Kaagad na nakita ni Jeremy ang isang listahan ng impormasyon na sinuri ng mga propesyonal. Mabilis niya itong tinignan at direktang pumunta sa dulo ng email. Pagkatapos niyang makita ang resulta ay nanigas ang kanyang hininga sa isang segundo. Ang kanyang pagdududa, ekspektasyon, at kahit na anong bakas ng pag-asa mula sa kailaliman ng kanyang puso ay naglaho sa isang iglap. Malinaw na sinabi ng report na hindi siya ang ama ni Lilian. Pero, ang kanilang chromosomes ay magkatulad, at iisa lang ang dahilan para rito. Dahil lang ito sa tunay na anak ni Felipe si Lilian, kaya nagkatugma ang kanyang DNA at ang DNA ni Lilian. Hindi namalayan ni Jeremy na dumulas ang phone mula sa kanyang mga daliri. Kumalat sa kanyang walang emosyong mukha ang liwanag ng paglubog ng araw. Ngumiti rin si Jeremy pagkatapos ng ilang sandali at tumawa. 'Mukha ngang mayroon talagang tao na sobrang magkamukha sa mundong ito. 'Ang totoo ay iniwan mo ako.' Sumakit ang kanyang puso nang maalala niya
Pagkatapos niyang marinig ito, nanigas ang mukha ni Meredith. Subalit, hindi niya nakalimutang panatilihin ang nakakaawa niyang mukha. Napakalungkot pakinggan ng kayang boses na para bang kahit kailan iiyak na siya. "Ms. Quinn, sinasabi mo ba na patuloy mong guguluhin ang aking fiancé at magpapatuloy na maging kabit?" Binuksan ni Madeline ang bibig niya at dahan-dahang sinabi, "Alam mo ba kung bakit kita binigyan ng salamin noong kaarawan mo?" "..." Nanlumo ang mukha ni Meredith. "Mukhang naguguluhan ka pa rin sa posisyon mo. Di nakapagtatakang ayaw kang pakasalan ni Jeremy makalipas ang maraming taon." Ngumiti nang nanghahamon si Madeline bago tumayo at umalis. Kaagad na tumayo si Meredith nang masira ang hipokritong maskara niya. "Vera Quinn! Pinapakitaan kita ng kabutihan pero ayaw mo pa ring tanggapin! Sige! Kung ganon, hintayin mo. Malalaman mo ang kapalit ng pagbangga ko sa akin!" Basta na lang tumalikod si Madeline. Nang makita niya ang galit na mukha ni Meredith, lalo
Mayroong bakas ng lungkot sa medyo lasing na mukha ni Jeremy. "Siya yun." Pagkatapos manahimik sandali, nakakuha na ng sagot si Madeline mula sa kanya. Siya nga yun. Ang taong pinakamamahal niya ay si Meredith. Dahan-dahang humigpit ang hawak ni Madeline sa wine glass. Nagsimulang magliyab ang galit sa kanyang puso, pero di nito nagawang sirain ang pag-aalinlangan at lungkot sa kanyang puso. "Linnie, sasamahan kita habambuhay. Aalagaan kita habambuhay. Pakakasalan kita…" Ang pangako ng batang lalaking ito ay parang ang simoy ng taglagas sa labas ng bintana, dumadampi sa kanyang taenga bago umalis. Hinawakan ni Madeline ang wine glass at tinungga ang laman nito. Pakiramdam niya parang isang milyong karayom ang tumutusok sa puso niya. Napakahina nito pero sobrang sakit. Naaawa siya para sa dating siya. Napakainosente niya na maniwala sa pangakong pakakasalan siya nito. Parang tanga siyang naghintay na makasama siya ulit. Pero sa huli, ang nakuha lang niya ay ang pagpa
… Makalipas ang dalawang araw, nagpatuloy ang dinner party gaya ng nasa plano. Dahil lumalaki na ang Miss L.ady, ang mga mayayaman at mga upper-class ay nandito. Halos lahat sila ay mga kilala at mayayamang babae. Matagal nang handa si Madeline, pero sa sandaling ito, komplikado ang nararamdaman niya. Alam niyang nandito din si Eloise. Ang babaeng ito ay ang nanay niya na nagluwal sa kanya at nakawala sa kanya. Pagkatapos niyang makatanggap ng tawag mula sa manager ng headquarters, pumasok si Madeline dito. Pagpason niya, nakakita siya ng maraming kilalang tao at mayayamang babae na nagtitipon habang nag-uusap. Ipinagmamalaki nila ang kanilang mamahalin, bukod-tangi at pinasadyang mga alahas na suot nila. Pagpasok ni Madeline, nakatanggap siya ng maraming gulat na titig mula sa mga bisita dito. Pinaganda nh kanyang kulay champagne na damit ang kanyang perpektong katawan habang bumagay ang kanyang itim na buhok sa puti ng kanyang walang kupas na balat. Nag-iiwan siya n
Tumagos sa taenga ng lahat ang sigaw ng babae. Nakuha ng lakas ng boses niya ang atensyon ng maraming tao sa paligid nila. Tumingala si Madeline para tignan ang mukha nito. Kaagad niyang malinaw na nakita ang eksenang napagbintangan siya sa bagay na di niya ginawa at tinawag siyang magnanakaw. Pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa sakit niya noong araw na yun, kinailangan niyang pumunta sa birthday party ng nanay ni Jeremy sa Whitman Manor dahil sa utos ni Jeremy. Pero sa sandaling pumasok siya, nabunggo siya ng babaeng ito. Hindi nanghingi ng paumanhin ang babaeng ito at sa halip ay pinagbintangan si Madeline na binunggo siya. Pinagbintangan niya pa si Madeline na ninakaw ang pulseras niya. Sa huli, tinulungan ni Meredith si Madeline dala ng 'kabutihang-loob'. Subalit habang nagkakagulo, naglagay siya ng pulseras sa bulsa ni Madeline. Mahina pa si Madeline noon, kaya napagbintangan siya na ninakaw niya ang pulseras at malubhang minaliit pagkatapos niyang subukang patunayan
Sa sandaling ito, nagsimulang marinig ang mga panlalait mula sa paligid niya. Nakangiti si Meredith nang may ibulong siya sa taenga ni Eloise. Makalioas ang isang sandali, lumapit si Meredith. Tinignan niya si Madeline at bumuntong-hininga. "Ms. Quinn, di ko inasahan na magiging pabaya ka gaya ni Madeline kahit na magkamukhang-magkamukha kayo!" Minaliit siya ni Meredith nang may galit sa kanyang mga mata. "Mrs. Langford, tama ka. Mayroong nangnakaw ng pulseras mo sa harap ng lahat sa Whitman Manor noon. Pero hindi ito ang babaeng yun ngayon. Sadyang magkamukha lang sila." "Ano? Hindi siya yun? Naaalala ko nang maayos ang mukha niya!" Tinuro ng babae si Madeline at siguradong sinabi. "Mrs. Langdord, di siya yun." Lumapit din ang nanay ni Jeremy. Minamaliit din niya si Madeline. "Vera, di ko inaasahan na ang shop owner ng Miss L.ady ay magtatangkang magnakaw ng pulseras ng isang kliyente. Nababaliw ka na ba?" "Di lang malikot ang kamay niya, ugali niya ring mang-agaw ng fiancé
Pagkatapos itong sabihin ng manager at ng head of design, nagkaroon ng buhay ang paligid sa hall. Si Mrs. Longford na kanina pang pinagbibintangan si Madeline, ay nagulantang. Sa kabilang banda, di makapaniwalang nakatingin si Meredith kay Madeline. Lahat sila ay laglag-panga. "A-Anong sinabi mo?" Sumimangot si Meredith habang tinuturo si Madeline. "Sinabi mo ba na siya, si Vera Quinn, ang chief designer ng Miss L.ady?" Nagdadalawang-isip si Meredith nang tanungin niya ito. Subalit, kagaad siyang nakakuha ng sagot. "Tama. Siya ang founder ng Miss L.ady at ang chief designer ng aming brand, si Vera Quinn." "..." "..." Nagulat si Meredith. Napanganga siya nang tingnan niya si Madeline na kalmado. Talagang natulala siya. Nagtinginan si Eloise at ang nanay ni Jeremy. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila at naririnig nila sa sandaling ito. Napakaraming itinatago ng babaeng ito! Higit pa rito, ang pinakasikat na alahas sa kanilang lugar sa loob ng dalawang taon ay d
Suot ni Felipe ang isang bagay na pinasadyang suit, elegante at matalinong tignan. Sa sandaling ito, may galit sa kanyang mga mata. Salungat ito sa kanyang karaniwang maamong mukha na walang emosyon. "Humingi ka ng tawad sa fiancée ko ngayon na, kung hindi, hindi lang kaso ang aabutin mo." "..." Hindi kilala ng babae kung sino si Felipe, pero natakot siya sa lamig sa mga mata nito. Lumapit si Madeline kay Felipe at natural at malambing na hinawakan ang kanyang kamay. "Ayos lang, Felipe. Di ko na kailangan ng hipokritong paumanhin. Sapat nang alam ng lahat na inosente ako." "Paano ko hahayaang mangyari yun?" Mahinahong tumingin si Felipe kay Madeline. "Hindi ko hahayaan ang kahit sino na apihin ka at dungisan ang pangalan mo. Hindi ko ito hahayaan kahit isang salita man lang." Ang mga mapagtanggol niyang salita ay puno ng pag-aalaga ng isang boyfriend. Tumingin si Madeline sa mga mata ni Felipe. Siguro dahil sa liwanag, pero nakakita siya ng malalim na pag-ibig at pagiging d