Nakatayo si Jeremy sa gitna ng malamig na hangin habang nangungulilang nakatingin sa likod ni Madeline. Ang kanyang matangkad na katawan ay gumawa ng isang malungkot na anino sa ilalim ng poste ng ilaw. Ngumiti siya habang isang bahid ng pait ang nagsimulang kumalat sa kanyang puso. Nagsimulang maluha ang kanyang mga mata at lumabo ang magandang anyo sa kanyang harapan. Paano niya siya masisisi sa pagiging malamig at walang puso ngayon? Tanging sarili niya lang ang masisisi niya. … Pagkatapos kumain kasama ni Ava at Daniel, bumalik si Madeline sa kanyang dating apartment nang mag-isa. Umupo siya sa tapat ng bintana habang kusang umalingawngaw sa kanyang tainga ang mga salita ni Jeremy. 'Ikaw ang taong mahal ko.' "Heh." Malamig na tumawa si Madeline. 'Walang mananakit sa taong mahal nila nang ganito. 'Jeremy, wag mong sabihin sa'kin na mahal mo ako. Wag mong sabihin sa'kin na hindi mo sinasadya ang mga masasamang salita na sinabi mo sa'kin pagkatapos mamatay ng pus
Kahit na nakasara ang bintana ng kotse, malinaw na narinig ni Madeline na nanginginig ang boses ni Eloise. Halata na sinusubukan ni Eloise na pigilan ang isang uri ng emosyon at alam na ni Madeline kung ano ang emosyon na iyon. Tok, tok, tok. Kinatok na naman ni Eloise ang bintana. Hindi siya nagtangkang lakasan ang kanyang katok. Natatakot siya na baka magalit si Madeline pero kasabay nito, natatakot siya na hindi siya pansinin ni Madeline. "Ms. Vera, Vera…" Tinawag siya ni Eloise. Bigla na lang, tinanggal ni Madeline ang kayang seatbelt. Nang makita nila na lalabas na ng kotse si Madeline, nagliwanag ang mga mukha ni Eloise at Sean sa tuwa. Binuksan ni Madeline ang pinto at sa wakas ay lumabas na siya. Habang nakatingin sa kanilang mga luhaan at nangungulilang mga mata, kalmado silang tinignan ni Madeline. "Nasa kwarto ba niya si Jack?" diretso niyang tanong. Matindi siyang tinitigan nina Eloise at Sean at tumango. "Nasa kwarto siya!" "Sige." Sabi ni Madeline at
Nakita nina Eloise at Sean ang eksenang ito habang nasa labas sila ng kwarto at sumakit nang matindi ang kanilang mga puso. Hindi sila nagtangkang guluhin sila. Kasabay nito, hindi rin sila nagtangkang sabihin kay Madeline na si Jackson ang kanyang tunay na anak nang padalos-dalos. Tinakpan ni Eloise ang kanyang bibig nang makita niya ito. Nilunok niya ang kanyang mga hikbi at mabilis na tumakbo papalayo. "Ellie!" Tinawag ni Sean si Eloise nang may mababang boses. Pagkatapos, nangungulila niyang tinignan si Madeline bago hinabol ang kanyang asawa. Bumalik si Eloise sa kanyang kwarto at tumumba sa kanyang kama. Tinakpan niya ang kanyang mukha at nagsimulang umiyak. Kahit na matindi rin ang kalungkutan na nararamdaman ni Sean, bilang isang asawa at isang lalaki, kailangan niyang maging mas malakas at mas kalmado kaysa kay Eloise sa sandaling ito. "Ellie, wag ka nang umiyak. Wag kang ganito." Tinapik ni Sean ang balikat ni Eloise at pinatahan siya. "Kahit na anong mangyari,
Nang marinig ni Madeline ang mga boses ay dahan-dahan siyang lumingon. Nakatingin sa kanya sina Eloise at Sean nang nakangiti. Kahit na nakangiti sila, hindi pa rin nila maitago ang emosyon at kaba sa kanilang mga mata. Umabot na rin sa ganito kaya hindi na nagpaligoy-ligoy si Madeline. "Hula ko alam niyo na ang tungkol doon, hindi ba?" Kalmadong tanong ni Madeline. Walang masabi sina Sean at Eloise. Gulat nilang tinignan si Madeline pagkatapos niyang magtanong. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, maingat na nagsalita si Eloise, "Ms. Vera––" "Ms. Vera," Inulit ni Madeline ang pangalan na ito at pinutol ang sinasabi ni Eloise nang nakangiti. "Hindi ba dapat Eveline Montgomery na ang tawag niyo sa'kin ngayon?" "..." "..." Bumilis ang paghinga nina Eloise at Sean nang marinig nila iyon. Nakatulala silang nakatitig sa kaaya-ayang ngiti sa kanilang harapan. Sa sandaling ito, tumulo ang mga luha sa kanilang mga mata. "Eveline!" Malakas na umiyak si Eloise haba
Nang marinig ni Eloise at Sean kung paano sila tinawag ni Madeline ay nag-aalala nila siyang tinignan at hindi nila alam ang gagawin. Nadudurog ang puso ni Eloise, "Eveline…"Bahagyang ngumiti si Madeline, tinaas niya ang kanyang magagandang mga mata para tignan ang paligid. Naglakad siya papunta sa European-style na sofa at hinaplos ito. "Noon, inimbitahan niyo ko rito para maghapunan para kay Meredith at handa kayong maging magalang para lang kausapin ang isang kalaban na kagaya ko. Siguro naiilang kayo ngayon na bumaliktad na ang sitwasyon, tama ba?" Mas lalong nalungkot sina Eloise at Sean nang marinig nila iyon. Kalmadong ngumiti si Madeline at nagsabing, "Mrs. Montgomery, tinanong mo ko kung nahanap ko na ang mga magulang ko pagkatapos ng maraming taon." Habang nakatingin siya sa nagsisising mga mata ni Eloise ay nagpatuloy siya, "Mrs. Montgomery, naalala niyo ba kung ano ang sagot ko?" "Eveline…" "Sinabi ko na nahanap ko na sila, pero hindi kami pwedeng magsama da
Pagkatapos sabihin iyon ni Madeline ay nagwawala nang umiiyak si Eloise. Sa kabilang banda, hindi na napigilan ni Sean ang kanyang mga luha. Naalala nila noong pinuntahan nila si Madeline sa conjugal room sa araw na pinatay si Brittany. Maputla ang mukha ni Madeline noon. Patuloy na lumilitaw sa isipan nila ang imaheng iyon, pati na rin ang brutal at masamang ginawa nila sa kanya. Minura at sinampal nila si Madeline para lang ipagtanggol si Meredith. Sinampal pa ni Sean si Madeline na nanghihina na nang sobrang lakas na natumba siya sa lapag. Sumakit ang kanilang mga puso habang iniisip nila ang mga nangyari noon. Hindi nila matiis ang sakit sa kanilang mga puso na bunga ng pagsisisi. Hindi nila maisip kung gaano kalakas si Madeline para hindi umiyak sa ganoong sitwasyon. Sa sandaling ito, matibay at malakas si Madeline kagaya noon. Bahagya siyang ngumiti nang maalala niya ang nakaraan. "Nakaraan na ang lahat ng iyon. Ayaw ko nang tumingin sa kahit na ano." Bahagya si
Naiintindihan ni Madeline na hindi pa siya nakukuntento. Pagkatapos ng lahat, Paanong mapapagaling ng reputasyon ang sakit ng isang nasirang pamilya? Tumalikod si Felipe at tumingin kay Madeline. Kaagad na nawala ang malagim na kinang sa kanyang mga mata at naging malumanay ito. "Vera, mula ngayon, ang lahat ng to ay sa ating dalawa na." Ngumiti si Madeline at tumango. "Sa'yo yan. Lalo na at pagmamay-ari ito ng mga Whitman. Hindi ko gustong makuha ang kumpanyang ito. Ngayon bumalik na to sa'yo. Bumalik na ito sa nararapat nitong may-ari." Nagulat si Felipe. "Hindi mo gusto ang kahit na ano dito?" "Ang bagay na pinakagusto ko ngayon ay makitang wala nang pag-asa si Jeremy habang wala na sa kanya ang lahat," sabi ni Madeline at kumunot ang kanyang noo na para bang malalim ang kanyang iniisip. "Pero, pakiramdam ko ang dahilan kung bakit madali kong na-hack ang computer ni Jeremy para ilipat ang stocks at importanteng impormasyon ay dahil hinayaan niya akong gawin yun." "Sin
Nabigla si Madeline sa biglaang pagdating ni Jeremy. Ngunit sa kung anong dahilan, nakahinga siya nang maluwag. Nainis si Felipe nang biglang magulo ang kanyang pagtatapat ng pag-ibig. Isang bakas ng galit ang lumitaw sa kanyang malumanay at itim na mga mata. "Jeremy, bakit ka narito? Wala ka nang posisyon dito." Naningkit ang mga mata ni Jeremy diretso kay Felipe, sabay lumipat ang kanyang tingin sa mukha ni Madeline. Nang makasalubong niya ang kanyang malamig na titig ay nanlambot ang kanyang tingin. "Alam ko na araw mo sa'kin at gusto mo akong mamatay. Tatanggapin ko ang lahat ng klase ng paghihiganti mula sa'yo, pero hindi ako papayag na sumasa ka sa kanya… Lalo na ang ikasal sa kanya."Hindi mapapakiusapan si Jeremy sa kanyang tono at mayroong dominanteng aura sa kanyang madilim na mata. Nang magsasalita sana si Madeline, narinig niya si Felipe na tumatawa sa kanyang likuran. "Hindi ka papayag?" tumawa siya habang nagtanong, "Sino ka ba para hindi pumayag? Nakalimutan