"Wag mo akong hawakan," Nandidiring sinabi ni Madeline, "Wag mo akong hawakan gamit ng kamay mong humawak sa ibang mga babae. Nandidiri ako." Hiss. Pakiramdam ni Jeremy na parang may sumaksak sa kanyang puso nang marinig niya ang mga salita ni Madeline na puno ng galit. Lumalabas na ang salitang 'nandidiri' ay may ganitong kapangyarihan. Pero noon niya pa ginagamit ang salitang ito para atakihin ito noon nang paulit-ulit. Huminga nang malalim si Madeline nang di magsalita si Jeremy. Tinignan niya si Jeremy nang puno ng galit ang kanyang mga mata. Nanghamak siya at sinabi, "Bakit? Di ka ba masaya na tinatrato kita nang ganito? Sino ka ba para di matuwa dito? Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako trinato? Sinabi mo na isa akong p*ta na may mababang moralidad. Sinabi mo na nandidiri ka sa akin. Sinabi mo ba hindi ako karapat-dapat na maging asawa ni Jeremy Whitman. Nakalimutan mo na ba ang lahat ng yun?" Pagkatapos siyang tanungin nito, kumunot ang noo ni Jeremy. Naalala ni
Sinabi ito ni Madeline nang walang alinlangan. Ang kanyang matalas na titig ay dumaan sa mukha ni Jeremy bago siya maglakad palayo. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline kaya napahinto siya sa paglalakad. Galit niyang tinignan ito. "Anong problema? Gusto mo ba akong parusahan gamit ng mga malupit mong pamamaraan? Jeremy, di na ako ang Madeline na hahayaan kang laitin at pahiyain ako. Di ako natatakot sa'yo!" Walang takot niyang tinignan ang malalim na mata ng lalaki. May di natitinag na ekspresyon sa kanyang mata na nagpamukhang dominante sa kanya at arogante na paranf isang reyna. Di galit si Jeremy. Ang kanyang madamdaming mata at nakatuton sa walang kupas na mukha ni Madeline nang tumingin siya nang diretso dito. Tutuusin, alam na niya noon pa na kasinungalingan ang lahat ng sinabi nito sa kanya. Magkakaroon lang siya ng pagkakataong mapalapit sa kanya kung magpapatuloy siya na magsinungaling sa kanyang sarili. Kalaunan, dumating pa rin ang araw na ito para hampasi
Nabigla si Karen. Pero wala siyang balak na umalis. Sa kabilang banda, naglakad siya sa harap ni Jeremy. "Jeremy, may importanteng bagay akong dapat sabihin sa'yo!" Mukhang natataranta si Karen. "Di patay si Madeline! Siya si Vera Quinn! Inamin niya ito noong nakaraang dalawang araw! Talagang siya si Madeline!" Natataranta itong sinabi ni Karen. Pero nakita niya na di man lang nabulabog si Jeremy. May naisip siya. "Jeremy, ikaw… alam mo ba ito? Alam mo na ba na ang p*kpok na ito ay si Madeline?" Nang sabihin niya ito, itinaas ni Jeremy ang titig nito para tignan siya. Nagyeyelo ang kanyang mata, at natahimik si Karen pagkatapos itong makita. Malamig na tumayo si Jeremy at umalis nang walang dalang kahit na ano. Hinabol siya ni Karen. "Jeremy, a-ano nang nangyayari? Hahayaan mo na lang ba si Madeline? Alam mo ba ang ginawa niya nitong nakaraang dalawang araw? Jeremy, wag kang magpadalos-dalos. Bumalik ang babaeng yun para maghiganti! Jeremy, Jeremy!" Kahit ilang beses pa siy
Nagreklamo at nagtanong si Madeline nang maalala ni Jeremy ang nangyari noong araw na yun. Naalala niya nang malinaw ang lahat. Noong araw na yun, naoakalakas ng hangin at umuulan ng niyebe. Nanginginig nang husto si Madeline habang yakap nito ang baul at namantsahan ng dugo ang ngipin nito. Nakakaawa itong tignan parang isang sirang manika. Pero determinado nitong kinontra ang ginagawa niya. Sinabi nito, "Jeremy, patayin mo na ako. Ayaw na kitang makita ulit." Sinabi din nito, "Jeremy, pagsisisihan mo ito!" Pero noon, mayabang siyang sumagot, "Ang salitang 'pagsisisi' ay wala sa diksyonaryo ko." Nanghamak si Madeline nang makita niyang nag-iisip nang malalim si Jeremy. "Anong problema? Naaalala mo na ba ang lahat ng ginawa mo? Naaalala mo na ba kung gaano ka kasiguradong ang anak natin ay isang bast*rdong bata na hindi mo mahintay na durugin ang buto nito?" Nahimasmasan si Jeremy nang sarkastiko itong sabihin ni Madeline. Naalala niya ang pagmamalupit niya. Pakiramdam
Hindi siya minahal ni Jeremy. Kahit kaunti. Kapag nabuking siya sa pagpapanggap niya bilang ang batang babae noon, balewala na siya kay Jeremy. Parang di man lang siya kilala nito kahit na may anak silang dalawa. "Mukhang alam mong may mangyayari," Walang pakeng sinabi ni Jeremy. Lumapit ang matangkad na katawan nito sa kanya nang matakot siya sa malakas na aura nito. Inosenteng umiling si Meredith. "Jeremy, di ko alam kung anong sinasabi mo." Pinilit niyang maluha para magmumukha siyang naaagrabyado. "Jeremy, para sa kapakanan ng relasyon natin at para na din kay Jack, pwede mo ba akong ilabas dito? Talagang napagbintangan lang ako-" "Heh." Bago pa matapos si Meredith, naudlot siya ni Jeremy. "Alam mo ba kung bakit buhay ka pa ngayon?" Biglang tanong niya. Nagtatakang tumingin si Meredith sa lalaking lalong nagiging nakakatakot habang tumatagal. "Kasi hinihintay ko pa ang sagot ni Maddie." "..." Nanlaki ang mata ni Meredith sa gulat nang bumilis ang tibok ng puso
And kagustuhang pumatay sa likod ng titig ni Jeremy ay naglaho. Hinawakan niya ang kwelyo ni Meredith kinaladkad ito sa harapan niya. "Ulitin mo ang sinabi mo." Naamoy ni Meredith ang amoy ni Jeremy nang magsimula siyang umiyak nang nakakaawa. Sa kabila ng malamig na titig ng lalaki sa kanya, ang mata nito at ang gwapong mukha nito ang inaasam niya noon pa kahit na galit ito ngayon. "Jeremy, kahit na madami akong nagawang masama, ang nararamdaman ko para sa'yo ay totoo. Talagang mahal-" "Kung ayaw mong magdusa, sagutin mo ang tanong ko. Buhay ba talaga ang anak namin ni Maddie?" Naiinis na sumingit si Jeremy. Nilamig ang katawan ni Meredith sa kanyang nagbabantang mata. Nanginig siya nang titigan niya sa mata si Jeremy. Tumango siya. "Di pa siya patay. B-Buhay pa siya…" Natunaw ang yelo sa mata ni Jeremy. "Nasaan siya? Nasaan ang bata?" Kinagat ni Meredith ang kanyang tuyong labi."Jeremy, gusto kong makalabas dito." "Tingin mo ba may karapatan kang makipagkasunduan sa
Limang taon na ang nakalipas at ito ang unang pagkakataong ang bait pakinggan ng boses ni Jackson nang tawagin siya nitong daddy. Lumapit siya kay Jackson at umupo. Tinignan niya ang maliit na mukha nito nang may lambing. Siguro isa itong psychological effect, pero sa sandaling ito, pakiramdam naging lalong kamukha ng batang ito si Madeline. "Jack," Pinigil niya ang damdamin niya at malumanay na tinawag ang pangalan nito. Tumango si Jackson. "Daddy, kailan ako uuwi? Namimiss ko na si Mommy. Di ang mommy ko pero si Vera." Diniin ni Jackson. Naramdaman ni Jeremy na sumikip ang puso niya. "Jack, si Vera ang mommy mo. Isa lang ang mommy mo. Tandaan mo yan." "Tatandaan ko." Tumango si Jackson. Iwinagayway niya ang gamit na hawak niya. "Tatapusin ko na ang bunny na ito mamaya. Pagkatapos ko, ibibigay ko ito kay Mommy para maprotektahan siya." Sinimulang ipakilala ng bata ang kanyang gadget. Naunawaan na ni Jeremy na isa itong maliit na self-defense device. Nagulat siya na a
Bam! Dumulas ang tasa sa kamay ni Eloise at bumagsak ito sa sahig. Ang lupaypay niyang kamay ay nanigas sa ere at di makagalaw. "A-Anong sinabi mo… si Vera ay si Maddie…" Sinabi ni Eloise nang kaagad na napuno ng luha ang mata niya at nanlabo ang kanyang paningin. Ang nakikita na lang niya ngayon ay ang magandang mukha ni Madeline. Hindi nagduda si Eloise. Natural na hilingin niyang buhay pa ang anak niya sa mundong ito. Atsaka, sa panahong ito, nagsimula na siyang mapalagay kay Vera. Alam niyang dapat siyang maging masaya, pero sa isang dahilan, nakakaramdam ng nakakapanghinang sakit ang puso niya. Lumabas si Sean nang marinig niya ang ingay. Nang makita niya si Eloise na nakatayo at mukhang matamlay nang humagulgol ito, lumapit siya nang nag-aalala at nagtataka. "Ellie, anong problema? Bakit ka umiiyak?" Nag-alala si Sean. Nagtataka niyang tinignan si Jeremy. "Mr. Whitman, kailan ka pa nagpunta dito? Bakit ang lungkit ni Ellie? Iuuwi mo na ba si Jack?" Hinaplos ni Jer
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si