Sa sandaling ito, tumunog ang notification sound ng cellphone ni Madeline. Pinakalma ni Madeline ang kanyang iniisip at tinignan ang screen. Galing ito kay Felipe. Umaasa si Felipe na ibibigay sa kanya ni Madeline anh mga dokumentong nasa USB drive. "Daddy, si Vera na ba ang magiging mommy ko mula ngayon? Pwede ko bang sabihin sa ibang mga bata na ang mommy ko ay sandaling Vera Quinn kapag tinanong nila ako?" Inosenteng tinanong ni Jackson. Tumingin si Madeline at nakita si Jeremy na sumasandok ng pagkain sa plato ni Jackson. Tapos, malambing itong ngumiti at tumango. "Jack, kahit anong mangyari sa nakaraan at hinaharap, isa lang mommy mo at nakatayo siya sa harap mo." Nang sabihin niya ito, walang muwang na nginitian ni Jackson si Madeline. May kinang sa mga mata ni Jackson na kaagad na nagpagaling sa sugatang puso ni Madeline. Kaso bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang puso. Tapos nag-alinlangan siya. Ayaw niyang mawala ang ngiti ni Jackson sa hinaharap. Sa sa
Tinignan ni Madeline si Jeremy nang walang pake nang marinig niya ito. Ang lalaki ay nagbuklat ng isang kumpol ng dokumento at unti-unting iniangat ang kanyang kamay nang di tumitingala. "Anong nangyayari?" Nagdadalawang-isip na tinignan ni Ken si Madeline. Naunawaan ni Madeline ang ibig-sabihin niya at ngumiti bago tumayo. "Mag-usap muna kayo. Babalik ako sa jewelry department." "Asawa ko si Vera. Walang bagay na di niya pwedeng malaman." Pinigilan ni Jeremy na umalis si Madeline. Tumango si Ken at sinabi, "Mr. Whitman, ang proyekto sa Ceilo Aqua Bay kasama ng ZF ay nagkaroon ng problema." Inasikaso ni Jeremy ang trabaho sa harap niya at nagtanong nang mabagal, "Di pa nagsisimula ang proyekto kaya anong nangyari?" "Dahil hindi pa ito nagsisimula, may umagaw nito sa atin." Nang sabihin ito ni Ken, tumigil si Jeremy aa pagbubuklat ng mha dokumento. Itinaas niya ang kanyang mga mata na kasinlalim ng karagatan. "May umagaw nito sa atin?" Tumango si Ken. "Isa itong kompan
'Mag-iiwan ako ng liwanag para sa'yo para sa kapaka an ni Grandpa at ni Jack. 'Ito ang huling kabutihang gagawin ko sa'yo.' Makalipas ang dalasang araw, di lang sa di naresolba ang krisis, pero ang mga shares ng Whitman Corporation ay naapektuhan din nang malaki. May mga usapan din tungkol sa posibilidad na titigil na ang negosyo nila. Pero di mukhang nababahala si Jeremy. Sa kabilang banda, dinala niya pa si Madeline sa Whitman Manor para kumain ng hapunan. Habang kumakain, walang-tigil na tumunog ang cellphone ni Jeremy. Sa pagkakataong ito, nakatanggap siya ng tawag at naglakad palayo. Ibinaba ng kanyang nanay ang tinidor sa pag-aalala. "Aunt Karen, anong problema?" Mukhang nag-aalala si Yvonne. "Ano pa bang magiging problema? Andami nang nangyayari sa kompanya nitong nakaraan. Di ko na alam kung anong nangyayari. Sabay-sabay itong nangyari." "Aunt Karen, wag kang mag-alala. Sa kakayahan ni Jeremy, maaayos niya ang lahat ng ito." Mukhang humahanga si Yvonne nang purihi
"Tumahimik ka!" Galit na sumigaw si Jeremy. Kaagad na nanahimik si Yvonne sa takot. Nakita niya ang galit sa mga mata ni Jeremy at kahit ang huminga nang malakas ay di niya magawa. Nilagpasan ni Jeremy si Yvonne at ang kanyang nanay at nilapitan si Madeline. Nang makita niyang mukhang naiinis si Madeline, marahan siyang nagtanong, "Busog ka na ba? Kung busog ka na, umuwi na tayo." Dahan-dahang tumayo si Madeline at dumaan ang kanyang aroganteng titig kay Yvonne at sa nanay ni Jeremy. Dahan-dahan niyang sinabi, "Ayaw ko nang kumain. Paano ako gaganahang kumain kung kaharap ko ang mga taong ito." "..." Kaagad na nagwala ang nanay ni Jeremy. "Jeremy, narinig mo ba yun? Kinakausap niya ako nang ganyan ang asal niya!" Seryosong ngumiti si Madeline. "Ano naman kung ganito kita kausapin? Tingin mo ba hahayaan kitang apihin ako tulad ni Madeline?" "I-Ikaw…" Walang masabi ang nanay ni Jeremy. "Anong ibig-sabihin mo Vera Quinn? Naiinis ka ba sa dinanas ni Madeline na pang-aapi? Nak
'Pero ngayon sinasamantala mo ang pagkamatay ko at sinasabing mahal mo ako? 'Jeremy, nakakaawa ka.' "Kailangan kong pumunta sa F Country makalipas ang tatlong oras. Mawawala ako sa loob ng dalawang araw." Narinig ang malalim na boses ng lalaki. F Country? Kuminang ang mata ni Madeline. Tapos, sumagot siya nang walang pake, "Okay." Nang marinig ni Jeremy ang walang emosyon niyang sagot, itinaas niya ang kanyang tingin at nakita ang walang pakeng mukha ni Madeline mula sa rearview mirror. Paghinto ng kotse, lumabas si Madeline ng kotse at pumasok sa bahay nang mag-isa. Nang gusto niyang makita si Jackson, naalala niya na kinuha siya ni Eloise nitong umaga. Kahit na si Jackson ay di nila tunay na apo, apo pa rin siya ni Eloise at Sean sa puso nila. Tunay nilang minahal ang batang ito. Bumalik si Madeline sa kanyang kwarto at kumuha ng pajama. Maliligo na sana siya. Ngunit nang lumingon siya, nakita niya si Jeremy na may komplikadong tingin. "Anong problema? Pagagalitan
Pagkatapos sabihin ni Karen ang kanyang mga utos nang mukhang nagpapataw, nanahimik ang buong kwarto. Lahat sila ay nakatulalang nakatingin sa kanilang dalawa ni Yvonne. Natuwa si Yvonne dahil gusto niya ang pakiramdam na napapagtuunan ng pansin. Tumawa nang malakas si Madeline nang makita niya ang kanyang tita at pamangkin sa harap niya. "Ikaw na ang papalit? Ano naman gagawin mo? Magiging payaso?" Nanlumo ang mukha ni Karen. "Vera, sino ka ba sa tingin mo? Asawa ka lang ni Jeremy, kaya anong karapatan mo na mamahala sa Whitman Corporation?" Sinabi niya bago niya tignan si Yvonne, "Yvonne, simula ng araw na ito, dito ka na uupo. Pagbalik ni Jeremy, sasabihin ko sa kanya na ikaw ang sekretarya niya." Nagalak si Yvonne nang marinig niya ito. "Salamat Aunt Karen!" Ngumiti siya at umupo sa pwesto ni Madeline. "Ano pang ginagawa mo dito? Labas! Asikasuhin mo na ang Miss L.ady mo. Wala kang karapatan dito sa Whitman Corporation." Pinalayas ni Karen si Madeline. Tapis, umupo siya
Paano matutuwa si Karen dito? Pero wala siyang magagawa, kaya aalis na lang siya nang nanggigigil. Lumobo ang pisngi ni Yvonne at nagkaskasan ang ngipin niya sa galit. Pero wala siyang magawa kundi sundan si Karen palabas ng meeting room. "Aunt Karen, napakasama ni Vera! Ayos lang kung di niya ako respetuhin, pero di man lang niya gustong respetuhin ka sa harap ng lahat ng mga head of department!" Nanlumo si Yvonne at sinimulan niyang sulsulan si Karen. "Aunt Karen, dahil wala si Jeremy, dapat sirain mo ang loob ni Vera at turuan siya ng leksyon! Kung hindi, iisipin niya na siya ang boss." Ngumisi si Karen. "Tama yan. Mamayang gabi, ipapaalam ko sa kanya kung sino ang tunay ja boss." Sandali lang nang matapos ang meeting, nakatanggap si Madeline ng tawag mula sa Whitman Manor. Sinabi ng tumawag sa kanya na gusto ni Old Master Whitman na dumalaw siya ngayong gabi. Kung nitong nakaraang anim na taon pa ito, maniniwala si Madeline na ang old master ang gustong makipagkita sa
Pagkatapos itong sabihin ni Madeline, namuti ang mukha ni Karen. Nanlaki ang mata niya sa gulat nang tignan niya ang maganda ngunit malamig na mukha sa harap niya nang di makapaniwala. Nang makita ni Yvonne ang maputla at tulalang mukha ni Karen, nagtaka siya. Lalo siyang nagtaka sa sinabi ni Madeline kanina. "Aunt Karen, ikaw…" "A-Anong sinabi mo?" Di pinansin ni Karen si Yvonne. Inabot niya ang kanyang kamay at itinuro si Madeline at sinabi, "Sabihin mo ulit. S-Sino ka?" Sumandal si Madeline sa kanyang upuan nang makita niya si Karen na nauutal sa takot. Itinaas niya ang kanyang kilay at tinitigan ito nang diretso. "Dito yun nangyari noong araw na yun. Sinabi mo na magiging kasapi lang ako ng mga Whitman at ikakasal ako kay Jeremy kapag nabubuhay na ang mga patay. Ngayon, bilang isang 'patay na tao', nakatayo ako sa harapan mo. Kumusta? Nasurpresa ka ba?" "..." Pakiramdam ni Karen na lumaktaw ang tibok ng puso niya. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan sa takot. "D-D-Di