All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 231 - Chapter 240

2479 Chapters

Kabanata 231

Tinitigan ni Meredith ang seryoso niyang mukha at natulala. "Jeremy, anong sinabi mo?" "Bakit di ka na lang umalis?" Binabaan niya ang tono niya, tila ba may nararamdaman pa rin siya kay Meredith. Nagkaskasan ang ngipin ni Meredith sa sobrang galit. Nang makita niyang nakangiti si Madeline nang protektahan siya ni Jeremy, nanggigil siya. Kung kailan inakala na ni Madeline na sasabog sa galit si Meredith, sa halip parang biglang naging ibang tao si Meredith. Niluwagan niya ang kanyang kamao at nawala ang kanyang galit. Pagkatapos, lumapit siya kay Jeremy at dahan-dahang nagsalita… "Jeremy." Namumula ang mga mata ni Meredith nang malungkot siyang tumingin sa lalaki sa harap niya na malamig ang mukha. "Alam kong may nagawa akong mali at nadismaya kita, pero di ko nilabag ang konsensya ko. Lahat ng ginawa ko ay para sa inyo niyang Jack. Hindi ako nanakit ng inosenteng tao." Habang nagsasalita siya, lumuha din siya. Napakagaling ng kaaawa-awa niyang pagtatanghal. "Jeremy, alam
Read more

Kabanata 232

Nakipagtinginan si Jeremy sa magagandang mata ni Madeline nang may kasiguraduhan. Pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang wine glass. "Ito ay bilang paumanhin sa sumampal sayo kanina," Sinabi ni Jeremy bago ubusin ang red wine sa baso. Pagkatapos ay nagsalin siya ng isa pang baso. "Ito ay pagdiriwang ng pakikipagkaibigan ko sa isang napakagaling na babaeng tulad ni Ms. Vera." Nagsalita siya habang umiinom siya ng maraming baso sunud-sunod. Dumilim nang dumilim ang gabi. Humina na ang ulan habang naubos na ni Jeremy ang isang bote ng red wine. Ang maayos niyang mukha ay namumula na, at ang mahaba, at makitid niyang kaakit-akit na mga mata ay tulala mula sa epekto ng alak. "Ang susunod na Mrs. Whitman, hayaan mong ihatid kita pauwi." Tumayo si Jeremy pero halatang lasing na siya. "Mr. Whitman, magpahinga ka na. Magpapasundo ako kay Felipe." "Siya?" Tumawa si Jeremy nang may mababang boses. Ang mababa at kaakit-akit niyang boses ay puno ng alindog. Ngumiti siya at tumingin
Read more

Kabanata 233

Maraming nakalimutan si Madeline sa kanyang dating buhay. Nakalimutan niya ang pinakamagagandang sandali ng buhay niya at ang magandang pakiramdam na naramdaman niya noong mahal na mahal pa niya si Jeremy, ngunit hinding-hindi niya malilimutan ang bagay ka ito na nasa harapan niya sa buong buhay niya. Habang tulala, dahan-dahan niyang inabot ang kanyang kamay para damputin ang bagay na nalaglag sa sahig bago ito ilagay sa kanyang palad. Pagtingin niya dito, tila ba naririnig niya bigla ang tunog ng alon at ang amoy at maalat na lasa ng simoy ng dagat. Maging ang pangako ng isang batang lalaki ay narinig niya sa kanyang taenga, "Linnie, paglaki ko, pakakasalan kita…" Subalit ang pangakong ito ay tinangay ng alon at lumubog sa ilalim ng dagat sa huli. Hindi na babalik sa dati ang lahat sa buhay na ito… "Linnie…" Tumigil si Madeline sa pag-alala ng nakaraan at tumingin kay Jeremy na bumubulong pa rin. Tinatawag niya pa rin si Linnie. Subalit ang Linnie na tinatawag niya ay h
Read more

Kabanata 234

Masayang tumalikod si Madeline nang tumayo nang maayos si Meredith. Nang makita ang likod nito, nanggigil si Meredith! Nanggigigil niyang tinuro ang likod ni Madeline at bumuhos mula sa bibig niya ang galit niya. "Vera Quinn, p*ta ka! Ipapakita ko sa'yo kung anong kaya kong gawin! Maghintay ka lang!" Buong lakas na sumigaw si Meredith. Nang maalala niya ang nakita niya sa bintana kanina lang, pakiramdam niya sasabog na ang baga niya sa galit. Hindi! Kailangan niyang ikalma ang sarili niya. Naalala ni Meredith na walang laban sa kanya si Madeline. Atsaka, panong mananalo laban sa kanya ang isang babaeng kamukhang-kamukha ng babaeng yun? "Vera Quinn, di magtatagal ipapakita ko sa'yo ang kaya kong gawin!" Naningkit ang napakasamang mata ni Meredith na para bang nababalot ito ng kamandag. … Hinintay ni Madeline si Felipe sa may kanto. Pagkatapos ay inihatid siya nito pauwi. Napakadilim na at nakatayo si Madeline sa harap ng french window nakatingin sa tanawin ng gabi sa
Read more

Kabanata 235

Nakita ni Madeline si Jeremy na nagdadalawang-isip saglit. Sa sandaling ito, hindi niya alam kung anong iniisip niya. Subalit, makalipas ang isang sandali, tinignan niya ito nang may komplikadong tingin sa kanyang mga mata bago lumapit kay Meredith. Lumuhod siya at hinila ang walang malay na si Meredith. "Mer, Mer, gising." Tinapik niya ang pisngi ni Meredith nang may pag-aalala sa kanyang mga mata. Hinawakan ni Madeline ang almusal nang tumayo siya sa may pasukan. Nang makita niya ang nangyayari sa harapan niya, sarkastiko siyang ngumiti. 'Jeremy, di mo talaga ako binibigo. 'Nag-aalala ka pa rin sa babaeng yan. 'Sa kabila ng karumal-dumal na bagay na ginawa niya, siya pa rin ang mahal mo?' Sa sandaling ito, binuksan ni Meredith ang mga mata niya nang dahan-dahan habang hawak siya ni Jeremy. Puno ito ng luha nang nakakaawa niya itong tignan. "Jeremy, nagkamali ako. Alam ko ang mga nagawa kong mali. Huwag mo akong iwan okay?" Nanghihinang sinabi ni Meredith nang magsim
Read more

Kabanata 236

Dahil nakagat na ng isda ang pain, saglit na lang bago niya ito mabingwit. Linggo. Nangako sina Madeline at Felipe kay Lilian na dadalhin nila siya sa amusement park. Kahit na hindi tunay na anak ni Felipe si Lilian, inaalagaan pa rin niya ito nang sobra-sobra. Inalagaan niya si Madeline sa kanyang pagbubuntis hanggang sa araw na nanganak siya. Pagkapanganak kay Lilian, naging mas maalaga siya kumpara noon. Si Felipe ay isang perpektong lalaki at nag-iisa lamang sa isang milyon. Ngunit, alam ni Madeline na hindi siya nararapat sa kanya. Kahit kailan ay hindi niya naisip na makipagrelasyon sa kanya. "Daddy, gusto ko yung bunny." Napabalik ng matamis na boses ni Lilian ang isipan ni Madeline sa realidad. Nakita niya si Lilian na nakayakap sa leeg ni Felipe. Masaya siyang nagkukuyakoy habang naglalambing kay Felipe. Nakaturo ang kanyang maliit na daliri sa isang lobo na hugis kuneho sa di kalayuan. "Please, Daddy?" Tinginan ni Felipe si Lilian nang may pagmamahal sa ka
Read more

Kabanata 237

Nang maamoy niya ang pamilyar na amoy sa kanyang likuran, kaagad na nalaman ni Madeline kung sino ang taong may hawak sa kanya. Pero, bakit nandito si Jeremy?Dinala niya rin kaya rito si Jackson? Nandito rin kaya ang batang iyon?Biglang naisip ni Madeline si Jackson. Pagkatapos nito, inayos niya ang kanyang tayo at kumawala sa mga braso ni Jeremy. "Siya yung mabait na kuya!" Tinawag ni Lilian si Jeremy habang isang masayang ngiti ang nasa kanyang mamula-mulang mukha. Mukhang malapit ang loob ni Lilian kay Jeremy. Mayroong bahagyang ngiti sa gwapong mukha ni Jeremy. Tinignan niya si Lilian, sabay nilipat ang kanyang tingin kay Madeline. "Sa tingin ko tama ang desisyon ko na lumabas ngayon." May pinapahiwatig siya sa kanyang mga salita. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tinaas ni Madeline ang kanyang mukha at pekeng ngumiti. "Pasensya na, Mr. Whitman. Kasama ko sina Felipe at ang anak ko. Wala akong oras para tumanggap ng mga walang kwentang tawag." "Walang
Read more

Kabanata 238

"Tatlong taon mo pa lang siyang nakikilala pero dalawang taon na ang anak mo?" Kumunot ang noo ni Jeremy. Tinitigan niya nang malapitan si Madeline. "Ibig sabihin naging kayo pagkatapos niyong makilala ang isa't-isa." "Nahulog ako kay Felipe sa unang beses ko siyang makita. Alam ko kaagad na gusto ko siyang makasama at bigyan ng anak. May problema ba?" Diretsong sagot ni Madeline nang walang pag-aalinlangan. Nanlumo ang puso ni Jeremy, pero ang mga naglahong pagdududa ay lumitaw muli sa kanyang kalooban. "Jeremy!" Bigla na lang, tumusok sa kanyang tainga ang mga tili ni Meredith. Tinaas ni Madeline ang kanyang ulo para tumingin at nakita niya si Meredith na natatarantang tumatakbo. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, halata ang galit sa mga mata ni Meredith. Mukhang mas may buhay si Meredith ngayon kumpara sa maulang araw na iyon kung saan napakahina niyang tignan. Tumakbo siya papunta kay Jeremy at hinablot ang kanyang kamay na nakahawak kay Madeline. Sinilip niya ito b
Read more

Kabanata 239

Sa sandaling iyon, may naalala si Madeline. Kaagad siyang tumalikod at tumakbo papunta sa isang lugar. Madilim na ang langit at nakabukas na ang mga ilaw sa daan. Nawala na ang sigla ng amusement park kaninang umaga sa kawalan ng tao dito. Sa sandaling ito, ang tanging maririnig lang ay ang pagaspas ng mga puno. "Jeremy, anong gagawin natin ngayon? Baka kinidnap na si Jack!" Sa oras na iyon, nakasandal si Meredith kay Jeremy nang may takot at pag-aalala sa kanyang mukha. "Jeremy, hindi pwedeng mawala sa'kin si Jack! Nag-iisa natin siyang anak!" Diniin niya ang "nag-iisang anak" at hindi niya napansin na nanlumo ang ekspresyon ni Jeremy nang binanggit niya ito. Nang may sasabihin sana siya, nakita niya ang isang pamilyar na anyo mula sa gilid ng kanyang paningin. "Mauna ka nang umuwi. Mayroon lang akong dapat gawin," sabi ni Jeremy para paalisin si Meredith bago kaagad na naglakad papalayo pagkatapos nito. "Jeremy! Jeremy!" Tinawag siya ni Meredith, pero nagpatuloy lang si
Read more

Kabanata 240

Tumalikod si Madeline habang nagsabing, "At saka, mas maganda kung dadalhin mo si Jackson sa doktor. Aalis na ako." "Hindi lang siya ang anak ko." ?Ang kakaibang paliwanag ni Jeremy ay narinig mula sa kanyang likuran. Sinabi niya rin ito kaninang hapon. Huminto sa paglalakad si Madeline, at nararamdaman niya na papalapit si Jeremy mula sa kanyang likuran. "May isa pa akong anak." "..." Naramdaman ni Madeline na huminto ang kanyang puso habang lumitaw ang pagdadalamhati sa kanyang mga mata. Nagduda kaya siya pagkatapos ng kanyang mga sinabi kaninang hapon? Hindi kaya may nalaman siya sa loob ng maikling panahon? Ngunit nang magsimulang maglayag ang isip ni Madeline, narinig niya ang boses ni Jeremy sa kanyang tainga. "Anak ko siya sa aking ex-wife." "..." Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, nakaramdam siya ng tagos-butong sakit sa kanyang puso. "Talaga?" tanong niya. Ngumiti siya habang lumingon para tignan ang mga mata ng lalaki. "Nasaan na ang bata
Read more
PREV
1
...
2223242526
...
248
DMCA.com Protection Status