Share

Kabanata 456

"Umalis siya? Saan siya nagpunta? Alam mo ba?" Natatarantang tanong ni Eloise.

Nanghula ang receptionist at nagsabing, "Sa tingin ko baka umuwi na siya sa bahay niya sa oras na to."

"Bahay…" Binanggit ni Eloise ang salitang iyon habang nakatulala siya.

Bahay…

Ang Montgomery Manor dapat ang bahay niya. Ngunit, hindi nagtangka sina Eloise at Sean na umasa na gusto niyang bumalik sa kanila.

Siguro, hindi niya gugustuhin na gawin iyon.

Naalala ni Eloise ang sinabi ni Madeline nang nagpunta siya sa Montgomery Manor para kay Jackson dalawang araw ang nakakaraan.

Sinabi niya na ito na raw ang huling araw na pupunta siya roon.

Noon, hindi iyon naintindihan ni Eloise, pero ngayon, naiintindihan na niya kung anong ibig niyang sabihin.

Nang maisip niya ito ay nagsimulang umiyak si Eloise. Sobra siyang nagsisisi.

Hinawakan siya ni Sean. "Ellie, wag kang umiyak. Tiyak makikita natin ulit si Eveline."

"Hindi niya tayo gustong makita. Malamang ayaw niya sa'tin…" Namula ang mga m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status