Nakita nina Eloise at Sean ang eksenang ito habang nasa labas sila ng kwarto at sumakit nang matindi ang kanilang mga puso. Hindi sila nagtangkang guluhin sila. Kasabay nito, hindi rin sila nagtangkang sabihin kay Madeline na si Jackson ang kanyang tunay na anak nang padalos-dalos. Tinakpan ni Eloise ang kanyang bibig nang makita niya ito. Nilunok niya ang kanyang mga hikbi at mabilis na tumakbo papalayo. "Ellie!" Tinawag ni Sean si Eloise nang may mababang boses. Pagkatapos, nangungulila niyang tinignan si Madeline bago hinabol ang kanyang asawa. Bumalik si Eloise sa kanyang kwarto at tumumba sa kanyang kama. Tinakpan niya ang kanyang mukha at nagsimulang umiyak. Kahit na matindi rin ang kalungkutan na nararamdaman ni Sean, bilang isang asawa at isang lalaki, kailangan niyang maging mas malakas at mas kalmado kaysa kay Eloise sa sandaling ito. "Ellie, wag ka nang umiyak. Wag kang ganito." Tinapik ni Sean ang balikat ni Eloise at pinatahan siya. "Kahit na anong mangyari,
Nang marinig ni Madeline ang mga boses ay dahan-dahan siyang lumingon. Nakatingin sa kanya sina Eloise at Sean nang nakangiti. Kahit na nakangiti sila, hindi pa rin nila maitago ang emosyon at kaba sa kanilang mga mata. Umabot na rin sa ganito kaya hindi na nagpaligoy-ligoy si Madeline. "Hula ko alam niyo na ang tungkol doon, hindi ba?" Kalmadong tanong ni Madeline. Walang masabi sina Sean at Eloise. Gulat nilang tinignan si Madeline pagkatapos niyang magtanong. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, maingat na nagsalita si Eloise, "Ms. Vera––" "Ms. Vera," Inulit ni Madeline ang pangalan na ito at pinutol ang sinasabi ni Eloise nang nakangiti. "Hindi ba dapat Eveline Montgomery na ang tawag niyo sa'kin ngayon?" "..." "..." Bumilis ang paghinga nina Eloise at Sean nang marinig nila iyon. Nakatulala silang nakatitig sa kaaya-ayang ngiti sa kanilang harapan. Sa sandaling ito, tumulo ang mga luha sa kanilang mga mata. "Eveline!" Malakas na umiyak si Eloise haba
Nang marinig ni Eloise at Sean kung paano sila tinawag ni Madeline ay nag-aalala nila siyang tinignan at hindi nila alam ang gagawin. Nadudurog ang puso ni Eloise, "Eveline…"Bahagyang ngumiti si Madeline, tinaas niya ang kanyang magagandang mga mata para tignan ang paligid. Naglakad siya papunta sa European-style na sofa at hinaplos ito. "Noon, inimbitahan niyo ko rito para maghapunan para kay Meredith at handa kayong maging magalang para lang kausapin ang isang kalaban na kagaya ko. Siguro naiilang kayo ngayon na bumaliktad na ang sitwasyon, tama ba?" Mas lalong nalungkot sina Eloise at Sean nang marinig nila iyon. Kalmadong ngumiti si Madeline at nagsabing, "Mrs. Montgomery, tinanong mo ko kung nahanap ko na ang mga magulang ko pagkatapos ng maraming taon." Habang nakatingin siya sa nagsisising mga mata ni Eloise ay nagpatuloy siya, "Mrs. Montgomery, naalala niyo ba kung ano ang sagot ko?" "Eveline…" "Sinabi ko na nahanap ko na sila, pero hindi kami pwedeng magsama da
Pagkatapos sabihin iyon ni Madeline ay nagwawala nang umiiyak si Eloise. Sa kabilang banda, hindi na napigilan ni Sean ang kanyang mga luha. Naalala nila noong pinuntahan nila si Madeline sa conjugal room sa araw na pinatay si Brittany. Maputla ang mukha ni Madeline noon. Patuloy na lumilitaw sa isipan nila ang imaheng iyon, pati na rin ang brutal at masamang ginawa nila sa kanya. Minura at sinampal nila si Madeline para lang ipagtanggol si Meredith. Sinampal pa ni Sean si Madeline na nanghihina na nang sobrang lakas na natumba siya sa lapag. Sumakit ang kanilang mga puso habang iniisip nila ang mga nangyari noon. Hindi nila matiis ang sakit sa kanilang mga puso na bunga ng pagsisisi. Hindi nila maisip kung gaano kalakas si Madeline para hindi umiyak sa ganoong sitwasyon. Sa sandaling ito, matibay at malakas si Madeline kagaya noon. Bahagya siyang ngumiti nang maalala niya ang nakaraan. "Nakaraan na ang lahat ng iyon. Ayaw ko nang tumingin sa kahit na ano." Bahagya si
Naiintindihan ni Madeline na hindi pa siya nakukuntento. Pagkatapos ng lahat, Paanong mapapagaling ng reputasyon ang sakit ng isang nasirang pamilya? Tumalikod si Felipe at tumingin kay Madeline. Kaagad na nawala ang malagim na kinang sa kanyang mga mata at naging malumanay ito. "Vera, mula ngayon, ang lahat ng to ay sa ating dalawa na." Ngumiti si Madeline at tumango. "Sa'yo yan. Lalo na at pagmamay-ari ito ng mga Whitman. Hindi ko gustong makuha ang kumpanyang ito. Ngayon bumalik na to sa'yo. Bumalik na ito sa nararapat nitong may-ari." Nagulat si Felipe. "Hindi mo gusto ang kahit na ano dito?" "Ang bagay na pinakagusto ko ngayon ay makitang wala nang pag-asa si Jeremy habang wala na sa kanya ang lahat," sabi ni Madeline at kumunot ang kanyang noo na para bang malalim ang kanyang iniisip. "Pero, pakiramdam ko ang dahilan kung bakit madali kong na-hack ang computer ni Jeremy para ilipat ang stocks at importanteng impormasyon ay dahil hinayaan niya akong gawin yun." "Sin
Nabigla si Madeline sa biglaang pagdating ni Jeremy. Ngunit sa kung anong dahilan, nakahinga siya nang maluwag. Nainis si Felipe nang biglang magulo ang kanyang pagtatapat ng pag-ibig. Isang bakas ng galit ang lumitaw sa kanyang malumanay at itim na mga mata. "Jeremy, bakit ka narito? Wala ka nang posisyon dito." Naningkit ang mga mata ni Jeremy diretso kay Felipe, sabay lumipat ang kanyang tingin sa mukha ni Madeline. Nang makasalubong niya ang kanyang malamig na titig ay nanlambot ang kanyang tingin. "Alam ko na araw mo sa'kin at gusto mo akong mamatay. Tatanggapin ko ang lahat ng klase ng paghihiganti mula sa'yo, pero hindi ako papayag na sumasa ka sa kanya… Lalo na ang ikasal sa kanya."Hindi mapapakiusapan si Jeremy sa kanyang tono at mayroong dominanteng aura sa kanyang madilim na mata. Nang magsasalita sana si Madeline, narinig niya si Felipe na tumatawa sa kanyang likuran. "Hindi ka papayag?" tumawa siya habang nagtanong, "Sino ka ba para hindi pumayag? Nakalimutan
"Kung mapapasaya nito si Madeline, posible ang kahit na ano." "A-Ano? Jeremy, anong sinabi mo?" Nanlaki ang mga mata ni Karen sa gulat. "Kinasusuklaman mo ang babaeng yun, kaya bakit… Mahal mo na talaga si Madeline?" Hindi sinagot ni Jeremy si Karen. Pero ang kanyang malumanay na tingin ang pinakamagandang sagot. "Hahanapan kita ng magandang lugar na lilipatan mo. Wag mo kong guluhin kung hindi naman importante." Pagkasabi niya nito ay tumalikod siya para umalis. Ngunit, huminto siya nang makita niya ang old master sa kanyang harapan. Si Old Master Whitman ay may hawak na tungkod. Kahit na mukhang strikto ang kanyang mukha, ang kanyang mga mata ay mabait pa ring tignan. "Sumunod ka sa'kin," sabi niya kay Jeremy bago tumalikod. Nagdalawang-isip si Jeremy ng dalawang segundo bago sumunod sa kanya. Sa study. Nakaharap si Old Master Whitman sa kulay abong langit sa labas ng bintana. Pagkatapos ng mahabang oras ay bumuntong-hininga siya. "Ano nang gagawin mo ngayon?" "
Tinanong ni Jeremy sa old master ang tanong na matagal na niyang tinatago sa kanyang puso. Tumingin ang old master sa kulay abong langit at mayroong kalungkutan sa kanyang mga mata. "Nagsimula ang storya 23 taon ang nakaraan…" Ang storya ay bumalik sa dalawampung taon ang nakakaraan. Nang naguguluhan si Jeremy, inisip niya na baka tungkol ito sa mga magulang ni Felipe. At ganoon na nga, pagkatapos pakinggan ni Jeremy ang kwento ng old master ay mayroon na siyang konkretong sagot. Kasabay nito, napatunayan rin nito na si Felipe ay isang napaka-mapanganib na tao. Hindi niya hahayaang mapalapit si Madeline kay Felipe. Huminto ang old master nang paalis na si Jeremy. "Baka malaman rin ito ni Maddie balang araw. At saka, tinulungan siya ni Felipe sa pinakamahirap na punto ng buhay niya kaya malaki ang tiwala niya kay Felipe. Sa kabilang banda, galit si Maddie sayo kaya hindi niya papaniwalaan ang kahit na anong sasabihin mo." "Hindi ko gustong paniwalaan niya ako, pero hindi ko ha