Sinabi ba ni Karen kay Eloise ang tunay niyang pagkatao? Siguro hindi. Di gagawa ng problema si Karen para sa sarili niya. Nang mag-isip si Madeline, sinagot niya ang tawag. "Ms. Vera, si Eloise Montgomery ito. Magtatanong sana ako kung pwede ka bang pumunta dito ngayon. Di makatulog si Jack at sabi niya gusto ka daw niyang makita." Nang malaman ni Madeline na dahil ito dito, pumayag siya. "Pupunta ako diyan kaagad." "Mabuti naman." Masayang pakinggan ang boses ni Eloise. Siguro ang makita ang mukha niya ngayon ay isang bagay na magpapasaya dito at sa asawa nito. Pagkatapos ibaba ang linya, kumain si Madeline at umalis. Umupo si Felipe sa kanyang bangko habang hawak ng kanyang mahabang daliri ang wine glass. Inikot niya ang laman ng baso at tumingin nang diretso. "Vera, di siya kasingbait ng inaakala mo. Di siya karapat-dapat sa awa mo." … Pagkalipas ng 20 minuto, nakarating na si Madeline sa Montgomery Manor. Sinalubong siya ni Eloise at Sean nang bukas-palad
Sa kabila ng gulat ni Madeline sa maagang pagbabalik ni Jeremy, nanatili siyang kalmado. Mayroon pa siyang nakakapagtakang ngiti sa kanyang mukha. Lumapit ang lalaki sa kanya, ang malamig na aura ss paligid niya ay nagpapamukha sa kanyang dominante tulad ng isang hari. Ang lahat ng nasa paligid niya ay mga disenyo na lang. Nakatingin siya nang diretso na parang di niya nakikita ang ibang tao sa kwarto. Ang magandang mukha lang ni Madeline ang nakikita sa kanyang madilim na mata. Naglakad siya palapit, at sa bawat hakbang, bumilis ang tibok ng kanyang puso hanggang sa makarating siya sa harap ni Madeline. Pagkatapos mahimasmasan ng isa sa mga shareholder niya, sinabi nito, "Sakto ang pagbabalik mo, Mr. Whitman. Sabi ng asawa mo-" "Lahat kayo, alis." Seryosong sumingit si Jeremy habang ang mga mata niya ay nakatuon sa mukha ni Madeline. Nagtatakang nagtinginan ang mga shareholder. Pero umalis pa rin sila. Si Madeline at Jeremy na lang ang naiwan sa malaking meeting room n
"Wag mo akong hawakan," Nandidiring sinabi ni Madeline, "Wag mo akong hawakan gamit ng kamay mong humawak sa ibang mga babae. Nandidiri ako." Hiss. Pakiramdam ni Jeremy na parang may sumaksak sa kanyang puso nang marinig niya ang mga salita ni Madeline na puno ng galit. Lumalabas na ang salitang 'nandidiri' ay may ganitong kapangyarihan. Pero noon niya pa ginagamit ang salitang ito para atakihin ito noon nang paulit-ulit. Huminga nang malalim si Madeline nang di magsalita si Jeremy. Tinignan niya si Jeremy nang puno ng galit ang kanyang mga mata. Nanghamak siya at sinabi, "Bakit? Di ka ba masaya na tinatrato kita nang ganito? Sino ka ba para di matuwa dito? Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako trinato? Sinabi mo na isa akong p*ta na may mababang moralidad. Sinabi mo na nandidiri ka sa akin. Sinabi mo ba hindi ako karapat-dapat na maging asawa ni Jeremy Whitman. Nakalimutan mo na ba ang lahat ng yun?" Pagkatapos siyang tanungin nito, kumunot ang noo ni Jeremy. Naalala ni
Sinabi ito ni Madeline nang walang alinlangan. Ang kanyang matalas na titig ay dumaan sa mukha ni Jeremy bago siya maglakad palayo. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline kaya napahinto siya sa paglalakad. Galit niyang tinignan ito. "Anong problema? Gusto mo ba akong parusahan gamit ng mga malupit mong pamamaraan? Jeremy, di na ako ang Madeline na hahayaan kang laitin at pahiyain ako. Di ako natatakot sa'yo!" Walang takot niyang tinignan ang malalim na mata ng lalaki. May di natitinag na ekspresyon sa kanyang mata na nagpamukhang dominante sa kanya at arogante na paranf isang reyna. Di galit si Jeremy. Ang kanyang madamdaming mata at nakatuton sa walang kupas na mukha ni Madeline nang tumingin siya nang diretso dito. Tutuusin, alam na niya noon pa na kasinungalingan ang lahat ng sinabi nito sa kanya. Magkakaroon lang siya ng pagkakataong mapalapit sa kanya kung magpapatuloy siya na magsinungaling sa kanyang sarili. Kalaunan, dumating pa rin ang araw na ito para hampasi
Nabigla si Karen. Pero wala siyang balak na umalis. Sa kabilang banda, naglakad siya sa harap ni Jeremy. "Jeremy, may importanteng bagay akong dapat sabihin sa'yo!" Mukhang natataranta si Karen. "Di patay si Madeline! Siya si Vera Quinn! Inamin niya ito noong nakaraang dalawang araw! Talagang siya si Madeline!" Natataranta itong sinabi ni Karen. Pero nakita niya na di man lang nabulabog si Jeremy. May naisip siya. "Jeremy, ikaw… alam mo ba ito? Alam mo na ba na ang p*kpok na ito ay si Madeline?" Nang sabihin niya ito, itinaas ni Jeremy ang titig nito para tignan siya. Nagyeyelo ang kanyang mata, at natahimik si Karen pagkatapos itong makita. Malamig na tumayo si Jeremy at umalis nang walang dalang kahit na ano. Hinabol siya ni Karen. "Jeremy, a-ano nang nangyayari? Hahayaan mo na lang ba si Madeline? Alam mo ba ang ginawa niya nitong nakaraang dalawang araw? Jeremy, wag kang magpadalos-dalos. Bumalik ang babaeng yun para maghiganti! Jeremy, Jeremy!" Kahit ilang beses pa siy
Nagreklamo at nagtanong si Madeline nang maalala ni Jeremy ang nangyari noong araw na yun. Naalala niya nang malinaw ang lahat. Noong araw na yun, naoakalakas ng hangin at umuulan ng niyebe. Nanginginig nang husto si Madeline habang yakap nito ang baul at namantsahan ng dugo ang ngipin nito. Nakakaawa itong tignan parang isang sirang manika. Pero determinado nitong kinontra ang ginagawa niya. Sinabi nito, "Jeremy, patayin mo na ako. Ayaw na kitang makita ulit." Sinabi din nito, "Jeremy, pagsisisihan mo ito!" Pero noon, mayabang siyang sumagot, "Ang salitang 'pagsisisi' ay wala sa diksyonaryo ko." Nanghamak si Madeline nang makita niyang nag-iisip nang malalim si Jeremy. "Anong problema? Naaalala mo na ba ang lahat ng ginawa mo? Naaalala mo na ba kung gaano ka kasiguradong ang anak natin ay isang bast*rdong bata na hindi mo mahintay na durugin ang buto nito?" Nahimasmasan si Jeremy nang sarkastiko itong sabihin ni Madeline. Naalala niya ang pagmamalupit niya. Pakiramdam
Hindi siya minahal ni Jeremy. Kahit kaunti. Kapag nabuking siya sa pagpapanggap niya bilang ang batang babae noon, balewala na siya kay Jeremy. Parang di man lang siya kilala nito kahit na may anak silang dalawa. "Mukhang alam mong may mangyayari," Walang pakeng sinabi ni Jeremy. Lumapit ang matangkad na katawan nito sa kanya nang matakot siya sa malakas na aura nito. Inosenteng umiling si Meredith. "Jeremy, di ko alam kung anong sinasabi mo." Pinilit niyang maluha para magmumukha siyang naaagrabyado. "Jeremy, para sa kapakanan ng relasyon natin at para na din kay Jack, pwede mo ba akong ilabas dito? Talagang napagbintangan lang ako-" "Heh." Bago pa matapos si Meredith, naudlot siya ni Jeremy. "Alam mo ba kung bakit buhay ka pa ngayon?" Biglang tanong niya. Nagtatakang tumingin si Meredith sa lalaking lalong nagiging nakakatakot habang tumatagal. "Kasi hinihintay ko pa ang sagot ni Maddie." "..." Nanlaki ang mata ni Meredith sa gulat nang bumilis ang tibok ng puso
And kagustuhang pumatay sa likod ng titig ni Jeremy ay naglaho. Hinawakan niya ang kwelyo ni Meredith kinaladkad ito sa harapan niya. "Ulitin mo ang sinabi mo." Naamoy ni Meredith ang amoy ni Jeremy nang magsimula siyang umiyak nang nakakaawa. Sa kabila ng malamig na titig ng lalaki sa kanya, ang mata nito at ang gwapong mukha nito ang inaasam niya noon pa kahit na galit ito ngayon. "Jeremy, kahit na madami akong nagawang masama, ang nararamdaman ko para sa'yo ay totoo. Talagang mahal-" "Kung ayaw mong magdusa, sagutin mo ang tanong ko. Buhay ba talaga ang anak namin ni Maddie?" Naiinis na sumingit si Jeremy. Nilamig ang katawan ni Meredith sa kanyang nagbabantang mata. Nanginig siya nang titigan niya sa mata si Jeremy. Tumango siya. "Di pa siya patay. B-Buhay pa siya…" Natunaw ang yelo sa mata ni Jeremy. "Nasaan siya? Nasaan ang bata?" Kinagat ni Meredith ang kanyang tuyong labi."Jeremy, gusto kong makalabas dito." "Tingin mo ba may karapatan kang makipagkasunduan sa