Bam! Dumulas ang tasa sa kamay ni Eloise at bumagsak ito sa sahig. Ang lupaypay niyang kamay ay nanigas sa ere at di makagalaw. "A-Anong sinabi mo… si Vera ay si Maddie…" Sinabi ni Eloise nang kaagad na napuno ng luha ang mata niya at nanlabo ang kanyang paningin. Ang nakikita na lang niya ngayon ay ang magandang mukha ni Madeline. Hindi nagduda si Eloise. Natural na hilingin niyang buhay pa ang anak niya sa mundong ito. Atsaka, sa panahong ito, nagsimula na siyang mapalagay kay Vera. Alam niyang dapat siyang maging masaya, pero sa isang dahilan, nakakaramdam ng nakakapanghinang sakit ang puso niya. Lumabas si Sean nang marinig niya ang ingay. Nang makita niya si Eloise na nakatayo at mukhang matamlay nang humagulgol ito, lumapit siya nang nag-aalala at nagtataka. "Ellie, anong problema? Bakit ka umiiyak?" Nag-alala si Sean. Nagtataka niyang tinignan si Jeremy. "Mr. Whitman, kailan ka pa nagpunta dito? Bakit ang lungkit ni Ellie? Iuuwi mo na ba si Jack?" Hinaplos ni Jer
"Umalis siya? Saan siya nagpunta? Alam mo ba?" Natatarantang tanong ni Eloise. Nanghula ang receptionist at nagsabing, "Sa tingin ko baka umuwi na siya sa bahay niya sa oras na to." "Bahay…" Binanggit ni Eloise ang salitang iyon habang nakatulala siya. Bahay… Ang Montgomery Manor dapat ang bahay niya. Ngunit, hindi nagtangka sina Eloise at Sean na umasa na gusto niyang bumalik sa kanila. Siguro, hindi niya gugustuhin na gawin iyon. Naalala ni Eloise ang sinabi ni Madeline nang nagpunta siya sa Montgomery Manor para kay Jackson dalawang araw ang nakakaraan. Sinabi niya na ito na raw ang huling araw na pupunta siya roon. Noon, hindi iyon naintindihan ni Eloise, pero ngayon, naiintindihan na niya kung anong ibig niyang sabihin. Nang maisip niya ito ay nagsimulang umiyak si Eloise. Sobra siyang nagsisisi. Hinawakan siya ni Sean. "Ellie, wag kang umiyak. Tiyak makikita natin ulit si Eveline." "Hindi niya tayo gustong makita. Malamang ayaw niya sa'tin…" Namula ang mga m
Tumalikod rin si Daniel para tumingin. Sa susunod na segundo, kinunot niya ang kanyang noo at naging seryoso ang kanyang ekspresyon. Hindi alam ni Madeline kung sino ang nasa kanyang likuran, pero base sa reaction nina Ava at Daniel, nahulaan niya kung sino ito. Sa sandaling ito, narinig niya ang maraming tao na nagbubulung-bulungan. Ilang mga babae ang namula ang mukha nang makita nila si Jeremy. "Ang gwapo naman ng lalaking yun!" "Mukhang siya ang presidente ng Whitman Corporation!" "Nakita ko siya dati online! Siya si Jeremy Whitman!" Binaba ni Madeline ang kanyang mga chopstick nang hindi kumukurap. Hindi man lang siya tumalikod. "Ava, Dan, wag na nating pansinin ang mga hindi importanteng tao. Lumipat na lang tayo ng restaurant." Tinitigan nang masama ni Ava habang hinihigpitan ang kanyang kamao si Jeremy na naglalakad papalapit sa kanila. "Sige, makikinig ako sa'yo, Maddie! Dan, tara na!""Sige." Tumayo rin si Daniel. Pagkatapos, tinignan niya si Jeremy nang hindi
Nakatayo si Jeremy sa gitna ng malamig na hangin habang nangungulilang nakatingin sa likod ni Madeline. Ang kanyang matangkad na katawan ay gumawa ng isang malungkot na anino sa ilalim ng poste ng ilaw. Ngumiti siya habang isang bahid ng pait ang nagsimulang kumalat sa kanyang puso. Nagsimulang maluha ang kanyang mga mata at lumabo ang magandang anyo sa kanyang harapan. Paano niya siya masisisi sa pagiging malamig at walang puso ngayon? Tanging sarili niya lang ang masisisi niya. … Pagkatapos kumain kasama ni Ava at Daniel, bumalik si Madeline sa kanyang dating apartment nang mag-isa. Umupo siya sa tapat ng bintana habang kusang umalingawngaw sa kanyang tainga ang mga salita ni Jeremy. 'Ikaw ang taong mahal ko.' "Heh." Malamig na tumawa si Madeline. 'Walang mananakit sa taong mahal nila nang ganito. 'Jeremy, wag mong sabihin sa'kin na mahal mo ako. Wag mong sabihin sa'kin na hindi mo sinasadya ang mga masasamang salita na sinabi mo sa'kin pagkatapos mamatay ng pus
Kahit na nakasara ang bintana ng kotse, malinaw na narinig ni Madeline na nanginginig ang boses ni Eloise. Halata na sinusubukan ni Eloise na pigilan ang isang uri ng emosyon at alam na ni Madeline kung ano ang emosyon na iyon. Tok, tok, tok. Kinatok na naman ni Eloise ang bintana. Hindi siya nagtangkang lakasan ang kanyang katok. Natatakot siya na baka magalit si Madeline pero kasabay nito, natatakot siya na hindi siya pansinin ni Madeline. "Ms. Vera, Vera…" Tinawag siya ni Eloise. Bigla na lang, tinanggal ni Madeline ang kayang seatbelt. Nang makita nila na lalabas na ng kotse si Madeline, nagliwanag ang mga mukha ni Eloise at Sean sa tuwa. Binuksan ni Madeline ang pinto at sa wakas ay lumabas na siya. Habang nakatingin sa kanilang mga luhaan at nangungulilang mga mata, kalmado silang tinignan ni Madeline. "Nasa kwarto ba niya si Jack?" diretso niyang tanong. Matindi siyang tinitigan nina Eloise at Sean at tumango. "Nasa kwarto siya!" "Sige." Sabi ni Madeline at
Nakita nina Eloise at Sean ang eksenang ito habang nasa labas sila ng kwarto at sumakit nang matindi ang kanilang mga puso. Hindi sila nagtangkang guluhin sila. Kasabay nito, hindi rin sila nagtangkang sabihin kay Madeline na si Jackson ang kanyang tunay na anak nang padalos-dalos. Tinakpan ni Eloise ang kanyang bibig nang makita niya ito. Nilunok niya ang kanyang mga hikbi at mabilis na tumakbo papalayo. "Ellie!" Tinawag ni Sean si Eloise nang may mababang boses. Pagkatapos, nangungulila niyang tinignan si Madeline bago hinabol ang kanyang asawa. Bumalik si Eloise sa kanyang kwarto at tumumba sa kanyang kama. Tinakpan niya ang kanyang mukha at nagsimulang umiyak. Kahit na matindi rin ang kalungkutan na nararamdaman ni Sean, bilang isang asawa at isang lalaki, kailangan niyang maging mas malakas at mas kalmado kaysa kay Eloise sa sandaling ito. "Ellie, wag ka nang umiyak. Wag kang ganito." Tinapik ni Sean ang balikat ni Eloise at pinatahan siya. "Kahit na anong mangyari,
Nang marinig ni Madeline ang mga boses ay dahan-dahan siyang lumingon. Nakatingin sa kanya sina Eloise at Sean nang nakangiti. Kahit na nakangiti sila, hindi pa rin nila maitago ang emosyon at kaba sa kanilang mga mata. Umabot na rin sa ganito kaya hindi na nagpaligoy-ligoy si Madeline. "Hula ko alam niyo na ang tungkol doon, hindi ba?" Kalmadong tanong ni Madeline. Walang masabi sina Sean at Eloise. Gulat nilang tinignan si Madeline pagkatapos niyang magtanong. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, maingat na nagsalita si Eloise, "Ms. Vera––" "Ms. Vera," Inulit ni Madeline ang pangalan na ito at pinutol ang sinasabi ni Eloise nang nakangiti. "Hindi ba dapat Eveline Montgomery na ang tawag niyo sa'kin ngayon?" "..." "..." Bumilis ang paghinga nina Eloise at Sean nang marinig nila iyon. Nakatulala silang nakatitig sa kaaya-ayang ngiti sa kanilang harapan. Sa sandaling ito, tumulo ang mga luha sa kanilang mga mata. "Eveline!" Malakas na umiyak si Eloise haba
Nang marinig ni Eloise at Sean kung paano sila tinawag ni Madeline ay nag-aalala nila siyang tinignan at hindi nila alam ang gagawin. Nadudurog ang puso ni Eloise, "Eveline…"Bahagyang ngumiti si Madeline, tinaas niya ang kanyang magagandang mga mata para tignan ang paligid. Naglakad siya papunta sa European-style na sofa at hinaplos ito. "Noon, inimbitahan niyo ko rito para maghapunan para kay Meredith at handa kayong maging magalang para lang kausapin ang isang kalaban na kagaya ko. Siguro naiilang kayo ngayon na bumaliktad na ang sitwasyon, tama ba?" Mas lalong nalungkot sina Eloise at Sean nang marinig nila iyon. Kalmadong ngumiti si Madeline at nagsabing, "Mrs. Montgomery, tinanong mo ko kung nahanap ko na ang mga magulang ko pagkatapos ng maraming taon." Habang nakatingin siya sa nagsisising mga mata ni Eloise ay nagpatuloy siya, "Mrs. Montgomery, naalala niyo ba kung ano ang sagot ko?" "Eveline…" "Sinabi ko na nahanap ko na sila, pero hindi kami pwedeng magsama da