Share

Kabanata 220

Ngumisi si Jeremy, nakatitig siya sa likod ni Madeline. "Tingin mo talaga siya si Madeline?"

"Kalokohan! Syempre, siya si Maddie!" Siniguro yun ni Ava sa kanya. "Jeremy, sinasabi ko sayo, huwag na huwag mo nang sasaktan si Maddie. Kapag sinaktan mo ulit si Maddie, makikipagpatayan talaga sa pagkakataong 'to!"

Noong marinig niya ang babala ni Ava, biglang napangiti si Jeremy at natawa sa kanyang sarili.

Isang kaibigan na makikipagpatayan para kay Madeline.

Paano naman yung asawa niya?

Hindi nagsalita pa si Jeremy. Sumakay siya sa kotse at pinaandar ang makina.

Nakaupo sa loob ng kotse si Madeline. Nasilip niya ang malungkot na itsura ni Ava. Unti-unting lumiit ang repleksyon niya sa rear-view mirror, at lalong kumirot ang kanyang puso.

'Sorry, Ava.'

'Hindi pa ngayon ang panahon para magkita tayo.'

'Hihingi ako ng tawad sayo pagkatapos kong makapaghiganti.'

Hindi na ito inisip pa ni Madeline. Noong mapadaan sa isang intersection ang kotse, nagsalita siya. "Ihinto mo a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status