Share

Kabanata 216

Malamang si Meredith yung taong naghahanap kay Tanner.

Alam na alam yun ni Madeline, pero tingin niya hindi ito alam ni Jeremy.

Lagi siyang naniniwala kay Meredith.

Dahil din sa pangungunsinti ni Jeremy kay Meredith nang paulit-ulit kaya nasaktan siya nang husto noon.

Subalit, kung gusto niya talagang pagtakpan si Meredith, bakit siya nag-abalang pakiusapan si Madeline na magpanggap bilang kung sino siya noon para lang kumuha ng impormasyon mula kay Tanner?

Inakala ni Madeline na aalis agad si Jeremy, ngunit hindi niya inasahan na susundan siya ni Jeremy hanggang sa pinto ng kanyang apartment.

"Pwede ba 'kong pumasok?" Nagtanong si Jeremy na para bang nakikiusap siya.

Gabing-gabi na. Ayaw sanang pumayag ni Madeline, kaso napatingin siya sa nahdurugong kamay ni Jeremy at nagdesisyon siya na buksan ang pinto para papasukin si Jeremy. "Pasok ka."

Hindi siya nakakaramdam ng awa para kay Jeremy. Gusto lang niyang makakuha ng impormasyon mula sa kanya.

Nilabas ni Madeline a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status