Binura ni Madeline ang lahat ng bakas niya, tapos ibinalik ang laptop sa dati nitong pwesto. Hawak niya ang magaang USB flash drive, pero pakiramdam niya ang bigat nito sa di malamang dahilan. Kahit na hindi siya naturuan ng kanyang magulang mula pagkabata niya, laging tinuturo sa kanya ng lolo niya na maging isang mabuti at matapat na tao. Laging malinis ang konsensya niya at di siya kailanman gumawa ng bagay na nakakasakit sa iba. Ngunit sa sandaling ito, talagang nag-alinlangan siya. 'Pagiging hindi matapat ba ito? 'Hindi, hindi sa ganon. 'Jeremy Whitman, dati, nakipagtulungan ka kay Meredith na sirain ako nang tuluyan. Kahit sa araw ng 'kamatayan' ko, kailangan ko pa ring pasanin ang malulupit at masasakit na pag-atake niyong dalawa. 'Ang mga di totoong kasalanan, ang sakit mula sa pang-aalipusta mo, ang sakit mula sa tatlong taon ng maling pagkakabilanggo, at ang pagkawalay sa sarili kong dugo't laman ay malinaw sa akin. 'Binigyan mo ako ng ganitong kamalasan, ka
Ang kamay ni Madeline ay biglang nahila at si Felipe ay nagulo nang mahawakan na niya ang flash drive. Naiinis siyang tumingin sa taas gamit ng kanyang malamig na mata at nakita ang isang galit na mukha. "Vera Quinn, bakit napakawalang hiya mo?!" Sumigaw si Yvonne, "Sa sandaling umalis si Cousin Jeremy, kaagad kang kumain ng tanghalian kasama ng ibang lalaki. Naghahawak-kamay pa kayo sa harap ng maraming tao. Napakababaw mo, di ka karapat-dapat sa aking cousin-in-law! Sasabihin ko agad ito kay Cousin Jeremy!" Talagang di inakala ni Madeline na nabuntutan siya ni Yvonne. Habang pinakikinggan niya ang paninira ni Yvonne, inatras niya ang kanyang kamay nang naiinis at sinabi, "Matuto kang gumalang. Ang 'ibang lalaki' na tinutukoy mo ay ang tito ni Jeremy." "Ano?" Sa gulat, tinignan ni Yvonne si Felipe na mukhang galit. Doon lang niya napansin na ito ay gwapo at mukhang pambihira, ngunit ang kanyang mukha ay talagang kahawig ni Jeremy. Alam niyang may tito si Jeremy, pero di niya
Huminto siya nang ilang segundo bago ito sagutin. Isang malalim at magaspang na boses ng lalaki ang narinig, "Nakabalik ka na ba sa kompanya?" "Hindi, bumalik ako sa store ko," Kalmadong sinabi ni Madeline. "Di ka ba busy? Bakit may oras kang tawagan ako?" "Bigla kitang namiss," Mahina nitong sinabi. Pagkatapos niyang sabihin ito, idinagdag niya, "Talaga." Ang salitang ito ay biglang nagpatalon sa tibok ng puso ni Madeline. Lumipat sa computer screen ang kanyang titig habang naguguluhan ang kanyang puso. "Vera, baka di ako makauwi mamaya. Mamimiss mo ba ako tulad ng kung gaano kita namimiss?" Natahimik sandali si Madeline nang pakinggan niya ang sinasabi nito. Nang di namalayan kung gaano katagal na ang lumipas, sumagot siya nang mahina, "Oo naman, syempre mamimiss kita." Pagkatapos matanggap ang kanyang sagot, tumawa nang mahina si Jeremy at malambing na sinabi, "Wag kang mag-alala, aayos din kaagad ang lahat. Di ka ulit tayo magkakalayo pagkatapos nito." Tulalang pina
Hindi inasahan ni Madeline na biglang lilitaw di Jeremy sa oras na ito. Di lang siya pinigilan nito, sinabi pa nito sa kanya ang ganitong bagay. Lumamig ang titig ni Felipe. "Diba nasa business trip ka Jeremy?" "Di ba ako pwedeng umuwi pagkagaling ko sa business trip? Paano ko makikitang binubulabog mo ang asawa ko kung di ako babalik nang maaga?" Galit na sinabi ni Jeremy, tapos hinawakan niya ang kamay ni Madeline. "Pumasok na tayo." Hindi niya pinansin si Felipe at tumalikod habang dinadala si Madeline sa pinto. Tinignan pabalik ni Madeline si Felipe, tapos tahimik na sumunod kay Jeremy papasok ng kumpanya. Pagbalik sa opisina, akala ni Madeline na tatanungin siya ni Jeremy, pero hindi ito nagtanong. "Wala ka bang itatanong sa akin?" Nagtatakang tinignan ni Madeline ang lalaking mukhang kalmado. Hinubad ni Jeremy ang kanyang coat at marahang sinabi, "May kailangan ba akong itanong?" "Di mo ba ako tatanungin kung anong laman ng flash drive na ito at bakit ko ito binibig
Mukhang matapat na tao ang kapatid ni Diana. Subalit, ang tono niya ay puno ng poot nang magsakita siya, "Mga 28 taon ang nakaraan, inabot sa akin ng kapatid kong si Diana ang isang bata. Sinabi niya na isa itong batang inabandona ng isang tao. Dahil naawa siya sa bata, nakiusap siya sa akin na ampunin ito." "Noon, binigyan niya ako ng malaking pera para alagaan ang bata, kaya inalagaan ko ang sanggol sa loob ng ilang araw dahil kailangan ko ng pera. Kaso walang-tigil na umiiyak ang bata tuwing gabi. Nainis ako nang sobra sa kanya kaya binigay ko siya sa tatay ko." Nang marinig ni Eloise at Sean ang katotohanan, nadurog ang puso nila at di sila makahinga. Umiiyak ang anak nila bawat gabi dahil gusto niya ang lambing at kalinga ng kanyang magulang. Kaso walang nagbibigay sa kanya nito. Salungat nito, inabandona pa siya. Kasabay nito, inaalagaan nila ang anak ni Diana. May lakas pa ng loob si Diana na isa itong bata na inabandona ng kanyang magulang at sinamahan lang ito dahil
Kahit na mahuhulaan ito ni Madeline sa sagot ni Meredith, nang kumpirmahin ito ni Jeremy, nabigla pa rin siya. Hinaplos ng malamig na hangin ng taglamig ang kanyang mukha. Ang nakakakilabot na lamig ay nagpaalala kay Madeline sa kalupitan ng lalaking ito noon. Hindi niya malilimutan ang malupit at walang pusong bagay na ginawa nito noon pati ang titig nito. Makalipas ang isang saglit, pilit na ngumiti si Madeline. "Ayaw na ayaw mo kay Madeline, kaya bakit ka gumawa ng puntod para sa kanya? Binibigyan mo pa siya ng rosas. Di ko ito maintindihan," Ngumiti siya nang sabihin niya. Hindi niya ito matanggap. Kinamumuhian siya nito nang sobra na gusto nitong durugin siya, kaya bakit nito ginugunita ang kanyang pagkamatay? Ngumiti si Jeremy nang marinig niya ito. Ang kanyang maamong titig ay dumapo sa mukha ni Madeline. "Slam kong di ka maniniwala sa akin dahil maging ako ay nagsinungaling sa sarili ko nang ilang beses." Lumingon si Madeline. "Nagsinunaling ka sa sarili mo?" Ngum
Sa sandaling ito, tumunog ang notification sound ng cellphone ni Madeline. Pinakalma ni Madeline ang kanyang iniisip at tinignan ang screen. Galing ito kay Felipe. Umaasa si Felipe na ibibigay sa kanya ni Madeline anh mga dokumentong nasa USB drive. "Daddy, si Vera na ba ang magiging mommy ko mula ngayon? Pwede ko bang sabihin sa ibang mga bata na ang mommy ko ay sandaling Vera Quinn kapag tinanong nila ako?" Inosenteng tinanong ni Jackson. Tumingin si Madeline at nakita si Jeremy na sumasandok ng pagkain sa plato ni Jackson. Tapos, malambing itong ngumiti at tumango. "Jack, kahit anong mangyari sa nakaraan at hinaharap, isa lang mommy mo at nakatayo siya sa harap mo." Nang sabihin niya ito, walang muwang na nginitian ni Jackson si Madeline. May kinang sa mga mata ni Jackson na kaagad na nagpagaling sa sugatang puso ni Madeline. Kaso bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang puso. Tapos nag-alinlangan siya. Ayaw niyang mawala ang ngiti ni Jackson sa hinaharap. Sa sa
Tinignan ni Madeline si Jeremy nang walang pake nang marinig niya ito. Ang lalaki ay nagbuklat ng isang kumpol ng dokumento at unti-unting iniangat ang kanyang kamay nang di tumitingala. "Anong nangyayari?" Nagdadalawang-isip na tinignan ni Ken si Madeline. Naunawaan ni Madeline ang ibig-sabihin niya at ngumiti bago tumayo. "Mag-usap muna kayo. Babalik ako sa jewelry department." "Asawa ko si Vera. Walang bagay na di niya pwedeng malaman." Pinigilan ni Jeremy na umalis si Madeline. Tumango si Ken at sinabi, "Mr. Whitman, ang proyekto sa Ceilo Aqua Bay kasama ng ZF ay nagkaroon ng problema." Inasikaso ni Jeremy ang trabaho sa harap niya at nagtanong nang mabagal, "Di pa nagsisimula ang proyekto kaya anong nangyari?" "Dahil hindi pa ito nagsisimula, may umagaw nito sa atin." Nang sabihin ito ni Ken, tumigil si Jeremy aa pagbubuklat ng mha dokumento. Itinaas niya ang kanyang mga mata na kasinlalim ng karagatan. "May umagaw nito sa atin?" Tumango si Ken. "Isa itong kompan
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si