Nang marinig ito, mukhang naubos ang lakas ni Meredith. Mukhang seryoso siya. "Jeremy, paano mo nagagawa ito?" Kaagad na ipinaglaban ni Eloise si Meredith. "Sinamahan ka ni Meredith sa loob ng maraming taon, at limang taon na ang batang iniluwal niya. Nitong nakaraang limang taon, lagi siyang tinatawag na kabit. Ngayon, dahil sa bwis*t na Madeline na yan, ayaw mo na kay Meredith?" Tanong niya. Biglang pumintig ang sentido ni Jeremy at biglang nagdilim ang titig niya. Ayaw niya talagang naririnig ang mga tao na ginagamit ang 'bwis*t na Madeline' tuwing tinatawag si Madeline. "Tumahimik ka!" Galit na sumagot palablik si Old Master Whitman, "Mrs. Montgomery, kahit na ang babaeng ito ay ang nawawala mong anak, di mo dapat ginagamit ito para bumawi sa anak mo! Pinalaki din si Madeline ng mga magulang niya! Kapag nalaman ng mga magulang niya na nagdusa siya nang ganito, malulungkot din sila at mag-aalala!" Huminga nang malalim si Old Master Whitman nang sabihin niya ito. "Kawawan
Sa tingin ni Madeline wala siyang pake na magbigay si Jeremy ng rosas sa ibang babae. Di lang talaga siya natuwa. Dumiretso lang ang kotse ni Jeremy. Umonti ang mga kotse sa kalsada. Para hindi sila mahuli nito, pinalayo ni Felipe ang distansya nila. Pagkalipas ng 20 minuto, nakita ni Madeline na huminto ang kotse ni Jeremy. Subalit, naguluhan sila Madeline at Felipe sa lugar kung saan niya ipinarada ang kanyang kotse. "Sa sementeryo?" Talagang pumunta sa sementeryo si Jeremy. Bakit siya pupunta sa lugar na ito nang may dalang isang buoquet ng rosas? Higit pa rito, ang sementeryong ito ang lugar kung saan niya inilibing ang kayang lolo at unang anak. Ito rin ang lugar kung saan nito walang awang pinatay ang kanilang anak sa harapan niya. Nanginig sa galit ang puso ni Madeline ang puso ni Madeline nang maisip ito. Tila ba lumutang sa puso niya ang niyebe na lumulutang sa langit ng araw na yun, sobrang lamig. Hindi niya malilimutan kung gaano siya kadesperado at walang
Marahang hinaplos ni Jeremy ang mga salita sa puntod bago siya tumayo. Walang laman ang paligid niya, tulad ng puso niyang walang laman sa sandaling ito. Nang magsimulang umambon, nag-aalinlangang umalis si Jeremy. Nang sunduin ni Madeline si Lilian at bumalik sa apartment, nakatanggap siya ng tawag mula kay Jeremy. Sinabi niya na nasa communit gate siya at hinahanap siya para sa importanteng bagay. Ibinaba ni Madeline ang linya at tinignan si Felipe na nakikipaglaro kay Lilian. "Gawin mo na ang gusto mong gawin." Napansin na ni Felipe ang hiya at pagdadalawang-isip sa mga mata ni Madeline. Alam niya na ang gusto niya lang gawin sa ngayon ay maghiganti. Si Jeremy ang isa sa mga balak niyang paghigantihan. Nagpalit ng damit si Madeline at bumaba dala ang kanyang bag. Sa sandaling lumabas siya ng elevator, nakita niya ang kotse ni Jeremy na nakaparada sa labas. Malakas ang ulan sa gabi bago pa dumilim. Nang makitang palapit si Madeline, nilusong ni Jeremy ang ulan a
Pinipindot ni Meredith ang doorbell. Talagang nagulat dito si Madeline. Tatlong taon na ang nakalipas. Wala ba talagang susi dito si Meredith? Naguluhan siya. Nakita niya si Jeremy na medyo nakasimangot habang malalim ang tingin na parang malalim ang iniisip. "Mr. Whitman, di mo ba bubuksan ang pinto? Nandito si Ms. Crawford. Siya ang nanay ng anak mo kahit anong mangyari." Bahagyang ngumiti si Madeline. Dahan-dahang itinaas ni Jeremy ang madilim niyang mga mata nang marinig niya ang mga sinabi nito. "Aalis lang ako saglit. Hintayin mo ako." "Sige." Ngumiti at tumango si Madeline. Nang tignan ang likod ni Jeremy, iaang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa kanyang kaakit-akit at magandang mata. 'Hmph, mukhang ayaw mo pa ring mahiwalay sa kanya ano?' Malakas ang ulan sa labas. Pagbukas ng pinto, pumasol ang simoy ng hangin. Medyo malamig ito. "Jeremy, sa wakas at gusto mo nang makipagkita sa akin." Nagmamadaling lumapit si Meredith kay Jeremy. Wala siyang hawak na payong
Ang sama na ng loob ni Meredith nitong mga araw at malapit na siyang sumabog sa sandaling ito. Hindi niya inasahang magpapakita si Vera Quinn sa bahay ni Jeremy! Iyon na. Hindi matanggap ni Meredith ang napakagandang candelight dinner sa harap niya at ang makita si Jeremy na nag-aalalang hinahawakan ang kamay ni Vera habang sinusubukang gamutin ang kanyang sugat. "Maliit na sugat lang ito. Di mo na kailangang mag-alala, Mr. Whitman," Mahinang sinabi ni Madeline at inilayo niya ang kanyang kamay. "Kahit na maliit na sugat lang ito, baka maimpeksyon ito kapag hindi ito nagamot nang maayos. Kukuha ako ng alcohol swab," Marahang sinabi ni Jeremy nang tumayo siya. Nang makita na sinundan siya ni Meredith sa loob, tinignan niya ito bago lumingon para kunin ang medicine box. "Salamat." Nagpasalamat si Madeline bago dahan-dahang bumangon. Tumingin siya sa taas, tila ba ngayon lang niya nakita si Meredith nang may malungkot at basang mukha. "Ms. Crawford, nagkita ulit tayo." Nag-a
Tinitigan ni Meredith ang seryoso niyang mukha at natulala. "Jeremy, anong sinabi mo?" "Bakit di ka na lang umalis?" Binabaan niya ang tono niya, tila ba may nararamdaman pa rin siya kay Meredith. Nagkaskasan ang ngipin ni Meredith sa sobrang galit. Nang makita niyang nakangiti si Madeline nang protektahan siya ni Jeremy, nanggigil siya. Kung kailan inakala na ni Madeline na sasabog sa galit si Meredith, sa halip parang biglang naging ibang tao si Meredith. Niluwagan niya ang kanyang kamao at nawala ang kanyang galit. Pagkatapos, lumapit siya kay Jeremy at dahan-dahang nagsalita… "Jeremy." Namumula ang mga mata ni Meredith nang malungkot siyang tumingin sa lalaki sa harap niya na malamig ang mukha. "Alam kong may nagawa akong mali at nadismaya kita, pero di ko nilabag ang konsensya ko. Lahat ng ginawa ko ay para sa inyo niyang Jack. Hindi ako nanakit ng inosenteng tao." Habang nagsasalita siya, lumuha din siya. Napakagaling ng kaaawa-awa niyang pagtatanghal. "Jeremy, alam
Nakipagtinginan si Jeremy sa magagandang mata ni Madeline nang may kasiguraduhan. Pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang wine glass. "Ito ay bilang paumanhin sa sumampal sayo kanina," Sinabi ni Jeremy bago ubusin ang red wine sa baso. Pagkatapos ay nagsalin siya ng isa pang baso. "Ito ay pagdiriwang ng pakikipagkaibigan ko sa isang napakagaling na babaeng tulad ni Ms. Vera." Nagsalita siya habang umiinom siya ng maraming baso sunud-sunod. Dumilim nang dumilim ang gabi. Humina na ang ulan habang naubos na ni Jeremy ang isang bote ng red wine. Ang maayos niyang mukha ay namumula na, at ang mahaba, at makitid niyang kaakit-akit na mga mata ay tulala mula sa epekto ng alak. "Ang susunod na Mrs. Whitman, hayaan mong ihatid kita pauwi." Tumayo si Jeremy pero halatang lasing na siya. "Mr. Whitman, magpahinga ka na. Magpapasundo ako kay Felipe." "Siya?" Tumawa si Jeremy nang may mababang boses. Ang mababa at kaakit-akit niyang boses ay puno ng alindog. Ngumiti siya at tumingin
Maraming nakalimutan si Madeline sa kanyang dating buhay. Nakalimutan niya ang pinakamagagandang sandali ng buhay niya at ang magandang pakiramdam na naramdaman niya noong mahal na mahal pa niya si Jeremy, ngunit hinding-hindi niya malilimutan ang bagay ka ito na nasa harapan niya sa buong buhay niya. Habang tulala, dahan-dahan niyang inabot ang kanyang kamay para damputin ang bagay na nalaglag sa sahig bago ito ilagay sa kanyang palad. Pagtingin niya dito, tila ba naririnig niya bigla ang tunog ng alon at ang amoy at maalat na lasa ng simoy ng dagat. Maging ang pangako ng isang batang lalaki ay narinig niya sa kanyang taenga, "Linnie, paglaki ko, pakakasalan kita…" Subalit ang pangakong ito ay tinangay ng alon at lumubog sa ilalim ng dagat sa huli. Hindi na babalik sa dati ang lahat sa buhay na ito… "Linnie…" Tumigil si Madeline sa pag-alala ng nakaraan at tumingin kay Jeremy na bumubulong pa rin. Tinatawag niya pa rin si Linnie. Subalit ang Linnie na tinatawag niya ay h