas ng old master a
Read more

Kabanata 446

Sinabi ba ni Karen kay Eloise ang tunay niyang pagkatao? Siguro hindi. Di gagawa ng problema si Karen para sa sarili niya. Nang mag-isip si Madeline, sinagot niya ang tawag. "Ms. Vera, si Eloise Montgomery ito. Magtatanong sana ako kung pwede ka bang pumunta dito ngayon. Di makatulog si Jack at sabi niya gusto ka daw niyang makita." Nang malaman ni Madeline na dahil ito dito, pumayag siya. "Pupunta ako diyan kaagad." "Mabuti naman." Masayang pakinggan ang boses ni Eloise. Siguro ang makita ang mukha niya ngayon ay isang bagay na magpapasaya dito at sa asawa nito. Pagkatapos ibaba ang linya, kumain si Madeline at umalis. Umupo si Felipe sa kanyang bangko habang hawak ng kanyang mahabang daliri ang wine glass. Inikot niya ang laman ng baso at tumingin nang diretso. "Vera, di siya kasingbait ng inaakala mo. Di siya karapat-dapat sa awa mo." … Pagkalipas ng 20 minuto, nakarating na si Madeline sa Montgomery Manor. Sinalubong siya ni Eloise at Sean nang bukas-palad
Read more

Kabanata 447

Sa kabila ng gulat ni Madeline sa maagang pagbabalik ni Jeremy, nanatili siyang kalmado. Mayroon pa siyang nakakapagtakang ngiti sa kanyang mukha. Lumapit ang lalaki sa kanya, ang malamig na aura ss paligid niya ay nagpapamukha sa kanyang dominante tulad ng isang hari. Ang lahat ng nasa paligid niya ay mga disenyo na lang. Nakatingin siya nang diretso na parang di niya nakikita ang ibang tao sa kwarto. Ang magandang mukha lang ni Madeline ang nakikita sa kanyang madilim na mata. Naglakad siya palapit, at sa bawat hakbang, bumilis ang tibok ng kanyang puso hanggang sa makarating siya sa harap ni Madeline. Pagkatapos mahimasmasan ng isa sa mga shareholder niya, sinabi nito, "Sakto ang pagbabalik mo, Mr. Whitman. Sabi ng asawa mo-" "Lahat kayo, alis." Seryosong sumingit si Jeremy habang ang mga mata niya ay nakatuon sa mukha ni Madeline. Nagtatakang nagtinginan ang mga shareholder. Pero umalis pa rin sila. Si Madeline at Jeremy na lang ang naiwan sa malaking meeting room n
Read more

Kabanata 448

"Wag mo akong hawakan," Nandidiring sinabi ni Madeline, "Wag mo akong hawakan gamit ng kamay mong humawak sa ibang mga babae. Nandidiri ako." Hiss. Pakiramdam ni Jeremy na parang may sumaksak sa kanyang puso nang marinig niya ang mga salita ni Madeline na puno ng galit. Lumalabas na ang salitang 'nandidiri' ay may ganitong kapangyarihan. Pero noon niya pa ginagamit ang salitang ito para atakihin ito noon nang paulit-ulit. Huminga nang malalim si Madeline nang di magsalita si Jeremy. Tinignan niya si Jeremy nang puno ng galit ang kanyang mga mata. Nanghamak siya at sinabi, "Bakit? Di ka ba masaya na tinatrato kita nang ganito? Sino ka ba para di matuwa dito? Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako trinato? Sinabi mo na isa akong p*ta na may mababang moralidad. Sinabi mo na nandidiri ka sa akin. Sinabi mo ba hindi ako karapat-dapat na maging asawa ni Jeremy Whitman. Nakalimutan mo na ba ang lahat ng yun?" Pagkatapos siyang tanungin nito, kumunot ang noo ni Jeremy. Naalala ni
Read more

Kabanata 449

Sinabi ito ni Madeline nang walang alinlangan. Ang kanyang matalas na titig ay dumaan sa mukha ni Jeremy bago siya maglakad palayo. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline kaya napahinto siya sa paglalakad. Galit niyang tinignan ito. "Anong problema? Gusto mo ba akong parusahan gamit ng mga malupit mong pamamaraan? Jeremy, di na ako ang Madeline na hahayaan kang laitin at pahiyain ako. Di ako natatakot sa'yo!" Walang takot niyang tinignan ang malalim na mata ng lalaki. May di natitinag na ekspresyon sa kanyang mata na nagpamukhang dominante sa kanya at arogante na paranf isang reyna. Di galit si Jeremy. Ang kanyang madamdaming mata at nakatuton sa walang kupas na mukha ni Madeline nang tumingin siya nang diretso dito. Tutuusin, alam na niya noon pa na kasinungalingan ang lahat ng sinabi nito sa kanya. Magkakaroon lang siya ng pagkakataong mapalapit sa kanya kung magpapatuloy siya na magsinungaling sa kanyang sarili. Kalaunan, dumating pa rin ang araw na ito para hampasi
Read more

Kabanata 450

Nabigla si Karen. Pero wala siyang balak na umalis. Sa kabilang banda, naglakad siya sa harap ni Jeremy. "Jeremy, may importanteng bagay akong dapat sabihin sa'yo!" Mukhang natataranta si Karen. "Di patay si Madeline! Siya si Vera Quinn! Inamin niya ito noong nakaraang dalawang araw! Talagang siya si Madeline!" Natataranta itong sinabi ni Karen. Pero nakita niya na di man lang nabulabog si Jeremy. May naisip siya. "Jeremy, ikaw… alam mo ba ito? Alam mo na ba na ang p*kpok na ito ay si Madeline?" Nang sabihin niya ito, itinaas ni Jeremy ang titig nito para tignan siya. Nagyeyelo ang kanyang mata, at natahimik si Karen pagkatapos itong makita. Malamig na tumayo si Jeremy at umalis nang walang dalang kahit na ano. Hinabol siya ni Karen. "Jeremy, a-ano nang nangyayari? Hahayaan mo na lang ba si Madeline? Alam mo ba ang ginawa niya nitong nakaraang dalawang araw? Jeremy, wag kang magpadalos-dalos. Bumalik ang babaeng yun para maghiganti! Jeremy, Jeremy!" Kahit ilang beses pa siy
Read more
PREV
1
...
4344454647
...
248
DMCA.com Protection Status