All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 211 - Chapter 220

2479 Chapters

Kabanata 211

Tapat na tumango si Meredith. "Jeremy, kahit ano pa ang itanong mo, sasagot ako ng tapat." "Sige." Nakatuon kay Meredith ang malalim at itim na mga mata ni Jeremy. "Nakita mo ba talaga na magkasama ang g*gong Tanner na 'yon at si Madeline?" "Oo! Nakita ko 'yun ng dalawang mata ko!" Hindi nag-isip si Meredith at sumagot. Unti-unting lumalim ang itim na mga mata ni Jeremy at mayroong matinding lamig sa walang hangganang mga matang iyon. Nang maramdaman ni Meredith na biglang bumigat ang hangin sa kanyang paligid ay nataranta siya, pero nagpumilit pa rin siya. "Jeremy, totoo ang mga sinabi ko! Jeremy, paniwalaan mo ko…" "Paniwalaan kita…" Inulit ni Jeremy ang dalawang salitang iyon habang napuno ng panghuhusga ang kanyang mga mata. "Ganyan din ang pagkakasabi niya sa'kin noon, gusto niya akong maniwala sa kanya." "Ano?" Tinignan ni Meredith ang hindi nangiti na si Jeremy. "Jeremy…" Bahagya niyang binuksan ang kanyang mga labi. "Binigyan na kita ng pagkakataon." Pagkatapo
Read more

Kabanata 212

"Jeremy! Jeremy, paniwalaan mo ko! Di mo ko pwedeng iwan nang dahil lang sa sinabi ng baliw na Tanner na 'yun! Nakalimutan mo na ba yung mga araw na nandun tayo sa beach? Sabi mo ako ang pinakainosente at pinakamabait na babaeng nakilala mo! Sabi mo mananatili ka sa tabi ko at papakasalan mo ko, na palagi mo kong poprotektahan at pagkakatiwalaan habangbuhay. Jeremy, Jeremy, Jeremy!" Hindi naisip ni Meredith na hindi siya papansinin ni Jeremy hanggang sa puntong ito. Habang pinapanood na humaharurot ang sports car, pumadyak si Meredith sa galit. "P*ta ka, Madeline! Bakit di ka na lang mamatay nang payapa?!" Galit siyang tumalikod at pumasok sa villa. Nang makita niya si Jackson na dala ang kanyang school bag at palabas na, humakbang si Meredith habang inutusan ang kasambahay na bumili ng gulay. Silang dalawa lang ni Jackson ang natira sa bahay. Tinignan ni Jackson si Meredith, ang kanyang magaganda at itim na mga mata ay napuno ng pandidiri. Hawak ng kanyang maliliit na kamay
Read more

Kabanata 213

Tinignan ni Madeline ang mga mata na parang kasing lalim ng dagat sa kanyang harapan. "Anong problema?" "Sana tulungan mo kong malaman ang totoo," mahinang sabi ni Jeremy, ang kanyang malalalim na mata ay umaasa at nanunuyo. Pagkatapos makinig nang tahimik ni Madeline sa kung anong gustong ihingi ng tulong ni Jeremy ay nabigla siya. Nag-isip muna siya sandali bago tumango. "Sige, tutulungan kita.""Salamat." Pinasalamatan siya ni Jeremy. Sa sandaling ito, nakita ni Madeline ang isang maliit na ngiti mula sa mga mata ni Jeremy, pero nawala rin ito kaagad. Hindi inakala ni Madeline na babalik siya sa kanyang sarili. Dinala siya ni Jeremy sa isang beauty salon. Nakita ni Madeline na may pinakitang larawan si Jeremy sa stylist, at tumango ang stylist para ipakita ang kanyang pagkaintindi. Hindi alam ni Madeline kung anong larawan ang pinakita ni Jeremy sa stylist, pero nakita niya ang sarili niya sa salamin pagkatapos ng isang oras. Bumagay ang kanyang mahaba, maitim, at mad
Read more

Kabanata 214

Hindi pa rin siya ito. "Mabuti." Ngumiti si Madeline. "Narinig ko na ayaw na ayaw ni Mr. Whitman kay Madeline. Tatlong taon na siyang patay. Bakit tinabi mo pa rin ang damit niya sa kwarto mo?" Tinitigan ni Jeremy ang mukha ni Madeline nang marinig niya ang mga salitang iyon. "Paano mo nalaman na damit 'to ng ex-wife ko?" Kalmadong ngumiti si Madeline. "Napakasimpleng hula lang nito, hindi ba?" Nang marinig niya ang kanyang tanong ay ngumiti si Jeremy. "Tama ka." Kasabay nito, tinawagan ni Meredith si Tanner na kakalabas pa lang ng ospital. Walang nakuhang kahit na ano si Tanner kagabi pagkatapos niyang matakot sa biglaang paglitaw ng isang 'multo'. Binugbog rin siya nang matindi ni Jeremy hanggang sa matanggalan siya ng ngipin. Nawalan lang siya ng doble. Lumabas siya kaagad ng ospital sa oras na narinig niya na aabot ng libo-libong dolyar ang pagpapaayos ng kanyang ngipin. Saan siya kukuha ng ganoon karaming pera? Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Meredith, paki
Read more

Kabanata 215

Nang makita niyang sumugod si Tanner, naisip ni Madeline ang lahat ng masasamang bagay na ginawa nito sa kanya. Pagkatapos ng isang sandali, nang kikilos na siya, isang bugso ng hangin ang biglang dumaan sa kanyang likuran. Mahigpit na hinawakan ng maiinit na palad ni Jeremy ang kanyang balikat at hinila siya sa gilid. Kaagad na napalibutan si Madeline ng isang pamilyar pero hindi rin pamilyar na mainit na hininga. Bago niya ito makita nang malinaw, nakita niya si Tanner na hinawi ang hangin bago tumama sa puno. Kasunod nito ay pinilipit siya ng kanang kamay ni Jeremy. Biglang sumigaw si Tanner, "Aray, aray!" Pero hindi siya tinigilan ni Jeremy. Tinaas niya ang kanyang paa sa tuhod ni Tanner sabay sinipa siya. Napaluhod si Tanner bago siya sinipang muli. Akala ni Madeline ay magpapatuloy si Jeremy na turuan ng leksyon si Tanner, pero bigla siya nitong niyakap nang mahigpit at puno ng pag-aalala. "Wag kang matakot, andito ako. Hindi ko na hahayaang may manakit pa sa'yo." S
Read more

Kabanata 216

Malamang si Meredith yung taong naghahanap kay Tanner. Alam na alam yun ni Madeline, pero tingin niya hindi ito alam ni Jeremy. Lagi siyang naniniwala kay Meredith. Dahil din sa pangungunsinti ni Jeremy kay Meredith nang paulit-ulit kaya nasaktan siya nang husto noon. Subalit, kung gusto niya talagang pagtakpan si Meredith, bakit siya nag-abalang pakiusapan si Madeline na magpanggap bilang kung sino siya noon para lang kumuha ng impormasyon mula kay Tanner? Inakala ni Madeline na aalis agad si Jeremy, ngunit hindi niya inasahan na susundan siya ni Jeremy hanggang sa pinto ng kanyang apartment. "Pwede ba 'kong pumasok?" Nagtanong si Jeremy na para bang nakikiusap siya. Gabing-gabi na. Ayaw sanang pumayag ni Madeline, kaso napatingin siya sa nahdurugong kamay ni Jeremy at nagdesisyon siya na buksan ang pinto para papasukin si Jeremy. "Pasok ka." Hindi siya nakakaramdam ng awa para kay Jeremy. Gusto lang niyang makakuha ng impormasyon mula sa kanya. Nilabas ni Madeline a
Read more

Kabanata 217

Nang marinig niya ang boses ni Madeline, agad na naalis ang pagkakayakap ni Jeremy kay Madeline. Napuno ng kalungkutan ang kanyang puso. Tila kababalik lang niya mula sa isang mahabang panaginip. Nang makita niya ang reaksyon ni Madeline, napagtanto ni Jeremy na nawala siya sa kanyang sarili. Naipakita niya kay Madeline ang kalungkutan at paghihinagpis niya na walang sinuman ang nakakaalam. Bukod dito, hinahanap niya ang yakap ni Madeline, at hiling niya na kaawaan siya nito at yakapin siya ng mahigpit… Hindi pa ito nangyari noon. Subalit alam niya na nagkakaganito lamang siya dahil sa mukha ni Vera. Ang mukha ni Vera na katulad na katulad ng kay Madeline. "Di ba sabi mo bukas ka pa dadating? Bakit biglaan ata pagbalik mo?" Natauhan si Jeremy nang marinig niya ang masayang boses ni Madeline. Doon lamang niya napagtanto at naalala ang sinabi ni Madeline. 'Nandito na ang fiance ko.' Fiancé?"May bisita ba tayo?" Maririnig ang boses ng isang lalaki. Sumimangot si Jere
Read more

Kabanata 218

Umiling si Madeline. "Hindi ganun kaganda ang ginawa ko. Kung nagawa ko ng maayos ang lahat, hindi sana siya maghihinala na ako ang namatay niyang ex-wife." May dalang pait ang dalawang huling salita na sinabi ni Madeline, pero agad niyang nginitian si Felipe. "Huwag mo 'kong alalahanin. Hindi na ako yung mahina at uto-utong Madeline Crawford. Hindi ko sisirain ang panibagong buhay na binigay mo sakin." Ngumiti si Felipe. May nakatagong misteryo sa makislap at malalim niyang mga mata.Tinulungan siya ni Madeline na tanggalin ang kanyang coat na nabasa ng ulan at inihanda ang pampaligo niya. Naligo siya at nagsuot ng puting bathrobe, pinusan niya ang basa niyang buhok gamit ng isang tuwalya. Pumasok siya sa silid ni Madeline. Nang makita niya na tulog na si Lily, yumuko si Felipe at hinalikan si Lily sa pisngi. "Nalinis ko na yung kwarto, Felipe." Lumingon si Felipe at naglakad palapit sa kanya. "Dalawang araw na lang babalik na ako sa Whitman Manor. Sumama ka sakin." "
Read more

Kabanata 219

Sa karamihan ng tao, bigla niyang narinig ang isang napaka pamilyar na boses. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. Ngunit, walang anumang reaksyon ang kanyang mukha. Naglakad siya palapit kay Jeremy na walang kahit anong reaksyon. "Mr. Whitman, sinadya mo ba 'kong dalhin dito para lang mag-agahan?" Ngumiti siya, nasinagan ng araw ang kanyang magandang mukha. Tila tumingin si Jeremy sa ibang direksyon at tumango. "Hindi ba pwedeng yayain na kumain ang future aunt-in-law ko sa isang pampublikong lugar? O nag-aalala ka na baka magselos si Uncle Felipe?" "Bakit naman magseselos si Felipe ng dahil lang dito?* Mahinahong ngumiti si Madeline, ngunit mabilis pa rin ang pagtibok ng kanyang puso. Naririnig pa rin niya ang pamilyar na boses na paulit-ulit na tumatawag ng 'Maddie'. Palapit nang palapit ang boses na iyon kasabay ng tunog ng mabibilis na mga yabag. Subalit, mahinahon lamang niyang sinundan si Jeremy papunta sa breakfast shop. “Maddie!”Sa wakas, habang pap
Read more

Kabanata 220

Ngumisi si Jeremy, nakatitig siya sa likod ni Madeline. "Tingin mo talaga siya si Madeline?" "Kalokohan! Syempre, siya si Maddie!" Siniguro yun ni Ava sa kanya. "Jeremy, sinasabi ko sayo, huwag na huwag mo nang sasaktan si Maddie. Kapag sinaktan mo ulit si Maddie, makikipagpatayan talaga sa pagkakataong 'to!" Noong marinig niya ang babala ni Ava, biglang napangiti si Jeremy at natawa sa kanyang sarili. Isang kaibigan na makikipagpatayan para kay Madeline. Paano naman yung asawa niya? Hindi nagsalita pa si Jeremy. Sumakay siya sa kotse at pinaandar ang makina. Nakaupo sa loob ng kotse si Madeline. Nasilip niya ang malungkot na itsura ni Ava. Unti-unting lumiit ang repleksyon niya sa rear-view mirror, at lalong kumirot ang kanyang puso. 'Sorry, Ava.' 'Hindi pa ngayon ang panahon para magkita tayo.' 'Hihingi ako ng tawad sayo pagkatapos kong makapaghiganti.' Hindi na ito inisip pa ni Madeline. Noong mapadaan sa isang intersection ang kotse, nagsalita siya. "Ihinto mo a
Read more
PREV
1
...
2021222324
...
248
DMCA.com Protection Status