Sa sandaling iyon, may naalala si Madeline. Kaagad siyang tumalikod at tumakbo papunta sa isang lugar. Madilim na ang langit at nakabukas na ang mga ilaw sa daan. Nawala na ang sigla ng amusement park kaninang umaga sa kawalan ng tao dito. Sa sandaling ito, ang tanging maririnig lang ay ang pagaspas ng mga puno. "Jeremy, anong gagawin natin ngayon? Baka kinidnap na si Jack!" Sa oras na iyon, nakasandal si Meredith kay Jeremy nang may takot at pag-aalala sa kanyang mukha. "Jeremy, hindi pwedeng mawala sa'kin si Jack! Nag-iisa natin siyang anak!" Diniin niya ang "nag-iisang anak" at hindi niya napansin na nanlumo ang ekspresyon ni Jeremy nang binanggit niya ito. Nang may sasabihin sana siya, nakita niya ang isang pamilyar na anyo mula sa gilid ng kanyang paningin. "Mauna ka nang umuwi. Mayroon lang akong dapat gawin," sabi ni Jeremy para paalisin si Meredith bago kaagad na naglakad papalayo pagkatapos nito. "Jeremy! Jeremy!" Tinawag siya ni Meredith, pero nagpatuloy lang si
Tumalikod si Madeline habang nagsabing, "At saka, mas maganda kung dadalhin mo si Jackson sa doktor. Aalis na ako." "Hindi lang siya ang anak ko." ?Ang kakaibang paliwanag ni Jeremy ay narinig mula sa kanyang likuran. Sinabi niya rin ito kaninang hapon. Huminto sa paglalakad si Madeline, at nararamdaman niya na papalapit si Jeremy mula sa kanyang likuran. "May isa pa akong anak." "..." Naramdaman ni Madeline na huminto ang kanyang puso habang lumitaw ang pagdadalamhati sa kanyang mga mata. Nagduda kaya siya pagkatapos ng kanyang mga sinabi kaninang hapon? Hindi kaya may nalaman siya sa loob ng maikling panahon? Ngunit nang magsimulang maglayag ang isip ni Madeline, narinig niya ang boses ni Jeremy sa kanyang tainga. "Anak ko siya sa aking ex-wife." "..." Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, nakaramdam siya ng tagos-butong sakit sa kanyang puso. "Talaga?" tanong niya. Ngumiti siya habang lumingon para tignan ang mga mata ng lalaki. "Nasaan na ang bata
Nag-alinlangan si Ken. Pagkatapos nito, sinabi na ang kanyang pagdududa, "Nasa Glendale ang kumpanya at negosyo ni Felipe, pero sa kung anong dahilan, umalis siya para pumunta sa F Country. "Nanatili si Felipe sa F Country sa nagdaang tatlong taon at bihirang umalis dito. Base sa mga sources, nakilala niya si Vera sa isang eroplano at nagkagusto sa kanya sa una nilang pagkikita." F Country. Naalala ni Jeremy na nagmula rin si Vera sa F Country. Ngunit, base sa kanyang itsura, halatang hindi siya isang natural na mamamayan ng F Country. Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang phone, mabagal na binasa ni Jeremy ang impormasyon. Walang nakakapagduda sa impormasyon tungkol kay Vera. Ngunit, nakita niya ang petsa na hindi niya makakalimutan mula sa impormasyon ni Felipe. Sa araw na iyon tatlong taon na ang nakakaraan, nahimlay sa kanyang mga braso ang malamig na katawan ni Madeline. Hindi na siya humihinga at wala na siyang pulso. Iniwan na siya nito habang buhay. Ngunit, iyon ang
Tawag niya gamit ang kanyang masayahing boses, ang kanyang mukha ay kamukhang-kamukha ni Madeline. Umupo si Jeremy at hinimas ang ulo ng batang babae. "Hello, Lily. Ako ang daddy ni Jackson." "Naalala kita." Kinurap ng bata ang kanyang maliliwanag na mga mata. "Andito ka ba makipaglaro sa'kin, mabait na kuya?" Ngumiti si Jeremy bago naglabas ng isang manyika mula sa kanyang bulsa. "Hinatid ko rito si Jackson, dahil nandito na rin ako, naisip ko na dalawin ka. Para sa'yo 'to." "Wow, ang cute ng bunny!" Nagustuhan ni Lilian ang magandang manyika. Gamit ang pagkakataong ito, bumunot ng isang hibla ng buhok si Jeremy mula sa ulo ni Lilian. Habang nakatingin sa inosenteng mukha sa kanyang harapan, dumami ang kanyang inaasahan at inaasam sa kanyang puso. Pagkatapos nito ay nagpunta si Jeremy sa isang DNA screening agency nang may hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang puso. Minanipula niya ang sistema at pinabilis ang resulta ng kanyang test. Sabi sa kanya ng staff a
Pagkatapos niyang marinig ang mga salita mula sa kabilang linya ay humigpit ang kanyang hawak sa kanyang phone. Pagkababa niya ng tawag, binuksan niya ang app sa kanyang phone at nakita ang pinakabagong email na kanyang natanggap. Nanlaki ang kanyang mga mata habang ang kanyang daliri ay nakaangat sa ibabaw ng screen, pero hindi niya ito pinindot. Beep, beep! Nagsimulang bumusina ang mga kotse sa kanilang likuran nang naging berde na ang kulay ng ilaw. "Ayos ka lang ba, Mr. Whitman?" Nagtataka siyang tinignan ni Madeline. Pinindot ni Jeremy ang lock key at initsa ang kanyang phone sa isang tabi. "Ayos lang ako." Inapakan niya ang accelerator. Ang kanyang malalalim na mga mata ay nakatitig nang maigi kay Madeline bago bumalik sa kalsada sa kanyang harapan. Gustong malaman ni Madeline ang tungkol kay Jackson kaya siya sumakay sa kotse. Ngunit, pagkatapos nang tawag na iyon, biglang naging mabigat ang ere sa loob ng kotse at naging sobrang tahimik. Pagkatapos huminto ng ko
Pagkatapos ng masakit na karanasan mula sa kanyang nakaraang relasyon, pipiliin niya na mahaling muli kung mayroon siyang pagkakataon. … Bumalik si Jeremy sa kanyang bahay habang hawak nang mahigpit ang kanyang phone. May mga sagot sa loob nito na hindi siya makapaghintay na malaman. Ngunit pagkapasok niya sa bahay, nakita niya si Meredith na nagluluto sa loob ng kusina habang tinuturuan siya at tinutulungan ng mga katulong sa isang tabi. Naalala ni Jeremy si Madeline sa eksenang ito. Naalala niya ang mga gabi kung saan narito siya at nagluluto ng hapunan para sa kanya, ngunit hindi niya siya papansinin. Sa halip ay buong gabi siyang nasa labas kaysa bumalik para harapin ang babaeng ito na inakala niyang madumi at nakakasuklam. Nang marinig siya ni Meredith na nakauwi na, lumingon siya at tumakbo papunta sa kanya. "Jeremy, nakauwi ka na rin. Sinundo ko si Jack at nagluto ako ng hapunan para sa inyo ngayong gabi. Ito ang unang beses ko na magluto, kaya umaasa ako na magugus
Kaagad na nakita ni Jeremy ang isang listahan ng impormasyon na sinuri ng mga propesyonal. Mabilis niya itong tinignan at direktang pumunta sa dulo ng email. Pagkatapos niyang makita ang resulta ay nanigas ang kanyang hininga sa isang segundo. Ang kanyang pagdududa, ekspektasyon, at kahit na anong bakas ng pag-asa mula sa kailaliman ng kanyang puso ay naglaho sa isang iglap. Malinaw na sinabi ng report na hindi siya ang ama ni Lilian. Pero, ang kanilang chromosomes ay magkatulad, at iisa lang ang dahilan para rito. Dahil lang ito sa tunay na anak ni Felipe si Lilian, kaya nagkatugma ang kanyang DNA at ang DNA ni Lilian. Hindi namalayan ni Jeremy na dumulas ang phone mula sa kanyang mga daliri. Kumalat sa kanyang walang emosyong mukha ang liwanag ng paglubog ng araw. Ngumiti rin si Jeremy pagkatapos ng ilang sandali at tumawa. 'Mukha ngang mayroon talagang tao na sobrang magkamukha sa mundong ito. 'Ang totoo ay iniwan mo ako.' Sumakit ang kanyang puso nang maalala niya
Pagkatapos niyang marinig ito, nanigas ang mukha ni Meredith. Subalit, hindi niya nakalimutang panatilihin ang nakakaawa niyang mukha. Napakalungkot pakinggan ng kayang boses na para bang kahit kailan iiyak na siya. "Ms. Quinn, sinasabi mo ba na patuloy mong guguluhin ang aking fiancé at magpapatuloy na maging kabit?" Binuksan ni Madeline ang bibig niya at dahan-dahang sinabi, "Alam mo ba kung bakit kita binigyan ng salamin noong kaarawan mo?" "..." Nanlumo ang mukha ni Meredith. "Mukhang naguguluhan ka pa rin sa posisyon mo. Di nakapagtatakang ayaw kang pakasalan ni Jeremy makalipas ang maraming taon." Ngumiti nang nanghahamon si Madeline bago tumayo at umalis. Kaagad na tumayo si Meredith nang masira ang hipokritong maskara niya. "Vera Quinn! Pinapakitaan kita ng kabutihan pero ayaw mo pa ring tanggapin! Sige! Kung ganon, hintayin mo. Malalaman mo ang kapalit ng pagbangga ko sa akin!" Basta na lang tumalikod si Madeline. Nang makita niya ang galit na mukha ni Meredith, lalo