Share

Kabanata 218

Umiling si Madeline. "Hindi ganun kaganda ang ginawa ko. Kung nagawa ko ng maayos ang lahat, hindi sana siya maghihinala na ako ang namatay niyang ex-wife."

May dalang pait ang dalawang huling salita na sinabi ni Madeline, pero agad niyang nginitian si Felipe.

"Huwag mo 'kong alalahanin. Hindi na ako yung mahina at uto-utong Madeline Crawford. Hindi ko sisirain ang panibagong buhay na binigay mo sakin."

Ngumiti si Felipe. May nakatagong misteryo sa makislap at malalim niyang mga mata.

Tinulungan siya ni Madeline na tanggalin ang kanyang coat na nabasa ng ulan at inihanda ang pampaligo niya.

Naligo siya at nagsuot ng puting bathrobe, pinusan niya ang basa niyang buhok gamit ng isang tuwalya.

Pumasok siya sa silid ni Madeline. Nang makita niya na tulog na si Lily, yumuko si Felipe at hinalikan si Lily sa pisngi.

"Nalinis ko na yung kwarto, Felipe."

Lumingon si Felipe at naglakad palapit sa kanya. "Dalawang araw na lang babalik na ako sa Whitman Manor. Sumama ka sakin."

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status