Nakita ni Madeline si Jeremy na nagdadalawang-isip saglit. Sa sandaling ito, hindi niya alam kung anong iniisip niya. Subalit, makalipas ang isang sandali, tinignan niya ito nang may komplikadong tingin sa kanyang mga mata bago lumapit kay Meredith. Lumuhod siya at hinila ang walang malay na si Meredith. "Mer, Mer, gising." Tinapik niya ang pisngi ni Meredith nang may pag-aalala sa kanyang mga mata. Hinawakan ni Madeline ang almusal nang tumayo siya sa may pasukan. Nang makita niya ang nangyayari sa harapan niya, sarkastiko siyang ngumiti. 'Jeremy, di mo talaga ako binibigo. 'Nag-aalala ka pa rin sa babaeng yan. 'Sa kabila ng karumal-dumal na bagay na ginawa niya, siya pa rin ang mahal mo?' Sa sandaling ito, binuksan ni Meredith ang mga mata niya nang dahan-dahan habang hawak siya ni Jeremy. Puno ito ng luha nang nakakaawa niya itong tignan. "Jeremy, nagkamali ako. Alam ko ang mga nagawa kong mali. Huwag mo akong iwan okay?" Nanghihinang sinabi ni Meredith nang magsim
Dahil nakagat na ng isda ang pain, saglit na lang bago niya ito mabingwit. Linggo. Nangako sina Madeline at Felipe kay Lilian na dadalhin nila siya sa amusement park. Kahit na hindi tunay na anak ni Felipe si Lilian, inaalagaan pa rin niya ito nang sobra-sobra. Inalagaan niya si Madeline sa kanyang pagbubuntis hanggang sa araw na nanganak siya. Pagkapanganak kay Lilian, naging mas maalaga siya kumpara noon. Si Felipe ay isang perpektong lalaki at nag-iisa lamang sa isang milyon. Ngunit, alam ni Madeline na hindi siya nararapat sa kanya. Kahit kailan ay hindi niya naisip na makipagrelasyon sa kanya. "Daddy, gusto ko yung bunny." Napabalik ng matamis na boses ni Lilian ang isipan ni Madeline sa realidad. Nakita niya si Lilian na nakayakap sa leeg ni Felipe. Masaya siyang nagkukuyakoy habang naglalambing kay Felipe. Nakaturo ang kanyang maliit na daliri sa isang lobo na hugis kuneho sa di kalayuan. "Please, Daddy?" Tinginan ni Felipe si Lilian nang may pagmamahal sa ka
Nang maamoy niya ang pamilyar na amoy sa kanyang likuran, kaagad na nalaman ni Madeline kung sino ang taong may hawak sa kanya. Pero, bakit nandito si Jeremy?Dinala niya rin kaya rito si Jackson? Nandito rin kaya ang batang iyon?Biglang naisip ni Madeline si Jackson. Pagkatapos nito, inayos niya ang kanyang tayo at kumawala sa mga braso ni Jeremy. "Siya yung mabait na kuya!" Tinawag ni Lilian si Jeremy habang isang masayang ngiti ang nasa kanyang mamula-mulang mukha. Mukhang malapit ang loob ni Lilian kay Jeremy. Mayroong bahagyang ngiti sa gwapong mukha ni Jeremy. Tinignan niya si Lilian, sabay nilipat ang kanyang tingin kay Madeline. "Sa tingin ko tama ang desisyon ko na lumabas ngayon." May pinapahiwatig siya sa kanyang mga salita. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tinaas ni Madeline ang kanyang mukha at pekeng ngumiti. "Pasensya na, Mr. Whitman. Kasama ko sina Felipe at ang anak ko. Wala akong oras para tumanggap ng mga walang kwentang tawag." "Walang
"Tatlong taon mo pa lang siyang nakikilala pero dalawang taon na ang anak mo?" Kumunot ang noo ni Jeremy. Tinitigan niya nang malapitan si Madeline. "Ibig sabihin naging kayo pagkatapos niyong makilala ang isa't-isa." "Nahulog ako kay Felipe sa unang beses ko siyang makita. Alam ko kaagad na gusto ko siyang makasama at bigyan ng anak. May problema ba?" Diretsong sagot ni Madeline nang walang pag-aalinlangan. Nanlumo ang puso ni Jeremy, pero ang mga naglahong pagdududa ay lumitaw muli sa kanyang kalooban. "Jeremy!" Bigla na lang, tumusok sa kanyang tainga ang mga tili ni Meredith. Tinaas ni Madeline ang kanyang ulo para tumingin at nakita niya si Meredith na natatarantang tumatakbo. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, halata ang galit sa mga mata ni Meredith. Mukhang mas may buhay si Meredith ngayon kumpara sa maulang araw na iyon kung saan napakahina niyang tignan. Tumakbo siya papunta kay Jeremy at hinablot ang kanyang kamay na nakahawak kay Madeline. Sinilip niya ito b
Sa sandaling iyon, may naalala si Madeline. Kaagad siyang tumalikod at tumakbo papunta sa isang lugar. Madilim na ang langit at nakabukas na ang mga ilaw sa daan. Nawala na ang sigla ng amusement park kaninang umaga sa kawalan ng tao dito. Sa sandaling ito, ang tanging maririnig lang ay ang pagaspas ng mga puno. "Jeremy, anong gagawin natin ngayon? Baka kinidnap na si Jack!" Sa oras na iyon, nakasandal si Meredith kay Jeremy nang may takot at pag-aalala sa kanyang mukha. "Jeremy, hindi pwedeng mawala sa'kin si Jack! Nag-iisa natin siyang anak!" Diniin niya ang "nag-iisang anak" at hindi niya napansin na nanlumo ang ekspresyon ni Jeremy nang binanggit niya ito. Nang may sasabihin sana siya, nakita niya ang isang pamilyar na anyo mula sa gilid ng kanyang paningin. "Mauna ka nang umuwi. Mayroon lang akong dapat gawin," sabi ni Jeremy para paalisin si Meredith bago kaagad na naglakad papalayo pagkatapos nito. "Jeremy! Jeremy!" Tinawag siya ni Meredith, pero nagpatuloy lang si
Tumalikod si Madeline habang nagsabing, "At saka, mas maganda kung dadalhin mo si Jackson sa doktor. Aalis na ako." "Hindi lang siya ang anak ko." ?Ang kakaibang paliwanag ni Jeremy ay narinig mula sa kanyang likuran. Sinabi niya rin ito kaninang hapon. Huminto sa paglalakad si Madeline, at nararamdaman niya na papalapit si Jeremy mula sa kanyang likuran. "May isa pa akong anak." "..." Naramdaman ni Madeline na huminto ang kanyang puso habang lumitaw ang pagdadalamhati sa kanyang mga mata. Nagduda kaya siya pagkatapos ng kanyang mga sinabi kaninang hapon? Hindi kaya may nalaman siya sa loob ng maikling panahon? Ngunit nang magsimulang maglayag ang isip ni Madeline, narinig niya ang boses ni Jeremy sa kanyang tainga. "Anak ko siya sa aking ex-wife." "..." Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, nakaramdam siya ng tagos-butong sakit sa kanyang puso. "Talaga?" tanong niya. Ngumiti siya habang lumingon para tignan ang mga mata ng lalaki. "Nasaan na ang bata
Nag-alinlangan si Ken. Pagkatapos nito, sinabi na ang kanyang pagdududa, "Nasa Glendale ang kumpanya at negosyo ni Felipe, pero sa kung anong dahilan, umalis siya para pumunta sa F Country. "Nanatili si Felipe sa F Country sa nagdaang tatlong taon at bihirang umalis dito. Base sa mga sources, nakilala niya si Vera sa isang eroplano at nagkagusto sa kanya sa una nilang pagkikita." F Country. Naalala ni Jeremy na nagmula rin si Vera sa F Country. Ngunit, base sa kanyang itsura, halatang hindi siya isang natural na mamamayan ng F Country. Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang phone, mabagal na binasa ni Jeremy ang impormasyon. Walang nakakapagduda sa impormasyon tungkol kay Vera. Ngunit, nakita niya ang petsa na hindi niya makakalimutan mula sa impormasyon ni Felipe. Sa araw na iyon tatlong taon na ang nakakaraan, nahimlay sa kanyang mga braso ang malamig na katawan ni Madeline. Hindi na siya humihinga at wala na siyang pulso. Iniwan na siya nito habang buhay. Ngunit, iyon ang
Tawag niya gamit ang kanyang masayahing boses, ang kanyang mukha ay kamukhang-kamukha ni Madeline. Umupo si Jeremy at hinimas ang ulo ng batang babae. "Hello, Lily. Ako ang daddy ni Jackson." "Naalala kita." Kinurap ng bata ang kanyang maliliwanag na mga mata. "Andito ka ba makipaglaro sa'kin, mabait na kuya?" Ngumiti si Jeremy bago naglabas ng isang manyika mula sa kanyang bulsa. "Hinatid ko rito si Jackson, dahil nandito na rin ako, naisip ko na dalawin ka. Para sa'yo 'to." "Wow, ang cute ng bunny!" Nagustuhan ni Lilian ang magandang manyika. Gamit ang pagkakataong ito, bumunot ng isang hibla ng buhok si Jeremy mula sa ulo ni Lilian. Habang nakatingin sa inosenteng mukha sa kanyang harapan, dumami ang kanyang inaasahan at inaasam sa kanyang puso. Pagkatapos nito ay nagpunta si Jeremy sa isang DNA screening agency nang may hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang puso. Minanipula niya ang sistema at pinabilis ang resulta ng kanyang test. Sabi sa kanya ng staff a