Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 251 - Kabanata 260

2479 Kabanata

Kabanata 251

Pagkatapos itong sabihin ng manager at ng head of design, nagkaroon ng buhay ang paligid sa hall. Si Mrs. Longford na kanina pang pinagbibintangan si Madeline, ay nagulantang. Sa kabilang banda, di makapaniwalang nakatingin si Meredith kay Madeline. Lahat sila ay laglag-panga. "A-Anong sinabi mo?" Sumimangot si Meredith habang tinuturo si Madeline. "Sinabi mo ba na siya, si Vera Quinn, ang chief designer ng Miss L.ady?" Nagdadalawang-isip si Meredith nang tanungin niya ito. Subalit, kagaad siyang nakakuha ng sagot. "Tama. Siya ang founder ng Miss L.ady at ang chief designer ng aming brand, si Vera Quinn." "..." "..." Nagulat si Meredith. Napanganga siya nang tingnan niya si Madeline na kalmado. Talagang natulala siya. Nagtinginan si Eloise at ang nanay ni Jeremy. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila at naririnig nila sa sandaling ito. Napakaraming itinatago ng babaeng ito! Higit pa rito, ang pinakasikat na alahas sa kanilang lugar sa loob ng dalawang taon ay d
Magbasa pa

Kabanata 252

Suot ni Felipe ang isang bagay na pinasadyang suit, elegante at matalinong tignan. Sa sandaling ito, may galit sa kanyang mga mata. Salungat ito sa kanyang karaniwang maamong mukha na walang emosyon. "Humingi ka ng tawad sa fiancée ko ngayon na, kung hindi, hindi lang kaso ang aabutin mo." "..." Hindi kilala ng babae kung sino si Felipe, pero natakot siya sa lamig sa mga mata nito. Lumapit si Madeline kay Felipe at natural at malambing na hinawakan ang kanyang kamay. "Ayos lang, Felipe. Di ko na kailangan ng hipokritong paumanhin. Sapat nang alam ng lahat na inosente ako." "Paano ko hahayaang mangyari yun?" Mahinahong tumingin si Felipe kay Madeline. "Hindi ko hahayaan ang kahit sino na apihin ka at dungisan ang pangalan mo. Hindi ko ito hahayaan kahit isang salita man lang." Ang mga mapagtanggol niyang salita ay puno ng pag-aalaga ng isang boyfriend. Tumingin si Madeline sa mga mata ni Felipe. Siguro dahil sa liwanag, pero nakakita siya ng malalim na pag-ibig at pagiging d
Magbasa pa

Kabanata 253

Nagtaka ang lahat nang marinig ito. Nanginig si Meredith nang kaagad na mawala ang lakas ng loob at yabang sa mukha niya. 'Video?''Anong video?''Anong sinasabi ni Felipe?''May nakakuha ba ng pangyayaring ninakaw ko ang bracelet at sinisi ko si Madeline ng gabing yun?''Paano nangyari yun?''Kung nasa kamay ni Felipe ang video na yun, matagal na niya sanang inupload yun!' Nang mag-isio si Meredith, hindi na siya kabado gaya ng kanina. Kalmado siyang ngumiti. "Felipe, huwag kang mag-alala. Ang diretsong paa ay hindi takot sa isang balikukong sapatos. Hindi ko ito ginawa kaya hindi ako natatakot sa kahit anong video na ipapakita mo!" "Mer, naniniwala ako sa'yo!" Hinawakan ni Eloise ang kamay ni Meredith, puno ng pagtitiwala at pagmamahal ang kanyang mga mata. "Sana hindi ka na magsabi ng ganyang kasinungalingan matapos mong panoorin ang video na ito," Seryosong sinabi ni Felipe kay Meredith. Kumirot ang mga sulok ng labi ni Meredith nang mamuo ang di magandang pakira
Magbasa pa

Kabanata 254

"Mom, maniwala ka sa akin. Di totoo ang video na yan!" Tinignan ni Meredith ang nanay ni Jeremy pagkatapos niyang sabihin iyon. "Mrs. Whitman, alam mo dapat kung anong klaseng tao si Madeline. Bakit ko siya sasaktan? Hindi naman siya isang taong mabuti!" "Mer, huwag kang umiyak. Naniniwala ako sa'yo." Piniling paniwalaan ni Eloise si Meredith nang walang alinlangan. Pagkatapos, tinignan niya si Madeline at Felipe nang may poot sa kanyang mga mata. "Felipe, pinagbibintangan mo ang aking anak sa publiko para sirain ang kanyang reputasyon. Di ko 'to palalampasin!" "Anak mo?" Suminghal si Felipe. "Dahil lang sa anak mo siya, handa kang magbulag-bulagan kahit gumawa siya ng bagay na karumaldumal?" "Ikaw…" "Makikita mo nang malinaw sa video. Malalaman ng lahat kung peke ito. Meredith, sinabi mo na kailan lang kinunan ang video na ito, kaya tatanungin kita. Kahit na ginagaya ni Vera si Madeline sa video na ito, sino ang babaeng kamukhang-kamukha mo? Atsaka, sino ang gumanap sa mga pan
Magbasa pa

Kabanata 255

"Sige lang, Mr. Whitman." Kalmadong ngumiti si Madeline. "Gusto ko ding malaman kung ano ang sasabihin mo."Kinurba ni Jeremy ang maalindog niyang mga labi. "Malalaman mo din mamaya," Sinabi niya bago tignan si Felipe na nakatayo sa likod ni Madeline. Pagkatapos, tumalikod siya at humarap sa madla habang hawak ng media ang mga camera. Napagtanto ni Meredith na mukhang iaannounce ni Jeremy na ikakansela na niya ang engagement nila. Nagsimulang sumakit ang puso niya nang natataranta niyang hawakan ang braso ni Jeremy. "Jeremy, makinig ka sa akin. Peke ang video na yan. Wag kang maniwala diyan! Huwag mo nang gawin ang announcement para sa akin, please? Di ko kakayaning mawala ka. Pakiusap wag mo akong iwan…" Napakahina ng boses niya na halos di na ito marinig, pero malinaw siyang naririnig ni Jeremy. Pinakinggan ni Jeremy ang pagmamakaawa ni Meredith at ibinaba niya ang kanyang malalim at manipis na mata. "Di mo na kailangang magpaliwanag sa akin. Kung tungkol ito sa video na yun
Magbasa pa

Kabanata 256

Tumawa nang mahina si Madeline bago maglakad palapit. Nang makita ni Jeremy ang tao sa likod niya, napahinto siya sa paglalakad. Mukhang nagulat siya. "Bakit ka nandito?" "Ayaw mo ba akong makita Mr. Whitman?" Tanong ni Madeline habang may pekeng ngiti sa kanyang mukha. Pagkatapos, dagdag niya, "Sa totoo lang, nag-aalala ako. Pero hindi ako kay Meredith nag-aalala. Sa'yo ako nag-aalala." Nabigla si Jeremy. Tinignan niya ang babaeng nakangiti sa kanya sa ilalim ng madilim na ilaw. May isang mapagtangkang kinang sa kanyang mga mata nang maglakad siya sa harapan niya. "Sumunod ka sa akin." Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Madeline at naglakbay ang lamig ng kamay niya sa puso niya sa isang iglap. Hindi niya hinila palayo ang kanyang kamay, pero kasabay nito, hindi siya nagdalawang-isip na bumitaw di tulad ng noon. Dinala ni Jeremy si Madeline sa bubong ng ospital. Ngayong walang ibang tao dito, nagmukhang tahimik at nakakakilabot ang lugar. Kalat ang mga bituin sa langit n
Magbasa pa

Kabanata 257

Ang mainit niyang hininga ay kumalat sa pisngi ni Madeline. Nabigla siya, at ang lahat ng ginawa n Jeremy sa kanya noon ay lumitaw sa kanyang Isipan. Napakalupit niya at walang puso, kaya ginawa niya ang lahat ng pinakamalupit na bagay sa kanya. Hindi makaisip si Madeline ng bagay na hindi pa nito nagawa sa kanya. Habang nakatulala siya, napansin niyang palapit ang mukha ni Jeremy sa kanya. Nagsimulang bumilis ang tibok ni Madeline. Inakala niya na hahalikan siya ni Jeremy, kaya tatakbo na sana siya nang hilahin siya nito. Yumuko ito at sinubsob ang mukha nito sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. Mukha itong pagod. Sa yakap na ito, inilalabas nito ang lahat ng di malamang paghihirap at stress. Nagpakasawa siya sa yakap niyang ito. Nabigla si Madeline habang nakaipit sa yakap ni Jeremy. Hindi siya nakasuot ng makapal na damit, kaya nararamdaman niya ang init ni Jeremy sa tela ng kanyang damit dahil napakalapit nila sa isa't isa. Tumagos sa balat niya ang init nito at unt
Magbasa pa

Kabanata 258

Kakasimula pa lang niyang isagawa ang plano niyang paghihiganti, kaya di niya hahayaan ang kahit na ano na guluhin ito. Sinagot ni Jeremy ang tawag pero hindi niya binitawan si Madeline. Di siya makatakas kahit na gustuhin niya. Tinignan niya si Jeremy nang magsimula itong sumimangot. Pagkatapos, naging mas malamig ang tono niya. "Ano? Nawawala si Jackson?" Nang marinig ito ni Madeline, naramdaman niya na tumalon ang puso niya. 'Nawawala na naman si Jackson?' Nagsimula rin siyang mag-alala. Habang nakatulala siya, lumapit si Jeremy sa kanya nang nakakunot ang noo. "Nawawala na naman ang anak ko, pero tingin ko mahahanap mo siya." "Ako?" Nagulat si Madeline. Subalit, ayaw na niyang makipagtalo dito. Sinabi ng kumakabog niyang puso na gusto niya ring malaman kung nasaan si Jackson. "Pwede kitang tulungan na hanapin siya." "Tara na pala," Sinabi niya nang bumitaw ito. Pagkatapos, inilapag niya ang kanyang coat sa ibabaw ng manipis na coat ni Madeline. Nagulat si Madeline
Magbasa pa

Kabanata 259

May nunal sa kanyang kaliwang dibdib na magpapatunay na siya si Madeline. Isa itong marka na ayaw niyang sirain dahil tingin naman niya hindi magkakaroon si Jeremy ng pagkakataon na makita ang bahagi niyang ito matapos niyang 'mabuhay muli'. Nandito siya para maghiganti, hindi para makipagrelasyon sa kanya. Dahil dito hindi niya tinanggal ang nunal na nasa kanyang kaliwang dibdib. Nang mapansin niya ang titig ni Jeremy, hinila niya pataas ang kanyang tuwalya bago tumalikod kay Jeremy. "Bakit di ka kumakatok bago pumasok?" Naiinis niyang tinanong. Akala niya isasara ni Jeremy ang pinto at aalis, pero sa halip ay narinig niya ang palapit nitong hakbang. Huminto ito sa likod niya. "Bakit ka pumasok? Labas." Gusto siyang palayasin ni Madeline at nagsalita nang may malamig na tono. Hinawakan niya ang tuwalya nang mas malapit sa kanyang dibdib at naglakad palayo. Nakapaa lang siya. Subalit, sa sandaling humakbang siya paharap, hinablot ni Jeremy ang kanyang manipis na braso.
Magbasa pa

Kabanata 260

Tanong niya, habang nakakaramdam ng nakakapanghinang sakit sa kanyang puso. Nang maalala niya ang kawawang mukha ni Madeline noong luhaan siyang nagpapaliwanag, pakiramdam niya hindi na siya matutubos pa. Paano niya nagawang maging ganito kalupit sa isang babaeng minahal siya nang sobra? Paanong napagtanto lang niya na mahal na niya ito kung kailan huli na? Ngayon, nauunawaan na niya kung bakit tinanong ito ni Old Master Whitman sa kanya noong sinabi nito na gusto siya nitong hiwalayan. Tinanong siya ng old master kung nagtalik ba sila pagkatapos nilang ikasal. Syempre, ginawa niya. Maraming beses. Sinabi niya na nandidiri siya sa kanya, pero hindi niya pa rin mapigilan ang kanyang sarili na galawin ito. Lumalabas na hindi lang talaga niya mapigilan ang damdamin niya, ngunit nang malaman niya ito, huli na. Pinagtipon ni Jeremy ang mga naiisip niya at tinignan ang puntod. "Kamukhang-kamukha mo siya, kaya lagi akong nagkakaroon ng maling akala. Niyakap ko siya kagabi, p
Magbasa pa
PREV
1
...
2425262728
...
248
DMCA.com Protection Status