Kalmado ang tono ni Old Master Whitman. Walang-dudang natukoy niya na ang taong nasa harap niya ay si Madeline. Malinaw na sigurado siya. Medyo nagulat si Madeline, pero nanatili siyang kalmado. "Grandpa, mabubuhay ka nang matagal. Atsaka, di talaga ako si Madeline." Ngumiti si Old Master Whitman, ngunit ang kanyang kulay abong kilay ay kumunot nang malungkot. "Madeline, gusto mo ba akong, ang matandang ito, na mamatay nang di mapayapa?" "..." Walang masabi si Madeline. "Sinabi nila sa akin na namatay ka sa engagement ceremony ni Jeremy at Meredith. Ang bagay na ito ay laging nasa isip ko." Bumuntong hininga si Old Master Whitman. "Isa kang mabuting bata na mailap dumating. Si Jeremy ang di alam kung paano ka pahalagahan. Di kita sisisihan na pinili mong bumalik sa ganitong paraan, pero umaasa ako na lalayo ka kay Felipe." Napaalala ng mga salita ni Old Master Whitman ang nakaraan ni Felipe na sinabi nito sa kanya. Seryoso niyang tinignan niya ang matanda sa harao niya
Pinigilan niya kaagad ang kanyang damdamin at ngumiti. "Jeremy, gustong magpahinga ni Grandpa. Bumalik na tayo." Nakatuon ang titig ni Jeremy nang maigi sa panghahamak sa mga mata ni Madeline. Bahagya siyang tumango. "Okay." Pagbalik nila, naligo si Madeline para pakalmahin ang kanyang sarili. 'Mukhang talagang nabuking ni Grandpa ang tunay kong pagkatao at pinaalalahanan ako na lumayo kay Felipe. 'Di kaya may naimbestigahan na si Grandpa nang palihim? 'Kailangan kong bilisan. 'Kapag pinatagal ko pa, mabubuking na ako nu Jeremy. 'Kahit anong mangyari, di mababa ang IQ niya.' Nitong gabi, dahan-dahang idinilat ni Madeline ang kanyang mata nang makatulog si Jeremy. Nang dahan-dahang inalis ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Jeremy, pumunta siya sa study nito gamit ng liwanag ng buwan. Pagkatapos itong pagmasdan sa loob ng ilang araw, sigurado si Madeline na ang study ni Jeremy ay walang nakalagay na security system. Binuksan niya ang mga ilaw at tinignan ang mga
Dumiretso su Jeremy sa study at nakita ang liwanag na nanggagaling sa kwarto mula sa malayo. Lumalim bigla ang titig niya nang kusang bumagal ang paglalakad niya. Nang marating niya ang pintuan ng study at papasok na, lumabas si Madeline habang hawak si Jackson. Nagulat si Madeline nang makita niya s Jeremy. "Jeremy, bakit gising ka rin?" Ngumiti siya. "Ihahatid ko na muna si Jack sa kanyang kwarto para matulog." Di nagtanong si Jeremy at tumango na lang. Nang makita si Madeline na tumalikod at dinala si Jackson pabalik, nanatili ang titig niya sandali bago siya tumalikod at pumunta sa study. Nang ihatid ni Madeline si Jackson pabalik ng kwarto nito, bumulong siya, "Jack, maipapangako mo ba kay Mommy na di mo sasabihin kay dad ang nangyari kanina lang?" Kumurap ang malinaw at malaking mata ni Jackson nang dalawang beses at tumango. "Makikinig si Jack kay Mommy at di ko sasabihin kay Dad." "Salamat Jack." Hinaplos ni Madeline ang ulo ng bata at malambing na hinalikan ang
"Anong problema? Bakit ka kinakabahan?" Ang mahina at malalim na boses ng lalaki ay dumaan sa kanyang tainga na parang red wine. Biglang inalis ni Madeline ang kanyang nasa isip. Sa dilim, isang ngisi ang lumitaw sa sulok ng kanyang labi. "Wala yun. Bilga lang akong may naisip na nakakatawang biro," Walang pake niyang sinabi, pero nag-aalab ang kanyang mga mata. 'Tama, isa itong biro. Isang napakalaking biro. 'Siguro nga pwede niyang mahalin ang kahit na sinong babae sa mundo, pero hindi niya ako kailanman mamahalin.' Sa susunod na araw ay bumangon si Madeline nang maaga para maghanda ng almusal para kay Jackson, tapos hinatid niya ito sa kindergarten kasama si Jeremy. Malinaw na mas mabuti na ang kalagayan ni Jackson ngayon kaysa noon. Di pa nakakita si Madeline ng isang batang naging ms masaya nang wala ang tunay nilang ina. Anong klaseng demonyo si Meredith na nagawa niyang sirain ang kanyang sariling dugo at laman sa puntong maapektuhan na ang isipan nito? Sa Whit
Biglang lumingon si Yvonne nang marinig niya ang sinabi ni Madeline at nakita niya ang isang surveillance camera. Kaagad na nawala ang kumpiyansa ni Yvonne. Mukhang hiyang-hiya siya. Dumaan ang malamig na mata ni Jeremy sa mukha ni Yvonne. "Wag mong hahayaang makita kitang malapit kay Vera." Nanginig si Yvonne sa takot. "Jez, ako ay…" "Layas." "..." Di masaya dito si Yvonne, pero nakita niya ang mga empleyadong nagbubulungan sa tabi habang nakatingin sa kanya. Bigla niyang naramdamang umiinit ang kanyang pisngi. Tinitigan niya nang masama si Madeline bago galit na tumakbo palayo. Lumapit si Jeremy kay Madeline, ang lamig sa kanyang mata ay kaagad na nawala. "Sinaktan ka ba niya?" Umiling si Madeline at kalmadong ngumiti. "Ayos lang ako." Mukhang napanatag si Jeremy nang marinig ito. Bahagya nitong hinawakan ang kamay niya at naglakad papasok sa elevator. "Napagod ka ba sa kakalakad buong umaga?" "Nawala ang lahat ng pagod ko nang makita kita." Ngumiti si Madeline.
Binura ni Madeline ang lahat ng bakas niya, tapos ibinalik ang laptop sa dati nitong pwesto. Hawak niya ang magaang USB flash drive, pero pakiramdam niya ang bigat nito sa di malamang dahilan. Kahit na hindi siya naturuan ng kanyang magulang mula pagkabata niya, laging tinuturo sa kanya ng lolo niya na maging isang mabuti at matapat na tao. Laging malinis ang konsensya niya at di siya kailanman gumawa ng bagay na nakakasakit sa iba. Ngunit sa sandaling ito, talagang nag-alinlangan siya. 'Pagiging hindi matapat ba ito? 'Hindi, hindi sa ganon. 'Jeremy Whitman, dati, nakipagtulungan ka kay Meredith na sirain ako nang tuluyan. Kahit sa araw ng 'kamatayan' ko, kailangan ko pa ring pasanin ang malulupit at masasakit na pag-atake niyong dalawa. 'Ang mga di totoong kasalanan, ang sakit mula sa pang-aalipusta mo, ang sakit mula sa tatlong taon ng maling pagkakabilanggo, at ang pagkawalay sa sarili kong dugo't laman ay malinaw sa akin. 'Binigyan mo ako ng ganitong kamalasan, ka
Ang kamay ni Madeline ay biglang nahila at si Felipe ay nagulo nang mahawakan na niya ang flash drive. Naiinis siyang tumingin sa taas gamit ng kanyang malamig na mata at nakita ang isang galit na mukha. "Vera Quinn, bakit napakawalang hiya mo?!" Sumigaw si Yvonne, "Sa sandaling umalis si Cousin Jeremy, kaagad kang kumain ng tanghalian kasama ng ibang lalaki. Naghahawak-kamay pa kayo sa harap ng maraming tao. Napakababaw mo, di ka karapat-dapat sa aking cousin-in-law! Sasabihin ko agad ito kay Cousin Jeremy!" Talagang di inakala ni Madeline na nabuntutan siya ni Yvonne. Habang pinakikinggan niya ang paninira ni Yvonne, inatras niya ang kanyang kamay nang naiinis at sinabi, "Matuto kang gumalang. Ang 'ibang lalaki' na tinutukoy mo ay ang tito ni Jeremy." "Ano?" Sa gulat, tinignan ni Yvonne si Felipe na mukhang galit. Doon lang niya napansin na ito ay gwapo at mukhang pambihira, ngunit ang kanyang mukha ay talagang kahawig ni Jeremy. Alam niyang may tito si Jeremy, pero di niya
Huminto siya nang ilang segundo bago ito sagutin. Isang malalim at magaspang na boses ng lalaki ang narinig, "Nakabalik ka na ba sa kompanya?" "Hindi, bumalik ako sa store ko," Kalmadong sinabi ni Madeline. "Di ka ba busy? Bakit may oras kang tawagan ako?" "Bigla kitang namiss," Mahina nitong sinabi. Pagkatapos niyang sabihin ito, idinagdag niya, "Talaga." Ang salitang ito ay biglang nagpatalon sa tibok ng puso ni Madeline. Lumipat sa computer screen ang kanyang titig habang naguguluhan ang kanyang puso. "Vera, baka di ako makauwi mamaya. Mamimiss mo ba ako tulad ng kung gaano kita namimiss?" Natahimik sandali si Madeline nang pakinggan niya ang sinasabi nito. Nang di namalayan kung gaano katagal na ang lumipas, sumagot siya nang mahina, "Oo naman, syempre mamimiss kita." Pagkatapos matanggap ang kanyang sagot, tumawa nang mahina si Jeremy at malambing na sinabi, "Wag kang mag-alala, aayos din kaagad ang lahat. Di ka ulit tayo magkakalayo pagkatapos nito." Tulalang pina