Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 221 - Kabanata 230

2479 Kabanata

Kabanata 221

Agad na hinablot ni Jeremy ang braso ni Madeline at hinila siya palapit sa kanya bago pa man may maganap na aksidente.Dumaan sa tabi ni Madeline ang sasakyan na muntik makasagasa sa kanya. Dahil masyadong malakas ang pagkakahila ni Jeremy kay Madeline, nawalan siya ng balanse at natumba siya palikod. Natumba kasama niya si Madeline na noo'y yakap niya sa kanyang mga bisig. "Huwag kang matakot, ligtas ka na."Narinig ni Madeline ang sinabi ni Jeremy. Gusto niya sanang tumayo kaso mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Jeremy. Nakahawak ang kanang kamay ni Jeremy sa ulo ni Madeline at prinotektahan ito. Nakahiga lamang si Madeline sa katawan ni Jeremy. Nalanghap niya ang amoy ng katawan ni Jeremy. Isa itong pamilyar na amoy sa kanyang alaala. Naramdaman niya na bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa gulat na naramdaman niya nang muntik na siyang mabangga ng sasakyan. Noong umihip ang malakas na hangin, nahimasmasan si Madeline. "Mr. Whitman,
Magbasa pa

Kabanata 222

Agad na pumayag si Meredith. "Huwag kang mag-alala, Jeremy. Pupunta ako bukas ng gabi kasama ng mga magulang ko." "Mabuti, kung ganun." Binaba ni Jeremy ang phone pagkatapos niyang sabihin yung huling tatlong salita na yun. Tiningnan niya ang screen ng kanyang phone, makikita sa mga mata niya na may binabalak siya. Bumalik si Madeline sa kanyang apartment. Pagpasok niya sa bahay, nakita niya na gising na si Felipe. Nakaupo siya sa mesa sa tapat ng bintana, nakasuot siya ng ordinaryong damit. Pinapanood niya ang balita sa kanyang phone habang kumakain ng agahan. Noong makita niyang nakabalik na si Madeline, nginitian niya siya. "Maganda ang benta ng Miss L.ady. Sumikat ang bawat isang jewelry na dinisenyo mo. Tingin ko malaki ang tsansa mo na manalo sa GMA International Jewelry Design Competition ngayong taon.""Tsaka, dala ko yung mga materyales na kailangan mo. Maipagpapatuloy mo ang mga pangarap mo at career mo dito ng maayos." Nagpasalamat si Madeline habang pinapakingg
Magbasa pa

Kabanata 223

Habang nakatingin sa kanya ang lahat, nilabas ni Jeremy ang isang asul na velvet box mula sa kanyang bulsa. Nilabas niya ang box sa harap ni Madeline at binuksan ito. Nasa loob ng velvet jewelry box na ito ang isang makinang na diamond ring. Nagulat si Meredith sa singsing na hawak ni Jeremy. Nagmadali siyang lumapit. "Jeremy, anong… Anong ginagawa mo?" Kinakabahang nagtanong si Meredith, habang pinipilit niyang panatilihin ang ngiti sa kanyang mukha. "Jeremy, sinabi mo na papuntahin ko ang mga magulang ko dito ngayon. Dahil ba gusto mong magpropose sakin? Para sakin din 'tong diamond ring na 'to, tama ba?" Nakatingin si Meredith kay Jeremy. Umaasa siya na magpopropose sa kanya si Jeremy. Subalit, hindi man lang nilingon ni Jeremy si Meredith. Sa halip, nilabas niya ang singsing at inabot ang kaliwang kamay ni Madeline na kasalukuyang hawak ni Felipe. Agad na binawi ni Madeline ang kanyang kamay. "Mr. Whitman, anong ginagawa mo?" Prinotektahan din ni Felipe si Madeline. "Je
Magbasa pa

Kabanata 224

Namula si Meredith at sumandal kay Jeremy. "Huwag kang mag-alala, Mom at Dad. Aalagaan ako ng maayos ni Jeremy, di ba Jeremy?" Tumingin siya kay Jeremy at nagkataon na nakita niyang nakatingin din siya sa kanya. Yun nga lang, nagulat siya dahil napakalamig at masama ang titig sa kanya ni Jeremy. “Je-Jeremy?”"Ang gusto kong sabihin ay ang pagpapawalambisa sa engagement namin." “…”"Ano?" Agad na nanigas sa kinatatayuan niya si Meredith. Nagulat din sila Eloise, Sean, at ang mga magulang ni Jeremy. Mukhang mahinahon si Madeline, ngunit nagulat din siya sa kanyang narinig. Sinabi ba talaga ni Jeremy na gusto na niyang ipawalambisa yung engagement nila ni Meredith? Talagang nakakagulat ito. Gustong-gusto niya ang plastik na si Meredith. Ilang taon niyang kinunsinti ang lahat ng ginawa ni Meredith at binigay ang lahat ng gusto nito. Bakit bigla siyang nagdesisyon ng ganito? "Jeremy, anong sinasabi mo? Paano mo nagawang umatras sa engagement niyo ni Meredith kahit n
Magbasa pa

Kabanata 225

Tumingin sa kanya si Jeremy, ang babaeng sinabihan niya na poprotektahan niya habambuhay, at lumitaw sa kanyang mukha ang isang mapang-insultong ngiti. "Hindi ko talaga nahanap yung driver." "..." Hindi inasahan ng lahat na biglang sasabihin yun ni Jeremy. Tila nagyelo ang hangin sa buong silid at nanlaki ang mga mata ni Meredith. Nakatingin siya sa gwapong mukha ni Jeremy na puno ng sama ng loob at pang-iinsulto. Nabisto niya si Meredith! Dahil sa sobrang takot, inamin niya na nakipagsabwatan siya kay Tanner para i-frame up si Madeline. Tahimik na nakaupo sa isang tabi si Madeline, ngunit hindi humihinahon ang puso niya sa mga sandaling iyon. Nung isang araw, pinakiusapan siya ni Jeremy na magbihis ng gaya ng kay Madeline para paaminin si Tanner, ngunit nabigo sila. Noong una, inakala niya na walang tao o ebidensyang makakapagpatunay na si Meredith ang may pakana ng lahat ng iyon noon. Subalit, hindi niya inasahan na gagamitin ni Jeremy ang taktikang ito para kusang umam
Magbasa pa

Kabanata 226

Nang marinig ito, mukhang naubos ang lakas ni Meredith. Mukhang seryoso siya. "Jeremy, paano mo nagagawa ito?" Kaagad na ipinaglaban ni Eloise si Meredith. "Sinamahan ka ni Meredith sa loob ng maraming taon, at limang taon na ang batang iniluwal niya. Nitong nakaraang limang taon, lagi siyang tinatawag na kabit. Ngayon, dahil sa bwis*t na Madeline na yan, ayaw mo na kay Meredith?" Tanong niya. Biglang pumintig ang sentido ni Jeremy at biglang nagdilim ang titig niya. Ayaw niya talagang naririnig ang mga tao na ginagamit ang 'bwis*t na Madeline' tuwing tinatawag si Madeline. "Tumahimik ka!" Galit na sumagot palablik si Old Master Whitman, "Mrs. Montgomery, kahit na ang babaeng ito ay ang nawawala mong anak, di mo dapat ginagamit ito para bumawi sa anak mo! Pinalaki din si Madeline ng mga magulang niya! Kapag nalaman ng mga magulang niya na nagdusa siya nang ganito, malulungkot din sila at mag-aalala!" Huminga nang malalim si Old Master Whitman nang sabihin niya ito. "Kawawan
Magbasa pa

Kabanata 227

Sa tingin ni Madeline wala siyang pake na magbigay si Jeremy ng rosas sa ibang babae. Di lang talaga siya natuwa. Dumiretso lang ang kotse ni Jeremy. Umonti ang mga kotse sa kalsada. Para hindi sila mahuli nito, pinalayo ni Felipe ang distansya nila. Pagkalipas ng 20 minuto, nakita ni Madeline na huminto ang kotse ni Jeremy. Subalit, naguluhan sila Madeline at Felipe sa lugar kung saan niya ipinarada ang kanyang kotse. "Sa sementeryo?" Talagang pumunta sa sementeryo si Jeremy. Bakit siya pupunta sa lugar na ito nang may dalang isang buoquet ng rosas? Higit pa rito, ang sementeryong ito ang lugar kung saan niya inilibing ang kayang lolo at unang anak. Ito rin ang lugar kung saan nito walang awang pinatay ang kanilang anak sa harapan niya. Nanginig sa galit ang puso ni Madeline ang puso ni Madeline nang maisip ito. Tila ba lumutang sa puso niya ang niyebe na lumulutang sa langit ng araw na yun, sobrang lamig. Hindi niya malilimutan kung gaano siya kadesperado at walang
Magbasa pa

Kabanata 228

Marahang hinaplos ni Jeremy ang mga salita sa puntod bago siya tumayo. Walang laman ang paligid niya, tulad ng puso niyang walang laman sa sandaling ito. Nang magsimulang umambon, nag-aalinlangang umalis si Jeremy. Nang sunduin ni Madeline si Lilian at bumalik sa apartment, nakatanggap siya ng tawag mula kay Jeremy. Sinabi niya na nasa communit gate siya at hinahanap siya para sa importanteng bagay. Ibinaba ni Madeline ang linya at tinignan si Felipe na nakikipaglaro kay Lilian. "Gawin mo na ang gusto mong gawin." Napansin na ni Felipe ang hiya at pagdadalawang-isip sa mga mata ni Madeline. Alam niya na ang gusto niya lang gawin sa ngayon ay maghiganti. Si Jeremy ang isa sa mga balak niyang paghigantihan. Nagpalit ng damit si Madeline at bumaba dala ang kanyang bag. Sa sandaling lumabas siya ng elevator, nakita niya ang kotse ni Jeremy na nakaparada sa labas. Malakas ang ulan sa gabi bago pa dumilim. Nang makitang palapit si Madeline, nilusong ni Jeremy ang ulan a
Magbasa pa

Kabanata 229

Pinipindot ni Meredith ang doorbell. Talagang nagulat dito si Madeline. Tatlong taon na ang nakalipas. Wala ba talagang susi dito si Meredith? Naguluhan siya. Nakita niya si Jeremy na medyo nakasimangot habang malalim ang tingin na parang malalim ang iniisip. "Mr. Whitman, di mo ba bubuksan ang pinto? Nandito si Ms. Crawford. Siya ang nanay ng anak mo kahit anong mangyari." Bahagyang ngumiti si Madeline. Dahan-dahang itinaas ni Jeremy ang madilim niyang mga mata nang marinig niya ang mga sinabi nito. "Aalis lang ako saglit. Hintayin mo ako." "Sige." Ngumiti at tumango si Madeline. Nang tignan ang likod ni Jeremy, iaang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa kanyang kaakit-akit at magandang mata. 'Hmph, mukhang ayaw mo pa ring mahiwalay sa kanya ano?' Malakas ang ulan sa labas. Pagbukas ng pinto, pumasol ang simoy ng hangin. Medyo malamig ito. "Jeremy, sa wakas at gusto mo nang makipagkita sa akin." Nagmamadaling lumapit si Meredith kay Jeremy. Wala siyang hawak na payong
Magbasa pa

Kabanata 230

Ang sama na ng loob ni Meredith nitong mga araw at malapit na siyang sumabog sa sandaling ito. Hindi niya inasahang magpapakita si Vera Quinn sa bahay ni Jeremy! Iyon na. Hindi matanggap ni Meredith ang napakagandang candelight dinner sa harap niya at ang makita si Jeremy na nag-aalalang hinahawakan ang kamay ni Vera habang sinusubukang gamutin ang kanyang sugat. "Maliit na sugat lang ito. Di mo na kailangang mag-alala, Mr. Whitman," Mahinang sinabi ni Madeline at inilayo niya ang kanyang kamay. "Kahit na maliit na sugat lang ito, baka maimpeksyon ito kapag hindi ito nagamot nang maayos. Kukuha ako ng alcohol swab," Marahang sinabi ni Jeremy nang tumayo siya. Nang makita na sinundan siya ni Meredith sa loob, tinignan niya ito bago lumingon para kunin ang medicine box. "Salamat." Nagpasalamat si Madeline bago dahan-dahang bumangon. Tumingin siya sa taas, tila ba ngayon lang niya nakita si Meredith nang may malungkot at basang mukha. "Ms. Crawford, nagkita ulit tayo." Nag-a
Magbasa pa
PREV
1
...
2122232425
...
248
DMCA.com Protection Status